You are on page 1of 3

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang

pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.


Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa
isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

Layunin: Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. nakikilala ang emosyon o damdaming taglay ng pahayag;(ikatlong sesyon)
b. naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula (F9PN-Ie-41);
(unang sesyon)
c. nasusuri mula sa youtube ang ilang halimbawa ng pagbigkas ng tula, isahan man o sabayan
(F9PT- Ie -41);(ikalawang sesyon) at
d. naisusulat ang ilang taludtud tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang
Asya gamit ang differentiated instruction (F9PB Ie-41).(ikatlong sesyon)

Paksa: Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan


Ang tula at ang Elemento Nito
Ibat-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o damdamin
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 9, Aralin 3 pahina 54-70
Kagamitan: PPT,Video,LED TV, aklat, at chalkboard
Nakalaang Oras: 4 na sesyon
Pamamaraan: Ekspositori

A. Paghahanda:
a. Balik-aralin:
b. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng kalapati (unang sesyon),
Pagpapakita ng emojies (ikatlong sesyon)
c. Paglalahad:
Ilalahad ang paksa’t layunin
B. Pagtatalakay:
Tatalakayin ang mga sumusunod :
Ang tulang “Puting Kalapati, Libutin itong Sandaigdigan”(unang sesyon)
Ang tula at ang elemento nito (ikalawang sesyon)
Ibat-ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin (ikatlong sesyon)
C. Integrasyon:
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:
Anu-ano ang epekto ng isang mapayapang lugar o kalooban sa buhay ng
tao? Paano makakamit ang mga bagay na ito? (unang sesyon)
Bakit ba mahalaga ang pagpapakita ng tamang paraan ng pagpapahayag
ng ating emosyon o damdamin sa isang sitwasyon? Ano kayang mangyayari
kung hindi ayon sa sitwasyon ang ating ipinakitang emosyon?(ikatlong sesyon)
D. Paglalapat:
a. Gawain 1: (Humanap ng kapares)
Gamit ang diagram na nasa pahina 61, kanilang iuugnay ang sariling damdamin sa
naihayag na damdamin ng may-akda sa tula.( unang sesyon).
b. Gawain 2:
Papanoorin ng isang video na nagpapakita ng pagbigkas ng tula at kanila itong suriin ang
paraan ng pagbigkas at kilos na nakita sa video. Kanilang gagawing pamantayan sa
pagsusuri ay ang mga sumusunod: Nilalaman ng tula, kaangkupan ng damdamin at
paraan ng pagbigkas ng tula, at kaangkupan ng kilos, galaw, o aksiyon sa tula.
(ikalawang sesyon)
c. Gawain 3: (Buong klase)
Magbibigay ng mga pangungusap at kanilang kilalanin ang mga emosyon o damdaming
taglay ng pahayag.( ikatlong sesyon)

d. Gawain 4: (Pangkatang Gawain)


Pasusulatin ng ilang taludtud na naglalarawan ng pagpapahalaga sa pagiging mamamayan
ng bansang Asya at kanilang bibigkasin ng maayos at may damdamin sa pamamagitan ng
patula, pa-rap, o pakanta sa harap ng klase. (Ikatlong sesyon)

E. Pagtataya: (Ikaapat na sesyon)


Magkakaroon ng pasulit tungkol sa tinalakay mula “Puting Kalapati, Libutin itong
Sandaigdigan”, ang tula at ang elemento nito, at ibat-ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon o damdamin.

F. Takdang-Aralin:
Pasaliksikin ang mga mag-aaral tungkol sa mga elemento ng tula (unang sesyon)
Pasusulatin ng sariling tula ( 4 na taludtud) na naglalarawan ng pagpapahalaga ng
pagiging mamamayan ng Asya.( ikatlong sesyon)

Baitang at seskyon: Grade 10 – Service,at Loyalty


Petsa: July 22-26

Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang


pampanitikan.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang
critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.

Layunin: Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan (F10PT-Ic-d-
63)(unang sesyon);
b. naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa nabasang impormasyon
(F10PN-Ic-d-64)(ikalawang sesyon);
c. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw (F10WG-Ic-d-
59)(ikatlong sesyon); at
d. natatalakay ang mga bahaging pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig (F10PD-Ic-d-
63)(ikatlong sesyon).

Paksa: Ang Apat na Buwan Kos a Espanya


Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya sa Isang Talata
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10, Aralin 3 pahina 51-71
Kagamitan: PPT, Video, LED TV, aklat, at chalkboard
Nakalaang Oras: 4 na sesyon
Pamamaraan: Ekspositori

A. Paghahanda
a. Balik-Aralin:
b. Pagganyak:
Magpapakita ng larawan sa lugar ng Espanya (unang sesyon)
Magpapakita ng maikling video at magpabubunot ng mga salitang gagamitin sa
pangungusap basis a videong nakita. (ikatlong sesyon)
c. Paglalahad:
Ilalahad ang paska’t layunin

B. Pagtatalakay:
Tatalakayin ang mga sumusunod:
Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya (unang sesyon)
Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya sa Isang Talata (ikalawang sesyon)
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw (ikatlong sesyon)

C. Integrasyon:
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:
Bakit mahalaga ang pagiging bukas at ang paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga lahi at mga
tao? (unang sesyon)
Bakit mahalaga ang pagkabuklod-buklod ng pamilya? Nararapat bang parangalan at
pahalagahan ang mga kababayan nating OFW dahil sa kanilang pagsasakripisyo para lang
matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya?(ikatlong sesyon)

D. Paglalapat:
Gawain 1: (Dalawahan)(unang sesyon)
Pinasasagutan ang mga katanungang makikita sa pahina 60-61.
Gawain 2: (Isahan)(ikalawang sesyon)
Kanilang babasahin ang talatang matatagpuan sa pahina 65 at sagutin ang mga katungang
nasa ibaba nito.
Gawain 3: (Buong klase) (ikatlong sesyon)
Gamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw, ang mga mag-aaral ay
maglalahad ng sariling pananaw tungkol sa mga kabutihan at suliraning maaaring ibunga sa mga
isyu tungkol sa pamilya at lipunang naiwan sa mga kababayan nating OFW.
Gawain 4: (Isahan)(ikatlong sesyon)
Papanoorin ng maikling video at sasagutin ang mga katanungan:
*Anu-anong mahahalagang isyung pandaigdig at panlipunan ang masasalamin sa tatlong
maiikling video?
*Kung makakausap moa ng tatlong ina sa mga nasabing pelikula, anu-ano ang sasabihin mo sa
kanila?
*Ano naman ang maipapayo mo sa kani-kanilang mga anak at sa anak na rin ng iba pang OFW?
Magbigay ng mga mahahalagang payo na maaaring gabay sa lahat ng kabataang ang mga
magulang ay nagtatrabaho at nagpapakahirap sa ibang bansa.

E. Pagtataya:
Magkakaroon ng pasulit simula: “Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya
Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya sa Isang Talata
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

F.Takdang-Aralin:
Magsaliksik tungkol sa isa sa mga napapanahong isyung pandaigdig – paparami nang paparaming
bilang ng mga OFW. At itala o isulat sa mga kahong makikita sa pahina 62 ang mga impormasyong
nakalap.(unang sesyon)
Ang mga mag-aaral ay susulat ng sariling pananaw at mangumbinsi ng mga kapwa kabataan sa
pagtatayo ng maliit na negosyo kaysa sa pangingibang-bansa pagdating ng araw.(ikatlong sesyon)

You might also like