You are on page 1of 19

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2 (Week 3-4)

Pagkamamamayan: Konsepto at
Katuturan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2 (Week 3-4): Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyong ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Honey Catamora Ramil Lauglaug
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas Maria Charity H. Pino
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent : Cartesa M. Perico, EdD
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, EdD.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 410-4525
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
(Week 3-4)

Pagkamamamayan: Konsepto at
Katuturan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa aralin tungkol sa Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa aralin tungkol sa Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin


ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
Subukin mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay


Balikan
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan


tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
Tuklasin
sitwasyon.

i
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Suriin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


Isaisip o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Karagdagang
pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.


Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul


na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sapamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugangpagkatuto at
makakakuha ka ng malalimna pang-unawasakaugnaynamgakompetensi. Kaya mo ito!

ii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!
Noong nasa Ikasiyam na Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa iba’t ibang
tungkulin ng mamamayan sa lipunan. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman
ukol sa Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang konsepto at
katuturan ng isang pagkamamamayan. Mahalagang malaman mo ang konsepto at
katuturan ng pagkamamamayan upang magampanan mo ng lubusan ang iyong tungkulin
bilang isang mamamayang Pilipino.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan


Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan (MELC);
2. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan;
3. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga katangian ng aktibong mamamayan at;
4. Napahahalagahan ang papel ng ng isang aktibong mamamayan tungo sa pagbabagong
panlipunan pamamagitan ng isang poster.

Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang hinihingi
ng tanong. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sa palagay mo ay katangian ng isang mabuting


mamayan?
A. Sinusunod lahat maliban sa pagsusuot ng facemask
B. Sinusunod lahat sa loob at labas ng bahay
C. Nag-volunteer sa barangay
D. Walang pakialam sa mga gawain

2. Paano mo maipapakita ang pagiging aktibong mamamayan ng ating bansa?


A. Sumunod sa payo ng mga eksperto
B. Makilahok sa iba’t ibang organisasyon
C. Pumunta sa ibang bansa
D. Tangkilikin ang mga lokal na produkto

3. Bakit kailangan natin malaman ang ating karapatan bilang isang mamamayan?

1
A. Upang protektado
B. Upang maging mabuting ihimplo
C. Upang malaman ang tungkulin
D. Upang matamasa ang pribelihiyo

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa paggalang ng Karapatang


pantao?
A. Iginagalang ang kalayaan ng ibang Pilipino
B. Sumusoporta sa mga oraganisasyon
C. Tinutulungan ang pang-aapi
D. Nagpapayo sa mga kabataan

5. Si Naruki ay isang Hapon na ipinanganak sa Pilipinas. Ang kanyang ama at ina ay


kapuwa mga Hapon at duon nanirahan bago pa siya isinilang. Sa Pilipinas na siya lumaki
at namulat hanggang nakapag-asawa siya ng isang Pilipino, sa kalaunan ay humarap
siya sa hukuman para sa kaniyang naturalisasyon. Sa iyong palagay, si Naruki ba ay
maaaring maging isang mamayang Pilipino?
A. Minsan
B. Oo
C. Hindi
D. Hindi sigurado

6. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa


pag-unawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng isang mamamayan.
A. Pagkukusa
B. Pagpapaubaya
C. Kawalan ng pagkilos
D. Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa

7. Sa paanong maituturing ang pagkawala ng pagkamamamayan ng isang Pilipino?


A. Nagtrabaho sa ibang bansa
B. Ang hindi paglilingkod sa hukbong sandatahan
C. Pagtalikod
D. Pagtangkilik ng mga produktong dayuhan

8. Bakit kinakailangan nating bumoto?


A. Upang makapagpili ng mabuting leader
B. Upang ipakita ang pagsuporta
C. Upang hindi mawala ang pagka-Pilipino
D. Upang tayo ay maging Pilipino

