You are on page 1of 19

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

NORTH LA UNION CAMPUS


Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT


Isang Detalyadong Banghay Aralin
sa Filipino 10

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;

a. natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa nobelang “Ang Kuba


ng Notre Dame”;
b. naibabahagi ang sariling kaisipan at emosyon sa pamamagitan ng
sariling paglalagom tungkol sa tinalakay na nobela at;
c. nakaguguhit nang buong husay ng sariling wakas ukol sa nobelang
tinalakay.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Ang Kuba ng Notre Dame


Sanggunian: Acosta, et al., Banyuhay 10: Filipino Serye
“Wika at Panitikan”, KLEAFSPublishing Inc.,
Pahina 55-58
Online Resources: http://filipi10iwarville.blgspot.com/2015/05/ang-
kuba- ng-notre-dame.html
Kagamitan: DLP, ppt, laptop, audio-speaker,kartolina,video
Pagpapahalaga: Hindi masusukat sa pisikal na anyo, sa
trabaho, o sa antas sa lipunan ang pagkatao
ng isang tao.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban
3. Pagbabalik aral
4. Pagganyak

Ngayon klas, bago tayo tumungo sa ating


aralin, nais ko muna magparinig ng isang
awitin para sa inyo kung kayat gusto kong
lahat ay makinig sapagkat kayo ay
magbibigay ng interpretasyon hinggil sa

Molding Lives Beyond Borders


COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

musikang inyong papakinggan.

Handa na ba kayo? Opo Guro.


Ngayon, mula sa inyong napakinggan, ano
ang pamagat ng awitin ito?
“I can go to Distance” by Michael
Tama! Mula sa pamagat ng awiting ito, maaari Bolton.
bang isa sa inyo ang tumayo at ibahagi ang
kanyang pagpapahiwatig hinggil sa musikang
napakinggan.
Ito po ay isang awitin na
nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng
determinasyon sa buhay ng bawat
Mahusay! isa.
Mula sa klase, bilang isang mag-aaral ay
nagkaroon na ba kayo ng determinsayon sa
inyong buhay. Puwede bang maglahad kayo
ng kahit isang pangyayaring inyong
naranasan na nagpapakita ng determinsayon.
Guro, ako po.
Para sa akin, bilang mag-aaral ay
gusto kong makapagtapos ng pag-
aaral at mai-ahon sa kahirapan ang
aking pamilyang walang sawang
sumusuporta at nagbibigay ng
pamamahal para lamang marating
ko ang tagumpay na aking inaasam-
asam sa pamamagitan ng aking
Tama! Lagi nating pakatandaan na walang pagsusumikap.
imposible kung tayo ay magsusumikap dahil
hindi hadlang ang kinatatayuan nating buhay
upang hindi makamit ang pangarap sa buhay.
Magsikap, huwag maging ‘Ningas-Kugon’ ang
ugali, upang ang determinasyon sa buhay ay
magningning tungo sa hinaharap.

Ano pa?
Ikaw Ginoo, puwede bang tumayo at ibahagi Guro.
sa klase ang namumuo sa iyong isipan hinggil
sa awiting ito.

Hindi lamang po nasusukat ang


katalinuhan at kapusukan kung bakit

Molding Lives Beyond Borders


Page | 2
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

matibay tayo, bagkus nakasandig ito


sa walang hangganang katatagan at
kagitingan na kumapit nang mahigpit
Tama.Tunay nga na ang pagkakaroon ng at magkalumot tungo sa ating
tagumpay ay nakasalalay sa ating mga kaunlaran.
desisyon sa buhay.

