You are on page 1of 18

Edukasyon Sa Pagpapakatao 10

Ikalawang Markahan
Aralin 5

Ako ang Tour Guide ng Buhay Ko

Mga Inaasahan

Sisimulan natin ang aralin sa pagbasa ng isang maikling kwento na naaayon sa

panahon ngayon. Kikilalanin natin ang dalawang uri ng kilos ng tao. Pagkaraan nito ay

magpapahayag ka ng iyong mga saloobin at ilalahad ang iyong mga gawa bilang makataong

kilos, ating titimbangin at kikilalanin ang halaga ng makataong kilos sa pagpasyal mo bilang

tour guide ng sarili mong buhay.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod na

kasanayan:

1. Naipapaliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa

kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/ kaalaman.

2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan.

3. Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang

makataong kilos, kaya pananagutan niya ang kawastohan o kamalian nito.

4. Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan

upang maging mapanagutan sa pagkilos.

Alamin natin ang mga kaalaman mo tungkol dito.

Unang Pagsubok

Gawain 1.1: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ________ ay pinag-isipan ng mabuti at malayang isinagawa ng tao.

A. Kilos ng tao B. Makataong kilos C. Moralidad D. Pasya

2. Ang tao ang ___________ na uri ng nilalang.


1
A. May kalayaan B. May moralidad C. May puso at isipan D. Pinakamataas
3. Ito ay mga aktibidad ng tao na nagaganap ng walang kamalayan.

A. Kalayaan B. Kilos-loob C. Kilos ng tao D. Makataong kilos

4. Ang _______ ay lahat ng aktibidad na ginagawa ng tao.

A. Kalayaan B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. Paggawa

5. Mga aktibidad ng tao na nagpapakita ng kanyang pagiging makatwiran.

A. Kalayaan B. Kilos-loob C. Kilos ng tao D. Makataong kilos

6. Ito ay tumutukoy sa mga kilos ng tao na naaayon sa pamantayang moral.

A. Amoral B. Imoral C. Kalayaan D. Moral

7. Ito ay kilos ng taong hindi naaayon sa pamantayang moral.

A. Amoral B. Imoral C. Kalayaan D. Moral

8. Ito ay mga kilos na di masama at hindi rin mabuti

A. Amoral B. Imoral C. Kalayaan D. Moral

9. Mga kilos na mula sa ating kalikasan

A. Kalayaan B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. Paggawa

10. Ang pagiging mapanuri at pagsunod sa pamantayang moral ay pagpapakita lamang

na ang tao may _________ sa kanyang kilos.

A. Kaalaman B. Kalayaan C. Pagkukusa D. Pananagutan

11. Makataong kilos na sumang-ayon sa katwiran. Tinatawag itong:

A. Kaugnay sa kalooban C. Kaugnay sa makatwirang pag-iisip

B. Kaugnay sa kilos-loob D. Kaugnay sa moral na kilos

12. Pagkilos na nagnanais sa mga bagay na gustong makamit.

A. Kaugnay sa kalooban C. Kaugnay sa makatwirang pag-iisip

B. Kaugnay sa kilos-loob D. Kaugnay sa moral na kilos

13. Ito ang katuparan ng ninanais ng tao.

A. Kaugnay sa kalooban C. Kaugnay sa makatwirang pag-iisip

B. Kaugnay sa kilos-loob D. Kaugnay sa moral na kilos

14. Ito ay pagtanggap ng kalooban sa mga pamamaraan na mabisa upang


2
maisakatuparan ang hangarin.
A. Hangarin B. Pagnanais C. Pagpili D. Pagsang-ayon

15. Ito ay pagpili ng kalooban upang naisin ang isang bagay na mabuti.

A. Hangarin B. Pagnanais C. Pagpili D. Pagsang-ayon

Balik-Tanaw

Gawain 1.2 Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang mga tanong.