9. Si John Paul ay itinuturing na mabuting mamamayan sa kanilang bayan, siya ay


nagtataguyod sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan, bilang leader ng programang
“CLEAN and GREEN” sa kanilang komunidad, ginagawa niya ang lahat ng kanyang
mga tungkulin, bagama’t sa kabila ng kaniyang pag-iingat, natuklasan niyang may
ginagawang kamalian ang kaniyang mga kasamahan, lahat ng mga nakokolektang mga
basura sa kanilang komunidad ay itinatapon sa mga ilog at dagat sa karatig bayan,
dahilan sa wala ng mapaglagyan ng mga basura. Ano ang nararapat na gawin ni John
Paul?
A. Disiplinahin
B. Hayaan na lang ang mga basura sa karatig bayan
C. Humingi ng paumanhin sa mga taong ninirahan sa karatig bayan
D. Pagalitan ang nasasakupan

2
10. Si Vangie ay ipinanganak at naninirahan ngayon sa Pilipinas simula ng Lockdown, siya
ay may dugong banyaga, ang kanyang ina ay Pilipino at ang kanyang ama naman ay
isang Amerikano. Maituturing ba na isang mamamayang Pilipino si Vangie?
A. Hindi
B. Oo
C. Pwedi
D. Hindi sigurado

Aralin Pagkamamamayan: Konsepto


2 at Katuturan
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!
Noong nasa Ikasiyam na baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa iba’t-ibang
tungkulin ng mamamayan sa lipunan. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman
ukol sa Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan moa ng konsepto at
katuturan ng isang pagkamamamayan. Mahalagang malaman mo ang konsepto at
katuturan ng pagkamamamayan upang magampanan mo ng lubusan ang iyong tungkulin
bilang mamamayang Pilipino.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pag-isipan kung ano ang tamang
sagot. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang hiwalay na papel
1. Ayon sa ulat ng DSWD, mas tumataas ang bilang ng naaabusong kabataan ngayon
kumpara sa mga nakaraang taon, ilan dito ay nararanasan mismo ang karahasan sa loob
ng bahay. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang masugpo ang
ganitong pang-aabuso?
A. Itago sa sarili ang karanasan dahil mas lalo pang magagalit si nanay at tatay
B. Magsumbong sa mga kaklase at ihabilin na wag sasabihin kahit kanino ang
naranasan na pang-aabuso
C. Pumunta sa awtoridad o kinauukulan at ihayag ang mga naranasang pang-aabuso
D. Wag magsasalita kahit kanino upang walang madadamay na ibang tao

2. Si Cathy ay nabiktima ng pang-aabuso na tinatawag na Online Sexual Eploitation of


Children. Ano ang HINDI maaaring maikaso ni Cathy sa mga mapang-abusong
dayuhan?
A. RA 10627-Cyber Crime Prevention Act
B. RA 9262-Anti Violence against Women and their Children
C. RA 7610- Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, &
Discrimination
D. RA 9194- Anti-Money Laundering Act of 2001

3
3. Ang Women and Children Protection Center ay isa sa mga ahensiya na nagbibigay ng
kaukulang aksiyon sa mga babae at mga anak na naaabuso at nakararanas ng pang-
aabuso. Alin sa mga sumusunod ang hindi saklaw ng ahesiya?
A. Mga batang nakararanas ng pambubugbog
B. Mga babaeng iniwan ng mga asawa dahil sa pangangaliwa
C. Mga babaeng may problema sa pag-iisip
D. Mga batang nakaranas ng sexual harassment

4. Ang itinatakda ng lipunan na gampanin, gawain at kilos para sa kababaihan at kalalakihan


ay tinatwag na______.
A. Gender C. Sex
B. Bisexual D. Transgender

5. Si Miko ay ipinanganak na lalaki, itinuturing din siya ng kaniyang pamilya bilang isang
lalaki at ginagampanan din niya ang kaniyang mga tugkulin bilang isang lalaki, bagama’t
sa loob niya siya ay may pusong babae. Ano ang tawag sa pagkakakilanlan ng sa
kasarian ni Miko?
A. Bisexual C. Transwoman
B. Gay D. Lesbian

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: IKAW NALANG ANG KULANG
Panuto: Gawin ang Crossword Puzzle sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita mula sa
mga pahayag na makikita sa ibaba nito.