B. Paglalahad
Bago tayo tuluyang dumako sa ating aralin ay
atin munang bigyan ng kahulugan ang mga
matatalinhagang salita na nakapaloob sa
paksa.
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang
nasalungguhitan sa bawat bilang at gamitin ito
sa pangungusap.
1. Dahil sa ginawang panunuya kay
James ay nagkaroon ng sakit ng
karamdam at tuluyang namatay
a. Pagmamalasakit
b. Pangungutya
c. Panlalait PANGUNGUTYA
d. Panlulumo Lagi na lamang pangungutya ang
ginagawa ng aking mga kamag-aral
2. Habang binabagtas ni Domingga ang sa akin.
daan papunta sa kanilang bahay ay
biglang nawalan siya ng malay.
a. Tinatalon
b. Nilalakad
c. Nilalakbay NILALAKAD
d. Nilalakob Araw-araw kong nilalakad ang daan
papuntang bayan sa kadahilanang
3. Napagawi ang tingin ni Galyona ng wala akong perang pamasahe.
makita nito ang kanyang iniiro.
a. Napangiwi
b. Napadako
c. Napakislap NAPADAKO
d. Napasuyo Napadako ang tingin ni Galyona sa
kanyang iniiro ng makita nitong
4. Inaasahan kong ngayong darating na sumasayaw.
buwan ay hatiran ako ang aking kapatid
ng isang magarang damit.
a. Damutan
b. Bigyan

Molding Lives Beyond Borders


Page | 3
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

c. Bunutan BIGYAN
d. Balikan Inaasahan kong ngayong darating na
pasko ay bigyan ako ng aking kapatid
Ang lahat ng inyong mga sagot talagang ng isang magarang kotse.
pinag-isipan ng mabuti kung kaya’t bawat isa
sa inyo ay may tig-iisang puntos para sa
pakikilahok sa ating talakayan ngayon!
Mahusay kayong lahat!

C. Pagtalakay

Sino sa inyo ang nakabasa na sa librong


Noli Me Tangere? Batid kong napag-aralan
niyo na ito noong nasa Grade-9 kayo kaya
alam kong alam niyo na ito.

Ako po Guro.
Ang pamagat po nito ay
nangangahulugang “Huwag mo
akong salingin” na hango sa bibliya
Tama, maraming salamat! at ito’y isinulat ng ating pambansang
Ano pa? bayaning si Dr. Jose P. Rizal.

Ito rin ay pinagbibidahan ng


Tama! Anong uri kaya ng panitikan pangunahing tauhan na
napapabilang ang Noli Me Tangere? nagngangalang Crisostomo Ibarra.
Mahusay!
Ngayon naman ay dumako na tayo sa
pagtalakay sa ating paksa. Babalik na tayo sa Ito po ay isang Nobela Guro.
nakaraan at tutuklasin natin ang katangi-
tanging kuwento o mga pangyayaring
nakapaloob mula sa nobelang Ang Kuba ng
Notre Dame.

Mahusay maraming salamat!


Trivia: Ang nobela ay binubuo ng Maikling
Kuwento. Ang pinagkaiba lamang nito ay ang
pagkakaroon nito ng kawing-kawing na mga
pangyayari na ginawang masalimuot at hinati-
hati ito sa iba’t ibang kabanata.

Molding Lives Beyond Borders


Page | 4
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Ang nobelang tatalakayin natin ngayon ay


nanggaling sa bansang Pransiya na kilala
bilang isa sa kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan. At isa sa panitikang likha ng mga
taga Pransiya ay ang nobelang “Ang kuba ng
Notre Dame” na siyang ating himay-himayin
na tatalakayin sa araw na ito.

Maaari bang basahin ang unang talata?


Ano ang ipinapahiwatig nito?

Sa unang kaganapan ng nobelang


ito nagkikita-kita ang mamamayan sa
isang malawak na katedral upang
magsaya sa “Pagdiriwang ng
Kahangalan” na isinasagawa sa loob
Ano pa? ng isang araw taon-taon.

Ipinakilala rito si Quasimodo, ang


kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng
Kahangalan” dahil sa taglay nitong
labis na kapangitan. Sapagkat siya
ang itinuturing na pinakapangit na
Sa inyong palagay, nararapat bang nilalang sa kanilang bayan.
pagsabihan ang isang tao ng pangit kong ito
ay isang pangit sa paningin ng nakararami
maging sa panlabas na kaanyuan.
Hindi po. Para sa akin, walang pangit
na tao sa mundo dahil kahit man
pangit sa paningin ng tao kung
busilak naman ang puso ay naroroon
Magaling! ang ganda ng kanyang pagkatao.

Ano pa?

