You are on page 1of 27

10

Filipino
Ikatlong Markahan
Modyul 2: Anekdota
at Kasanayang Komunikatibo
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Anekdota at Kasanayang Komunikatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon XI, Pilipinas

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Decy D. Esclares
Editor: Marlyn A. Publico, Delsie P. Porras
Tagasuri: Alejandre S. Fernandez, Jr. , Gloria C. Sabanal, Guillesar P. Villarente
Ana lorma A. Dahiroc
Tagaguhit:
Tagalapat: Neil Edward D. Diaz
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Dee D. Silva
Mary Jeanne B. Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan/Marilyn E. Sumicad
Ma. Cielo D. Estrada Lourdes A. Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Davao del Norte
Office Address: DepEd Building, Provincial Government Center
Mankilam, Tagum City, Davao del Norte, Region XI 8100
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lrms@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikatlong Markahan
Modyul 2: Anekdota
at Kasanayang Komunikatibo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang


gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mg aralin sa
Ikalawang Markahan. Ngayon naman ay ihanda mo muli ang iyong sarili para
sa panibagong hamon.

Tara na!

Kasanayang Pampagkatuto:

Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota


(F10PN-IIIb-77);

Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood


sa you tube (F10PD-IIIb-75);

Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan


motibo ng awtor paraan ng pagsula at iba pa (F10PB-IIIb-81).

1
Subukin Natin
Alam kong natutuhan mo na ang talumpati sa nakaraang
markahan. Ngayon naman sa ikatlong markahan ay ating pag-aralan ang
anekdota. Simulan natin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa katanungan.
Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang anekdota ay naglalarawan sa isang taong _________.


a. may pinag-aralan
b. naglilingkod sa pamahalaa
c. may kaya sa buhay
d. kilala
2. Bahagi ng ____________ang anekdota.
a. kuwentong bayan
b. talambuhay
c. alamat
d. talumpati
3. Ang lahat ng nabanggit ay angkop na depinisyon ng anekdota, maliban sa
isa. Alin dito ang hindi kabilang.
a. Ito ay isang maikling pagsasalaysay ng isang nakatutuwang
pangyayari sa buhay ng isang kilalang tao.
b. Ito ay pagsasalaysay sa personal na buhay ng manunulat o
mananalumpati upang kapulutan ng aral.
c. Ito ay ginagamit sa pagtatalumpati lalo na sa pagsisimula o
pagwawakas upang magbigay ng punto.
d. Ito ay pawang guni-guni lamang ng isang kilalang tao.
4. Ang wakas ng anekdota ay ____________.
a. kapupulutan ng aral
b. masayang nagtatapo
c. nag-iiwan ng impresyon
d. nalulutas ang suliranin
5. Dito matatagpuan ang panimula, nilalaman at wakas ng isang anekdota.
a. tunggalian
b. banghay
c. tagpuan
d. kasukdulan

2
Aralin
Anekdota
1
Aralin Natin

Si Dr. Jose P. Rizal ay kilala bilang Pambansang Bayani ng ating


bansa. Ngunit tulad natin siya rin ay nakaranas ng isang normal na buhay
noong siya ay bata pa lamang. Halika at basahin ang isang anekdota sa
buhay ng ating bayani noong siya ay musmos pa lamang. Matapos basahin
ay sagutin ang katanungan sa sagutang papel. Maaari din itong mapanood
sa Youtube. I click lang ang link sa ibaba.

Ang Tsinelas ni Rizal


"Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka
nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin
sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko
nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng
nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali- dali
kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares
na tsinelas. "Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa
akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita.
Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man
ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad”. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya
ang isang batang katulad ko."

Hango sa: “Ang Tsinelas-Anekdota ni Jose Rizal” academia.edu, accessed October 12, 2020,
https://www.academia.edu/36889445/Ang_Tsinelas_Anekdota_ni_Jose_Rizal)

(Maaaring panoorin sa Youtube:https://www.youtube.com/watch?v=2kCGo_Aj1Dg)

3
1. Saan naganap ang kuwento?
a. sa dagat
b. sa ilog
c. sa sapa
d. sa bangka

2. Ano ang gamit ni Rizal sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran?


a. bakya
b. sapatos
c. tsinelas
d. bota

3. Ano ang suliranin sa kuwento?


a. Nawalan ng silbi ang tsinelas.
b. Ang pagkahulagpos ng tsinelas.
c. Ang pagkatapon ng tsinelas sa dagat.
d. Kung sino ang makakuha ng tsinelas.

