You are on page 1of 13

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 15: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag


sa Paghahatid ng Mensahe
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Amado R. Amado
Tagasuri: Leda L. Tolentino
Editors: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 15 para sa Sariling Pagkatuto
13 at Di-tuwirang
Paggamit ng Tuwiran
Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe
Manunulat: Amado R. Amado
Tagasuri: Leda L. Tolentino / Editor: Melinda P. Iquin at Albert C. Nerveza

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 15 para sa
araling Nelson Mandela:Bayani ng Africa (Talumpati mula sa South Africa)/
Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 15 ukol sa Paggamit ng
Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


1. Naisusulat ang isang talumpati na pang SONA.
2. Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO

A. Napangangatwiranan ang kahalagahan ng SONA (State of the Nation


Address) o ang ulat ng Pangulo sa bayan.
B. Naikikintal sa isipan at damdamin ang mga natutuhan sa aralin.
C. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe sa kapwa na may kaugnayan sa pakikiisa sa
pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19 at pagsuporta sa mga bayaning nasa
unahan o Frontliners.

PAUNANG PAGSUBOK

Alam kong sapat na ang iyong kahandaan upang muling matuto ng


isang bagong aralin subalit bago ka tumuklas ng dagdag na kaalaman ay
sagutan muna ang sumusunod na pagsubok:

Panuto: Isulat ang letrang T sa patlang kung tama ang salitang may salungguhit
sa bawat bilang. Isulat naman ang tamang sagot kung ang pahayag ay mali. Piliin
sa loob ng kahon ang sagot.

Tula tuwirang pahayag nobela


pang-ugnay di-tuwirang pahayag mali
pormal at di-pormal na sanaysay

_______1. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga


tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag.
_______2. Ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na kapani-paniwala dahil may
ebidensiyang pinagbabatayan.
_______3. Ang sanaysay/talumpati ay isang halimbawa ng panitikang Pilipino.
_______4. Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na batay sa sariling opinyon at
nakahihikayat sa mambabasa o tagapakinig.
_______5. Sa totoo lang, hindi lahat ng itinuturing na Frontliners ay dapat
kilalaning bayani. Ang pahayag ay halimbawa ng di-tuwirang pahayag.

6
BALIK-ARAL
Nagustuhan mo ba ang katatapos lamang na aralin? Tiyak kong may
natutuhan ka! Subukin natin ngayon kung naaalala mo pa ang ilang
bagay.
Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
______1. Ang talumpati ni Nelson Mandela ay may layuning ___________.
A. magpaasa
B. magpasikat sa iba
C. manghikayat na lumaban
D. manghikayat na tulungan siya sa pagtupad na makamit ang kanilang
kalayaan

______2. Ang sumusunod ay mga katangiang dapat tularan kay Nelson Mandela ng
Africa bilang pangulo maliban sa _______________.
A. may paninindigan
B. Inuuna niya ang sarili
C. Siya ay matalino at matapang
D. May pagmamahal siya sa bayan

______3. Ang sanaysay na _______ ay subhektibo sapagkat pumapanig sa


damdamin at paniniwala ng may-akda.
A. di-pormal B. nanghihikayat C. personipikasyon D. pormal

______4. Binigkas ni Nelson Mandela ang kanyang talumpati noong ________ na


nagpapahayag ng pagnanais na makamit ang kalayaan ng kanilang bayan.
A. May 9, 1984 B. May 9, 1994 C. May 10, 1994 D. May 10, 1995
______ 5. Ipinaglaban ni _________ na magkaroon tayo ng sarili nating pambansang
wika na magiging pagkakakilanlan ng lahing Pilipino.
A. Manuel L. Quezon C. Pangulong N. Mandela
B. Pangulong Ferdinand E. Marcos D. Senador Manny Pacquiao

ARALIN
Narito ang isang bagong aralin na tiyak na magpapayaman sa iyong
kaalaman. Pag-aralan lamang ito ng mabuti at tiyak na marami kang
matututuhan!
Ang Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag
Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng
angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Mahalaga ang mga ito sa
pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang
sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Madaling
matukoy sa pahayag kung ito ay katotohanan o opinyon lamang ng may-akda o
nagsasalita.

