You are on page 1of 22

10

Filipino
Kwarter 2- Aralin 3
Elemento, Suriin Mo
Sariling Tula, Isulat Mo
Filipino – JHS Baitang 10
Aralin 3: Elemento, Suriin Mo
Sariling Tula, Isulat Mo

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon,tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orohinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al. K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Jaycel P. Laurente:Lorenz C. Almendras


Editor: Nora J. Laguda
Tagasuri: Sonny A. Taugan
Tagaguhit: Jan Ervin S. Babor
Tagalapat: Jaycel P. Laurente; Brian Navarro
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng
modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing
nasa loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-
kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang
natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Mga Elemento ng Tula

P animula

Magandang araw, Kaibigan!


Kumusta ang iyong araw?
Handa ka na ba sa bagong paglalakbay?
Ang tula ay tulad ng isang awitin na nagtataglay ng
iba’t ibang damdamin na sasakto sa nararamdaman ng
isang tao.
Tulad din ng iba pang akdang pampanitikan, ang
tula ay binubuo ng mga mahahalagang elemento o
sangkap upang higit na maging masining ang paglalahad.
Ngunit naiiba ito sa iba pang anyo ng panitikan dahil sa
kakaiba nitong katangiang tinataglay.
Tara na at ating tuklasin ang iba’t ibang
elemento ng isang tula.

L
ayunin

Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula


F10PB-IIc-d-72
Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang
tinalakay
F10PU-IIc-d-72

1
T alasalitaan

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit
mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakayan
tungkol sa ating paksa

1. Tula- isang anyo ng panitikan na may matalinhagang pagpapahayag


ng isipan at damdamin
2. Soneto- isang uri ng tula na may labing apat na taludtod at sampung
pantig sa bawat taludtod
3. Taludtod- ang linya ng tula na bumubuo sa saknong ng tula
4. Tayutay- isang anyo ng paglalarawang-diwa na kakaiba at malayo sa
karanaiwang paraan ng pananalita at naglalayong magawang marikit
upang maging mabisa at kawili-wili ang pag-unawa at pagdama ng
sinuman sa damdaming ipinapahiwatig tulad ng simili,
metapora,personipikasyon atbp.
5. Sukat- ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
6. Tugma- ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod
7. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula
at ang kabuuan nito
8. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapgkat ito ang kahulugan ng
tula
9. Persona- tumutukoy sa nagsasalita sa tula;una,ikalawa o ikatlong
panauhan

2
P animulang
agsubok
Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay isang elemento ng tula na binubuo ng mga linya o taludturan.


a. Tugma c. kariktan
b. Saknong d. sukat
2. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
a. Sukat c. larawang-diwa
b. Tugma d. simbolismo
3. Ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag o salita na may malalalim na ibig
ipakahulugan at mga tayutay.
a. Kariktan c. saknong
b. Larawang-diwa d. simbolismo

4-5. Suriin ang bahagi ng tula na nasa ibaba.


Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa papuri.
-Ang Aking Pag-ibig ni Alfonso O. Santiago
a. Ano ang sukat nito?_______________________________________
b. Ilang taludtod ang bumubuo sa saknong?____________________________
.

Binabati kita!

Nasagutan mo ang panimulang


pagsubok!

3
Mga Gawain sa Pagkatuto

Ang Tula at Mga Elemento Nito


Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay., hinango
sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang
may angking kariktan.
Narito ang mga elemento ng tula.
1. Tugma
- ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat
taludtod ng tula. Ang dulumpatinig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o
katinig.
Uri ng Tugma
a. Tugmang ganap- kapag magkakapareho ang tunog at titik ng huling
salita sa bawat taludtod
b. Tugmang di-ganap- kapag magkapareho lang ang tunog ng buling
salita sa bawat taludtod
2. Sukat
- Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong

Uri ng Sukat
a. Wawaluhin
Halimbawa: Is-da- ko- sa- Ma-ri-ve-les
Na-sa- lo-ob- ang –ka-lis-kis
b. Lalabindalawahin
Halimbawa: Ang-la-ki-sa-la-yaw-ka-ra-ni-wa’y-hu-bad
Sa-ba-it-at-mu-ni-sa-ha-tol-ay-sa-lat
c. Lalabing-animin
Halimbawa: Sa-ri-sa-ring-bu-ngang-ka-hoy-hi-nog-na-at-ma-ta-ta-mis
Ang-na-ro-on-sa-lo-o-bang-may-ba-kod-pa-sa-pa-li-gid