4. Bakit naisipan ni Rizal na itapon ang natitirang pares ng tsinelas?


a. Para magkaroon ng pares ang naanod na tsinelas.
b. Para may magiging masayang tao kung sino man ang makakuha sa
tsinelas.
c. Para may magagamit ang kung sino man na makakuha sa pares ng
tsinelas.
d. Para magkaroon ng silbi ang naanod na tsinelas.

5. Sa iyong palagay, anong katangian ni Rizal ang ipinapakita sa binasang


anekdota?
a. Ang pagiging maawain
b. Ang pagiging matulungin
c. Ang pagmamalasakit sa kapuwa
d. Ang pagpapakumbaba

4
Gawin Natin

Upang lubos na maintindihan ang aralin, basahin at unawain ang


tekstong nasa ibaba. Mangyari ay maaari ka ring magtala ng mahahalagang
impormasyon sa iyong kuwaderno upang maging gabay sa pagsagot sa mga
susunod na gawain.

Ano ang Anekdota?


Ang anekdota ay pangyayaring maikli, kawili-wili at nakalilibang. Ito’y
bahagi ng talambuhay at bilang isang akdang pampanitikan, ito’y mayaman
sa guni-guini. Ito’y maaaring totoo o kaya’y bunga ng isip na nagwawakas sa
isang katawa-tawang pangyayari. Ito’y nagbibigay-buhay sa matamlay na
usapan ng mga tauhan ng kuwento.

Elemento ng Anekdota:
Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay isang
kilalang tao. Siya’y maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong
nakagawa ng di-inaasahang gawain na nagbigay pangalan sa kaniya.

Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar


ang tagpuan sa anekdota.

Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng


suliranin sa kuwento. Bago magwakas ang isang akda ay
kinakailangang nalutas na ang suliranin.

Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito,


ang pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na
nakapagbibigay-aliw sa mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay
matatagpuan ang panimula, nilalaman, at wakas ng isang anekdota.

Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan


laban sa kanyang sarili, sa kanyang kapuwa at sa kanyang paligid. Ito’y
nakapaloob sa banghay

Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang


kasukdulan. Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng
mga mambabasa ang magiging wakas ng kuwento.

Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa problema ng


pangunahing tauhan. Katulad ng pabula, may aral sa anekdota na sa
wakas lamang ng kuwento nailalantad.

5
Sanayin Natin
Sa bahaging ito, sanayin ang sarili ukol sa natutuhan sa aralin.
Sagutin ang gawain na nasa ibaba. Pagtapat-tapatin ang hanay A at hanay
B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Dito matatagpuan ang panimula, nilalaman a. tauhan


at wakas ng isang anekdota.
2. Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon b. tunggalian
sa problema ng pangunahing tauhan.
3. Sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na c. banghay
ng mga mambabasa ang magiging wakas d. wakas
ng kuwento.
4. Ito ay maaaring bayani o isang pangkaraniwang e. kasukdulan
tao na nakagawa ng di-inaasahang gawain
5. Ito ay laban sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa
at sa kaniyang paligid.

6
Tandaan Natin

Sa puntong ito ng aralin, may mga bagay na dapat tandaan. Punan ang
patlang ng angkop na kasagutan upang mabuo ang isang talata. Piliin lamang
ang angkop na sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel

Ang anekdota ay pangyayaring maikli, 1._________at nakalilibang. Ito’y


bahagi ng talambuhay at bilang isang akdang pampanitikan, ito’y mayaman
sa 2._______. Ito’y maaaring totoo o kaya’y 3. _________ na nagwawakas sa
isang 4. ____pangyayari. Ito’y nagbibigay-buhay sa 5._______ na usapan ng
mga tauhan ng kuwento.

kawili-wili guni-guni

nga ng isip katawa-tawa

matamlay

7
Suriin Natin

Ngayon naman ay muli nating basahin ang isa pang anekdota sa


buhay ni Jose P. Rizal noong siya ay bata pa lamang na kilala sa palayaw na
Pepe. Suriin ang nahihinuhang damdamin ng sumulat at ang mga elemento
ng anekdota. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

BUHAY NI RIZAL

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may


gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang
matutong bumasa ng abakada.

