You are on page 1of 5

I.

Layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mag-aaral ay inaasahang:


a. nakapagbibigay sa pagkakatulad at pagkakaiba ng Brazil at Pilipinas gamit ang venn
diagram;
b. nakasusulat ng isang talumpati tungkol sa isang napapanahong isyu sa bansa;
c. nakapagbibigay ng mga mahahalagang aral tungkol sa talumpati ni Dilma Rousseff sa
kaniyang Inagurasyon.
II. Paksang-aral: Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig Filipino 10 Pahina 131 -132
May-akda: Sheila C. Molina
Kakayahan: pakikinig at paggawa
Kahalagahan: kooperasyon at pag-iisa
Kagamitan: Projector, manila paper,
III. Pamamaraan: Pagsasakwento (5A´s)
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Paghahanda
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Panalangin)

Magandang umaga sa inyong lahat?


Bago kayo umupo ay pulutin niyo muna ang mga
papel na nasa sahig at iayos ng mabuti ang mga
upuan.

Magandang umaga klas, Magandang umaga rin Bb. Alps.


Sino ang lumiban sa klase ngayon? (inaasahang sagot)

a. Balik-aral (Inaasahang)
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang
tagpo?
Magaling!

b. Pagganyak
Klas, may ipapakita akong video klas. Manuod
kayong mabuti at unawain ito. (video)

Sa video na inyong napanood klas, ano ang


napapansin ninyo?

Okey, Christian Ang napapansin ko ma’am sa video ay may isang


taong nagsasalita sa harap ng madla.
Tama!

Ano ang napapansin ninyo klas?


Mary Jane, Ang paksa po ng kanyang sinabi ay tungkol sa
kahirapan ma’am.
Magaling!
Ano pa?
Okey, Al Jane Siya ay nananawagan sa lahat ng tao na dapat ay
magtulong-tulungan para sa pag-unlad ng ating
bansa.
Magaling!

B. Paglalahad
Klas, alam niyo ba ang lahat ng inyong
nabanggit ay may malaking bahagi sa ating
bagong talakayan ngayon? Hindi po ma’am.

Kaya makinig kayong mabuti sa pagkat sa


umagang ito ay ating tatalakayin ang tungkol sa
“ Sipi ni Dilma Rouseff sa Kaniyang Inagurasyon”
( Kauna-unahang Babaeng Pangulo ng Brazil )

Basahin sa lahat, “ Sipi ni Dilma Rouseff sa Kaniyang Inagurasyon”


( Kauna-unahang Babaeng Pangulo ng Brazil )

a. Paglalahad sa Layunin

Makinig ng mabuti dahil pagkatapos ng


talakayan kayo ay inaasahan kong magagawa
ang sumusunod.
Basahin sa lahat, a. nakapagbibigay sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng Brazil at Pilipinas gamit ang venn
diagram;
b. nakasusulat ng isang talumpati
tungkol sa isang napapanahong isyu sa bansa;
c. nakapagbibigay ng mga mahahalagang
aral tungkol sa talumpati ni Dilma Rousseff sa
kaniyang Inagurasyon.

(ginawa ng mga bata)

b. Pag-alis ng sagabal
Klas, sa tulang ating binasa kanina. Mayroong
mahihirap na salita na maaaring makasagabal sa
inyong pa-unawa

c. Paglalahad na Pagganyak na Tanong

Para lubos nating maunawaan ang talumpati


may mga katanungan akong inihanda sa inyo.
Pero huwag kayong mag-alala dahil mamaya
niyo pa iyan sasagutin. (ginawa ng mga bata)
Basahin sa lahat,
1. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil
klas?

2. Paano ba masolusyunan ang kahirapan ayon


kay pangulong Dilma Rousseff?

3. Sa anong paraan klas para mabigyan ng


priyoridad ng mahabang panahon sa
pagpapaunlad.

4. Kung kayo ay magiging pangulo ng isang bansa


paano mo masusulusyunan ang kahirapan?
Yes, Neil
C. Pagkilala sa may Akda

Klas, ito ay si Pangulong Dilma Rousseff. Kauna-


unahang babaeng pangulo ng Brazil matapos
manalo sa eleksyon noong 2010. Isinilang siya
noong Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte,
Brazil. Estudyante pa lamang si Dilma ay (Larawan ni Pangulong Dilma Rousseff)
nauugnay na siya sa isang militanteng
sosyalistang grupo.

