You are on page 1of 16

10

Self-Learning Kit
Filipino
Quarter 4 - Week 7

JEIZEL A. CASAS
Manunulat

1
Filipino – Grade 10
Self-Learning Kit
Quarter 4- Week 7
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Self-Learning Kit

Manunulat: Jeizel A. Casas


Editor: Rechiel N. Omagac
Tagasuri:
Tagaguhit: John Orven V. Saldaña
Tagalapat: Joel R. Capuyan
Tagapamahala: Leah P. Noveras
Bernadette A. Susvilla
Lilia R. Ybañez
Belinda G. Casona
Reynilda G. Ramoneda
Raymond L. Ceniza
Joel R. Capuyan

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region VII Schools Division of Danao City
Office Address: Sitio Upland, National Road, Danao City, Cebu
Telephone No. (032) 262-6211
Telefax: danao.city@deped.gov.ph
E-mail Address: depeddanaocity.com

2
Paalaala sa Mag-aaral

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong kakayahan batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Filipino 10, Kwarter 4,Ika-7 Linggo . Ito ay
ginawa sa simpleng paraan para madali mong maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo
ng mga sumusunod na bahagi:

Nakapaloob dito ang gawain na naglalayon na alamin ang iyo


Aking nang mga nalalaman sa araling ito
Nalaman

Aking Kasama rito ang mga gawain para mabalikan ang mga
Madugtong nakaraang aralin at mahanda ka sa bago

Nakabahagi rito ang paglalahad at pagtatalakay sa mga


Aking konsepto na kailangan mong malaman sa bagong aralin na
Malalaman ito

Kabilang dito ang mga gawain para sa pansariling


Aking
pagsasanay upang malaman ang iyong natutunan sa bagong
Masubukan
konsepto

Nakapaloob dito ang kasanayan para masukat ang iyong


Aking kaalaman at pagkaintindi sa mga konseptong nalalaman
Tayahin

Kasama rito ang mga gawain at pagsasanay na kailangan


Aking mong
Karagdagang
gawin para lalo pang mapahusay ang iyong kaalaman
Magawa

Susi sa Nakapaloob dito ang tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto pagsasanay

Nabahagi rito ang mga pinagkukunan sa paglikha ng Self-


Sanggunian
Learning Kit (SLK) na ito

Aralin o EL FILIBUSTERISMO
3
Nilalaman Kabanata 12: Placido Penitente

Kasanayang • Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring


Pampagkatuto napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng
pagkakasulat ng akda
• Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong
akda sa iba pang katulad na akdang binasa
• Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing
MELC Code F10PD-IVb-c-82, F10PU-IVg-h-88, F10WG-IVg-h-81

Aking Nalalaman
Panuto: Isulat ang numero 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10 sa patlang.Pagsusunod-sunurin ito ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

_______1. Palaisipan sa mga kababayan ni Placido sa Tanawan, Batangas kung bakit nais na niyang
tumigil sap ag-aaral
_______2. Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito Pelaez.
_______3. Nasa ika-apat na taon na siya ng pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes
ay matapos niya.
_______4. Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya sanang lumagda
_______5. Pinatunog pa niya ang takong ng kanyang sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli
niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro.
_______6. Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente
________7. Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan ang
katipan ni Juanito na si Paulita Gomez
________8. Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase
________9. Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung
may pasok at kung mayroon ay aalis na at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong
himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.
_______10. Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya papasok

Aking Madudugtong

Sa nakaraang aralin natutunan mo ang tungkol sa mga matatalinghagang pahayag na mababasa


natin sa piling kabanata ng El Filibusterismo. Ito ay may malalim o hindi tiyak na
kahulugan.Sinasalamin dito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.

4
Malaki ang naging impluwensiya ng pananakop ng mga Kastila sa ating bansa.Hindi lamang ang
ating wika maging sa ating kultura at kaugalian.
Ngayon ay kakaibang pangyayari na naman ng nobela ang ating pag-aaralan at alam kong ika’y
handa na at sabik na madagdagan ang iyong mga kaalaman tungkol sa nilalaman ng nobelang El
Filibusterismo.