Datapuwa’t ang tugon ni Ina’y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang
upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe’y nagpumilit kaya’t sandali
munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawat titik.

Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay


nangangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang
lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin.

Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na


namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

(Hango sa: “Mga halimbawa ng anekdota” philnews, accessed October 30, 2020,
https://philnews.ph/2020/10/30/anekdota-mga-halimbawa-ng-anekdota-
anecdote/)

A. Nahihinuhang damdamin ng sumulat:__________________________


B. Tauhan : __________________________________________________
C. Tagpuan : __________________________________________________
D. Suliranin : __________________________________________________
E. Tunggalian : __________________________________________________
F. Wakas : __________________________________________________

8
Payabungin Natin

Binabati kita sa iyong kasipagan. Upang mas maging mayabong ang


iyong kaalaman ay napapanahon na upang ikaw ay magbigay ng iyong
personal na opinyon.

Maliban kay Jose P. Rizal ay may isa pang bayaning ating tinitingala
dahil sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nangibabaw pa rin ang kaniyang
pagmamahal sa bayan, ito ay si Apolinario Mabini na kilala sa taguring “Ang
Dakilang Lumpo”. Basahin ang isang anekdota sa buhay ni “Pule” at
magbigay ng sariling opinyon o reaksiyon ukol dito. Gawin ito sa sagutang
papel.
Ang Bayaning Kasambahay
(Anekdota ni Apolinario Mabini)

Pinag-uusapan sa Pilipinas ang kapakanan at benipisyong dapat


maipagkaloob sa mga katulong o kasambahay. Katunayan, may batas na
para sila mapangalagaan at magamit ang kanilang mga karapatan.
Alam mo bang si Apolinario Mabini, ang binansagang Dakilang
Lumpo at Utak ng Himagsikan ay pumasok na katulong para lamang
makapag-aral? Isang katawa-tawang pangyayari ang hindi malilimutan ni
Pule (palayaw ni Mabini) noong siya’y namasukang katulong sa isang
mayamang pamilya. Isang umaga, habang abala sa paglilinis ng bahay si
Pule ay nakakita siya ng limang barya na nakakalat sa ilalim ng mesa.
Kinuha niya ang mga iyon at ipinagtanong sa mga anak ng kaniyang
pinaglilingkuran kung sino ang nagmamay-ari.
“Sa akin iyan,” sabi ng panganay. “Kumunti kasi ang mga barya ko
sa ibabaw ng aking mesa.”
“Aba, sa akin iyan. Hindi ko matandaan kung saan ko ibinaba ang
sukli sa tinapay na binili ko kanina,” sabi naman ng nag-iisang anak na
lalaki.
“Nagkakamali kayo,” sabi ng bunso. “Sa akin ang mga baryang iyan.
Sobra iyan sa mga baryang ibinigay sa akin ni ama.”
“Hindi ko malaman kung sino talaga sa inyo ang nagmamay-ari ng
mga baryang ito. Mas makabubuti kung ibabalik ko na lang sa dating
kinalalagyan nito,” sabi ni Pule.
Hindi nakakibo ang magkakapatid habang ibinabalik ni Pule ang mga
barya sa ilalim ng mesa

(Hango sa: “Ang Bayaning Kasambahay” wordpress.com, accessed October 15, 2020,
https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-16.pdf).

9
Opinyon/Reaksiyon:________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Opinyon/Reaksiyon:
________________________________
________________________________
__________________________

Pagnilayan Natin

Binabati kita dahil lubos mong naunawaan ang araling ito. Dapat
nating pagnilayan na ang anekdota ay isang pangyayaring maikli, kawili-wili
at nakalilibang. Ito’y bahagi ng talambuhay at bilang isang akdang
pampanitikan, ito’y mayaman sa guni-guini. Ito’y maaaring totoo o kaya’y
bunga ng isip na nagwawakas sa isang katawa-tawang pangyayari.