Nilikha tayo ng Panginoon na


pantay-pantay sa kanyang paningin
kaya wala tayo karapatang
manghusga at manlait sa kapwa
Tama! Sa ating lipunang ginagalawan anuman ang taglay na kinatatayuan
ngayon, kung ating titingnan lalong-lalo na na buhay.
pagdating sa pag-ibig ay mas tinitingnan ang

Molding Lives Beyond Borders


Page | 5
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

panlabas na kaanyuan.

Sa iyong palagay, ano ba kasi ang basehan


ng mga tao kung bakit nila tinatawag na pangit
ang mga tao?

Binase po nila ito sa hitsura at


At para sa nobelang ito, si Quasimodo ay panlabas na kaanyuan pati na rin po
laging kinukutya ng mga taong nakapalibot sa sa kanilang kapansanan.
kanya na siyang ugat upang mangibabaw ang
kasiyahan na hindi naman karapat-dapat na
gawin sa kanya.

Ano kaya ang sumunod na pangyayari?


Pakibasa ang ikalawang talata?
Ano ang iyong pagkaka-unawa sa iyong
binasa?

Nakilala si Pierre Gringoire, ang


napupunyaging makata at pilosopo
sa lugar na kung saan gusto niyang
agawin ang kaabalahan ng mga tao
sa panonood sa nasabing parada na
dahilan upang manghinayang ito
Sa araw-araw na inyong paglalakbay sa sapagkat wala man lang manood sa
mundong ibabaw, naroroon pa ba sa kanyang palabas.
kasalukuyan ang kagaya ni Pierre Gringoire.

At inutusan nga ng pari si Quasimodo na


kasama siya upang bumalik sila sa Notre Marami po.
Dame. Bakit kaya pinatigil ng pari ang
pagdiriwang?
Maaari bang pakibasa ang sumunod na
talata?

Habang isinasagawa ang panunuya


kay Quasimodo, biglang dumating si
Claude Frollo, ang pari sa kanilang
simbahan upang ipatigil ang
pagdiriwang.
Maraming salamat!
Sa iyong binasa Ginoo, ano ang sumunod na
pangyayari?

Molding Lives Beyond Borders


Page | 6
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Naipakilala rito si La Esmeralda


bilang isang magandang babae at
isang dalagang mananayaw.
Ano pa?
Dahil sa natapos na ang kasiyahan
ng mga tao, ipinasya ni Gringoire na
maghanap muna ng makakain at
doon nakita niya si La Esmeralda.
Ipinasya niyang sundan ito at sa
hindi inaasahan, laking gulat ng
dalaga ng biglang mayroong
sumunggab sa kanya na dalawang
lalaki-sina Quasimodo at Frollo.
Sa tingin ninyo, bakit kaya biglang naroroon
sina Quasimodo at Frollo, mayroon kaya
silang maitim na balak sa dalaga?

Ano pa ang sumunod na nangyari?


Guro, sa pagkakakita ni Gringoire sa
dalawa ay sinubukan niya itong
tulungan ang dalaga subalit hindi
niya makayanan ang lakas ni
Quasimodo kung kaya’t nawalan siya
ng malay. At tuluyang nakatakas si
Frollo ngunit biglang dumating ang
ilang alagad ng hari sa Panguguna ni
Phoebus-ang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian.
Sa inyong palagay, sino sa kanila ang dapat
madakip? Puwede bang tumayo ang isa sa
inyo at ibahagi sa klase sa klase.
Para sa akin, nararapat lang na
dalawa silang madakip sapagkat
pareho silang may sala at kung ating
babalikan ang unang kaganapan ay
hindi mangyayari ang pagkakadakip
kay Quasimodo kung hindi pinatigil
ng pari ang pagdiriwang.
Mahusay maraming salamat!
Sa sitwasyong ito, makikita natin na mayroong
balak ang pari kaya pinatigil ang pagdiriwang.
Ano pa ang sumunod na nangyari pagkatapos
hulihin ng mga alagad ng hari si Quasimodo?

