You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 10-Q3-W8


FFy

8 Pagsusuri ng Nobela

Mga Inaasahan

Sa araling ito, mababasa mo ang mga isinapelikulang nobela mula sa Africa.


Aalamin mo rin ang mga mahahalagang kaisipan sa nobela na nagpapakita ng
katangian ng bansang pinagmulan nito upang magamit sa pagsusuri.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan :

1. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-


IIIh-i-79)
2. Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga
pag-ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-IIIh-i-83)
3. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang
katangian ng bansang Africa at Persia 7 (F10EP-IIf)

Sagutan ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay tama tungkol sa nobela at M


kung ito ay mali.

______1. Ito ay pumupuna sa lahat ng larangan ng buhay ng tao.

______2. Ito ay nakabatay sa karanasan at kathang-isip ng manunulat.

______3. Ito ay binubuo ng mga kawing-kawing na pangyayari at iisang tagpuan.

______4. Ito ay mahabang kathang pampanitikan na natatapos sa isang upuan


lamang.

______5. Ito ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo at pangyayari tungo sa


kapana-panabik na wakas.

__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
2

Balik-tanaw

Tukuyin ang teoryang pampanitikang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang


letra ng tamang sagot sa loob ng kahon.

A. Imahismo C. Realismo E. Humanismo


B. Sikolohikal D. Eksistenyalismo F. Feminismo

1. Sa teoryang ito, itinataas sa pedestal ang kababaihan.


2. Ito ang pagsusuri sa galaw o takbo ng isipan ng manunulat.
3. Sa teoryang ito, ang manunulat ang itinuturing na boses ng kaniyang panahon.
4. Ipinapakita sa teoryang ito ang katotohanan ng buhay, maganda man o isang
kasawian
5. Ipinagpapalagay rito na ang akda ay mayroong kakayahang maglahad ng
panghabambuhay at unibersal na katotohanan.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, matutuhan mo ang paraan ng pagsusuri ng nobela. Matutulungan


ka nito upang lubos mong makikilala ang kultura, tradisyon, at paniniwala ng bansang
pinagmulan ng mga akdang iyong mababasa.

Pagsusuri ng Nobela

Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling


kwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at
maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga
pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mga
mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.

Ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang


likhang sining. Ito ay isang paraan ng pagsusuri sa kabuoan ng isang tao: anyo, ugali,
kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang pakikipag-ugnayan sa kapwa at lipunang
kinabibilangan. Sa nobela, karaniwang inaalam ang mga katangiang pampanitikang
nakapaloob sa akda: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig,
kaisipan, paraan ng simula at wakas. Inaalam din ang aspektong panlipunan,
pampolitikal, pangkabuhayan, at pangkultural rito, at paggamit ng angkop na
teoryang gagamitin sa pagsusuri gaya ng; Humanismo, Realismo, Imahismo,
Romantisismo, Eksistensiyalismo, Feminismo, Markismo at iba pa.

Kaugnay nito, ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content),


kahalagahan (importance), at ang estilo ng awtor (author’s writing style). Sa
pagsasagagwa nito, maaaring gumamit ng isang balangkas gaya ng nasa ibaba:

1. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakabuo ng pagkakasunod-sunod ng


pangyayari sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy sa oras, lugar, kalagayan, at kondisyon ng
lipunan at maging ang kasaysayan.

__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
3

3. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa protagonista, antagonista, at pangalawang


tauhan sa kwento. Ito ay nabuo batay sa kanyang iniisip, ginagawa,
katauhan, at koneksyon sa iba pang tauhan.
4. Tema – Ito ay tumutukoy sa pangunahing ideya ng kuwento. Ito ang
katotohanang nais ilabas ng awtor na kung minsan ay hindi lantaran.
5. Pananaw o Point of View – Ito ay tumutukoy sa kuwento – ang tagapagsalita
o narrator ng kuwento. Maaaring ito ay isinalaysay ng unang persona, gaya
ng protagonista o kaya ay isinalaysay ng pangatlong panauhan.

Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula

I. Introduksyon
A. Maikling talambuhay ng awtor
B. Mga mahahalagang pangyayari sa lipunan sa panahon ng pagkakasulat
ng nobela
II. Mahahalagang salita na dapat maunawaan ng mambabasa
III. Pagsusuri ng mahahalagang tauhan
A. Mga mahahalagang ginawa
B. Mga dahilan ng kanyang pagkilos o ginawa
IV. Buod ng nobela
V. Pagsusuri ng kabisaan ng nobela sa mambabasa
A. Bisa sa isip
B. Bisa sa damdamin
C. Bisa sa kaasalan
VI. Pagsusuri ng tema ng nobela
A. Pagtukoy ng tema
B. Pagbibigay ng patunay at detalye tungkol sa tema
VII. Pagsusuri sa layunin ng awtor
VIII. Paggamit ng teoryang pampanitikan
IX. Pagbibigay ng sariling reaksyon

Sa pagsusuri ng nobela, napakahalaga ng pagpapaliwanag. Ito ay isang uri ng


paglalahad na naglalayong magbigay linaw sa isang paksang hindi malinaw.
Mayroong mga paraan sa pagpapliwanag na maaari mong magamit:

1. Pagpapalawak o pagpapaliwanag ng kahulugan


2. Pagbibigay ng detalye at higit na malinaw na paglalarawan
3. Pagbibigay ng halimbawa

Makatutulong din sa pagpapaliwanag ang paggamit ng pang-ugnay. Bukod sa


nagiging mabisa ang pagpapaliwanag, magaan din ang paraan ng pagbigkas. Sa pang-
ugnay ginagamit natin ang pang-angkop na ng at na.

Gagamitin ang pang-angkop na – na – kung nagtatapos sa katinig ang unang


salitang kaugnay ng kasunod na salita.

Halimbawa:

Ginagalang na dalaga.

Anak na mabait at masunurin.

Samantala, gagamitin naman ang pang-angkop na – ng – kung magtatapos sa


patinig ang unang salitang kaugnay ng kasaunod na salita.

Halimbawa:

__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
4

Batang matalino

Makabayang tao.

Bukod sa mga pang-angkop, mabisa ring gamitin sa pagpapaliwanag ang mga


pangatnig gaya ng bagama’t, upang, at, kapag, kung, at iba.

Ngayong alam mo na ang paraan sa pagsusuri ng nobela at ang mga pang-angkop


at pangatnig na maaaring gamiti sa pagpapaliwanag, basahin at unawain ang
nobelang mula sa Africa bilang paghahanda sa mga susunod na gawain