PAHABA:
1. Sumisimbolo sa pagiging matapat at matapang sa paninilbihan sa bayan.
2. Ang tawag sa lahi ng mga tao na naninirahan sa bansang Pilipinas.
3. Ito ay ipinapatupad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.
4. Ang lugar o teritoryo na pinaninirahan ng mga tao.
5. Isang katangian ng tao sa paggawa ng kagandahan.
6. Ang kakayahan ng isang tao na magdesisyon ng malaya sa kanyang sarili.

4
PAHALANG:
7. Katangian ng isang tao o mamamayan sa pakikilahok sa anumang mga gawaing
panlipunan.
8. Karapatan ng mamamayan sa pagpili na ihalal ang kanyang gustong maging lider.
9. Ito ay katayuan ng isang tao bilang myembro ng estado.
10. Tawag sa Lupang Sinilangan.
11. Taong nakakasalamuha natin sa isang pook o lugar.
12. Ito ay ang proseso ng pagpili ng sariling produkto.

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: MAGKAPARE-WHO?


Panuto: Unawaing mabuti ang mga larawan na nasa Hanay A at iangkop ang mga kaugnay
na islogan na nasa Hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot sa nakalaang blangko.
Hanay A Hanay B

1. A. Pag-ingatan ang
kalusugan, sumunod sa
Sagot: _____ batas para ang covid ay
iiwas!

B. Iboboto ko ang Tamang


Tao!

2. Sagot: _____
C. Pangalagaan ang
Kalikasan, dahil ito ang
ating pinagkukunanag
Yaman!

3. Sagot: _____ D. Tangkilikin ang Sariling


Atin!

E. Magbayad ng Tama, para


ang balik ay malaking
4.
Biyaya!
Sagot: _____

5.

Sagot: _____

5
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: KAYA KO TO!
Panuto: Basahin ang maikling kwento, at isulat sa Data Retrieval Chart ang mga pahayag
na nagpapakita ng mabuting pagkamamamayan at ang pagkawala ng pagkamamamayan.

ANG AKING PAGKAMAMAMAYAN


Honeybell C. Catamora

Si Jose ay isang sundalong Pilipino, ang ama at ina niya ay kapwa din Pilipino,
minulat siya ng kaniyang magulang na gampanan ang tungkulin niya upang maipagtanggol
ang nakararami. Siya ay kilala bilang maprinsipiyong tao at iginagalang ang batas ng
Pilipinas. Maging ang pagsunod sa batas trapiko at paghihikayat sa kabataan na ipaglaban
ang bawat karaptapan. Nagbabayad din siya ng tamang buwis at maging ang pagtangkilik
sa produkto na gawang Pilipino at iwaksi ang mga Smuggle na produkto sa Pilipinas. Dahil
sa kaniyang katapatan pinarangalan siya bilang isang “Outstanding Leader” sa kanilang
hukbo, at naging isang tanyag na sundalo sa kanilang nasasakupan, siya rin ay tumutulong
sa mga maralitang hindi nabibigyan ng agarang serbisyo. Sa kabila ng tungkulin at matapat
na paninilbihan, dumating ang isang balita na siya ay may bagong misyon sa lugar na mas
higit siyang kailangan. Inilipat si Jose sa lugar kung saan ay lumusob ang mga armadong
NPA at iba pang mga organisasyon na nais buwagin ang pamahalaan. Iginiit niya na
magiging kalmado ang lahat sa kaniyang pagdating, nguni’t sa ilang araw pa lamang niya
doon ay halos hindi niya na kayanin ang hirap sa pakikipagbakbakan. Halos mabuwag na
ang kanilang tinutuluyan, marami na rin ang nasusugatan at nawalang buhay sa kaniyang
mga kasamahan.
Sa kalagitnaan ng digmaan, siya ay napatigil at naisip ang mga paalala ng kaniyang
mga magulang na “Wag susuko” bagama’t batid niya ang hirap na kaniyang pinagdadaanan.
Nagdadlawang siya kung siya ba ay lilisan at talikuran nalang ang lahat. Nguni’t sa kaniyang
isipan ay mas matimbang ang pagpasya niyang umalis sa serbisyo at talikuran ang tungkulin
dahil para sa kanya mahalaga ang buhay, kaya dali dali siyang umalis at nagtago sa bahay
kaniyang kaibigan, doon nakapag-isip siyang lumisan sa kanilang lugar at mangibang
bansa, magbagong buhay, at doon na manirahan upang malayo sa kaguluhan. Nangako
siyang hindi na muling babalik sa bansa at kakalimutan ang kaniyang unang kinabibilangan.
Sa kalaunan ay nakapangawasa siya at doon ay muli siyang nanumpa ng kaniyang
katapatan bilang myembro ang estado.