7
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento
upang makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay,
at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa totoo lamang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na
dapat pasyalan bago ang ibang bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataan Award, bilang patunay,
narito ang kanyang sertipiko.

Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensiya


kaya’t kapani-paniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag
na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga
tagapakinig o tagapagbasa.
Mahalagang salik sa pagsulat ng sanaysay/talumpati ang wastong paggamit
ng tuwiran at di-tuwirang pahayag. Mapaniniwala ng higit ang nagbabasa o
nakikinig kung may mga tuwirang pahayag na ginagamit at nagiging epektibo
naman ang paglalahad ng opinyon dahil sa paggamit ng di-tuwirang pahayag.
Alamin…
Ang talumpati ay isang sining ng pasalitang pagpapahayag na may layuning
humikayat, mangatwiran, tumugon, magbigay ng impormasyon at maglahad ng
paniniwala. Ito ay bahagi ng mayamang panitikang pilipino.
Isipin…
Ang nilalaman ng pahayag sa SONA o State of the Nation Address ng
pangulo ay isang halimbawa ng talumpati. Tulad din ito ng nabasa mong talumpati
na Nelson Mandela: Bayani ng Africa na isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum.
Mahalaga sa isang bansa na malaman ang kalagayan ng bayan sa
pamamagitan ng ulat ng pangulo. Patungkol ito sa kalagayan o estado ng bansa sa
loob ng isang taong panunungkulan ng kanyang administrasyon. Dito inilalahad
ang mga programa para sa susunod na taon kasama ang mga batas na kailangan
upang mas mapabuti ang sitwasyon ng bayan.

MGA PAGSASANAY
Nakalulugod na nakarating ka na sa bahaging ito ng iyong pag-aaral,
marahil ay handa ka nang subukin ang iyong nalalaman sa pamamagitan
ng ilang pagsasanay.

Pagsasanay BLG. 1
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang T sa patlang kung tuwiran at
DT kung di-tuwiran ang pahayag na ginamit.
______1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga
lalaking Pilipino.
______2. Ang pandemic ang pangunahing dahilan kung bakit magiging malungkot
ang mga inaabangang pagdiriwang sa bansa.
______3. Malaki ang kapakinabangan ng ating bansa sa Anti-Terror Bill.

8
______4. Nahihirapan na ang Frontliners sa mga ospital, patunay nito ang dalawang
linggong MECQ sa NCR at mga karatig lalawigan upang mapababa ang
bilang ng nagkaka COVID-19.
______5. Ayon sa IATF, ang paggamit ng face shield, face mask at pagsunod sa
social distancing ay mabisang paraan upang maiwasan ang virus.

Pagsasanay BLG. 2
Panuto: Basahing muli ang tekstong “Ako ay Ikaw”. Suriin ang mga salitang
may salungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran ba o di-tuwiran ang pahayag?
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ako ay Ikaw
Ni Hans Roemar T. Salum

“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y
hindi sanay sa mga wikang banyaga, ako’y pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang
awiting ito ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako’y ipaglabanni dating Pangulong
Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ang daan upang ako’y
umusbong, gamitin at tangkilikin. Ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa,
ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon ng
komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging
moderno ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin
pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng
pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno.
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa
katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na Taglish, mga Jejemon
wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May
magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng
pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika?
Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi
masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa
ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo
ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at
tamang sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy na pag-unlad.