“Pagpapasalamat”

Inspirasyon mula sa aklat na Next 500 Stories

Isang araw may isang magsasaka na inimbitahan ng kanyang mayamang kapit-

bahay upang pag-usapan ang tungkol sa negosyo. Pagkatapos magkasundo ay

inanyayahan na rin ang magsasaka na doon na kumain ng tanghalian. Nang nasa

hapagkainan na, nagsimula ng kumain ang may-ari ng bahay napansin niya na nakayuko at

nagpapasalamat sa Diyos ang magsasaka, pagkatapos magdasal iniangat na ng

magsasaka ang kanyang ulo at nakita niyang nakangiti sa kanya ang may-ari at sinabi ng

may panunudyo “Marami pa rin ba dito sa probinsya ang gumagawa ng makalumang

nakagawian na yan?” ”Hindi ba nila alam na hindi dapat ipinagyayabang ang pagdarasal sa

harap ng pagkain?” Huminto panandali ang magsasaka at sinabing “Meron po sir”. “Sino

yung mga may pinag-aralan?”. “Hindi po sir, yung mga alaga kong baboy.”.

Magkakaroon lamang tayo ng mabuting buhay kung tunay na alam niya ang mabuti

at masama.

Halina’t Mag-isip

1. Ano ang nadama mo habang binabasa ang kwento?

2. Ano ang masasabi mo sa mga tauhan ng kwento?

3. Kung ikaw ang magsasaka ano ang gagawin mo?

4. Papaano mo iuugnay ang digndad ng tao sa kwento?

5. Anong pagpapahalaga ang natutuhan mo sa kwento? 3


Ang dignidad ay binigay ng Diyos sa tao mula ng kanyang paglikha ito ay

walang pinipili maging nasa sibilisasyon man o mga katutbo. Ang lahat ng tao ay

dapat kilalanin at igalang ano man ang kanyang lahi, kultura, espirituwal na

tradisyon, kasaysayan at pilosopiya. Tulad ng lahat ang mga katutubo din ay malaya,

may karapatan at kakayahang panatilihin at palaguin ang kanilang nakagisnang

kultura na pamana ng kanilang mga katutubo walang sinuman ang maaring manlupig

at magtanggal ng kanilang kalayaan at dangal bilang nilikha ng Diyos. Ito ay

pagpapkita ng ating pagkakapantay-pantay.

Pagpapakilala ng Aralin

Ang tao ay binigyan ng Diyos ng buhay, dignidad at kalayaan. Sa wastong paggamit

natin ng ating kalayaan napapanatili at napapataas natin ang ating dignidad bilang tao.

Magsisimula tayo sa pag-alam sa ilang pangyayari sa ating kapaligiran sa

pagbabasa ng balita o tsismis lang. Dito ay tutukuyin mo ang mga kilos ng tao na simula ng

ating paksa. Ang susunod ay pagpapahayag ng iyong mga saloobin sa iyong FB wall

susuriin natin ang pagiging makatwiran ng iyong mga gawa at ang ikatlo ay ang mga aktwal

na pagpapasya ng kilos sa mga naturang karanasan. Sa pagpaptuloy ng aralin makikilala

mo ang kahalahagan ng makataong kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng

malayang pagkilos at sapat na kaalaman na magpapatingkad sa iyong dignidad bilang isang

tao.

Mga Gawain

Gawain 1.3. Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang mga tanong.

Balita o Tsismis Lang

“Makibaka wag matakot, Makibaka wag matakot”. “Junk the Anti-Terrorist Bill”.