DATA RETRIEVAL CHART


PAGKAMAMAMAYAN
PAGIGING PAGKAWALA NG
PAGKAMAMAMAYAN PAGKAMAMAMAYAN
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

6
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Batay iyong mga sagot, paano maging isang mamamayang Pilipino?
2. Bakit nawawala ang pagkamamamayang Pilipino? Maaari ba itong maibalik?
3. Bakit mahalagang panatilihin ang tungkulin ng pagkamamamayang Pilipino?
4. Ano ang mangyayari kapag ang dating mamamayang Pilipino ay nawala na ang
naturalisasyon ng pagkamamamayan?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PAG-ISIPAN MO!
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon, pag-isipan kung sila ba ay
Pilipino o hindi. Isulat sa kolum ng paliwanag ang bahagi ng binasang sitwasyon o pahayag
na ginawang mong basihan sa iyong sagot. Sagutin din ang gabay na mga tanong.

SITWASYON Pilipino o PALIWANAG


Hindi Pilipino
1. Si Angel ay ipinanganak sa Pilipinas sa mga
Amerikanong magulang.

2. Si Juan ay ipinanganak sa Japan ng mag-asawang


Pilipino.

3. Si Andrew ay ipinanganak na Amerikano ngunit


pinayagang maglaro sa Olympics gamit ang
bandila ang Pilipinas.

4. Si Bruno ay anak ng isang Pilipinong in ana


nanumpa sa watawat ng Estados Unidos.
5. Ipinagmalaki ni Jean na siya ay isang Pilipino dahil
marunong siyang magsalita ng Filipino.

6. Si Hero ay ipinanganak na Koreano ngunit


nanumpa sa watawat ng Pilipinas.
7. Si Alan ay isang katutubo ngunit wala siyang
rehistro sa PSA/NSO.
8. Si Marie ay natagpuan lamang sa kilid nga kalsada
noong bata pa siya ng di alam ang kanyang mga
magulang.
9. Si Blanch ay isang Nigerian na maglalaro sa UAAP.

10. Si Jason ay isang import player ng isang kuponan


ng PBA.

7
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang napapansin mo sa mga tao sa mga sitwasyon?
2. Madali bang matukoy kung sino ang Pilipino o hindi?
3. Gaano ba kahalaga ang pagiging Pilipino?

