You are on page 1of 1

1. Ang pangunahing tauhan sa akda ay si Kibuka, isang retiradong indibidwal na nag-alaga ng isang biik.

Ang kalakasan ni
Kibuka ay ang pagtatrabaho at ang kanyang alagang baboy na binigay ng kanyang apo. Samantala, ang kanya namang
kahinaan ay ang kawalan nya ng gawain sa buhay o ang pagkaburyo at ang pagkamatay ng kanyang alagang baboy.

2. Batay sa mga pangyayari sa akda, sinusuklian ng isang hayop o alaga ang kabutihan at pagmamahal na natanggap nya
sa pamamagitan ng parating pagsunod nito sa kanyang amo saan man ito pumunta.

3. Ang nangibabaw na suliranin sa akdang “Ang Alaga” ay labis na napamahal na si Kibuka sa kanyang alagang baboy kaya
noong humantong sa kamatayan ang alaga ay matinding pagkalungkot ang kanyang naramdaman. Hindi nya alam kung
anong gagawin sa namatay na alaga, kung ito ba ay ililibing o kakatayin upang mapakinabangan din ng iba.
Napagpasyahan nyang katayin na lamang ito upang mapakinabangan din ng ibang tao. Tulad ng kwento sa akda,
maiuugnay natin ito sa mga nangyayari sa ating lipunan kung saan kailangan nating isakripisyo ang isang bagay na
napamahal na sa atin para sa kapakinabangan ng nakararami.

4. Mayroong epekto sa akin ang nabasa kong akda, mas naunawaan ko ang kahalagahan ng isang alaga sa buhay ng tao at
hindi lamang ito basta hayop. May mga pagkakataon man na nahihirapan tayo dahil sa paglaki nila, malaki pa rin ang
naibabahagi nilang kasiyahan sa atin. Nararapat lamang na pangalagaan natin ang ating mga alagang hayop.

5. Kahalagahan ng akda sa Pansarili- Ang tao ay nagiging mas masaya sa pagkakaroon ng maaalagaang hayop. Ito ay
mapapamahal sa iyo at makadadama ka ng pagiging responsable dito dahil naglalaan ka ng iyong oras at atensyon sa
iyong alaga. Ngunit isang bagay ang dapat na isaalang-alang, na ang mga alagang hayop ay maaaring magbigay ng
lungkot kapag sumapit na ang araw na ito ay pumanaw.

Kahalagahan ng akda sa Panlipunan- Sa pag-aalaga ng hayop ay mas nakikinita sa mga tao ang kanilang kaligayahan at
kapayapaan sa kanilang buhay. Marapat na isaalang-alang ng mga tao ang kaligtasan ng iba dahil kung hindi ay maaari
itong magdulot ng pagkawala ng buhay.

Kahalagahan ng akda sa Pandaigdig- Kahit sino man sa atin sa buong mundo ay maaaring maging mas masaya kung sila
ay mag-aalaga ng kahit na isa lamang na hayop. Ito’y sumasalamin sa mga katangiang kailangang linangin ng isang
indibidwal.

You might also like