Aking Malalaman

Basahin at unawaing mabuti ang kabanata XII: Placido Penitente upang magkaroon ng kaalaman at
makapagpahayag ng paliwanag ayon sa sariling pagkaunawa kaugnay sa mga kaisipang mulat sa
akda.

Kabanata 12 – Placido Penitente

Mga Tauhan:

Isagani -makatang kasintahan ni Paulita Gomez

Donya Victorina – nagpanggap na isang Europea ngunit isang Pilipina at Tiyahin ni Paulita.

Tadeo – pumasok sa paaralan para lang alamin kung may pasok o wala kung mayroon ay aalis at
magdadahilang maysakit ngunit nakapasa dahlil paborito ng mga propesor.

Placido Penitente – mag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas sa ikaapat na taon ng batsilyer ng


artes.Matalino at tahimik na estudyante.

Juanito Pelaez- may kayabangan,mayaman, may pagkakuba, at paborito ng mga guro. Anak siya ng
isang mestisong Kastila.

Buod:

Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente. Malungkot ang kanyang mukha dahil
ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi sa dalawang sulat niya sa ina. Nasa ika-apat na
taon na siya ng pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.

Ang paghahangad niyang pagtigil ng pag-aaral ay nagiging palaisipan sa mga kababayan niya sa
Tanawan, Batangas. Siya pa naman ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon.
Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng
Tandang Basyong Makunat.

5
Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito Pelaez. May
kayabangan si Juanito, mayaman, may pagkakuba, at paborito ng mga guro. Anak siya ng isang
mestisong Kastila.

Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani. Nangharana raw sila ni Padre
Camorra ng magagandang babae at ipinagyabang na wala raw bahay na hindi nila napanhik.

Dagdag pa ni Juanito, tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli dahil susuko rin
daw si Huli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya papasok. Ani Placido, tungkol
daw sa salamin ang leksyon. Ngunit niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa, bagay na tinutulan
naman ni Placido.

Natigil lamang ang kanilang pag-uusap nang manghingi ng abuloy si Juanito para sa monumento ng
isang paring Dominikano. Nagbigay naman ito ng abuloy dahil alam niyang makatutulong ito para sa
pagpasa ng estudyante.

Sa unibersidad ay naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sa aralin. Ang ibang estudyante naman
ay tinitingnan ang mga magagandang dalagang nagsisimba.

Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan ang katipan ni
Juanito na si Paulita Gomez. Nginitian siya ng tiyahin ni Paulita na si Donya Victorina.

Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at
kung mayroon ay aalis na at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay
napasunod kay Paulita sa simbahan.

Nagsipasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral ngunit may tumawag kay Placido. Pinalalagda siya
sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Makaraig.

Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya sanang lumagda. Naalala niya
ang kaniyang isang amain na nawalan ng mga ari-arian nang lumagda sa isang kasulatang di
binasa.Ngunit dahil mapilit ang kausap ay napalagda si Placido. Dahilan kaya siya ay nahuli sa klase.

Bagama’t sa huli ay pumasok pa rin sa klase si Placido. Pinatunog pa niya ang takong ng kanyang
sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at
makilala ng kanyang guro.Siya ay napuna ng guro at lihim na nagbanta “Bastos magbabayad ka sa
akin,”

Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase. Hindi naman siya nagkamali at napansin nga siya ng
kanyang guro.

6
Karagdagang Impormasyon

Ang unibersidad ng Santo Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros(pinaderang


lungsod),malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa kasalukuyan.Panahon ng mga Amerikano nang
ang UST ay malipat sa Espanya,Maynila.Halos lahat ng paaralan noon ay nasa Intramuros ,Letran at
Ateneo.Katatapos bagong balik sa paaralan ang mga estudyante.

Mga pakakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon.

Ateneo – nakadamit Europeo,mabilis lumakad,maraming dalang aklat at kwaderno.