10
Aralin
Kasanayang Komunikatibo
2

Alamin Natin
Magandang buhay mag-aaral!
Isa na namang mapagpalang araw para sa pagtamo ng kaalaman.
Ikinagagalak ko ang iyong sipag at tiyaga sa pagtahak sa landas ng
kaalaman. Nawa’y mas dagdagan pa ang pagsusumikap upang marating
ang nais paroroonan.
Sa araling ito, inaasahang:
Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi
(F10PT-IIIb-77);
Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota (F10PU-IIIb-72); at
Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota
(F10PU-IIIb-79).

Subukin Natin

Bago tayo magsisimula sa aralin ay magkakaroon muna tayo ng


kaunting ehersisyo. Natatandaan niyo pa ba ang salitang-ugat at panlapi?
Kung gayon ay ating subukin muli ang inyong kaaalaman ukol dito.

Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa panlaping ginamit.


Pillin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Matao a. pagmamalasakit sa kapuwa
2. Pantao b. bantayan
3. Tumao c. para sa tao
4. Nagkatao d. nagkaroon ng tao
5. Makatao e. maraming tao

11
Aralin Natin

Sa pakikipag-usap ay mahalaga ang wikang iyong gagamitin upang


ikaw ay maintindihan. Ngunit hindi maiiwasan na may mga pagkakataon na
hindi mo gaano ito kabisado kaya kailangan mong gumamit ng komponente
o sangkap ng kasanayan pangkomunikatibo.
Upang lubos ang iyong pagkatuto sa araling ito, makabubuti kung ito
ay iyong kokopyahin sa iyong kuwaderno upang magamit sa susunod na mga
gawain.
Ang kasanayang komunikatibo ay makatutulong sa ating lahat sa
pagiging isang mahusay na tagapagsalita dahil ito ang isa sa
pinakamahalagang kasanayan na puwede mong matutuhan dahil ito’y
magagamit mo kahit saan at kahit kailan.

Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo


1.Gramatikal Ito ang sangkap kung saan nagbibigay-
kakayanan sa nagsasalita kung paano bigkasin
sa wastong kaayusan ang mga
salita/pangungusap na kaniyang ginagamit at
kung angkop ng kaniyang ginagamit na mga
salita. Mahalaga ang komponent na ito upang
magkaintindihan kayo ng kausap mo dahil
maaaring maging sanhi nang hindi
pagkakaunawaan kapag hindi wasto ang
paggamit ng baralila at epektibo ito sa pagbuo ng
salita, tamang pagbigkas, pagbabaybay at
maging sa pagbibigay kahulugan ng salita.

Ang mga tanong na sinasagot ng


gramatikal na komponent ay:
a. Anong salita ang angkop gamitin?

b. Paano magagamit nang tama ang mga salita sa


mga parirala at pangungusap?

12
2.Sosyo-Lingguwistik Ito ang sangkap na magagamit ng
nagsasalita ang kalawakan ng kaniyang
bokabularyo at ang pagpili ng salitang naangkop
sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar
kung saan ginagamit ang wika. Dapat alam ng
nagsasalita ang paggamit ng angkop anumang
pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng
isang taong mahusay lang magsalita kumpara sa
isang katutubong nagsasalita ng wika.

Ang mga tanong na sinasagot ng sosyo-


lingguwistik komponent ay:
a. Anong salita o parirala ang angkop sa
partikular na lugar at sitwasyon.

b. Paano maipahahayag nang maayos at hindi


mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang
inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan,
paninindigan, at iba pa?

3.Diskorsal Ito ay ang sangkap na nagbibigay


kakayahan ng nagsasalita na ipalawak ang
mensahe upang mabigyan ng wastong
interpretasyon ang salita upang mas maunawaan
ang salita at mapahayag ang mas malalim na
kahulugan nito.

Ang tanong na nasasagot sa komponent na


ito ay:
a. Sa paanong paraan ang mga salita,
parirala, at pangungusap ay mapagsama-
sama o mapag-ugnay-ugnay upang
makabuo nang maayos na usapan,
sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo, at
iba pa?