Isaisip
PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT KATUTURAN
PAGKAMAMAMAYAN

LIGAL NA PANANAW LUMAWAK NA PANANANAW


(Konsepto) (Katuturan)
Ang pagiging mamamayan ay pagiging kasapi Ang isang mamamayan ay inaasahang
ng isang tao sa isang bansa kung saan siya ay makabayan, may pagmamahal sa kapwa,
ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. may respeto sa karapatang pantao, may
pagpuri sa mga bayani, gagampananang
Mga batayang ligal sa Pilipinas sa pagiging mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan mamamayan, may disiplina sa sarili, at may
kritikal at malikhaing pag-iisip.
-Saligang Batas ng 1987
SEK1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Mga halimbawang Gawain ng isang
Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng Pilipinas aktibong mamamayan
sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas 1. Makabayan
na ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay 2. Makatao
mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga 3. Produktibo
isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na 4. Matatag
ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng 5. Matulungin sa Kapwa
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa 6. Makasandaigdigan
karampatang gulang; at (4) yaong mga naging 7. Makadiyos
mamamayan ayon sa batas. 8. Makakalikasan
SEK. 2. Ang katutubong inianak na
mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang
Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay
maaaring mawala o muling matamo sa paraang
itinatadhana ng batas.

8
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang
pagkamamamayan ng mamamayan ng
Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng
batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng
mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang
batas.

TANDAAN:
1. Ang aktibong mamamayan ay isang mahalagang elemento sa pag-unlad ng isang bayan
o komunidad o bansa. Ang mga aktibong mamamayan ang nagsisilbing “kapangyarihan”
ng pamahalaan sa ano mang aspekto ng buhay sa bansa.
2. Ang pagiging aktibong mamamayan ay nakatutulong na mapabuti ang sarili at bayan na
magbubunga ng kaunlaran sa bayan.
3. Ang pagiging aktibong mamamayan ay nagpapakalap ng pagmamahal sa kapwa na
nagiging instrument sa kapayapaang pandaigdig.
4. Ang pagiging aktibong mamamayan naglalayong mapangalagaan ang ating kapaligiran at
ang mga may buhay na nakatira dito.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. May mga bahagi ba ng buod ng paksa ang hindi mo nakuha sa mga nagdaang gawain
sa pagkatuto?

2. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan mong malaman at maintindihan ang tungkol sa
paksa ng modyul na ito?

3. Ano ang konklusyon na mabubuo mo tungkol sa aralin?

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: MAGDESISYON KA!
Panuto: Magbigay ng limang pananawng ligal at limang lumawak na pananaw ng isang
aktibong mamamayan at sagutin ang mga gabay na katanungan.
AKTIBONG MAMAMAYAN

LIGAL NA PANANAW LUMAWAK NA PANANAW

1.

2.

9
3.

4.

5.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Madali bang tukuyin ang katangian ng isang aktibong mamamayan?
2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang ligal na pananaw ng isang aktibong
mamamayan? Ipaliwang.
3. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang lumawak na pananaw ng isang aktibong
mamamayan? Ipaliwanag.
4. Gaano ba kahalaga ang isang aktibong mamamayan sa kanyang bansa? Ipaliwanag.
5. Ano kaya ang mangyayari sa isang bansa kung ang lahat ng kanyang mamamayan ay
aktibong mamamayan? Ipaliwanag.

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang hinihingi
ng tanong. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sa palagay mo ay katangian ng isang mabuting
mamayan?
A. Walang pakialam sa gawain ng pamayanan baka magpagkamalan na isang paki-
alamera
B. Si Ana na sinusunod lahat ng alituntunin sa komunidad maliban sa pagsusuot ng
facemask
C. Si Rene na kahit bata pa ay sinusunod na ang lahat ng nakikita sa loob at labas ng
kanilang bahay
D. Si Honey na isang volunteer sa Barangay na naghihikayat sa mga kabataan na
manatili sa bahay, magsuot nag facemask at ipatupad ang social distancing upang
mapangalagaan ang kalusugan sa kanilang pamayanan
2. Paano mo maipapakita ang pagiging aktibong mamamayan ng ating bansa?
A. Pumunta sa ibang bansa at magtrabaho upang guminhawa
B. Paunlarin ang sariling produkto at maghikayat sa mga tao na tangkilikin ang sariling
atin
C. Makilahok sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Association for the Rights of Children
in Southeast Asia
D. Sumunod sa payo ng mga eksperto na magpabakuna upang maiwasan ang
kumakalat na mga sakit tulad ng Covid-19 at Sars-Cov
3. Bakit kailangan natin malaman ang ating karapatan bilang isang mamamayan?
A. Upang matiyak na tayo ay protektado
B. Upang malaman natin ang ating mga tungkulin bilang mamamayan ng ating bansa
C. Upang matamasa natin ang karapat-dapat na prebelihiyo na tinataglay ng isang
mamamayan
D. Upang maging mabuting ihimplo sa ating kapwa at matuto tayong ipagtanggol ang
ating mga sarili

