You are on page 1of 15

10

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 2:


Anekdota mula sa Persia/Iran
(Panitikan ng Africa at Persia)

Inihanda ni:

MARIECHU ASENCIO
Guro I, Pangasinan National High School
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Panitikan ng Africa at Persia!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
gurong tagapagdaloy at upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang hinihingi ng ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estr atehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Panitikan ng Africa at Persia!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

ii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ii
MODYUL 2- Anekdota mula sa Persia/Iran
IKATLONG Panitikan: Mullah Nassreddin
MARKAHAN

Alamin
Biinabati kita dahil natapos mo ang nakaraang modyul
tungkol sa Mitolohiya ng Kenya.Nasasabik ka na bang
ipagpatuloy natin ang paglalakbay
sa iba pang bansa sa Africa at Persia?

Ang Aralin 1.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na kakikitaan ng


mga kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang
indibiduwal sa pamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang
matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga naiambag ng kanilang
mahusay na mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at paniniwala.
Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa pagsasalaysay.

Sa pag-aaral sa aralin na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.


( F10PN-IIIb-77)
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo
ng awtor paraan ng pagsula at iba pa. ( F10PB-IIIb-81)
3. Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. (F10PT-
IIIb-77)
4. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa you
tube. (F10PD-IIIb-75)
5. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang
anekdota(F10PU-IIIb-79)
6. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orhinal na anekdota. (F10PU-IIIb-79)

Subukin

Relaks ka lang! Sa bahaging ito, masusubok kung ano na ang alam mo tungkol sa
anekdota. Huminga ka muna nang malalim at sagutin mo ang kasunod na mga
gawain.

Paunang Pagtataya

I. Panuto: Basahin mo ang isang anekdota at pagkatapos, sagutin ang


kasunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.

ii
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon
nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi
ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit.
Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y
maitutulad din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na
paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang
Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang
anak na pag-aaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating
nakarating sa lungsod ang mag-ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang
tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang
nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang
nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy.
“Halika at makikipagusap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang
kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong
nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” “Ngunit… ibig ko po
sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling
kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po
ba?”
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na
punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo
ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.” Dili di
natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si
Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At… umuwi nang nag-iisa si Mang
Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili:
“A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya
kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

1. Ang akdang “Akasya o Kalabasa’’ ay isang anekdota. Ibigay ang mga katangian ng
akda?
2. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay.

II. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.

1. Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas
na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga
gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan.
a. Dulang pandulaan b. nobela c. Alamat d. maikling
kwento

ii
2. Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari.
A. Kasaysayan b. alamat c. Talambuhay d. nobela
3. Tungkol ito sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
A. Kasaysayan b. alamat c. Talambuhay d. nobela
4. Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan
ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
tauhan.
A.Dulang pandulaan b. nobela c.. Alamat d. maikling kwento
5. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa
ibang lugar.
A. Kasaysayan b. alamat c.Tala ng paglalakbay d.
nobela
6. Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang
salaysay.
A. Sariling karanasan b. narinig o napakinggan sa iba
c. Napanood d.likhang-isip
7. Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao
sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismongnagsasalaysay.
A. Sariling karanasan b. narinig o napakinggan sa ib
c. Napanood d.likhang-isip
8. Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
a. napanood b.likhang-isip
C.panaginip o pangarap d. narinig o napakinggan sa iba
9. Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
A. nabasa b.likhang-isip
C.panaginip o pangarap d. narinig o napakinggan sa iba
10.Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral.
a. Maikling kwento b. alamat C. Nobela d. anekdota

Balikan
Mula sa paglalakbay natin sa Modyul 1, nasaksihan natin ang iba't ibang
mitolohiya at natunghayan mo rin ang pagsasaling wika. Para mas matiyak kong
nakuha mo ang nakaraang paksang pinag-aralan natin, sagutin mo pa ang kasunod
na gawain. Kayang-kaya mo yan!

Gawain 1:Ako’y Tagapagsalin!