Ïbasura…ibasura…”

“Gutom na kami, pasada para mabuhay,”” Gutom na kami pasada para mabuhay”.
Yan ang mga salitang umaalingaw-ngaw sa aking tainga nang nanonood ako ng

balita kanina. Mga estudyante ng kilalang paaralan ng bansa na nagpapahayag ng kanilang

saloobin tungkol sa panukalang batas na pagsugpo ng mga terrorista “Anti-Terrorist Bill”

kasama dito ang magpinsang Kylie at Najela na matapang na nagpiket at nagsisisigaw sa

kalsada sa panahon ng pandemya. Hindi alintana ang batas na umiiral na nagbabawal sa

ganitong mga aktibidad at walang takot sa posibilidad na maaaring mahawa sa

kinakatakutang sakit na Covid-19. Isang sakit na nagdulot ng pagkaparalisa sa ekonomiya

ng halos buong mundo. Ilang sandali lamang ay hinuli sila ng mga pulis at ikinulong

napasama pa dito si Carl na walang kinalaman sa mga ipinaglalaban ng mga mag-aaral.

Nagulat na lamang siya nang siya’y hinatak at pinilit na isama sa paghuli ng mga

nagpupulasang mag-aaral. “Bakit po? Wala akong kinalaman dyan, nakatayo lang ako hindi

ako kasama!!!!” Subalit kahit anong paliwanag ni Carl ay parang walang naririnig ang

kausap. Saglit akong nangiti sa narinig ko tungkol sa pagkakahuli sa kanya, hindi dahil sa

natuwa ako sa pagkakahuli sa kanila kundi sa pagkakamaling pagsama sa kanya sa

pagpinid. Walang kinalaman ang bystander nakatayo lamang siya malapit sa pangyayari.

Kasabay nito ay sila Mang Jun, Mang Ernesto at sampu ng kanilang kasamahang jeepney

driver ay nagpipiket din sa may Caloocan sumisigaw ng “Gutom na kami, pasada para

mabuhay ang pamilya!!!!!” “pasada para mabuhay”. At dumating na ang mga pulis

nagkaroon ng paliwanagan at sigawan nagising tuloy ang natutulog na taong grasa sa gilid

ng kalsada. Nang dinampot na ang mga nagpipiket na jeepney driver at nagpapahayag ng

kanilang nais na mabuhay. Maririnig ang iyak ng kanilang asawa at anak ramdam mo ang

kanilang takot at hinagpis sa kanilang pag-iyak.

Halina’t Mag-isip
5

1. Ano ang nadama mo habang binabasa ang kwento?

2. Kung ikaw ang tatanungin sasama ka ba sa rally?

3. Isulat ang mga kilos ng tao sa kwento.

4
4. Naging madali ba sa iyo na tukuyin ang mga kilos ng tao? Pangatwiranan ang iyong

sagot:

5. Anu-ano ang iyong naging batayan sa pagtukoy ng kilos ng tao?

GOOD JOB!

Ngayon ipagpatuloy natin ang pagsagot ng gawain.

Gawain 1.4

#Freedom of Speech # Freedom of Expression in Social Media

Panuto: Magpost sa iyong FB wall, malaya kang ilagay ang nais mo. Lagyan ng ninanais mo

na Profile Picture ang espasyo sa kaliwang bahagi. Huwag kalimutan ang #. Gumawa ng

lima nito sa ibang papel.

What’s on your mind?


Profile Picture

Halina’t Mag-Isip

1. Ano ang naramdaman mo habang isinusulat ang iyong mga palagay?

2. Anu-ano ang iyong mga dahilan sa iyong mga post?

3. Anu-ano ang iyong mga isinaalang-alang bago ka nagpost?

4. Balikan muli ang iyong mga post, may nais ka bang baguhin? Bakit?

5. Hanggang saan ang pwede mong i-post at i-share? Ipaliwanag.

Nice One!

Lalo pa nating patalasin ang iyong isipan sa pagsasagot ng susunod na gawain.

Gawain 1.5

1. Sumulat ng 5 pinakamabigat na kasalanang nagawa mo. Pagsunod-sunurin ito ayon

sa bigat.