10
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa paggalang ng Karapatang
pantao?
A. Tinutulungan ang isang kaibigang inaapi ng mga tambay
B. Sumusoporta sa mga oraganisasyon at iba’t ibang kilos protesta
C. Nagpapayo sa mga kabataan na alamin at tandaan ang kanilang mga karaptan
D. Iginagalang ang kalayaan ng pagsasalita at pagpapasya ng isang mamamayang
Pilipino
5. Si Jhay ay isang Hapon na ipinanganak sa Pilipinas. An kanyang ama at ina ay kapwa
taga Japan at duon nanirahan bago pa siya isinilang. Sa Pilipinas na siya lumaki at
namulat hanggang nakapag-asawa siya ng isang Pilipino, sa kalaunan ay humarap siya
sa hukuman para sa kaniyang naturalisasyon. Sa iyong palagay, si Jhay ba ay maaaring
maging isang mamayang Pilipino?
A. Oo, dahil siya ay naninirahan sa Pilipinas ng mahigit sa 10 taon
B. Hindi, dahil hindi maaaring maging Pilipino ang anak ng kapwa may lahing Hapon
C. Hindi, dahil ayon sa kultura ng mga Pilipino, kapag ikaw ay hindi ipinanganak na
Pilipino hindi ka maaaring maging mamamayang Pilipino
D. Oo, dahil dumaan siya sa tamang proseso ng Naturalisasyon at sa bisa ng ating
Saligang Batas, igagawad sa kanya ang papaging Naturalisadong mamamayan

6. Sa iyong palagay, bakit itinuturing na pinakamataas na antas ng kamalayan sa pag-


unawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng isang mamamayan ay
Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa?
A. Dahil ginagawa niya ang kanyang ginigusto
B. Pinauubaya niya sa iba ang paggawa ng nararapat
C. Wala siyang magagawa dahil ordenaryong mamamayan lamang siya
D. Dahil sa antas na ito ginagawa ng mamamayan ang nararapat kahit walang
mag-utos sa kanyan para ikakabuti ng bayan
7. Sa paanong maituturing ang pagkawala ng pagkamamamayan ng isang Pilipino?
A. Pagtalikod at paglimot sa kulturang Pilipino
B. Nagtrabaho sa ibang bansa ng mahigit isang taon at nag-asawa ng banyaga
C. Hindi paglilingkod sa hukbong sandatahan sa bansa kung mayroong digmaan
D. Pagtangkilik ng mga produktong dayuhan at hindi sa mga produktong Pilipino
8. Bakit kinakailangan nating bumoto?
A. Upang makilala tayo bilang isang totoong Pilipino
B. Upang ipakita ang pagsuporta sa ating napupusuan na kandidato
C. Upang hindi mawala ang bisa ng ating pagkamamamayang Pilipino
D. Upang makapagpili ng mabuting leader ng ating bansa at pamunuan ang pagsugpo
sa korupsyon
9. Si John Paul ay itinuturing na mabuting mamamayan sa kanilang bayan, siya ay
nagtataguyod sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan, bilang leader ng programang
“CLEAN and GREEN” sa kanilang komunidad, ginagawa niya ang lahat ng kanyang
mga tungkulin, bagama’t sa kabila ng kaniyang pag-iingat, natuklasan niyang may
ginagawang kamalian ang kaniyang mga kasamahan, lahat ng mga nakokolektang mga
basura sa kanilang komunidad ay itinatapon sa mga ilog at dagat sa karatig bayan,
dahilan sa wala ng mapaglagyan ng mga basura. Ano ang nararapat na gawin ni John
Paul?
A. Disiplinahin at tanggalin sa serbisyo ang mga taong gumuwa nito
B. Hayaan na lang ang mga basura sa karatig bayan dahil maglalaho din naman ang
mga iyon