A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga salitang Ingles ay angkop na
katumbas/salin ng salitang Filipino at ekis ( x ) kung hindi.
_____ 1. tagumpay ( victory, success, triumph )
_____ 2. talino ( wisdom, knowledge, ignorance )
_____ 3. halaga ( cost, price, worth )
_____ 4. kaibigan ( friend, companion, enemy )
_____ 5. kayamanan ( wealth, abundance, poverty )

B. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang mga katangiang nabanggit
sa bawat bilang ay dapat taglayin ng isang tagapagsalin at malungkot na mukha
naman kung hindi.

ii
___1. Interesado sa paksa
___2. Malawak ang kaalaman sa kultura ng dalawang wikang kasangkot.
___3. Nakikipag-ugnayan sa awtor.
___4. Sapat na kaalaman sa paksa.
___5. Bihasa sa dawalang wikang kasangkot.

Tuklasin
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Magpatuloy ka lang at
magagawa pang mapalago ang iyong kaalaman.
Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo at
tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento
sa Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan
sa bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sa
pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng
kaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa
mambabasa. Iyong alamain kung paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang
mga kauri nito.
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND)


ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano
noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan
ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian
din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at
puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig
ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang
ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang
talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong
siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga
nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong
magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay
umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang
magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng
katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah
Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko
na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang
mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan
nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng

ii
pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?
” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay
nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t
muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang
aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam
ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-
iranian-mullah-who-was-master-anecdotes.html

GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan


A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong
sagot sa patlang.

lumisan b. nalito c.
napahiya
d. sayangin e. naimbitahan

______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag
itong aksayahin.
______3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

GAWAIN 3: Ating Suriin


A. Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan si Mullah.
2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang
siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay
Mullah?Patunayan ang sagot.
6.Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
7.Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota
anong paksa ang nais mong isulat? Bakit?
8.Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba
ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?

Gawain 4: Bahagi ko’y Suriin!


Panuto:Suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota “Mullah Nassreddin.” Gawin
ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart sa kasunod na pahina.

Mullah Nassreddin

Panimula:
ii
Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Suriin
Alam mo ba na...
ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao? Layon nito ay
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o
ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.
Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng
pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Gawain 5: Sagutin Natin


Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?


2. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay, noong
nagsimula kang mag-aral. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutuhan?
Ipaliwanag.
3. Kung isasalaysay mo ito sa iba, ano ang gusto mong matutuhan ng iyong
kapwa?

Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa
dalawang kadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang
lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa
pagsisimula ng mga mag-aaral na Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng
kasabihan at mga kuwento na itinuturing na mahusay na mga pahayag ng
paniniwalang Sufi.

Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi ito
ng buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito
nagpapahalaga sa oras, pera o maging karangalan. Nakapokus ito sa
pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng kanilang mga
pandama. Mullah Nassreddin
Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga

ii
na kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang
pagbibinata/ pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa
proseso, pag-unawa at pagsasanay.
Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim
na dumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ng
naisasalaysay ang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang
pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa buong mundo.

Mula sa mga Anekdota ni Saadi


Persia
ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.

Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nagiisa at namamanata sa


disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi
nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan
siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano!
Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya
binigyan ng kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa
kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan
para paglingkuran ang Sultan.”
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, US

Pagyamanin
lan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at
may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong
sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng
salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.

ii
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng
mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha
ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa
sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng
buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay
isinulat upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng
isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,
pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

Gawain 5: Maayos na Isaayos!


Panuto: Ayusin mo ang mga pangyayari sa Anekdota ni Saadi na Mongheng
Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa. Isulat ang A hanggang G sa iyong sagutang
papel.

_____ 1. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang


nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao.
_____ 2. Isang araw, may isang mongheng Mohametano na nag-iisa at namamanata
sa disyerto.
_____3. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.”
_____4. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng Mohametano
habang dumadaan siya.
_____5. Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang
Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan.Bakit di mo siya binigyan ng
kaukulang paggalang?”
_____6. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

ii
_____7. Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang
gawa.

Isaisip
Gawain 6: Double Entry Journal
Panuto: Punan ang kasunod na Double Entry Journal ng sariling reaksiyon tungkol
sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng anekdota.