2. Sumulat ng 5 kabutihang nagawa mo at iayos ito mula sa pinakasimple pataas. 6


Kabutihan Kasalanan
1. ________________ 1. ________________
2. ________________ 2. ________________
3. ________________ 3. ________________
4. ________________ 4. ________________
5. ________________ 5. ________________

Halina’t Mag-isip

1. Anu-ano ang mga naging resulta ng ginawa mong kasalanan? Pinagsisihan mo na

ba ito? Bakit?

2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong mapagtanto ang mga kasalanan mo?

3. Papaano mo ito itatama?

4. Sa paggawa ng kabutihan pinipili mo ba ang taong gagawan mo ng mabuti? Bakit?

5. Ano ang nadama mo pagkatapos gawin ang kabutihan?

6. Anong pagpapahalaga ang natutunan mo sa iyong mga naranasan?

Wow…. Great job!

Ngayon dagdagan natin ang iyong kaalaman. Basahin at umawaing mabuti ang

konsepto. Tandaan ang mga mahahalagang kaalamang magagamit sa pagharap sa

hamon ng buhay.

Tandaan

To Act or not to Act

Ang tao ay binubuo ng katawan at kaluluwa. Ayon kay Plato ang kaluluwa ng tao ay

binubuo ng 3 bahagi ito ang mga ispiritwal (damdamin), kagustuhan (nais) at rasyonal.

Sinasabing ang kaluluwa ang nagpapakilos sa katawan ng tao. Ang ispiritwal ay nakapwesto

sa dibdib, ang kagustuhan ay sa bandang tiyan at ang rasyonal ay sa ulo. (Babor: 1999)

7
Kung kaya’t sinasabing ang tao ang Panginoon ng kanyang kilos, dahil ang kilos ng tao ay

nagmumula sa kanyang sarili.

May dalawang uri ng kilos ang tao: Ang kilos ng tao (acts of man) at ang makataong

kilos (Human Act).

Ang Kilos ng Tao (Acts of Man) ay tumutukoy sa kalikasan ng tao, ito ay mga

pagkilos na bunga ng biyolohikal at pisyolohikal na proseso ng katawan ng tao

Mga katangian ng kilos ng tao

1. Hindi sinasadya o walang pagkukusa

2. Walang pananagutan

3. Hindi ginagamitan ng isip o kilos-loob

4. Walang kamalayan

5. Kawalan ng atensyon

6. Paggamit ng pandamdam (5 senses)

Ang mga kilos ng sanggol at mga taong nawala sa katinuan ay matuturing din na

kilos ng tao. May mga kilos din ang hayop na tulad din sa tao halimbawa; pagtulog at ang

paggamit ng limang pandama nito. Subalit may mga ilang kilos ang tao na nagiging

makataong kilos kung ito ay sinasadya at bibigyan ng atensyon tulad ng paggamit ng ating

paningin at pandinig may mga bagay na hindi natin sinasadya makita at marinig subalit kung

ito ay pag-uulakan natin ng pansin ito ay nagiging makataong kilos na. Hal. Ang pagkakita

sa text sa cellphone ng katabi ay hindi sinasadya (kilos ng tao), subalit kapag ito ay binasa

mo ikaw ay magbibigay ng atensyon dito ito ay nagiging makataong kilos.

Ang Makataong Kilos ay kilos na isinasagawa mula sa malayang kalooban ng tao. Ito

ay anumang kilos ng tao panloob o panlabas o pangkatawan o ispiritwal

Mga Katangian ng Makataong Kilos

1. Kusang-loob na pagkilos.
8
2. May kamalayan.

3. Mga inaasahang kilos ng tao gamit ang kanyang isip at kilos-loob (makatwiran).

4. Ito ay mga kilos na inaasahan sa tao bilang tao.

5. Mga kilos na napapamahalahan ng tao. (Control)

6. Mga kilos ng tao na tao ang nasusunod, tao ang may kapangyarihang magpasya

kung gagawin o hindi. (Montemayor :2004)

7. Moral, ito ang mga kilos na naaayon sa pamantayan ng lipunang kinaaaniban ng

tao.

