You are on page 1of 4

Masusing Banghay-aralin

sa Filipino 10

I. Layunin : Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang :


a. nailalahad ang pinakatatagong sikreto ni Simoun
b. napaghahambing ang dalawang tauhan sa kabanata sa pamamagitan ng Venn Diagram
c. nakapipili kung maghihiganti o ipauubaya sa Diyos ang lahat ng suliranin sa nakaraan

II. Paksang-aralin
a. Paksa : Si Simoun
b. Sanggunian : El Filibusterismo, nina Teodorica Espinoza, Januario de Guzman at
Francisco Odulio
c. Kagamitan : Panyo, mga kagamitang biswal

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
Magandang umaga klas!
Magandang umaga din po maam!
A. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating talakayan,
magkakaroon muna tayo ng isang laro na
tinatawag na “Hot Potato”. Maghahawak
kamay ang lahat at bubuo ng pabilog na
pormasyon. Isa sa grupo ang tatayo sa gitna at
pipiringan ang mga mata. Kakanta ngayon
ang mga bata habang iniikutan nila ang taya.
Paghinto ng kanta, hihinto rin sa pag-ikot ang
mga bata. Paghinto ay agag-agad niyang
ituturo ang isa sa mga bata at ito ang sasagot
sa katanungan ng guro.

Tanong
1. Kung ikaw ay may nalamang lihim, ano
ang iyong gagawin sa lihim na ito?
2. Naniniwala ka ba sa kasabihang “kung
hindi makuha sa mabuting usapan, daanin sa
santong paspasan”?
B. Paglalahad
Ang ating tatalakayin ngayong umaga ay ang
kabanat 7 na pinamagatang “Si Simoun”.

C. Pagtatalakay
Nang paalis na si Basilio sa matandang
kagubatan, sino ang nakita niya nang hindi Hindi niya inaasahang Makita si Simoun sa
inaasahan doon? matandang kagubatan.

Tama! Nagulat pa nga si Basilio nang Makita Nagulat siya sapagkat ang mag-aalahas ay
niya ito, Bakit? napag-alaman niyang nagbabalatkayo lamang
sapagkat ito ay si Crisostomo Ibarra na siyang
tumulong sa kaniya sa paglilibing sa kaniyang
ina labintatlong taon na ang nakakaraan.

Mahusay! Nagulat din si Simoun at nabahala


sapagkat nabatid na ni Basilio ang kaniyang
pinakatatagong lihim. Binalak ba ni Simoun Yes maam. Nabahala siya nab aka isiwalat ni
napatayin si Basilio? Basilio ang kaniyang lihim kaya binalak niya
iting barilin.

Hindi maam.
Tama! Natuloy ba?
Hindi natuloy ang tangkang pagbaril ni
Bakit? Simoun kay Basilio sapagkat naniniwala si
Simoun na imbes na wasakin nila ang isa’t-isa
dapat na lamang silang magkasundo at
magkampihan. Naniniwala si Simoun na
parehas dapat silang maghiganti sa mga nang-
alipusta at nang-api sa kanila at dapat silang
magtulungan. Hindi niya rin ito pinatay
sapagkat kailangan niya raw si Basilio, ito
raw ang makakaimpluwensiya sa mga
kabataan na ipaglaban ang kanilang karapatan
at kalayaan.

Tama! Ngunit pumayag ba si Basilio sa


gustong mangyari ni Simoun? Hindi pumayag si Basilio sapagkat naniniwala
siyang walang maitutulong na mabuti ang
paghihiganti ng dahas at anuman ang gawin
nilang paghihiganti ay hindi na maibabalik
ang mga nawala nang mahal niya sa buhay.

Mahusay! At natapos ang kabanata nang


mapaisip si Simoun kung tama bang sinabi
niya kay Basilio ang lahat at kung sa
hinaharap ba ay papanig sa kaniya si Basilio.

D. Pangkatang Gawain
Papangkatin ko kayo sa apat. Bawat grupo ay
kailangang paghambingin si Simoun at
Basilio sa pamamagitan ng Venn Diagram.

E. Pagpapahalaga
Kung ikaw si Basilio, papanig k aba kay Para sa akin, hahayaan ko na ang Diyos at
Simoun at maghihiganti sa paraang dahas o ipauubaya ko na ang lahat sa kaniyasapagkat
ipauubaya mo nalang ang lahat sa Diyos? hindi ako Diyos upang kumitil ng
kaninumang buhay.

Papanig ako kay Simoun upang mawakasan


na ang kasamaan at kasakiman ng mga
Okay, ano pa?
Kastila at hindi na sila mang-alipusta pa ng
ibang Pilipino.

Okay, anuman ang inyong piliin, lagging


tandaan na piliin kung ani ang tama at
makabubuti sa marami.

IV. Pagtataya

Panuto : Basahin ang mga sumusunod na


pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Madilimpa nang magpasyang iwanan ni


Basilio ang puntod ng kaniyang ina sapagkat
ayaw niyang may _____________.
a. susunod c. magtatanong
b. makakakita d. huhuli
2. Ilang taon na ang nakararaan nang huling
Makita ni Basiliosi Simoun?
a. 10 c. 12
b. 11 d. 13
3. Ang biglang pag-urong ni Simoun nang
lumabas si Basilio sa likod ng puno ay
nagpapahayag ng _______________.
a. pagkagalit c. pagkainis
b. pagkagulat d. pagkatakot
4. Wala raw gaanong maitutulong si Basilio
sa mag-aalahas sapagkat hindi siya isang
____________.
a. arkitekto c. inhinyero
b. pulitiko d. pintor
5. Ang tema ng pagsasalita ni Simoun kay
Basilio ay ________________.
a. nagagalit c. natutuwa
b. nanghihikayat d. naninisi

V. Kasunduan
Basahin ang kabanata 8 na pinamagatang
“Maligayang Pasko”.

You might also like