You are on page 1of 3

KONSTEKSTUWAL NA PAHIWATIG (CONTEXT CLUES)

Sa pagbibigay ng interpretasyon, nangangailangan ito ng mas mataas na antas ng pag-


iisip. Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto
ngunit nakapahiwatig lamang. Upang masagot ang mga katanungan kailangang taglay ng
tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin at pagbibigay ng inaasahang kahulugan
ng mga salita na hindi tuwirang sinabi ng may akda.
Narito ang mga paraan upang makilala ang tunay na hangarin at layunin ng may-akda.

 Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig


Ang pahiwatig ay ang pagbibigay sa isa o grupo ng mga salita ng ibang kahulugan, sa halip
na totoong kahulugan. Tinatawag din itong alusyon. Ayon kay Maggay (2002), ang pahiwatig ay
isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag ng di-tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid
at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na pagbasa ng
himaton o impormasyon; o ng mga palatandaang kaakibat nito.

 Pagkuha ng pangunahing ideya


 Paghihinuha
 Pagbibigay ng konklusyon
 Pagbibigay ng paglalahat
 Pagkilala sa sanhi at bunga
 Pagkilala ng pagkatulad/pagkakaiba

Mga Paraan sa pagpapalawak ng Interpretasyon

Para mapadali ang pag-unawa sa binabasa, may alituntunin na dapat sundin “kilalanin ang
pagkakagamit ng mga salita para agad na mahinuha ang ipinakahulugan.”
1. Denotasyon -Ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa diksyunaryo, ang literal na
kahulugan, wika nga, kaya’y tinatawag ding “aktuwal na kahulugan”
2. Konotasyon - Ito naman ang paghihiwatig na kahulugan na maaaring nagsaad ng
kultural o pangkaranasang kahulugan, gayundin, ng pragmatikong kahulugan ayon sa
pagkakagamit ng salita sa pangungusap. Tinatawag ding kontekstwal na kahulugan kaya
pinakatitingnan ang salita ayon sa pagkakasama nito sa ibang salita na kolokasyon
naman ang tawag.
Panuto: Ibigay ang kahulugan/akmang interpretasyon ng mga salitang may salungguhit

na ayon sa konteksto ng pagkakagamit nito sa pangungusap. Bilugan ang titik ng

pinakatamang sagot.

1. Nagmamagandang loob ang lalaki nang ibigay niya ang kanyang camera kay Lea.

a. nagpakita ng kabutihan b. labag sa kalooban c. nagmamalabis d. nagsasamantala

2. Ang mga batang kandidato ay magbibilad ng suot nilang bikini habang ang mga hurado ay

handa na para sa pagbibigay ng kaukulang marka.

a. patutuyuin ang suot c. ididisplay ang suot

b. maluluwag ang suot d. magagarbo ang suot

3. Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit ni Maya.

a. pagpapalit ng damit c. magtatanggal ng damit

b. magsusulsi ng damit d. maglilinis ng damit

4. Lumalakad nang nakapameywang ang mga kandidato ng beauty contest habang sinasabi ng

tagapagsalita ang pangalan nila.

a. Ang kamay ay nasabeywang habang lumalakad, nagpo-pause at nagpo-pose.

b. Galit na nakapameywang habang lumalakad sa ibabaw ng entablado.

c. Pinipilit at hinihila na lumalakad sa entablado habang suot ang gown.

d. Nasa balikat ang kamay habang nagpo-pose at nagpo-pause.

5. Kinakabitan ng dekorasyon ang buhok ng mga batang kasali sa Miss Kinder.

a. may mga kristmas dekorasyon c. may mga palamuti

b. nagkikislapan ang mga buhok d. magagarbo ang mga buhok

6. Masarap ang may tunay na Nanay dahil may haplos sa sugat mo kapag nadapa.

a. ang ina ang siyang karamay sa oras ng kagipitan.

b. ang ina ang gagamot sa sugat ng anak.

c. ang ina ang hihila sa anak kung nadapa ito.

d. Ang ina ang nag-aalaga sa anak hanggang sa pagtanda.


7. Tila mga butil ng perlas ang dumadaloy sa mga mata ni Lea dahil malabo ang kuha ng Kamera.

a. pinapawisan si Lea

b. nabasa sa luha si Lea

c. basang-basa sa luha si Lea

d. sinabuyan ng tubig si Lea

8. Ang tropeo ay pampalakas-loob ng mga batang sumali sa beauty contest.

a. pampasigla

b. pampasaya

c. pagbibigay inspirasyon

d. lahat ng sagot

9. Tinawagan sa entablado ang Miss Kinder sa nakaraang taon para magputong ng korona.

a. mag-alis ng korona

b. magpatong ng korona sa ulo

c. maglagay ng korona

d. magsabit ng korona

10. Napalundag si Ding at Lea, pati puso nila’y tumalon at nawala sa lugar.

a. masayang masaya sina Ding at Lea

b. kinakabahan sina Ding at Lea

c. nabigla si Ding at Lea

d. naiinis sina Ding at Lea

You might also like