You are on page 1of 2

Alegorya Ng Yungib (buod)

Ayon kay Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kuweba na nakatanikala at nakaharap sa
dingding ng yungib. Tanging ang mga anino lamang sa labas ng kuweba ang ating nakikita dahil sa apoy
na nagpapaliwanag sa ating likuran. Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at tinaguriang
“Alegorya ng Yungib.”

Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang
hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ano ang punto ni Plato?

Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig ng pagpapakita ng isang anyo na dapat
nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong
naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang
makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa
mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na
sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

Ayon kay Plato

Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa
isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran
upang sila’y matuklasan.Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante.

Ayon kay Aristotle

Ang katotohanan ay nagmumula sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, naririnig ng ating tenga,
nararamdaman, naaamoy at nalalasahan. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y
ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Para kay Aristotle, ang isip ng tao ay
maihahalintulad sa isang blankong tableta. Tinawag niya itong ‘Tabula Rasa’ . Dito isinusulat ang bawat
karanasan sa pamamagitan ng ating senses. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.
Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama’t
mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa
realidad na ating nakikita.

Sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may
katotohanang mas makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay
binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Misteryo pa rin ang pinagmumulan
ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay
na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating agham.

Ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti ng
ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materyal. Ang konsepto ni Plato ay mga lohika na may
kaugnayan sa pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang realidad.

Ito ay tungkol sa mga epekto ng edukasyon at kakulangan ng mga ito sa ating kalikasan. Ito ay nakasulat
bilang isang diyalogo sa pagitan ng mga kapatid na lalaki ni Plato na si Glaucon,at ang kanyang mga
tagapayong si Socrates. Ito ay naging batayan sa pagkakaroon ng kamalayan at kaalaman ng sariling
kultura at kaugalian ng bansang kinabibilangan.

You might also like