Letran – nakadamit Pilipino,di gaanong nagdadala ng aklat
UST – malinis manamit ,maayos ,makisig at sa halip na aklat ay baston ang dinadala.
Paaralang Pangmunisipyo(Normal) – tahimik,makukulay ang damit,kasama ang kanilang
utusan,walang biruan at mapagdala ng aklat.

Aral sa kabanata

Ang pag-aaral ay napakahalaga dahil dito nagmumula ang iba’t ibang kaalaman na maaari nating
magamit patungo sa kaunlaran ng ating sarili,kumunidad at lipunan.

Pahiwatig sa kabanata

Ang hindi pagkakapantay-pantay ng tingin ng mga guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat
ito’y nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral na mag-aral at ng di paggalang
ng mga ito sa guro.

Talasalitaan

Liwanas – pampublikong lugar,parke


Batsilyer – Bachelor’s Degree
Artes – arts
Napanhik – napaakyat/napalabas
Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral?


Tugon
Apat na taon na siyang nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napansin ng kaniyang ng mga
guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon.Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y
matalino,ibig niyang matuto.Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.
2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente?
Tugon
Placido (placid)-kalmante o mapayapa

7
Penitente(penitence) – ay nagdurusa
3.Bakit sinabi ni Pelaez na walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra
sa mga babae sa Tiyani(liban kay Juli)?
Tugon
Tinatakot ng prayle ang mga kapatid at magulang ng babae na ibilanggo at ipatapon kung di
susunod sa kanyang kagustuhan.
4.Ano-ano ang puna ni Jose Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon?
Tugon
Karamihan noon ang mga kabataan ay walang natutunan dahil liban sa Ateneo,ang mga
estudyante ay di nagdadala ng aklat,lalo na sa UST.Napakalaki ng mga bilang ng mga estudyante
kaya di kontrolado ng guro ang kanilang pagkatuto at madalas magkasunod ang araw na mga
walang pasok.
Maraming humahanga sa mga taong matatalino. Ngunit hindi lamang talino ang dapat taglayin
ng isang tao, kapag dinagdagan pa ng sipag at tiyaga ay lalong kahanga-hanga. Ang taong
nagtataglay nito sa kabila ng pagiging mahirap ay madalas na nagtatagumpay sa kanyang
buhay. Sa bahaging ito,basahin ang isang dokumentaryo tungkol sa mga batana nakaranas ng
paghihirap sa pag-aaral at sa paghanapbuhay. Maaari itong mapanood sa Youtube kung mayroon
kayong internet sa bahay. I-click lamang ang link na ito- https://www.youtube.com/watch?
v=l_RKfi359W8
Sa mga hindi nakapanood basahin ang nilalaman ng dokumentaryo sa ibabang bahagi.
Dokumentaryo ni Sandara Aguinaldo
Paaralan ni Juan
Ito ay patungkol sa mga piling mag-aaral na nagsusumikap sa pag-aaral.Pangalawang beses itong
dinalaw ng kasamahan ni Sandra Aguinaldo ang mga kabataang ito at binalikan niya ito
makalipas ang maraming taon.Una si Maris Legania na nakatira sa Kalyungan, Dalagete, Cebu.
Binisita naming muli ng I Witness ang lugar na kung saan ay sinalubong kami ng mga mukha ng
mga kabataang may masasayang mukha.Tumatak sa aking isipan ang imahe ng kanilang maliliit
at maduduming paa,ilan sa kanila noon ay walang tsinelas dati si Maris kakaiba dahil isa lang
tsinelas niya,sira pa ang isa.Labing isang taong gulang siya noon pero parang matandang kausap.
Hindi nakapagtataka na ang bibong si Maris ay dalawampu’t isang taong gulang na ngayon at
nakatapos na ng pag-aaral ng kursong Bachelor in Elementery Education major in Special
Education. Nakatutuwang makita muli ang kaniyang ngiti .Hindi rin mawala ang pagiging
masayahin at positibo sa buhay.Noong tinanong ko si Maris kung gaano kahirap ang ginawa
niyang pagsasakripisyo para makatapos ng pag-aaral sinabi niya na “ sobrang hirap po ng buhay
namin pero simula po nang naipalabas ang I Witness marami pong mga mabubuting tao mula sa
ibang bansa ang nagpadala sa amin ng tulong.Pinadalhan po kami ng mga pagkain,bigas,mga
kagamitan sa paaralan,tsinelas at sinusuportahan po nila ang aking pag-aaral pati na po ang
aming pamilya.Halos isang beses lang kami makakain sa isang araw.”
Dati nagsasaka ang ama ni Maris at nagpapasan ng mabigat na mga gulay papunta sa
palengke.Nagkasakit ang kaniyang ama sa bato kaya kailangan maghinayhinay sa trabaho.Kaya
nagtatanim nalang ang kanyang mga magulang ng kamote malapit sa kanilang bahay.Bagama’t
nakatulong sa kanila ang Pantawid Pampamilyang Pilipino Program (4 Ps) ng gobyerno
8
kinakapos pa rin daw kaya muntik na hindi makapasok sa kolehiyo si Maris.Sa State University
pinag-aral si Maris noong 2007 naipasa ang Batas para sa free College education sa mga State
Univerties at Colleges,2018 naman ito naipatupad kaya hindi na ito napakinabangan ni
Maris.Dahil sa Cebu siya nag-aaral kailangan niyang mangupahan,gumastos sa
pamasahe,pagkain at iba pang pangangailangan sa paaralan.Tumutulong siya sa pamilya,kaya
naging working student siya at iskolar ng CHED.Kaya nakapagtapos siya ng pag-aaral.Habang
nag-aaral si Maris mayroon din siyang pinag-aaral na nakababata niyang kapatid.
Lahat ng kanilang paghihirap ay napalitan ng tuwa noong oras na nasa entablado si Maris hawak-
hawak ang diploma.Marami pa rin ang paghihirap ng pamilya sa lugar na ang pangunahing
kabuhayan ay pagtatanim ng gulay.Pero kung nakayanan ni Maris hindi imposibleng sa mga
kabataan ngayon ang makasusunod sa yapak ni Maris.Habang naghihintay si Maris sa resulta ng
LET (Licensure Examination for Teachers) nagtuturo na siya sa pribadong paaralan sa Cebu
City.Dito niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang natutunan at ang kasiyahan sa katuparan ng
isang pangarap.Ang paslit na dati’y nakayapak ngayon ay isa ng gurong nakaakay sa mga batang
nagsisimula pa lang sa kanilang paglalakbay .