13
4.Strategic Ito ay ang sangkap na nagagamit ng
nagsasalita ang mga berbal na pananalita upang
wasto niyang maipahayag ang kaniyang mensahe
at maiwasan o maisaayos ang hindi
pagkaunawaan o mga puwang sa komunikasyon.
Nakatutulong din ang mga hindi berbal na
hudyat sa pagsasalita kagaya ng kumpas ng
kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang
mailahad ang tamang mensahe.

Ang mga tanong na sinasagot ng strategic


komponent ay:
a. Paano ko malalaman kung hindi ko pala
naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko o kung
hindi niya naunawaan ang gusto kong iparating?
Ano ang sasabihin o gagawin ko upang maayos
ito?

b. Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang


hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang
aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag ng
isang bagay?

14
Gawin Natin
Upang lubos na maunawaan ang aralin ay kailangan mong sagutin
ang ilang katanungan. Isulat lamang ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Anong kasanayang komunikatibo ang sumasagot sa tanong na “Anong


salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon?”
Sagot: _____________________

2. Kasanayang komunikatibo na gumagamit ng hindi berbal na hudyat sa


pagsasalita kagaya ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng
mukha upang mailahad ang tamang mensahe.
Sagot: ____________________

3. Ito ay ang sangkap na nagbibigay kakayahan ng nagsasalita na


ipalawak ang mensahe sa pamamagitan ng sanaysay, talumpati, e-
mail, artikulo, at iba pa.
Sagot: __________________

4. Mahalaga ang komponent na ito upang magkaintindihan kayo ng


kausap mo dahil maaaring maging sanhi nang hindi pagkakaunawaan
kapag hindi wasto ang paggamit ng baralila at epektibo ito sa pagbuo
ng salita,
Sagot: _____________________

5. Ginagamit sa mga di-berbal na komunikasyon.


Sagot:______________________

15
Sanayin Natin

Para higit na matutuhan ang aralin ay kailangan mong magsanay.


Tukuyin kung alin sa mga komponente ng kasanayang komunikatibo ang
kailangang gamitin sa sumusunod na sitwasyon. Isulat sa sagutang papel
ang malaking titik na G kapag gramatikal, malaking titik na SL kapag sosyo-
lingguwistik, malaking titik na D naman kapag diskorsal at malaking titik na
S kapag stategic.

____1. Naglalaro ang magkakaibigan na Ana at Elsa sa daan nang biglang


sumigaw si Elsa dahil kinagat ng langgam. Agad naman siyang tinulungan
ni Ana at itinuro ni Elsa ang langgam “Hayan ang langgam na kumagat sa
akin.” Nagtataka sa si Ana dahil wala naman siyang nakitang ibon dahil si
Ana ay isang Bisaya at ang kahulugan ng langgam sa Bisaya ay ibon.

_____2. Isang araw ay naisipan ni Glen na pasyalan ang kaibigan na


matagal na niyang hindi nakikita. Agad niya itong pinuntahan ngunit sa
kasamaang palad ay lumipat na pala ito ng tirahan. Tinanong ni Glen ang
dating kapitbahay ng kaniyang kaibigan kung saan ito lumipat. “Doon” ang
sabi ng kapitbahay habang nakaturo ang kaliwang kamay at nakaturo din
ang nguso sa direksyon.

_____3. Gumagawa si Arnel ng isang talumpati para sa kaniyang


asignaturang Filipino. Pinag-aaralan niya itong mabuti kung paano niya
mapagsama-sama ang mga salitang kaniyang gagamitin, ang parirala at
pangungusap para mabuo at maipahayag nang maayos ang mensaheng
nais niyang iparating.

16
_____4. Kumakain ang pamilyang Castro ng hapunan. Habang sila ay
kumakain ay nagkukuwento ang bunsong anak sa mga kaganapan sa
kanilang paaralan tulad na lamang ng suntukang nangyari sa pagitan ng
kaniyang mga kaklaseng lalaki. Matamang nakikinig ang padre de pamilya
sa kanilang bunso at napailing na lamang.