3. Talinghaga
- tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. Ito ang
pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng
may-akda
Halimbawa: Mula sa tulang “Tinapay” ni Amado V. Hernandez

Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga- Nararanasang gutom ng isang mahirap

4
4. Saknong
- ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula

Iba’t ibang bilang ng taludtod


a. 2 taludtod sa isang saknong o couplet
b. 3 taludtod sa isang saknong o tercet
c. 4 taludtod sa isang saknong o quatrain
d. 5 taludtod sa isang saknong o quintet
e. 6 taludtod sa isang saknong o sestet
f. 7 taludtod sa isang saknong o septet
g. 8 taludtod sa isang saknong o octave
Sa mga bilang na ito, pinakakaraniwang ginagamit ang saknong na may
dalawa,tatlo at apat na taludtod.
5. Simbolismo
- Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang
mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng
tula.
Halimbawa: bituin- pangarap
Ilaw- pag-asa

Halimbawa: bituin- pangarap


Ilaw- pag-asa

6. Kariktan
- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang
kabuuan nito
Halimbawa: Mula sa tulang “Tinig na Darating” ni Teo S. Baylen

Ito ba ang mundong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong hidwang kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing pantig, tugmang ganap at tayutay
7. Persona
- Tumutukoy sa nagsasalita sa tula: una, ikalawa o ikatlong panauhan

Gaano kahalaga ang mga elementong ito sa


isang tula?

?
5
Itiman ang angkop na bilog.

Nauunawaan ko ang mga elemento ng tula.


o Oo
o Medyo
o Hindi

Yehey! Masaya akong malaman na pagkatapos mong basahin ang mahahalagang


impormasyon sa aralin ay naging malinaw sa iyo ang mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang
elemento ng tula.

Iba ka talaga! Pinabilib mo ko !

Ipagpatuloy mo pa.

P agsasanay 1

Panuto. Suriin ang saknong ng tula ayon sa elementong hinihingi. Isulat ang iyong sagot sa
Iyong sagutang papel.

Ilipad mo ako sa masalimsim


na puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!
-Mula sa “Gabi” ni Ildefonso Santos

SUKAT

TUGMA

6
Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?

Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?


Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.

P agsasanay 2

Panuto: Basahin ang tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barret Browning
ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) at isagawa ang pagsusuri batay sa elemento
nito sa iyong sagutang papel.

ANG AKING PAG-IBIG


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ni hindi maubos-isipin.

7
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang panananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na ang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at angking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

(Filipino 10, Modyul para sa Mag-aaral,p.187-188)

8
Elemento ng Tula Pagsusuri

a. Sukat

b. Tugma

c. Saknong

d. Kariktan

e. Persona

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay,


heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman.

9
P agsasanay 3

Narito pa ang isang tula na sa tingin ko ay iyong magugustuhan at kapupulutan ng


aral. Basahin at isagawa ang pagsusuri tungkol dito sa iyong sagutang papel.

Ang Matanda at ang Batang Paruparo


Rafael Palma
Isang paruparo na may katandaan,
Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kanya.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
Ang aking napala’y palad ko pang tikis
Nasunog ang aking pakpak na lumiit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa iba


na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”

Ang pinarangalang anak ay natakot


at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandal lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;

10
“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
Ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”

“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!


isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”

“Akala’y isa nang elepanteng ganid


ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”

“Kung ako’y lumapit na nanananagano


ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningning ilaw na marikit.”

Nang unang sandali’y walang naramdaman


Kundi munting init na wari’y pambuhay,
Ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
Upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro


Ay lapit nang lapit na di nahihinto

11
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

At siya’y hindi na muling makalipad


Hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
Ang ganyang kaparusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.
-Mula sa Diwang Kayumanggi,1970
(Filipino 10, Modyul para sa Mag-aaral,pahina 282-283)

sukat

tugma
simbolo

TULA

persona Larawang
diwa

saknong

Lodi na kita! Natapos mo ang mga pagsasanay

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 
12
P angwakas na
agsubok

Panuto. Suriin ang tula ayon sa elemento nito.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

GABI
ni Ildefonso Santos

Habang nagduruyan ang buwang ninikat


sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
sa mga pakpak mong humahalimuyak!