Molding Lives Beyond Borders


Page | 7
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Guro, pagkatapos ang pagkakadakip


kay Quasimudo ay pinangpasiyahan
ng mga pangkat ng pulubi at
magnanakaw na bitayin si Gringoire
ngunit gumawa ng paraan si La
Esmeralda upang hindi ituloy ang
balak ng mga ito upang siya’y hindi
bitayin.
Tama.
Gumawa nga ng paraan si La Esmeralda sa
pamamagitan ng handang pagpapakasal sa
lalaki sa loob lamang ng apat na taon,
mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa
kamatayan.
Kung kayo ang nasa kalagayan ni La
Esmeralda ay handa ka bang magpakasal sa
hindi mo naman minamahal? Patunayan. Opo Guro.
Sapagkat kung iyon lang ang paraan
para mailigtas sa kamayan ang isang
tao ay handa akong gawin ang lahat
kahit maging alipin man ako para sa
kanya. Naniniwala ako na sa
ganitong pangyayari ay nakatulong
ako sa mga taong labis na
nangangailangan ng tulong at
kalinga.
Tama! Pero huwag nating isipin na kailanman
ay hindi tayo nakakatulong sapagkat lahat
tayo ay biniyayaan ng Panginoon ng
maliwanag at mabuting pag-iisip upang gawin
ang nararapat para sa tamang landas ng daan
tungo sa tagumpay na inaasam-asam.
Puwede bang pakibasa ang sumunod na
pangyayari?

Ano ang iyong pagkaka-unawa sa iyong


bianasa?
Dumating ang araw na si
Quasimodo naman ang siyang
parusahan at bitayin sa harap ng
palasyo. Sa pagpapahirap ng mga
tao sa kanya ay halos mawalan na
ito ng malay. Naisip niya na lahat ng

Molding Lives Beyond Borders


Page | 8
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

iyon ay kagustuhan at ayon sa


kagustuhan ni Frollo na kailanman
hindi niya magawang tutulan dahil sa
Tama. utang na loob.
Sa ganitong sitwasyon, saan ninyo
maihahalintulad ang pangyayaring ito? Mula
sa klase, sino sa inyo ang makapagbibigay ng
kanyang opinion?
Guro ako po.
Sa mga dayuhang sumakop sa ating
bansa na kung saan sila ang
nagbigay ng sakit at sama ng loob sa
puso’t isipan ng mga Pilipino dahil sa
kani-kanilang taglay na masamang
ugali. Ipinapakita rin dito na ang mga
dayuhan ay wala silang disiplina at
respeto sa mga taong nakanaras ng
paghihirap noong panahon ng
pananakop ng mga dayuhan sa ating
bansa.
Magaling!
Isang mahusay na paliwanag, lagi nating
tatandaan na kailanman wala tayong
karapatan na saktan at pahirapan ang mga
katulad nating nilalang sapagkat sila rin ay
may pusong nasasaktan.

Maaari bang pakibasa ang sumunod na


pangyayari.
Ano naman ang iyong pagkakaunawa hinggil
sa iyong binasa Ginoo? Puwede bang tumayo
at ibahagi sa klase.
Sa sobrang pahirap na ipinaparanas
ng mga tao kay Quasimodo ay
kailangan niya tulong ngunit kahit
magmakaawa siya sa kanila ay
walang sinuman ang tumulong sa
kanya. Ngunit di naglaon ay
dumating si La Esmeralda at
binigyan niya ito ng tubig.

Sa ganitong ginawa ng babae ay


malimit na ilarawan siya bilang isang

Molding Lives Beyond Borders


Page | 9
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

matulungin at busilak ang kanyang


puso.

Tama! Sa tingin ninyo, kung ikaw ang nasa


sitwasyon ni La Esmeralda, gusto mo pa rin
bang tulungan ang taong nagtatangkanag
gumawa ng masama sa iyo. Opo, sapagkat kung ito ang paraan
upang baguhin ang madilim niyang
pagkatao ay gagawin ko para na rin
sa kapakanan ng aking kaligtasan
gayundin na ako’y nakatulong sa
kanya.

May punto.
Ano pa ang sumunod na kaganapan? Samantalang sa di kalayuan ay may
babaeng sumisigaw kay La
Esmeralda na kilala sa pangalang
Sister Gudule. Siya ang
pinaniniwalaan na dating mayaman
subalit nawala ang bait nang mawala
ang anak na babae. At biglang
tinawag niya si La Esmeralda na
“hamak na mananayaw” at “anak ng
magnanakaw.”