Pagsasanay BLG. 3
Panuto: Sumulat ng isang talumpati na pang SONA sa isang malinis na papel.
Salungguhitan ang mga ginamit na tuwiran at di-tuwirang pahayag. Gamitin
ang sumusunod na mga transitional devices sa pagsulat:

*sa katunayan *sa totoo lang *bilang patunay


*sa totoo *isang katotohanan *patunay nito

9
Isaalang-alang sa pagsulat ang sumusunod na batayan:
Batayan sa Pagsulat ng Talumpati na pang SONA:
Pamantayan Puntos Kabuuan
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa 3
ginawang talumpati.
Malinaw ang kaisipang ibinibigay ng sumulat. 3
Gumamit ng lima o higit pang tuwiran at di-tuwirang 2
pagpapahayag.
Malinis at maayos ang pagkakasulat. 2
KABUUAN 10

PAGLALAHAT
Magaling! Malapit mo ng matapos ang aralin. Sa bahaging ito ay muli
nating balikan ang ilang mahahalagang kaalaman na hindi mo dapat
malimutan.
Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may
ebidensiya kaya’t kapani-paniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag ay mga
pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga
tagapakinig o tagapagbasa.
Ano-anong mga pang-ugnay ang maaaring gamitin sa tuwiran at di-tuwirang
pahayag? Isulat ang sagot sa loob ng bilog.

Tuwiran
at
Di-tuwirang
pahayag

10
Ang talumpati naman ay isang sining ng pasalitang pagpapahayag na may
layuning humikayat, mangatwiran, tumugon, magbigay ng impormasyon at
maglahad ng paniniwala. Ito ay bahagi ng mayamang panitikang Pilipino.

PAGPAPAHALAGA

Magaling kung natapos mo ang lahat ng mga ibinigay na gawain sa


itaas. Marahil ay nalibang ka habang natututo sa bagong aralin. Ngayon ay
subukin mo namang pahalagahanan ang iyong natutuhan.

PANUTO: Tingnan ang hugis tatsulok bilang simbolo ng pagkakaisa at tagumpay


ng ating bayan sa pamamagitan ng pagkamit ng iisang layunin gaya ng sinabi ni
Nelson Mandela sa kanyang talumpati. Isulat sa loob ng mga kahon sa ibaba ang
kahalagahan ng pakikinig at panonood sa SONA ng pangulo bilang isang
mamamayan. Pangatwiranan din kung bakit mo ito nasabi (Dagdagan ang mga
kahon kung kinakailangan).

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang sanaysay na Ako ay Ikaw ay akda ni __________.


A. Consolation P. Conde C. Nelson Mandela
B. Hans Roemar T. Salum D. Roselyn T. Salum

2. Sanaysay na ____________ ang akdang Ako ay Ikaw dahil sa himig nitong parang
nakikipag-usap lamang.
A. di-pormal B. maikli C. nanghihikayat D. pormal

3. Ang _________ pahayag ay may batayan o ebidensiya kaya mas kapani-paniwala.


A. di-tuwiran B. sanaysay C. talumpati D. tuwiran

4. Ang __________ pahayag ay batay sa sariling opinyon lamang.


A. di-tuwiran B. sanaysay C. talumpati D. tuwiran

5. Ang __________ ay may layuning makapanghikayat sa mga nakikinig.


A. awit B. nobela C. talumpati D. tula

12
13
sa Filipino, Unang Edisyon, 2015
Kagawaran ng Edukasyon,Modyul para sa mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang
Sanggunian
MODYUL 15
ARALIN 3.5 SANAYSAY
(Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe)
Paunang Pagsubok Balik aral
1. T 1. D
2. tuwirang pahayag 2. B
3. T 3. A
4. di-tuwirang pahayag 4. C
5. T 5. A
Pagsasanay BLG. 1
1. T
2. DT
3. DT
4. T
5. T
Pagsasanay BLG. 2
Sa totoo lang- DT
Patunay nito- T
Talagang- DT
Sa katunayan- DT
Ang totoo- T
Panapos na Pagsusulit
1. B
2. A
3. D
4. A
5. C
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like