8. Naghuhusga. Ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga o paninisi, maaari din

pagbibigay ng gantimpala o parusa.

9. Paulit-ulit na pagkilos hanggang nagiging kasanayan (habit). Ang nakasanayang

gawin ng tao ay kasamang bumubuo ng kanyang pagkatao, kung kaya’t ang tao

mismo ay kasamang bumubuo sa kanyang pagkatao. Ang tao ay larawan ng

kanyang makataong kilos.

10. Ang mga kilos na sinasadyang gawin ng tao ay bunga ng kanyang kaalaman at

kalayaan kung kaya’t ito ay kanyang pananagutan.

Uri ng Makataong Kilos

May dalawang uri ang makataong kilos, una ay ang kumpleto o sapat at ang

pangalawa ay ang kaugnayan sa katwiran.

1. Kumpleto o Sapat na makataong kilos. Ito ay mga kilos na nagmumula at natatapos

sa kilos-loob. Ito ay mga kilos na nakaugnay sa isip at kilos-loob.

1.1 Ang una ay nagmumula sa pagnanais at nasasakatuparan gamit ang iba pang

kakayahan ng kilos-loob ito ay tinatawag na Makataong kilos kaugnay ang kilos-loob

(Glenn: 1965)

Dito ay nakakamit ng tao ang kanyang sapat na makataong kilos sa

pamamagitan ng kilos-loob lamang. Ito ay ang mga sumusunod:


A. Pagnanais (Wish)- Ito ay ang pagkiling upang naisin ang isang bagay na mabuti,

subalit walang kasiguraduhan kung ito ay makakamit. Ang lahat ng pagkilos ay

nagsisimula sa pagnanais ng mga bagay na gustong makamit.

B. Hangarin (Intention)- Ito ay tumutukoy sa pagkiling ng kalooban sa isang bagay

na maaring makamit nang hindi nagtatalaga ng sarili upang makamit ito.

C. Pagsang- ayon (Consent)- Ito ay ang pagtanggap ng kalooban sa mga

pamamaraan upang maisakatuparan ang hangarin.

D. Pagpili (Election)- Ito ay tumutukoy sa pagpili ng kalooban sa mga pamamaraan

na mabisa upang maisakatuparan ang hangarin.

E. Paggamit (Use)- ito ay ang pag-uutos ng kalooban upang gamitin ang mga

pinipiling pamamaraan sa pagsasakatuparan ng hangarin.

F. Katuparan (Fruition)- Ito ay ang pagkalugod ng kalooban mula sa pagkakamit ng

isang bagay naninanais. (Castro, etal.: 2010)

1.2 Ikalawa, may mga taong hindi nasisiyahan sa naunang bahagi, kinakailangan nila

itong isakatuparan gamit ang kapangyarihan ng kilos ng isipan at katawan sa ilalim

ng pamamahala pa rin ng kilos-loob, halimbawa ay pananalita ito ay tinatawag na

Pautos na Kilos. Ito rin ay ang pagpigil sa mga bagay-bagay na maglalaro sa iyong

isipan upang bigyan tuon ang mas mahalagang bagay. Halimbawa: pagpigil sa iyong

imahinasyon o daydreaming dahil kailangan mong pagtuunan ang iyong pag-aaral.

2. Ang kaugnayan ng Makataong kilos sa katwiran Ito ang mga makataong kilos na

sumasang-ayon sa katwiran. May tatlong uri ito:

2.1 Mabuti o Moral na Kilos- Ito ay tumutukoy sa mga kilos na naaayon sa

pamantayang moral. Ito ay mga kilos na kaaya-aya at pinahihintulutan.

2.2 Masama o Imoral na kilos- Ito ay kilos na hindi naaayon sa pamantayang moral.

Ang mga kilos na ito ay hindi mabuti at hindi pinahihintulutan.