Tama, maraming salamat!


Sa inyong palagay, bakit kaya tinawag niya
itong isang hamak na mananayaw at anak ng
magnanakaw? Ako po Guro.
Maaaring sa pagkawala ng kanyang
anak at sa ala-ala nitong taglay na
katauhan ng kanyang anak ay
nasambit niya ito.

Basahin ang sumunod na talata.


Anong binabalak ni Frollo kay La Esmeralda
sa talatang ito? Guro ako po.
Siya ay may pagnanasa kay
Esmeralda at nakaramdam ng
matinding panibugho sa kanya
upang ito rin ang mag-udyok sa
kanya upang talikuran ang
panginoon at pag-aralan ang itim na

Molding Lives Beyond Borders


Page | 10
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

mahika.

Maraming salamat!
Sa kanyang taglay na pagkato, malimit na
ilarawan na kahit siya man ay isang alagad ng
Diyos ay kaya niyang gumawa ng masama
sapagkat ang nangingibabaw sa kanya ay ang
maling desisyon at matinding panibugho na
bumabalot sa kanyang isipan.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Frollo,


gagawin mo rin ba ang maitim niyang Hindi po sapagkat ito ay
binabalak? nakakasama sa kapwa at lalong ito
ay taliwas sa mata ng Panginoon.

Tama! Lagi nating pakatandaan na ang


paggawa ng mali ay isang malaking
kasalanan sa harapan ng Poong Maykapal.

Sunod na pangyayari. Puwede bang pakibasa


ang sumunod na talata?
Ano ang sumunod na nangyari? Habang masayang nag-uusap ang
bagong magkakilala ay biglang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus
na siya ang may kagagawan ng
pagpapalapastangan sa kapitan. Sa
nangyaring ito ay inakalang si La
Esmeralda ang may kagagawan ng
lahat kaya hinuli nila ito at
nasintesyahang bitayin sa harap ng
palasyo.

Kung ikaw ang nasa kalagayan ni La


Esmeralda ay ipaglalaban mo ba ito o hayaan
mo nalang na ika’y paparusahan? Sa
papaanong paraan? Para sa akin, kung ako man ang
nasa kalagayan ni La Esmeralda ay
ipaglalaban ko ito sapagkat
naniniwala ako na mangingibabaw
pa rin ang kabutihan sa lahat.

Sa kasalukuyang panahon, sumasalamin pa


ba ang ganitong pangyayari sa realidad ng

Molding Lives Beyond Borders


Page | 11
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

buhay? Opo, kung ikukumpara ko noon at


ngayon ay may malaking agwat ito,
sa tingin ko ang batas ngayon ay
maaaring baliktarin ang sitwasyon
kahit ikaw ang nasa tamang
desisyon at kung ikaw ay may
kapangyarihan maaari mong baguhin
ang mali upang magiging tama.

Ano pa? Pagkatapos mahuli at makulong si


La Esmeralda ay dinalaw ito ni Frollo
upang ipagtapat ang pag-ibig sa
kanya ngunit tumaggi siya sa lahat
ng alok ni Frollo. At tinawag pa niya
itong Tiyanak na Monghe at
pinaratangang mamamatay tao.

Kung kayo ang tatanungin ko, sumasang-


ayon ba kayo sa ginawang desisyon ni La Opo Guro.
Esmeralda? Para sa akin ay mas gugustuhin ko
nalang na mamatay kaysa
makasama ang isang walang puso
katulad ni Frollo.

Tama ang inyong ibinahagi, mas maganda na


piliin ng mabuti ang makakasama kaysa sa
bandang huli ay ikaw ay maghihirap.

Alamin naman natin ang susunod na


pangyayari. At aking babasahin at sundan
niyo ako sa aking pagbabasa. Babasahin ng
guro ang sumunod na talata.

Buhat sa aking binasa, ano ang mga


gumagambala sa inyong mga isipan hinggil sa Guro ako po.
pahayag na ito? Bago ang pagbitay sa dalaga ay
iniharap muna sa maraming Tao sa
harap ng Notre Dame upang kutyain.
Sa ganitong sitwasyon ay
mailalarawan ang mga taong
napapabilang sa lugar na ito na sila
ay masasamang tao. Dahilan pa
upang umiwas si Phoebus sa kanya.