11
C. Pagalitan ang nasasakupan at utusan na pulutin ang mga basurang naitapon sa
dagat at ilog
D. Humingi ng paumanhin sa mga taong ninirahan sa karatig bayan, isaayos ang
pagtatapon ng basura at papaalahan ang bawat miyembro sa tamang pagtatapon ng
basura
10. Si Vangie ay ipinanganak at naninirahan ngayon sa Pilipinas simula ng Lockdown, siya
ay may dugong banyaga, ang kanyang ina ay Pilipino at ang kanyang ama naman ay
isang Amerikano. Maituturing ba na isang mamamayang Pilipino si Vangie?
A. Oo, dahil siya ay naninirahan sa Pilipinas ng mahigit na isanfg taon.
B. Oo, dahil ang kaniyang ina ay isang Pilipino at pinili maging Pilipino.
C. Hindi, dahil siya ay anak ng amerikano, siya ay nabibilang sa bansang Amerika.
D. Hindi, dahil ang kaniyang ama ay nanumpa sa Saligang batas ng Amerika.

Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: POSTER MO, KAALAMAN KO
Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng isang tunay na Pilipino at ito ay ipaliwanag
sa tatlong (3) talata na may limang (5) pangungusap bawat talata. Gamitin ang kahon sa
susunod na pahina.

RUBRIK PARA SA POSTER

Paman tayan Napakahu Nakasisiya Katamta Kailangan ng


say (4) (3) man (2) Pagpapa
buti (1)
1. Kaang Angkop na angkop sa Angkop sa paksa May kalabuan o Hindi angkop sa
kupan paksa at madaling ang mga simbolo o hindi gaanong paksa ang mga
(40 %) maunawaan ang mga babala angkop ang mga simbolo o babala.
simbolo o babala simbolo o babala
2. Nilala Nailalarawan ang Hindi ganap na Kulang ang Mali ang naipakita
rawan lahat ng impormasyon malinaw ang mga naipakita tungkol tungkol sa
(20 %) tungkol sa tinalakay detalye. sa tinalakay. tinalakay na paksa.
at malinaw na
ipinakita ang bawat
detalye.

3. Pagka Kakaiba, Maganda at pinag- Maganda ngunit Hindi kumpleto ang


malikhain napakapaganda at isipang mabuti ang pangkaraniwan mga simbolo o
(20 %) pinag-isipang mabuti mga simbolo o ang mga simbolo o babala.
ang mga simbolo o babala. babala.
babala.
4. Paliwanag Malinaw ang Malinaw ang May kalaboan ang Sobrang labo ng
(20 %) pagpaliwanag sa pagpapaliwanag pagpapaliwanag paliwanag at
kaugnayan ng iginuhit ngunit di sa iginuhit at sa walang
sa paksang masyadong paksang pagkakaugnay ang
natalakay. naiugnay ang natalakay. iginuhit sa paksang
iginuhit sa paksang natalakay.
natalakay

12
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
Dallo, Evangelista M., Eleanor D. Antonio, Consuelo M. Imperial,MariaCarmelita B. Samson, at Cecilia D.
Soriano. ‘’Kayamanan (Mga Kontempraryong Isyu)’’ Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu:
Manila: REX Book Store,2016

https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayan-
citizenship

https://www.scribd.com/presentation/399343648/Konsepto-at-Katuturan-Ng-Pagkamamamayan-
Citizenship

https://www.coursehero.com/file/49680132/Aralin-1docx/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkamamamayan
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15792

https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-iyong-konsepto-ng-isang-aktibong-mamamayan

14

You might also like