Talulot ng Dugo
Nobela mula sa Kenya
Isinulat ni Ngoyi wa Thiogo

Labindalawang taon na ang nakararaan, dumating si Godfrey Munira sa


probinsiya ng Ilmorog. Nakita niya na hindi kaaya-aya ang bahay sa bakuran ng
paaralan pati na mismo ang loob ng paaralan. Napag-usapan agad ng mga
matatandang babae at lalaki ang pagdating ni Munira. Sinabi nila na hindi magtatagal
si Munira tulad ng ibang guro doon. Bukod kay Abdulla at Nyakinyua ay wala na raw
na magtitiyaga na mga bagong salta sa lugar ng Ilmorog. Ang mga mag-aaral ay mas
pinipili pa ang pagpapastol upang sundan ang kanilang mga ama kaya hindi sila
nakakapagtapos ng pag-aaral. Sa kabila ng lahat ng ito ay nanatili pa rin si Munira
doon. Kinagabihan, bilang pagbati kay Munira sa lugar nila, tumae ang isang
matandang babae malapit sa paaralan at sa akasya kung saan nagtuturo si Munira.
Sa loob ng isang linggo, wala masyadong mag-aaral sa loob kaya sinubukan silang
hanapin ni Munira. Mayroon siyang naabutang isang bata na nagngangalang Muriuki
at ipinapangakong babalik siya sa paaralan kasama ang iba pa. Pagkabalik ni Munira
ay may nadatnan siyang isang matandang babae sa may bakod ng paaralan.
Kinausap siya nito at nagsimulang magkwento tungkol sa mga kabataan. Na ang
bagong henerasyon daw ng Ilmorog ngayon ay parang pareho sa pangyayari noong
sinalakay ng Mzungu ang kanilang mga kababayan – mga malas o walang magandang
naidudulot. Hindi na gumagawa ng tama ang mga batang babae at lalaki sa Ilmorog.
Natatakot na sila na sa tuwing may darating bago ay salot lamang ang maidudulot
nito. Nalingat lamang sandali si Munira at nang ibalik na niya ang tingin sa matanda
ay nawala na ito. Pagtapos ng pangyayaring iyon ay nagpunta si Munira sa tindahan
ni Abdulla. Si Abdulla ay bagong salta rin doon at kasa-kasama niya si Joseph. Noong
una ay hindi kasundo ng mga taga roon ang dalawa ngunit nang makalaon ay nagalak
na sila dahil mayroong tindang asin, paminta at alak si Abdulla. Nakarating na si
Munira doon at binigyan ng beer. Hindi pa siya nagsisimulang uminom ay may sumali
sa kaniya na tatlong matatandang lalaki na sina Muturi, Njuguna at Ruoro. Silang
tatlo ay kilala bilang mga tagalutas ng mga hidwaan sa pagitan ng pamilya,
komunidad at mga nagpapastol. Sinimulan ng tatlo na kausapin si Munira. Sinabi
nila na ang kamay ng mga taga-nayon na dumarating sa lugar nila ay mistulang may
suot na ngome kung kaya’t sila ay malinis at hindi nadadapuan ng lupa. Ambisyon
iyon ni Njuguna. Ang makapagsuot ng ngome at magmistulang isa sa mga
mayayamang tao. Naisip ni Njuguna na hindi siya magiging isa sa mga ito sapagkat
may sapat na mga tagapagmana ang pinuno ng malalaking pamilya. Si Njuguna ay
hindi nawawalan ng pag-asa kahit na pinagkakasya niya lamang ang kaniyang maliit
na lupain at mahihinang pansaka. Nagtanong bigla si Abdulla na kung kaya ba ni
Munira na pangasiwaan nang mag-isa ang paaralan. Hindi rin nawawalan ng pag-asa
si Munira at ipinaliwanag niya ang kaniyang pag-asam sa kinabukasan ng paaralan.
Hiningi niya rin ang pakikiisa ng mga ito sa kaniyang pangarap. Ngunit walang
nangyari matapos ang ilang araw. Masusungit pa rin ang mga taga-Ilmorog at wala
silang pakialam kay Munira. Walang nakikiisa sa kaniya at miski ang ibang mag-aaral
__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
5

ay hindi pa rin nagpapakita. Kaya nagpatawag ng asambleya si Munira na limang


mag-aaral lamang ang dumalo. Sinabi ni Munira na kailangan nilang humanap ng
ibang guro na kayang tugunan ang pagsusungit at pagsasawalang bahala ng mga tao
roon. Matapos sabihin ni Munira ang lahat ng iyon, nakita niya ang mukha ng ilan na
tinatawanan siya dahil sa kaniyang pagsuko. Inisip niya na ginawa lang syang loko-
loko ng mga iyon. Umalis na siya sa llmorog at bumalik sa pinanggalingan niya. Sa
distrito ng Chiri pumunta si Munira at tinungo ang Ruwa-ini. Pumasok siya sa
opisina ni Mzigo. Tinanong siya nito tungkol sa paaralan sa Ilmorog at nabanggit din
niya na uupa sila ng mga guro sa UT. Hindi naniwala si Munira na makakatanggap
siya ng tulong at pupunta sila sa Ilmorog. Ngunit napagtanto rin niya ang
ipinapahiwatig ni Mzigo. Naisip niya sina Abdulla, Nyakinyua, at mga batang mas
pinili pa ang pagpapastol. Naunawaan niya na ang ibig sabihin ng mga ito.
Kinumpirma pa ni Munira kung makakatanggap nga siya ng tulong sa ibang guro sa
UT at nang marinig ang tugon, naging mas determinado siya. Mas determinado siya
na turuan ang mga bata at palakihin ang paaralan doon. Babalik siya sa Ilmorog
upang ituloy ang kaniyang pangarap para sa paaralan pati na rin sa mga tao roon.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagkilala sa mga Tauhan

Sa pamamagitan ng talahanayan, kilalanin ang sumusunod na tauhan. Isulat ang


sagot sa loob ng kahon.