Molding Lives Beyond Borders


Page | 12
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Ngunit sa bandang huli ay dumating


si Quasimodo galing sa tuktok ng
Notre Dame upang tulungan si La
Esmeralda. At sa hindi inaasahan ay
bigla niya itong nasambit
“Santuwaryo”.

Para sa dagdag kaalaman, ang ibig sabihin ng


santuwaryo ay isang gusaling nakalaan para
sa pagsamba sa Panginoon o anumang banal
na bagay.

Sa kalagayan nina Quasimodo at La


Esmeralda, bakit ganoon na lamang ang
kanyang sinabi at isinigaw pa ang katagang
Santuwaryo? Siguro dahil sa matinding nadarama
niyang pag-ibig kay La Esmeralda ay
nasabi niya ang lahat ng iyon. At
upang ipadama na minamahal niya
ang dalaga.

Okey, mahusay ipinakita na nga ni


Quasimodo na siya ay isang mabuting tao rin
kahit sa labas na kaanyuan ay kita sa kanya
ang masamang pag-uugali.

Ano pa? Dahil sa pagtulong ni La Esmeralda


kay Quasimodo noong siya’y
kinailangan ang tulong niya ay
napaibig ito sa kanya. Lingid sa
kaalaman ng nakararami na matagal
pa lang plano ng binata na itakas
ang dalaga sa taong nagnanasa sa
kanya.

Mahusay! Tunay nga na sa kanyang


pagtulong kay La Esmeralda ay siyang
dahilan para mangibabaw ang awa niya kay
Quasimodo kaya sila’y nagsama at di
nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.
Tingnan natin ang susunod na mga
pangyayari. Pakibasa!
Pinapahayag ng talatang ito na

Molding Lives Beyond Borders


Page | 13
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Ano ang ipapahiwatig ng iyong binasa? gustong itakas ng mga kinikilalang


pamilya ni La Esmeralda na kung
saan sila ang pagkat ng mga taong
palaboy at magnanakaw.

Samantalang, inaakala naman ni


Ano pa? Quasimodo na papatayin nila ito
kaya gumawa siya ng paraan upang
hindi nila makuha ang dalaga.
Nakipanlaban siya hanggang marami
siyang napatay?

Mula sa klase, magagawa niyo ba ang Hindi po, sapagkat alam naman natin
pumatay lang-alang sa inyong minamahal sa na ito’y labag sa mata ng diyos, ang
buhay? pagpatay sa buhay ng may buhay.
Mabuti kong ganoon!
Dahil sa kaguluhan na nangyayari,
ay sinamantala ni Frollo na makalapit
Ano pa ang sumunod na nagyari? sa dalaga at nag-alok siya ng
dalawang pagpipilian, ang mahalin
siya o ang mabitay? Ngunit mas pinili
ng dalaga na mabitay kaysa
makasama ang isang hangal na
tulad niya. Kaya iniwan ni Frollo ang
dalaga kasama si Sister Gudule.

Opo Guro.
Mula sa klase, sumasang-ayon ba kayo sa Sapagkat wala naman po sigurong
desiyon ng dalaga na hindi mahalin si Frollo? may gustong makasama ang isang
hangal na katulad ni Frollo.

Kung gayon, maaari bang tumayo ang isa sa


inyo at ibahagi sa klase ang katanungan na Guro maaari po.
ito, nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan ang Maaari pong nangyayari pa rin sa
ganitong sitwasyon? kasalukuyan lalong lalo sa mga lugar
na magulo.

Sa hindi inaasahan ay labis na

Molding Lives Beyond Borders


Page | 14
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

pagkakamangha ng dalawa ng
Maraming salamat! mabatid nila na sila ay ma-ina dahil
Ano pa ang sumunod na kaganapan? sa kuwentas na suot ng dalaga na
siyang palatandaan na suot ng
kanyang anak bago mawala.