Ilipad mo ako sa masalimsim


na puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!

Iakyat mo ako sa pinagtipunan


ng mga bitu’it mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
palagusan mo ako ng kaluwalhatian!

Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y


Makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
Samantala namang ang hamog kong luha
Sa sangkalikasa’y magpapasariwa!

At ano kung bukas ang ating silahis


Ay papamusyawin ng araw ang langit?
Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid

13
Sa dagat ng iyong mga panaginip?

Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,


ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ilipaad mo habang gising ang damdamin
sa banal na tugtog ng bawat bituin!

Punan ng iyong kasagutan ang mga sumusunod:

Elemento ng Tula
1. Sukat _____________________________

Paliwanag ________________________________________________________
________________________________________________________

2. Saknong __________________________

Paliwanag ________________________________________________________
________________________________________________________

3. Tugma ____________________________

Paliwanag ________________________________________________________
_______________________________________________________

4. Persona ___________________________

Paliwanag ________________________________________________________
________________________________________________________

14
K aragdagang

G awain 1

G
Panuto; Sumulat ng iyong sariling tula na maaaring may kaugnayan sa kahit alin mang tula
na nabasa mo sa modyul na ito. Pagkatapos ay suriin mo ang mga elementong taglay
ng iyong sariling tula.

Pamantayan sa Pagmamarka

Angkop na Pamagat - 5 puntos


Nilalaman -20 puntos
Kaisahan -10 puntos
Wastong gramatika -15 puntos

Kabuoan -50 puntos

15
16
Panimulang Pagtataya
1. b
2. a
3. a
4. lalabindalawahin
5. apat na taludtod
Pagsasanay 1
Sukat - lalabindalawahin
Tugma - tugmang ganap
Pagsasanay 2
Sukat - lalabindalawahin
Tugma - tugmang ganap
Saknong - 4 na taludtod sa isang saknong/quatrain
Kariktan - gumamit ng mga tayutay at matatalinhagang salita
*Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin
Tulad ng lumbay kong di malayang bathin
Persona - nasa unang panauhan
Pagsasanay 3
Sukat - lalabindalawahin
Tugma - tugmang di-ganap
Simbolo - liwanag/ilaw - karangyaan,kasakiman
Persona - nasa unang panauhan;gumamit ng panghalip na “ko”
Saknong - 4 na taludtod sa isang saknong/quatrain
agwawasto P
usi sa
17
Larawang-diwa -
“Ang ilaw na iyang maganda sa mata
Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.”
Paliwanag: Sa saknong na ito malinaw na ipinakikita kung gaano at ano ang kayang
gawin at sirain ng naaakit o nasisilaw sa liwanag o karangyaan/kapangyarihan.May
kaakibat na kaparusahan ang sinumang pasisilaw sa karangyaang ito na kadalasan
ay kasawian.(Maaaring subhetibo ang sagot)
Panapos na Gawain
1. Sukat: lalabindalawahin
Paliwanag: bawat linya ng tula ay may lalabindalawahing bilang ng pantig
2. Saknong: 4 na taludtod o quatrain
Paliwanag: binubuo ng apat na linya o taludtod ang bawat saknong ng
tula
3. Tugma: tugmang di-ganap
Paliwanag: Ito ay sa dahilang hindi magkakapareho ang nasa huling
pantig
4. Persona: unang panauhan
Paliwanag: gumamit ng panghalip na ‘ako” na nasa unang panauhan.
Karagdagng Gawain
Pamantayan sa Pagmamarka sa pagsulat ng tula.
Angkop na Pamagat - 5 puntos
Nilalaman -20 puntos
Kaisahan -10 puntos
Wastong gramatika -15 puntos
Kabuoan -50 puntos
Pagsusuri ng isinulat na tula ayon sa mga elemento nito.
Subhetibo ang sagot
anggunian

Filipino – Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral,Unang Edisyon 2015, Vibal


Group Inc. Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd
Complex, Meralco Avenue Pasig City , Philippines 1600 Telefax: (02) 634-
1054 o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

Pinagyamang Pluma 10, (Aklat 1)2016 Edisyon, Phoenix Publishing House, Inc.

18
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

19

You might also like