Tauhan Kalakasan Kahinaan Mahalagang Dahilan ng


ginawa kaniyang
ginawa

1. Munira

2. Abdulla

3. Nyakinyua

4. Karega

5. Wanja

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong

Sagutin ang mga tanong sa loob ng isa hanggang tatlong pangungusap.


Gumamit ng mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag ng iyong sagot.

1. Anong uri ng tunggalian 5. Paano ginamit mg awtor ang


mayroon ang nobelang iyong tagpuan upang maging kapani-
binasa? Ipaliwanag. paniwala ang kuwento?

2. Paano nakaapekto sa
4. Ano ang tema ng kuwento?
pangunahing tauhan ang
Patunayan.
tagpuan ng kuwento?

3. Ano ang estilo ng awtor sa


paglalahad ng mga pangyayari?

__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
6

Mga Pamantayan Puntos

a. Kalinawan ng kasagutan - 3
b. Kawastuhang panggramatika. Ginamitan ng mga
pang-ugnay sa paglalahad ng impormasyon - 3
c. Kaayusan ng pagpapaliwang ng ideya - 3

Iskala ng pagbibigay ng puntos

3 - Napakahusay
2 - Mahusay
Gawain 1.3 Pagkilala
1 - sa bansang Africa
Nangangailangan ng pagsasaayos
Mula sa binasang nobela mula sa Kenya, magtala ng magagandang katangian ng
bansang Africa. Gamitin ang grapikong presentasyon sa ibaba.

Katangian 1
___________________________________________________
Talulot ng ___________________________________________________
Dugo

Nobela mula sa
Katangian 2
Kenya
___________________________________________________
Isinulat ni
___________________________________________________
Ngoyi wa
Thiogo

Katangian 3
___________________________________________________
___________________________________________________

Mga Pamantayan Puntos

a. Nakapaglahad ng tatlong katangian ng Africa - 3


b. Kawastuhang panggramatika. - 3
c. Kaayusan ng pagpapaliwang ng ideya - 3

Iskala ng pagbibigay ng puntos

3 - Napakahusay
2 - Mahusay
1 - Nangangailangan ng pagsasaayos

Napakahusay! Natapos mo ang mga gawain/pagsasanay na ibinigay.


Ipagpatuloy mo pang palawakin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.

__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
7

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang pagsusuri ng nobela mula sa Africa, narito ang
mga dapat mong tandaan.

1. Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling


kwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad.
2. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang
ito sa nilalaman.
3. Ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang
likhang sining.
4. Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), kahalagahan
(importance), at ang estilo ng awtor (author’s writing style).
5. May isang balangkas ang sinusunod sa pagsasagawa ng pagsusuri. Ito ang:
banghay, tagpuan, tauhan, tema, at pananaw o point of view.
6. Nakatutulong sa pagpapaliwanag ang paggamit ng mga pang-ugnay gaya ng
pang-angkop at pangatnig.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Muling basahin ang “Talulot ng Dugo”, nobela mula sa Kenya. Bumuo ng suring-basa
tungkol dito sa pamamagitan ng balangkas na nasa ibaba. Bigyang pansin ang
pamantayan sa paggawa.