D. Paglalahad ng Kwento
Pagbasa ng talumpati.

E. Pagbabasa ng Kwento

Ngayon klas ay babasahin natin ang isang Opo, maám.


talumpati ni Dima Rousseff sa kaniyang
Inagurasyon.

Klas, unawain niyo ng mabuti ang binasang


talumpati. Dahil pagkatapos ay may mga
katanungan ako na inyong sasagutin.
Nagkakaintindihan ba tayo klas?

F. Pagsagot sa Gabay na Tanong

Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil


klas?
Okey, Christian Mailalarawan ko ang panlipunan ng bansang
Brazil ay ang mga mamamayan ng Brazil ay
pakalat-kalat sa mga lansangan.
Magaling!
Klas, paano ba masolusyunan ang kahirapan
ayon kay pangulong Dilma Rousseff? Masusulusyunan ang kahirapan ma’am ayon kay
pangulong Dilma Rousseff ay pagsugpo sa labis
na kahirapan kailangan bigyan ng priyoridad ng
mahabang panahon sa pagpapaunlad.

Tama!
Sa anong paraan klas para mabigyan ng
priyoridad ng mahabang panahon sa
pagpapaunlad.
Okey, Archilou Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga
programang panlipunan upang malabanan ang
hindi pantay-pantay na kita at pagkakaroon ng
rehiyunal na pagpapaunlad.

Magaling!
Klas, kung kayo ay magiging pangulo ng isang
bansa paano mo masusulusyunan ang
kahirapan? Kung ako po ay magiging pangulo ng bansa
Yes, Neil masusulusyunan ko ang kahirapan sa
pamamagitan ng pagtaas sa mga sahod nang
Tumpak! manggawa upang mayroon silang sapat na kita
para sa kanilang mga pamilya at iba pa.
H. Pagpapahalaga

Ngayon klas para sa inyo mahalaga ba sa isang


bansa na magkakaroon ng isang leader na tapat
mamuno at may paninidigan sa sariling bansa? Opo, ma’am.

Bakit?
Okey, Lady Mae Para po sa akin ma’am napakahalaga kapag may
may leader tayong may panindigan at may
prinsipyo sa kanyang mga mamamayan. Para
magkakaroon ng pagbabago ang ating bansa.

Magaling!klas kailangan talaga natin ng isang


leader sa ating bansa para tayo ay magkakaisa at
may pagbabagong magaganap sa ating bansa.
Para din mabigyang sapat na edukasyon ang
bawat isa sa atin.

Gawain 1
Panuto: Sa isang buong papel. Gagawa kayo ng
isang talumpati tungkol sa pamanahong isyu o
latest issue. Bibigyan ko lang kayo ng sampung
minuto at pagkatapos ay ipasa ito sa harapan.
Nagkakaintindihan ba tayo klas? Opo, maám.
(ginawa ng mga bata)

Gawain 2
Panuto: Sa isang kalahating papel gamit ang
venn diagram. Gumawa kayo ng pagkakaiba at
pagkakatulad ng bansang Brazil at Pilipinas sa
loob lamang ng limang minuto. (ginawa ng mga bata)

IV. Ebalwasyon

Kumuha ng sangkapat na papel at sagutin ang


mga katanungan.

1. Sino ang kauna-unahang pangulo ng bansang


Brazil?
2. Ano ang paksa sa talumpati?

3. Ano ang layunin ng nagsasalita?

4. Paano niya sinugpo ni pangulong Dilma


Rousseff ang labis na kahirapan ng bansang
Brazil?

5. Ano kaya ang gustong iparating ni pangulong


Dilma sa kaniyang mga mamamayang Brazilians?

V. Takdang Aralin

Panuto: Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng


bansang Brazil batay sa mga sinabi ni Pangulong
Rousseff. Ayon sa kaniya, paano niya ito
mapabubuti? Sagutin sa tulong ng T-chart. Gawin
ito sa isang buong papel. Ipasa bukas Agosto 14,
2019.

You might also like