2.3 Amoral o kilos na hindi mabuti at hindi rin masama- Ito ay mga kilos na walang-

kinikilingan kaugnay sa pamantayang moral. Ito ay mga kilos na hindi masama at


9
hindi rin naman mabuti. Mayroong mga kilos na nagiging mabuti o masama dahil
sa mga pangyayari na maaaring makaapekto nito. Halimbawa, ang paggamit ng

cellphone, hindi mo masasabi kung ito ay mabuti o masama (Amoral) depende

sa intensyon ng iyong paggamit at sa mga lugar na ipinagbabawal itong gamitin.

Mga Sangkap ng Makataong Kilos

Mayroong tatlong mahahalagang sangkap ang makataong kilos. Ang mga ito ay ang

kaalaman, kalayaan at pagkukusa.

1. Kaalaman

Ang makataong kilos ay nagsisimula, higit sa lahat, sa pagkakaroon ng

kaalaman sa kalikasan ng kilos, sa mga pamamaraan o mga kilos na maaaring

gawin upang makamit ang mithiin, at sa mga maaaring maging bunga ng gagawing

kilos. Ang pagtatala ng sarili sa katotohanan, ang pagkakaroon ng mapanuring pag-

iisip at pagsunod sa pamantayang moral ay makakatulong upang maging

mapanagutan ang gagawing kilos.

2. Kalayaan

Ang ikalawang mahalagang sangkap ng makataong pagkilos ay ang

kalayaan. Sa pamamagitan ng kalayaan, nagkakaroon ng kakayahan ang tao na

maisagawa ang piniling kilos, na mula sa masusing pagsusuri ng maaring maging

bunga ng bawat kilos na pinili. Ang taong malayang nakapagsagawa ng piniling kilos

ay hindi naiimpluwensyahan ng mga panlabas na salik o pwersa.

3. Pagkukusa

Ang kilos na kinusa o sinadya ay nangangahulugan lamang na ito ay pinag-

isipang mabuti at mayroong sapat na kalayaan upang isagawa ito, at mula sa

kalooban. Ito ay tinatawag na sinadyang kilos (willful act).

Mahalagang tandaan na upang ang kilos ay matawag na “makataong kilos”, ito ay

kinakailangang binubuo ng tatlong sangkap na nabanggit. (Castro et al.:2010)

Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos 10


Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya mauwi sa pagiging isang

ordinaryong kilos dahil sa mga salik na nakakaapekto rito. Ang mga salik ay direktang

nakaaapekto o nagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng isip

ay kilos-loob. Maari ring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa

impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos: ang

kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi.

1. Kamangmangan. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang

papel ng isip. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng

kaalaman na dapat taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) at

hindi nadaraig (invincible). Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng

kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang

kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito. Ang

kamangmangan na hindi nadaraig ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng

kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. O kaya naman

walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o

sa kakayahan man ng iba. Sa madaling salita, naibigay na ang lahat ng paraan

upang maitama ang kamangmangan. Kung walang paraan upang maitama ang

kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang

panagutan sa bahagi ng gumawa.

2. Masidhing damdamin. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay

o kilos (tendency) o damdamin. Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin

sa isip – para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas

matimbang kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na

abutin ang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad ng sakit o

hirap. Halimbawa nito ay ang pag-ibig, pagkamuhi, katuwaan, pighati, pagnanais,

pagkasindak, pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon, kapangahasan, pangamba at

galit. Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna (antecedent) o kaya’y nahuhuli