Pagsusuri Ang Aking Reaksyon


Kawilihan ng Paksa
Sapat na kagamitan
Kakayahang Pansarili
Tiyak na panahon o pook
Pagkilala sa mambabasa

Isagawa

Gawain 7: KOMIKS-KO
Panuto: Sumulat ng isang Orihinal na komik strip batay sa isinagawang
sariling anekdota. Bibigyang puntos ang iyong ginawa sa pamamagitan ng
mga pamatayan na nasa ibaba.

Pamantayan Deskripsyon Pu
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang mahusay
ang kaangkupan ng mga eksena sa komik
strip batay sa ginawang sariling anekdota
Pagkamalikhain at Maliwanag at angkop ang mensahe sa
pagkamasining ng komik strip paglalarawan.
Kabuuang presentasyon at Malinis, maayos at may kahusayan sa
kahusayan sa pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ang kabuuang larawan ng
komik strip komik strip
KABUUAN

Tayahin
Pangwakas na Pagtataya

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang may-akda ng Mullah Nassreddin?
a. Idries Shah b.Roderic P. Urgelles c.Consolation P.
Conde
2. Sino ang nagsalin sa Filipino ng Anekdota ni Saadi na Mongheng
Mohametani sa Kaniyang Pag-iisa?

ii
a. Idries Shah b.Roderic P. Urgelles c.Consolation P.
Conde
3. Ano angb ginawa ng Mongheng Mohametano sa disyerto?
a. Naglalakbay b. namamanat c.
namamasyal
4. Sinon ang nagwika ng,” Ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindin nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang sultan”.
a. Sulatan b. mamamayan
c. Saadi
5. Saang bansa nagmula ang Anekdota ni Saadi?
a. Persia(Iran) b. Pransiya c.
Gresya
6. Bakit naglit ang sultan sa Mongheng Mohametano?
a. Dahil sinigawan ng Mongheng Mohametano ang sultan.
b. Dahil tinawanan ng Mongheng Mohametano ang sultan.
c. Dahil hindi nagbigay galang ang Mongheng Mohametano san sultan.
7. Sino ang nagsalin sa Filipino ng anekdotang Mullah Nassreddin?
a.Idries Shah b.Roderic P. Urgelles c.Consolation P. Conde
8. Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento sa kanilang bansa.
a. Mullah Nassreddin b. Saadi
c. Liongo
9. Ano ang laging tinatanong ni Mullah sa kaniyang mga tagapakinig bago siya
magsimula sa kaniyang talumpati?
a. Alam ba ninyo ang aking gagawin?
b. Alam ba ninyo ang aking kakainin?
c. Alam ba ninyo ang aking sasabihin?
10. Ano ang aral ng kwentong Mullah Nassreddin?
a. Maging mapagkumbaba
b. Huwag padalo-dalos sa agsagot at huwag magmarunong
c. Mahalin nating ang ating kapwa

II. Panuto: Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang.


________1. Ito ay mula sa anumang tekstong nabasa kaailangang ganap na
naunawaan ang mga pangyayari.
________2. Mga palabas sa sine, telebisyon, dulang panteatro at iba pa.
________3. Inaasam ng tao na maaaring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
________4. Pinakdetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito’y
hango sa mga pangyayaring naranasan.
________5. Mula sa imahinasyon, katotohann man o ilusyon.

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1.2
Subukin
PAUNANG PAGTATAYA

I. Iba-iba ang sagot


II. 1. a 2. d 3. b 4. d 5. c
6. d 7. a 8. d 9. d 10.
d

Pagyamanin
ii Gawain 5
1B
2.A
3.D
4. C
Balikan
Gawain 1 Tuklasin
A.1. / B. 1. Gawain 2
2. X 2. B
3. / 3. D
4. X 4. C
5. X 5. :( E
A

Gawain 3 & 4
Iba’t iba ang sagot

Isaisip Isagawa
Gawain 6 Gawain 7
Iba’t iba ang sagot Iba’t iba ang sagot

Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

I. 1.A 2. D 3.
B 4. D 5. A
6. D 7. B 8.
A 9.C 10. B
II. 1. Nabasa
2. Napanood
3. Pangarap
4. Sariling karanasan
5. Likhang-isip

Sanggunian
Ambat, V.C., et al.(2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Vibal
Group, Inc., pa. 253-262

Mula sa Internet
https://www.scribd.com/document/323390807/Filipino-10-2015

ii

You might also like