Dalawang Uri ng Paghahambing

Pahambing o Komparatibo ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng


katangian ng tao, bagay, ideya , pangyayari, at iba pa.

May dalawang uri ang kaantasang pahambing:

1. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay


may patas na katangian.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at
mga salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/
kamukha. ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad

Halimbawa:
Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.

magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.

Halimbawa:
Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.

sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.

Halimbawa:
Magkasingganda ang India at Singapore.

Ang maramihang sing - ay naipapakita sa pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. Muli,


wala ang ganitong pattern sa mga rehiyon ng bansa na hindi gumagamit ng reduplikasyon.
kasing- (kasin- /kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing,(sin/sim).
Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u + ng/
ni + pangngalan + si/ ang + pang.

Halimbawa:
Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.

9
Magsing -(magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng pangungusap.

Halimbawa:
Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.

Ga/ gangga- nangangahulugan ng gaya, tulad, para,paris

Halimbawa:
Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng
pagkakaisa.

2. Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o


pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap. May dalawang uri ang hambingang di
magkatulad:

2.1. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na


inihahambing.Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng
paghahambing.
Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan
ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing,
/kaysa / kaysa sa kung ngalang bagay / pangyayari.
Di-gasino - tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan
ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya,tulad, para o paris na
sinusundan ng panandang ni.
Di-gaano - tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang
ginagamit.
Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong
pamalit sa di-gasino at di-gaano.