Sa ganitong sitwasyon, ano naman ang Masayang-masaya po Guro!


pakiramdam mo kong ikaw ang nasa Maaaring plano ng Diyos na
kalagayan ng dalawang mag-ina. Sa palagay paglapitin sila ng tadhana upang
ninyo, ano ang maaaring bunga ng kanilang makilala ang isa’t isa. At upang sa
pagkikita. bandang huli ay makita nila ang
kanilang minamahal sa buhay.

Tama!
Maaaring iyon ang plano ng Diyos upang
sila’y paglapitin ng tadhana.
Ano kaya ang sumunod na nangyari
pagkatapos magkita ang mag-ina? Puwede Pinaglapit man ng tadhana ang
bang paki-basa ang sumunod na pangyayari? dalawa ngunit sa kabila ng kanilang
Puwede bang ibahagi sa klase ang nangyari pagkikita ay trahedya naman ang
pagkatapos magkita ang dalawang mag-ina. sumalubong sa kanila. Ninasa ni
sister Gudule na iligtas ang anak
subalit huli na ang lahat. Sapagkat
namatay na ang kanyang anak.
Masakit man pero tatanggapin ko ito
sapagkat wala naman ang may
gustong mangyari ang lahat ng ito.

Kung kayo ang nasa sitwasyon ng dalawang


magina. Ano ang inyong mararamdaman? Nang mabatid ni Quasimodo na
Mahusay, maraming salamat! nawawala si La Esmeralda kaya
tinuton niya ang tuktok ng tore at
Ano pa ang nangyari? doon nakita niya si La Esmeralda na
wala ng buhay. Dahil sa matinding

Molding Lives Beyond Borders


Page | 15
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

galit na naramdaman ay nawala sa


kanyang sariling katinuan at nang
makita niya si Frollo ay hinila niya at
biglang inihulog niya ito mula sa
Tore-ang paring kumupkop sa
kanya.

Tama, maarming salamat! Guro ako po.


Sa tingin ninyo, bakit kaya ginawa iyon ni Dahil sa namumuong galit sa
Quasimodo kay Frollo kung gayong Si Frollo kanyang puso at sa ginawa ni Frollo
ang kumupkop sa kanya? na naghatid ng kamatayan at
pagdurusa sa babaeng kanyang
pinakamamahal- Si La Esmeralda.

Tama!
Ngunit lagi nating tatandaan na kailanman ay
masama pa rin ang pumatay sa kapwa.
Pansinin ulit natin ang sinabi ni Quasimodo
na habang nakatitig sa wala ng buhay na
katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, Guro ako po.
“wala akong ibang babaeng minahal. Sa pahayag niyang ito, walang ibang
Ano ang ibig sabihin ni Quasimodo sa kanyang minahal kundi si
pahayag niyang ito? Quasimodo na kung saan lingid sa
kaalaman ng dalaga na may gusto
pala sa kanya mula noon.
Ipinaglaban man niya ito sa mga
taong gustong pumatay sa kanya
ngunit wala siyang kakayahan upang
pigilan ang mga ito.

Tama! Lubha ngang masakit para sa kanya


ang nangyari ngunit wala siyang magawa
kundi umalis at maglaho sa kanilang lugar na
punong-puno ng pighati. At mula noon ay
hindi na muling nakita pa si Quasimodo.

Ano kaya ang sumunod na nangyari


pagkatapos ng lahat?

Molding Lives Beyond Borders


Page | 16
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Puwede bang paki-basa ang pagtatapos ng Guro ako po.


nobelang “Ang kuba ng Notre Dame”. Sa pagtatapos ng nobelang ito,
nakita na lamang si Quasimodo ang
kanyang kalansay na nakayakap sa
katawan ng dalaga. Ipinapahiwatig
nito na sumunod rin na namatay si
Quasimodo at doon rin siya inilibing.
Hindi man ito kapani-paniwala ngunit
dahil sa nasaksihan ay naging
makakatotohanan ang lahat.

Tama, maraming salamat!


Sa palagay ninyo, bakit kaya nakayakap ang Guro ako po.
kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga? Maaaring iyon lang ang paraan
upang makasama ni Quasimodo ang
dalagang kanyang pinakamamahal
sa buhay. At siguro, dahil sa hindi
niya makayanan ang sakit na
nadarama ay maaaring pinatay niya
ang kanyang sarili at doon mismo sa
puntod mismo ng libingan ni La
Esmeralda.

