You are on page 1of 15

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO BAITANG 10

PINAL NA DEMONSTRASYON

Kwarter Ikaapat na Markahan


Petsa Marso 13,2019
Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang
isang obra maestrang pampanitikan.
Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng
makabuluhang photo/video documentary na
nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
I. Kasanayang Pampagkatuto
• Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92)
• Nabibigyang kahulugan ang mga matatalinhagang salita at nagagamit ito sa
pangungusap.
• Naipapakita ng mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa mga kababaihan sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
II. Paksang-Aralin

A. Panitikan: El Filibusterismo
Kabanata XXX: Si Huli

B. Sanggunian:
Amelia V. Bucu, Marga B. Carreon, Felicidad Q. Cuano: Obra Maestra IV (El
Filibusterismo) Ikatlong Edisyon 2009, Manila Philippines, Rex Book Store, Inc.,
pp. 330-335

C. Kagamitang Panturo:
1. TV 5. Makukulay na papel
2. Mga Larawan 6.Bell
3. Kahon 7. Pandikit
4. Pantulong na biswal
III.Yugto ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“ Magsitayo ang lahat at simulan natin (Mananalangin ang klase sa pangunguna


ang klase sa isang panalangin.” ng isang mag-aaral)

2. Pagbati ng Guro
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“ Magandang Tanghali sa inyong lahat.” “ Magandang Tanghali rin po Bb.


Aguilando”

3. Pagpapanatili ng Kalinisan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“ Bago kayo magsiupo ay nais ko munang (Magpupulot ng mga kalat at tahimik na


pulutin ang mga kalat na nakikita ninyo sa aayusin ang hanay ng mga upuan)
paligid at itapon sa basurahan.
Pagkatapos ay tahimik na iayos ang hanay
ng inyong mga upuan.”

4. Pagtatala ng lumiban
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“ Kalihim, mayroon bang liban ngayon sa (Mag-uulat ng Liban ang Kalihim)


ating klase?”
B. Balik- aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

(Susubukin ng guro kung ang mga mag-


aaral ay natatandaan o may natutunan sa
nakaraang aralin.)
Panuto: Sa pamamagitan ng tsart na
nasa ibaba at sa mga piling salita na
nakasulat dito ay magtatanong ang guro
sa mga natatandaan ng mga mag-aaral
sa nakaraang aralin.

Ang huling salita


tungkol kay
Kapitan Tiyago

Enggrande

Albacea

Kasuotan

Don Patrocinio

“Sa unang kahon ng ating tsart ang


nakasulat ay ang huling salita tungkol kay “Ang huling salita tungkol kay Kapitan
Kapitan Tiyago, ano kaya ang kaugnayan Tiyago po ang pamagat ng Kabanata XXIX
nito sa tinalakay natin kahapon? na ating tinalakay kahapon na patungkol po
sa kanyang kamatayn at naging libing.”
“Mahusay, ang sumunod na kahon
naman? “ Enggrande po Ma’am, naging enggrande
po ang naging libing ni Kapitan Tiyago dahil
na rin po sa pagbabasbas ng mga pari sa
kabaong nito at nagkaroon pa ng dula-
dulaan na may temang kapakinabangan ng
isang tao.”
“Mahusay, talagang nakinig ka kahapon
sa ating naging talakayan. Ang sumunod
na kahon naman?” “Albacea, ang albacea po ay
nangangahulugang tagapamahala at
tagapagpatupad ng testament at si Pari
Irene po ang naging albacea ni Kapitan
Tiyago.”
“Mahusay, ang sunod na kahon naman
ay patungkol sa kasuotan at ano kaya
ang kaugnayan nito sa ating naging aralin
kahapon?” “kasuotan po, pinagtalunan po kung ano
ang ipapasuot kay Kapitan tiyago. Nakita
raw po ng mongha na nakasuot ng PRAK o
pormal na kasuotang panlalaki ang Kapitan
habang may hawak na manok at humihithit
ng apyan. Ayon naman kay Kapitan Tinong
ay damit Pransiskano dapat ang ipasuot
kay Kapita Tiyago. Hindi sumang-ayon si
Pari Irene at sinabing hindi tumitingin ng
kasuotan ang Diyos kaya’t lumang damit ay
sapat na.”
“Mahusay at para naman sa huling kahon
ano kaya ang kaugnayan ni Don
Patrocinio sa tinalakay natin kahapon?” “Si Don Patrocinio po ay ang kalaban sa
kabanalan ni Kapitan Tiyago ay nagnasang
mamatay na kinabukasan upang mahigitan
“Mahusay na mga kasagutan, tunay na ang naging libing ng Kapitan at doon po
may natutunan sa nakaraang aralin. nagtapos ang kabanata XXIX.”
Bigyan naman natin ng 3 bagsakang
nagbahagi sa klase.” (magbibigay ng 3 palakpak)
C. Paghahabi sa layunin ng aralin
Gawain ng Mag-aaral Gawain ng Mag-aaral

“Pakibasa nga po ang ating pokus na  Maihahambing ba ang kababaihan


tanong para sa araling ito.” sa panahong naisulat ang nobela
hanggang sa kasalukuyang
panahon?
 Paano dapat pinahahalagahan
ang mga kababaihan?