2.2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:
Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang
sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli,
katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.

Halimbawa:
Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa. Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad
ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.

Halimbawa:
Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis-tulad din ng higit o mas

Halimbawa:
Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri

Halimbawa:
Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.
3. Modernisasyon/Katamtaman – ito ay moernong paraang ng pagkukumpara sa
tao,gabay,ideya,pangyayari at iba pa.
Ginagamit ang panlapi na ma,medyo,may + -ka at -an.
10
Halimbawa:

Maganda ang mga proyektong pamahalaan ngayon kaysa noon.


Medyo mataas ang kalidad ng edukasyon noon kaysa ngayon.
May katangkaran si Noy kaysa kay Loy.

Aking Masusubukan

Matapos mong mapag-aralan ang mga aralin sa loob ng kit na ito alam kong sabik ka na sa susunod
na gawain.Bago ka magpatuloy sagutin mo muna ang gawain.

Panuto: Suriin ang bawat pahayag at punan ng angkop na salitang paghahambing. Piliin ang
mga salita sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang ng bawat pahayag.

Di-gaano Labis Magkasing Lalong tulad

1. Ang pagpapahalaga ni Maris sa pag-aaral ay ________ ng gintong kumikinang.


2. _______________ nagsikap si Maris sa pag-aaral kaysa kay Tadeo.
3. _______________ masaya si Placido sa kaniyang pag-aaral kaysa kay Maris.
4. Ang pamilya ay ________________ na mahalaga kaysa sa anumang bagay.
5. _______________ talino si Placido at si Maris.

Aking Tatayahin

A.Panuto: Basahing mabuti ang pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Sino ang nagpanggap na Europea ngunit isang Pilipina?


A. Huli B.Donya Victorina C. Ina ni Placido D. Paulita Gomez
2. Sino ang matalinong mag-aaral na tahimik lng sa klase?
A. Isagani B. sanaysay C. PlacidomPenitente D. Tadeo
3. Ano ang kadalasang dahilan ni Tadeo kung siya ay wala sa klase?
A. maysakit C. may pagpupulong
B. may mahalagang lakad D. tumutulong sa magulang
11
4. Ano ang laman ng kasulatan na nilagdaan ni Placido Penitente?
A. Pagtutol sa balak na ipatayong simbahan ng mga prayle
B. Pagtutol sa balak na ipatayong paaralan ni Macaraig
C. Pagtutol sa balak na ipatayong gusali ng mga prayle
D. Pagtutol sa balak na ipatayong karenderya ng paaralan
5. Ano ang palihim na binigkas ng professor habang pumasok sa silid si Placido sabay patunog ng
kaniyang takon ng sapatos?
A. Lumabas ka at huawg kanang bumalik
B. Bastos na binatilyo!
C. lumayas ka sa harapan ko!
D. Bastos magbayad ka sa akin
6. Anong taon naipasa ang Free College Education sa lahat ng unibersidad?
A. 2019 C. 2020
B. 2017 D. 2018
7.Ano ang kaibahan ng estado ng buhay nina Placido Penitente at Maris Legania?
A. Si Placido Penitente ay lumalaki sa mayamang angkan samantalang si
Maris ay nagmula sa mahirap na pamilya.
B. Si Maris ay kasingyaman ni Placido.
C. Si Placido ay matalinong mag-aaral katulad ni Maris.
D. Nag-aaral ng mabuti si Maris habang si Placido ay hindi
Nagpupursige sa kaniyang pag-aaral.
8. Bakit nagpatuloy ng pag-aaral si Maris sa gitna ng paghihirap ng buhay?
A. Dahil gusto niyang makamit ang pangarap niya sa buhay.
B. Dahil gusto niyang mapasaya ang kaniyang pamilya.
C. Dahil gusto niyang matulungan ang kaniyang pamilya
D. Dahil gusto niyang maging guro.
9. Ano ang masasabi mo sa paraang ginawa ni Placido para mapansin siya ng kaniyang guro?
A. Ang kaniyang ginawa ay tama lang para naman mapansin siya ng guro.
B. Mali ang ginawa ni Placido na mag ingay ng kaniyang sapatos
Habang papasok sa silid at mayroon pang guro sa harap ng klase.
C. Mali na ginawa niya ito dapat naging tahimik nalang siya dahil
darating rin ang tamang panahon na makikilala rin siya ng
Kaniyang guro.
D. Tama ang ginawa ni Placido para mapansin ng guro na nag-uusap lang sa harap ng klase.
10. Sang-ayon ka ba na tamang palagdain ang isang tao sa isang kasulatan na hindi niya alam ang
nilalaman nito?
A. Hindi ,dahil maaari itong ikasira ng reputasyon ng tao gumawa
Ng kasulatan.
B. Oo,dahil hindi naman ito mahalaga para sa taong lumagda
C. Hindi,dahil maari itong ikakulong ng taong lumagda
D. Oo,dahil sa panahon noon tinuturing mangmang ang mga Pilipino.