May punto. Lahat tayo siguro ay nakaranas


ng Pag-ibig maging paghanga sa kapwa at
pag-nangibabaw ang pag-ibig na iyan ay
gagawin ang lahat upang masunod at
makamtan maging hanggang sa kamatayan.

D. Paglalahat Opo/hindi guro.


Naintindihan ba klas ang kuwento o
nobelang ito? Tungkol po sa Ang Kuba ng Notre
Kung gayon, tungkol saan ang ating aralin Dame na kung saan pumapatungkol
ngayon? po ito sa isang kuba na
nagngangalang Quasimodo na
itinuturing na pinakapangit sa
kanilang lugar dahil sa kanyang
taglay na kapangitan. Na kung saan
nagmahal ng isang baabaeng hindi
naman ito minahal bagkus ay naging
magkaibigan ang dalawa.

Molding Lives Beyond Borders


Page | 17
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

Ano pa?
Magaling! Tunay ngang naunawaan niyo ang Pinakita pa sa nobelang ito kung
daloy ng kuwento. paano ipinaglaban ni Quasimodo
ang kanyang pagmamahal kay La
Esmeralda hanggang sa pagtatapos
ay namatay rin ang dalawa.

E. Pagpapahalaga
Buhat sa kuwento, ano ang naging
implikasyon nito sa inyo? Ano ang Maituturing na mahalaga ang isang
sosyolohikal na impak nito? bagay o mahal mo ang isang tao
kung hanggang sa dulo ay
ipinaglalaban mo pa rin ito maging
kamatayan ang kapalit pa nito. Dapat
kahit anumang mangyari ay
ipaglalaban ka pa rin kahit
kapahamakan ang kapalit.

Sapagkat ang tunay na


pagpapahalaga sa isang bagay,
makikita iyan sa kalooban ng isang
tao. Lagi nating pakatandaan na
walang sinuman ang may gustong
nahihirapan para sa isang bagay na
gustong mapagtagumpayan.

Tama!

Ano ang nabago sa inyong isipan


pagkatapos nating talakayin ang kuwento? Kung pipili tayo ng makakasama
habam-buhay, piliing mabuti at
huwag nating tingnan ito sa palabas
na kaanyuan sapagkat hindi ito ang
sukatan ng kanyang pagkatao upang
siya ay isang mabuting tao bagkus
makikita ito sa kaibuturan ng
kanyang puso’y makatotohanan.

Lagi nating pakatandaan na ang

Molding Lives Beyond Borders


Page | 18
COLLEGE OF EDUCATION
SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

palabas na kaanyuan ay kumukupas


ngunit ang mabuting kalooban ay
hinding-hindi kumukupas
magpakailanman.

Tama, maraming salamat!


Mula sa klase, ano naman ang Hindi masusukat sa pisikal na anyo,
pagpapahalaga ang nakapaloob sa kuwento? sa trabaho, o sa antas sa lipunan
ang pagkatao ng isang tao.
Bagkus makikita at mararamdaman
mo ito sa tunay niyang pagkatao sa
pamamagitan ng kanyang kusang
pagbibigay ng tulong o ano pa mang
bagay na ma-ipaglilingkod niya sa
iyo.

Tama!
Huwag tayong magpapadala sa kung anuman
ang man nakikita natin bagkus maging tunay
tayo sa nararamdaman ng ating mga puso.
Mahusay! Sana ay mayroong maikintal sa
inyong isipan ang pagpapahalagang iyan.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Papangkatin ang klase sa tatlong grupo. Gamit ang graphic
organizer na Sequence order, gagawa ang bawat grupo ng lagom ng
nobelang tinalakay batay sa mga pangyayari na ibibigay ng guro. Kung sino
ang unang makagawa ng lagom ang siyang mabibigyan ng pinakamataas na
puntos.

Inihanda ni: Pinagtibay at inaprobahan ni:

Danmar C. Camilot Billy D. Fabro


Cooperating Teacher

Molding Lives Beyond Borders


Page | 19

You might also like