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa aralin


Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
“Bago tayo tumungo sa ating bagong
aralin ay magkakaroon muna tayo ng
isang laro. Ang laro ay halaw sa programa
na Tonight with Boy Abunda na FAST
TALK kung saan ang klase ay
magpapahayag ng paniniwala tungkol sa
ilang gender ideology o ideolohiya ng
kasarian. Hatiin natin ang klase sa 2
pangkat, ang pangkat ng mga babae at
mga lalaki upang malaman natin kung may
pagkakaiba ang inyong mga paniniwala.

“Pagbilang ko ng 5 ay magtutungo ang


mga kalalakihan sa kanang bahagi ng mga (Pupunta sa kanilang ka-pangkat)
upuan at ang mga kababaihan naman ay
sa kaliwa”
“Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng 3
kinatawan na silang sasagot sa mga
tanong na inihanda ng guro. Ang bawat
pangkat ay bibigyan lamang ng 1 minuto
upang makasagot. Nauunawaan na ba “Opo”
ang gagawin?”

“Simulan na natin ang laro”

Mga Katanungan:

“Ano ang napansin ninyo sa paksa ng


ating fast talk?”

“May pagkakaiba ba ang opinyon o


paniniwala ng 2 kasarian?” “Opo/ Wala po”

“Ano ba ang madalas na naibabalita ang


pang-aabuso bas a kalalakihan o sa “Ang pang-aabuso po sa mga kababaihan”
kababaihan?”

“Bakit kaya ang madalas ay ang


kababaihan ang naaabuso?” “Ma’am siguro po dahil mahina po o may
kahinaan po ang mga babae.”

“Ano ba ang mga halimbawwa ng pang-


aabuso sa kababaihan? Sabi nyo nga na
babae ang madalas mapabalita na
naaabuso.” “ Ang halimbawa po ay pang-aabusong
sekswal na madalas po nararanasan ng
mga kababaihan na nagtatrabaho sa ibang
bansa lalo nap o sa bansang mga Arabo
“Mahusay ang binigay mo na halimbawa, ang nakatira.”
ano kaya ang kaugnayan nito sa paksang
ating tatalakayin sa araw na ito? “Siguro po Ma’am may kinalaman po sa
kababaihan na nakaranas ng pang-
aabuso.”

“Mahusay, maaring tama ka. Ano ba ang


sunod na kabanata na ating tatalakayin?” “Kabanata XXX: Si Huli”

“Tama, ang kabanatang tatalakayin natin


sa El Filibusterismo sa araw na ito ay
kabanata XXX na may pamagat na Si
Huli.”
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Paglinang ng Talasalitaan

“Bago natin talakayin ang nilalaman o


buod ng kabanata XXX ng El filibusterismo
ay magkaroon muna tayo ng paglinang ng
inyong talasalitaan.”

(Mayroong 2 na mag-aaral na inatasang


mag-ulat ng talasalitaan) (Pag-uulat ng inatasang mag-aaral)

2. Pagtalakay sa buod ng Kabanata XXX


ng El Filibusterismo
“Ngayon naman ay muli nating talakayin
ang panibagong kabanata ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagkukuwento ng mga piling mag-aaral.”

“Kapag may nagkukuwento sa inyo, ano


ba ang inyong ginagawa?’’ “Nakikinig po nang mabuti at inuunawa
ang kuwento.”

“Makinig nang mabuti dahil pagkatapos ng


pag-uulat kayo ay may bubunuting
katanungan ukol sa kabanatang tinalakay
ng inyong mga kamag-aral at upang
masukat ko kung kayo ay talagang
nakinig.”
“Magbibigay din ng mga katanungan ang
bawat pangkat tungkol sa narinig na
kuwento”

Nauunawaan na ba ng lahat? “Opo”

“Mahusay, maari na bang tumayo ang (Sisimulan ng i-kuwento ng mga piling


mga mag-aaral na naatasang magkuwento mag-aaral ang kabanata XXX)
ng kabanata XXX: Si Huli”

(Pagkakatapos ng pag-uulat ay tatawagin


ng guro si ate girl (mag-aaral) na may
hawak ng kahon ng mga katanungan)

Mga tanong na inihanda ng guro: (Bubunot


ng tanong ang mga mag-aaral sa kahon).