B.Panuto: Sumulat ng isang paghahambing ng dalawang binasang akda gamit ang angkop na mga
salitang naghahambing. Gawing gabay sa pagsusulat ang rubrik sa pagmamarka.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Rubrik sa Pagmamarka

4 indikitor
1.Di bababa sa 1 talata na may 4-6 na pangungusap ang sagot.
2. Mahusay at malinaw ang pagkalalahad ng paghahambing ng dalawang akda gamit ang angkop na
mga salitang naghahambing
12
3.Walang mali sa gramatika at baybay ng mga salita
4.Nagtataglay ng orihinalidad

4/4 na indikitor ang naibigay=8 puntos


3/4na indikitor ang naibigay=6 puntos
2/4 na indikitor ang naibigay= 4 puntos
1/4 na indikitor ang naibigay= 2 puntos

C.Panuto: Pagpapaliwanag.Isulat ang sagot sa sagutang papel.


(3 puntos sa bawat angkop na sagot)
1. Paano mo ihahalintulad ang sakripisyong iyong ginawa sa iyong pag-aaral ngayong panahon
ng pandemya kay Maris sa dokumentaryo?
2. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa bidyung napanood/nabasang
buod ng dokumentaryo sa panahon ng pagkakasulat ng akdang “Placido Penitente”?

Aking Karagdagang Magagawa

Panuto: Gamitin ang mga salitang naghahambing sa pagbuo ng


pangungusap.
(lalo,sin,di-gasino,tulad,di-hamak)

1.____________________________________________________
.
2.____________________________________________________
.
3.____________________________________________________
.
4.____________________________________________________
.
5.____________________________________________________
.

13
Susi sa Pagwawasto

14
Aking
Aking Karagdagang
Aking Masusubukan
Nalaman
1. 3
Magagawa
2.Posibleng
4 1. Tulad
sagot:
3. 2 2. Lalo
4. 8 3. Di-gaano
1.Lalong maunlad ang
5. 10
taong 4. sa
nagsisikap Labis
6. 1
6 walang 5.
7.taong magkasing
pangarap.
8. 9
9.2. 7Sintindi ng apoy ang
10.sakripisyong
5 ginawa ni
Maris sa kanyang
pagpupursige sa buhay.

3. Di-gasino kilala ang


ating punong barangay
sa punong barangay ng
Masaba.

4. Ang pagmamahal
niya sa pamilya ay
tulad ng ilog na
walang katapusan.

5. Di-hamak na
mayaman ang mga
bansang Europa sa
bansang Pilipinas.

15
Sanggunian

• Batayang aklat sa Filipino 10


• Department of Education-Division of Pasig City
• https://m.youtube.com/watch?v=Ue81eai3slo
• https://www.youtube.com/watch?v=l_RKfi359W8

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


DepEd – Danao City Division –Curriculum Implementation Division
Sitio Upland, National Road, Poblacion, Danao City, Cebu
Email Address: danao.city@deped.gov.ph
Website: depeddanaocity.com
Telephone No.: (032) 262-6211

16

You might also like