1. Banghay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Tauhan
______________________________________________________________________________
3. Tagpuan
______________________________________________________________________________
4. Tema
______________________________________________________________________________
5. Pananaw o Point of view
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mga Pamantayan Puntos

a. Kawastuhan ng isinagawang pagsusuri batay sa balangkas - 5


b. Kawastuhang panggramatika. Ginamitan ng mga
pang-ugnay sa paglalahad ng impormasyon - 5
c. Kaayusan ng paglalahad ng mga ideya - 5

Iskala ng pagbibigay ng puntos

5 - Napakahusay
3 - Mahusay
__________________________________________________________________________________
2 - Nangangailangan ng pagsasaayos

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
8

Mahusay! Binabati kita dahil sa iyong ipinamalas na husay at galing sa


pagsasagawa ng mga inihandang gawain. Tunay nga na ikaw ay handa na para sa
mga susunod pang gawain na inihanda.

Pangwakas na Pagsusulit

A. Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Anong uri ng akdang pampanitikang naglalahad ng kawing-kawing na


pangyayari at nagtataglay ng maraming tagpuan.
A. Nobela C. Tula
B. Maikling kwento D. Mito
2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa katangiang pampanitikan na dapat
alamin sa pagsusuri ng nobela?
A. Banghay C. Tagpuan
B. Simbolo D. Wala sa nabanggit
3. Sa pagdating ni Godfrey Munira sa probinsya ng Ilmorog, nakita niya na hindi
kaaya-aya ag bahay sa bakuran ng paaralan pati ang loob nito. Anong elemento
ng nobela ang inilalarawan sa pangungusap?
A. Banghay C. Tauhan
B. Tagpuan D. Pananalita
4. Babalik siya sa Ilmorog upang ituloy ang kaniyang pangarap para sa paaralan
pati na rin sa mga tao roon. Anong elemento ng nobela ang inilalarawan sa
pangungusap?
A. Banghay C. Pananaw
B. Simbolismo D. Pananalita
5. Matapos sabihin ni Minura na kailangan ng maghanap ng ibang guro, nakita
niya ang mukha ng ilan na tinatawanan siya dahil sa kanyang pagsuko. Ano
ang nais ipahiwatig ng salitang nakasalungguhit?
A. Pang-aasar C. Pangyuyurak
B. Panunuya D. Pagmamaliit

Pagninilay

Panoorin ang video ng nobelang, “Paglisan” na sinulat ni Chinua Achebe na


matatagpuan sa link na https://www.youtube.com/watch?v=cQWKfGV-8AQ.
Pagkatapos ay gumawa ng pagsusuri gamit ang gabay sa pagsusuri ng nobela. Sundin
ang pamantayan sa paggawa na matatagpuan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel. Maaari ring mabasa ang nobela sa inyong aklat sa Filipino 10,
pahina 322-324.
Mga Pamantayan Puntos

a. Kawastuhan ng isinagawang pagsusuri batay sa gabay sa pagsusuri ng


nobela - 10
b. Kawastuhang panggramatika. Ginamitan ng mga
pang-ugnay sa paglalahad ng impormasyon - 10
c. Kaayusan ng paglalahad ng mga ideya - 10

Iskala ng pagbibigay ng puntos

8-10 - Napakahusay
5-7 - Mahusay
2-4 - SAGUTANGng
Nangangailangan PAPEL
pagsasaayos
__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
9

FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN- IKAPITONG LINGGO

Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Mga Gawain

Gawain 1
Tauhan Kalakasan Kahinaan Mahalagang Dahilan ng
ginawa kaniyang
ginawa

1. Munira

2. Abdulla

3. Nyakinyua

4. Karega

5. Wanja

Gawain 2

Tanong Sagot

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 3
__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo
10

Katangian 1
____________________________________________________
__________________________________________________
Talulot ng
Dugo

Nobela mula sa
Katangian 2
Kenya
____________________________________________________
Isinulat ni
__________________________________________________
Ngoyi wa
Thiogo

Katangian 3
____________________________________________________
__________________________________________________

Pag – alam sa Natutuhan

Sagot

1. Banghay

2. Tauhan

3. Tagpuan

4. Tema

5. Pananaw o
Pont of View

Pangwakas na Pagsusulit

1.

2.

3.

4.

5.

Pagninilay
(Ito ay gawin sa bukod na papel.)

__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo

You might also like