12
11
(consequent). Ang nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama o napupukaw

kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang

kilos sa ilalim ng damdaming ito ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao (acts of

man). Ang nahuhuli (consequent) naman ay damdaming sinadyang mapukaw at

inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa. Bago pa isagawa

ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na

antas na kakayahan – ang isip – upang mawala ang sidhi ng damdamin. Ang

naunang damdamin (antecedent) ay hindi nakapag-aalis ng kapanagutan subalit

nakapagpapababa lamang ito. Sinasabing sa ilalim ng damdaming ito nababawasan

ang pagkukusa sapagka’t ito ay nakabatay sa kaalaman at kalayaan. Naaapektuhan

ng damdaming nauuna (antecedent) ang isip kaya’t naaapektuhan nito ang

paghuhusga at pagpapasiya. Ang nahuhuling damdamin (consequent) naman ay

pagkakaroon ng panahon na alagaan ang damdamin na dahilan o paraan sa

ikinikilos. Katulad ng galit na kinikimkim at naging dahilan sa paghihiganti, ang may

gawa ay direkta at lubos na mapanagot sa kanyang ginawa. Sa kabilang dako, ang

damdaming nauuna ay maaaring maging damdaming nahuhuli kung ito ay aalagaan

at ipagpapatuloy na manatili.

3. Takot. Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri

ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa

pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao

ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa

kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama. Hindi

nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginagawa dahil sa takot kundi

nababawasan lamang. Ito ay dahil malinaw parin sa isip ang ginagawa mo ang isang

bagay na labag sa kaniyang kilos-loob

4. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang

tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay
13
maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Maaaring mawala ang
pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung

nagkaroon ang tao ng sapat na paraan para labanan ang karahasan subalit nauwi sa

wala at mas nasunod ang kalooban ng labas na puwersa. Ang tanging naapektuhan

ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi.

Ngunit kailangan mong maglapat ng ibang paraan sa gitna ng karahasan bago

masabing hindi ka mapanagot.

5. Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at nagiging bahagi na ng

sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits) o nakasanayan. Dito

ay nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Dahil ito

ay meron paring pagkukusa ng kilos.

Maging makatwiran at mapanagutan sa lahat ng pagkakataon. (Brizuela,

etal: 2015)

Pag-alam sa natutuhan

A. Balikan ang limang sitwasyon sa iyong buhay na nagdulot ng problema dahil sa

kakulangan ng iyong kaalaman, kalayaan at pagkukusa, isulat ang naging resulta

o problemang naidulot nito. Sa huli ay isulat ang solusyong ginawa mo upang

masolusyonan ang problema na nagpapakita ng iyong pagiging mapanagutan

Solusyon/
Sitwasyon Resulta/ Problema Mapanagutang Kilos

B. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pamagat ng aralin “Ako ang Tourist Guide ng

Buhay Ko “sa paksa. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanaysay.

C. Kopyahin yung diagram sa taas ng limang beses sa ibang papel at dun ilagay

ang sagot.

Huling Pagsubok

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


14
1. Ito ay mga makataong kilos ng tumutukoy sa mga kilos na sumasang-ayon o hindi

sumasang-ayon sa katwiran:

A. Kaugnay sa katwiran B.Kumpleto o sapat C. Makatwiran D. Moral

2. Ang ________ ang mga kilos na nagmula sa katwiran at kusang-loob.

A. Kaalaman B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. Moral

3. Ang ________ ang mga kilos na bunga ng biyolohikal na proseso ng katawan ng tao.

A. Kaalaman B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. Moral

4. Ito ang kilos na hindi mabuti at hindi rin masama.

A. Amoral B. Imoral C. Makataong kilos D. Moral

5. Ito ang mga kilos na kaaya-aya at pinahihintulutan

A. Amoral B. Imoral C. Makataong kilos D. Moral

6. Ito ay mga kilos na hindi mabuti at hindi pinahihintulutan

A. Amoral B. Imoral C. Makataong kilos D. Moral

7. Malayang pagsasagawa ng kilos.

A. Kaalaman B. Kalayaan C. Moral D. Pagkukusa

8. Ito ay ang kakayahan ng taong isagawa ang kanyang piniling kilos.

A. Kaalaman B. Kalayaan C. Moral D. Pagkukusa

9. Ang base ng kilos ang tao ayon sa pamantayang moral ay pagpapakita ng:

A. Kaalaman B. Kalayaan C. Moral D. Pagkukusa

10. Ang mga kilos na nagmumula sa kilos-loob at naisasakatuparan gamit pa rin ang

kilos-loob ay tinatawag na makataong kilos.