___5. Matagal tinapos ni Bela ang kaniyang sanaysay dahil ayaw niyang
magkaroon ng pagkakamali. Sinuri niya ang mga salitang ginamit, parirala
at maging ang mga pangungusap upang makabuo nang maayos at malinaw
na diwa.

Tandaan Natin
Mga mag-aaral, dapat nating tandaan ang sumusunod :
Gramatikal nagbibigay-kakayahan sa
nagsasalita upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang
angkop na mga tuntuning pang-
gramatika

Sosyo-lingguwistik gumagamit ng salitang naaangkop


sa sitwasyon at sa kontekstong
sosyal ng lugar kung saan
ginagamit ang wika

Diskorsal nagbibigay kakayahan sa


nagsasalita na mapalawak ang
mensahe upang mas maunawaan
ang salita at mapahayag ang mas
malalim na kahulugan nito

Strategic ang berbal at hindi berbal na mga


hudyat upang maihatid ng mas
malinaw ang mensahe

17
Suriin Natin
Sa bahaging ito ng aralin ay nais kong gumawa ka ng isang
anekdota ukol sa iyong buhay kung saan ikaw ay gumawa ng hindi
inaasahang kabutihan sa iyong kapuwa. Buoin ito gamit ang iyong kaalaman
sa kasanayang komunikatibo. Isulat ito sa sagutang papel at sundin lamang
ang rubriks na nasa ibaba.

Rubriks:
Paggamit ng gramatikal at sosyo-lingguwistik
bilang kasanayang komunikatibo-
- 10 pts
Pagiging kawili-wili ng anekdota -10 pts
Kabuoan -20 pts

18
Payabungin Natin

Upang yumabong ang kaalaman sa aralin, gumawa ng komik strip o


iguhit ang sinulat na anekdota. Gawin ito sa sagutang papel. Dalawang
kuwadro lang ang gagamitin.

Paalala: Hindi kinakailangan na komopya sa internet. Akmang guhit lamang


ang kinakailangan at lagyan ng kulay.

Rubriks:

Orihinal – 5 pts
Malinis at may kulay - 5 pts
Kabuoan - 10 pts

19
Pagnilayan Natin

Malaking tulong sa ating lahat ang pagiging isang mahusay na


manunulat at tagapagsalita dahil ito ang isa sa pinakamahalagang
kasanayan na puwede nating matutuhan dahil ito’y magagamit mo kahit saan
at kahit kailan.
Binabati kita sa iyong kasipagan at matalinong pagsagot at paggawa
sa mga gawain. Tandaan ang mga natutuhan sa mga aralin.

20
21
Aralin1
Subukin
1. D
2. B
3. D
4. C
Aralin 2
5. B
Subukin
Aralin
1. E
1. D
2. C
2. C
3. B
3. B
4. D
4. C
5. A
5. C
Gawin
Sanayin
1. Sosyo-
1. C
lingguwistik
2. D
2. Strategic
3. E
3. Diskorsal
4. A
4. Gramatikal
5. B
5. Strategic
Tandaan
Sanayin
1. Kawili-wili
1. SL
2. Guni-guni
2. S
3. Bungang-isip
3. D
4. Katawa-tawa
4. S
5. Matamlay
5. G
Suriin-nasa guro ang
Suriin-nasa guro ang
pagpapasya
pagpapasya
Payabungin-nasa guro
Payabungin-nasa guro
ang pagpapasya
ang pagpapasya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 8.


Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2000 .

Website:
“Ang Tsinelas-Anekdota ni Jose Rizal” academia.com, accessed November
12,
2020,https://www.academia.edu/36889445/Ang_Tsinelas_Anekdota_ni_Jo
se_Rizal
Youtube:https://www.youtube.com/watch?v=2kCGo_Aj1Dg)
“Ano ang Anekdota” wordpress.com, accessed November 12, 2020,
https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-16.pdf

“Ang Bayaning Kasambahay” wordpress.com, accessed October 15, 2020,


https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-16.pdf).

“Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo” slideshare.net, accessed


November 11, 2020, https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-10-apat-
na-sangkap-ng-kasanayang-komunikatibo

22
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like