1. Ano ang pamagat ng kabanata? “Si Huli po”

2. Sino sino ang mga pangunahing “Si Huli, Hermana Bali, Hermana
tauhan? Penchang, Padre Camorra, Basilio at
Tandang Selo”
3. Ano ang mga balitang kumalat sa bayan
ng Tiyani? “ Ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at
ang pagkakakulong ni Basilio”
4. Bakit nag-aatubiling humingi ng tulong
si Huli kay Padre Camorra? “ Dahil po si Basilio na lang ang natitirang
mag-aaral na nakakulong at nanaginip po
si Huli tungkol kay Basilio.”
5. Ano ang hinihinging pagpapakasakit ni
Padre Camorra kay Huli kapalit ng
kanyang pagtulong? “Ang kanyang puri po.”

6. Ano ano ang mga mahahalagang


nangyari nang magtungo sa kumbento “Nabalitaan po sa buong bayan ang
sina Huli at Hermana Bali? pagtalon ni Huli sa bintana ng kumbento at
pagkamatay nito at si Hermana Bali po ay
tila nabaliw habang papalabas ng
kumbento.”
7. Kung ikaw si Huli lalapitan mo pa rin ba “ Opo dahil sa wagas na pag-ibig para sa
si Padre Camorra kahit alam mo na ang isang tao.”
magiging kapalit nito? Pangatwiranan.

8. May kababaihan pa ba sa panahong ito “Opo Ma’am”


na katulad ni Huli?
F. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“Naunawaan na ba ninyo ang “Opo”


kabanata XXX?”

“Sa kabanatang tinalakay ay


nabigyang pansin natin ang karapatan
ng mga kababaihan at bilang bahagi
ng pagdiriwang sa buwan ng
kababaihan(Women’s month) ay
magkakaroon tayo ng isang
pangkatang gawain kung saan ay
ipapakita ninyo ang karapatan at
kahalagahan ng mga kababaihan sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
May ibinigay akong takdang aralin sa
bawat pangkat at ito ay patungkol sa
ating pangkatang gawain para sa araw
na ito. Bibigyan ko kayo ng 3 minuto
para sa inyong paghahanda at 3
minuto bawat pangkat naman para sa
presentasyon.

Naunawaan ba ng bawat pangkat? “Opo”

“Bago simulan ang gawain basahin


muna ng bawat pangkat ang magiging
pamantayan sa pagbibigay ng marka. (Babasahin ng bawat pangkat pamantayan)
“Kung wala ng katanungan, simulan na
ang gawain. Pipindutin ng guro ang
bell bilang hudyat.”

(Presentasyon ng bawat Pangkat)

(Pagbibigay ng marka at komento ng


guro sa naging presentasyon ng bawat
pangkat)

UNANG PANGKAT(AWIT)
Naipapakita ang karapatan at kahalagahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang awit na lalapatan ng melodiya mula sa ibang awitin o maaring bumuo
ng sariling melodiya. Itatanghal ito sa loob ng klase at maging malikhain sa gawain.

PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS


Kahusayan sa pag-awit 5
Kaugnayan sa paksa 5
Disiplina at kaayusan 5
Dating sa Manonood 5
KABUUAN 20

IKALAWANG PANGKAT (POSTER W/ TAGLINE)


Naipapakita ang karapatan at kahalagahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng
pagbuo ng poster na may kasamang tag line. Itatanghal ito sa loob ng klase at maging
malikhain sa gawain.
PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS
Pagkamalikhain 5
Kaugnayan sa paksa 5
Disiplina at kaayusan 5
Dating sa Manonood 5
KABUUAN 20

IKATLONG PANGKAT (SPOKEN POETRY)


Naipapakita ang karapatan at kahalagahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng
pagsulat ngspoken poetry. Pumili ng kinatawan sa pangkat na mahusay sa pagbigkas
ng tula. Itanghal ito sa loob ng klase at maging malikhain sa gawain.

PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS


Husay sa 5
pagbigkas/emosyon
Kaugnayan sa paksa 5
Disiplina at kaayusan 5
Dating sa Manonood 5
KABUUAN 20

IKAAPAT NA PANGKAT( SHORT SKIT)


Naipapakita ang karapatan at kahalagahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng
short skit. Ipakita ang nagawang islogan at ipaliwanag ito sa mga kamag-aral at
maging malikhain sa inyong gawain.
PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS
Husay sa pag-arte 5
Kaugnayan sa paksa 5
Disiplina at kaayusan 5
Dating sa Manonood 5
KABUUAN 20
G. Paglinang sa Kabihasaan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“Mayroon akong inihandang mga


katanungan upang malaman ko kung
lubos na ninyong naunawaan ang ating
aralin. May itinago akong mga makukulay
na papel sa ilalim ng inyong mga upuan
at bawat kulay ng papel ay may
katumbas na katanungan.”

“Sa kabayo po dahil mabilis ito pagdating


Sa anong hayop
sa babae.”
inihalintulad si Padre
Camorra at bakit?

Ano ang balitang


natanggap ni Huli na
“Pagkamatay ni Kap. Tiyago at ang
siyang nag-udyok sa dalaga pagkakadakip kay Basilio”

Nakatulong ba si Hermana
Bali kay Huli? Kung oo, “Hindi po, dahil napahamak po si huli”
paano? At kung hindi, ay
bakit?

Sino ang nawala sa Tiyani na


dala ang busog at palasong
“ Si Tata Selo po dahil sa galit sa
ginagamit sa pangangaso?
pagkamatay ng apo kaya piniling umanib
sa tulisan upang maipaghiganti ang
nangyari kay Huli.’’
H. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Mensahe/Pasasalamat

“Bahagi pa rin ng pagdiriwang ng buwan


ng mga kababaihan ay nais kong
sumulat kayo ng liham para sa
mahalagang babae sa inyong buhay. (Magsusulat ng liham ang mga mag-
Maaaring kaibigang babae, ate, nanay, aaral)
lola, tita o guro na nais ninyong bigyan
ng mensahe o pasasalamat para sa
kanilang kabutihang nagawa o sa
kanilang mga sakripisyo para sa iyo.”

“Ilalagay sa mail box ang mga ginawang


liham ng mga mag-aaral”

“May kasabihan tayo na walang mang-


aalipin kung walang magpapaalipin.”

“Para sa mga kalalakihan, nasabihan na


ba kayo ng mga nakatatanda na dapat
ang mga babae ay ginagalang at “Opo”
minamahal at minamahal?”

“Maipapangako ba ninyo na inyong


igagalang, mamahalin at irerespeto ang
mga kababaihan? Pakitaas nga po ang (itataas ang kanang kamay patunay ng
kanang kamay” pagsang-ayon)

“Mahusay, para naman sa mga


kababaihan, maipapangako ba ninyo na
hindi niyo aabusuhin ang inyong mga
karapatan at iagagalang ang kapwa nyo
kahit na ano pa ang kasarian?Pakitaas (itataas ang kanang kamay patunay ng
nga po ang kanang kamay.” pagsang-ayon)

“Mahusay, sana ay maisakatuparan


ninyo ang inyong ipinangako sa araw na
ito.”
I. Paglalapat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“Matapos ang ating talakayan ay


dugtungan naman ninyo ang mga
sumusunod na pahayag upang ating
malaman kung ano ang inyong natutunan
sa mga tinalakay natin ngayong araw.”

Dugtungan Tayo!
• Bilang isang babae/lalaki ang (Malayang Bahagian)
natutunan ko ngayong araw
ay_________

J. Pagtataya
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat ang ☑ kung tama ang
pahayag at ☒ kung mali o hindi wasto ang (Ang mga mag-aaral ay kukuha ng isang
pahayag. Isulat ang sagot sa isang kapat kapat na papel upang sagutan ang
na papel. katanungan)

Si Hermana Penchang ang kasama


ni Huli ng magtungo ito sa kumbento.

Si Padre Camorra ay mabilis at


mahilig sa mga babae.

Dahil kay Tata Selo kung kaya


nagtungo sa kumbento si Huli.

Si hermana Penchang ay galit kay


Basilio dahil sa pagkakatubos nito sa
kasintahan.

Sumapi sa mga tulisan si Tata Selo


dahil sa galit kay Padre Camorra.
IV. Kasunduan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Basahin at ibuod ang kabanata XXXI ng (Kukuha ng kuwaderno at kokopyahin ang


El Filibusterismo. Magtala ng limang kasunduan)
malalim na salita at bigyan ng
kahulugan. Isulat ito sa inyong
kuwaderno.

INIHANDA NI:
Margielyn Aguilando
Gurong Nagsasanay

You might also like