A. Kaugnay ng kilos-loob B. Kaugnay sa katawan C. Pautos D. Sangkap

11. Ang makataong kilos gamit ang kilos-loob ay halimbawa ng __________ tulad ng

pagpapahayag ng intensyon.

A. Kaugnayan ng kilos B. Kaugnay sa katawan C. Pautos D. Sangkap

12. Ang Makataong kilos na ginagamitan ng pagsang-ayon o hindi sa mga patakaran ay:

A. Kaugnayan ng kilos B. Kaugnay sa katawan C. Pautos D. Sangkap


15
13. Ang kaalaman, kalayaan at pagkukusa ay ang __________ para sa

pagsasakatuparan ng makataong kilos.

A. Kaugnayan ng kilos B. Kaugnay sa katawan C. Pautos D. Sangkap

14. Ang kilos ng taong nawala sa katinuan ay matatawag na:

A. Kilos-loob B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. Malaya

15. Ang makataong kilos ay naglalarawan ng kanyang;

A. Kilos-loob B. Makatwiran C. Malayang kilos D. Pagkatao

Pagninilay

Panuto: Napatunayan natin sa ating aralin na ang makataong kilos ay sinasadya ng tao

kung kaya ito ay kanyang pananagutan. Ngayon gumupit ng mga papel na hugis dahon.

Isulat sa dahon ang mga makataong kilos na ginawa mo na may mabuting kinahinatnan at

idikit ito sa puno sa ibaba. Gawin tio sa loob ng 7 araw. Pagkatapos ay sumulat ng maikling

pagkatuto at pagpapahalaga sa ibang papel.

Sangguniang Aklat:
Babor, E. (1999). Ethics: The Philosophical Discipline of Action. Manila, Rex Bookstore

16
Brizuela, M.,Arnedo,P., Guevara,G.,Valdez,E., etal.,( 2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa
Mag-aaral.FEP Printig Corporation. ( DepEd-IMCS )

Castro, L., Julio, J., Talag, M., Carvajal, P. (2010).Likha-Aral: Pagkakataong Moral IV. Manila:Student’s Power
Publishing House, Inc.

Glenn, P. (1965): Ethics. Manila:National Bookstore

Mihalic, F. (1993). The Next 500 Stories. Manila:Lagos Publications, Inc.

Montemayor, F. (2004). Ethics the Philosophy of Life. Mandaluyong: National Bookstore

Key to Correction
Gawain 1.3
1. Nagising ang natutulog

Rubrics

Puntos Gawain 1.4 Gawain 1.5

1 2 lamang pababa ang sagot 3 pababa ang tamang sagot.

2 3 ang nasagutan subalit hindi 4-5 ang tamang sagot.


malinaw ang konsepto.
3 3 ang sagot na may malinaw na 8-9 ang tamangsagot.
konsepto.
4 4 pataas ang sagot subalit ang
9-10 ang tamang sagot subalit hindi
iba ay hindi malinaw ang naayon sa bigat o gaan ng
konsepto. kasalanan o kabutian ang
pagkakaayos ng sagot.
5 Kumpleto at may malinaw na Kumpleto at tama ang pagkakaayos
sagot na naayon sa konsepto ng sagot.

Pretest Post Test


1. B. 11. C. 1. A. 11. C.
2. D. 12. A. 2. C. 12. B.
3. C. 13. A. 3. B. 13. D.
4. B. 14. D. 4. A. 14. B.
5. D. 15. B. 5. D. 15. D.
6. D. 6. B.
7. B. 7. D.
8. A. 8. B.
9. B. 9. A.
10. D. 10. A.

You might also like