You are on page 1of 5

Filipino 9

Kabanata II: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya

Alamin Natin: Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima


Lagumin Natin: Lagumang Pagsusulit
Durasyon: 1 linggo

Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
Pamantayang Pagganap
 Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.
Mga Inaasahang Kasanayan
 Naipapaliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at damdamin. F9PB-IIi-j-49
 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng pangungusap. F9PT-IIi-j-49

ALAMIN NATIN
Bago isagawa ang pamantayang
pagganap ay alamin at gawin muna
ang sumusunod bilang
pangkalahatang paghahanda sa
pagsasagawa nito.

Sa mga bansang nasa Asya, ang Timog Korea ang nanguna sa paglulunsad ng greenhouse gas emission trading
scheme. Ito ay naglalayong mabawasan ang produksiyon ng gas ng tatlumpung porsiyento pagdating ng taong 2020. Ang
hakbang na ito ng Timog Korea ay nagpapakita lamang ng kanilang pangakong mangunguna sa mga pagkilos upang
maalagaan an gating planeta. Naniniwala silang ang mababang produksiyon ng carbon ay magbubunga ng pagsulong ng
ekonomiya.
Ang kasaysayan ng Timog Korea ay nagsasaad ng kuwento ng isang bansang umahon sa kahirapan at sa
sandaling panahon ay naging isa sa tinaguriang Asian tigers.
Sa kabila ng kanilang tagumpay sa umuunlad na ekonomiya, sadyang mapapahanga ka sa kanilang mga
hakbang upang isulong ang green growth agenda.
Mababasa mo rito ang isang talumpati ukol sa pagbabago ng klima na binigkas ng dating pangulo ng Timog
Korea. Bagama’t ang talumpati ay naisulat ilang taon na ang nakalilipas ay kapansin-pansin na hanggang sa
kasalukuyan, kahit may bago na itong pangulo, ay patuloy pa rin sila sa pagbabantay sa kalikasan.

TALUMPATI UKOL SA PAGBABAGO NG KLIMA

Copenhagen, ika-18 ng Disyembre – Ang iyong babasahin ay ang talumpating binigkas ni Pangulong
Lee Myug-Bak, pangulo ng South Korea, sa pulong ng United Nations tungkol sa climate change.

Una sa lahat, kasama ninyo akosa paghahatid ng pasasalamat sa buong pamahalaan ng Denmark at
lahat ng mamamayan ng Copenhagen sa paghahanda ng pagtitipong ito.
Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay hindi lamang makaaapekto sa ating mga sarili kundi
pati sa mga kabataan at sa kinabukasan ng ating planeta. halos pitong bilyong tao ang nanonood sa atin.
Dapat hindi sila mabigo, maging tayo ay hindi rin dapat mabigo.
Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan ay magsama-sama. Imbes na
sabihing “ikaw muna”, ay umpisahan nating sabihing “ako muna”.
Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang mag-umpisa sa paggawa ng ating
bahagi at kapag ito ay nagawa na natin ay saka pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong siklo
sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit ang Korea ay nagpanukala ng pagpapatala ng NAMA.
Ang mekanismong ito ang magpapakilala sa mundo ng mga layuning kusang inilatag ng mga umuunlad
na bansa. Ito rin ang magdadagdag ng transparency at magbibigay ng tulong upang matamo nila ang
kanilang layunin.Ito ay isang paraan upang mahikayat ang mga bansang kumilos nang kusa.
Katulad ng ipinangako, ipinahahayag ng Korea ang layuning pagaanin ang problema. Bilang isang
bansa, ay nangangako kaming maibigay ang pinakamataas na pangangailangang inirekomenda ng
pandaigdigang komunidad.
Kagaya ng alam ninyo, ang ekonomiya ng Korea ay palaging nangangailangan ng enerhiya. Sa
nakalipas na labinlimang taon dumoble ang produksiyon ng greenhouse gas ng Korea. Kapag madaling
tumupad sa pangako para sa ganitong bansa, ngunit pinili ng Korea na manguna sa usapin ng pagbabago ng
klima.
Maraming mga negosyante ang ilang beses na nagpulong upang making sa mga hinaing at
pangangailangan ng isa’t isa. Sa huli ay napagkasunduan naming gawin ito sapagkat makabubuti ang
pagkilos sa atin at sa kabutihan ng mundo.
Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang pinakamabilis na paraan upang sagipin
ang mundo. Mga pinuno at mga mamamayan ng buong mundo! Tayo ay nagkasundong bawasan ang
produksiyon ng greenhouse gas, ngunit papaano?
Maraming mga kuro-kuro at opinyon kung paano ang mabisang pagtugon sa katanungang ito. Kaya dito
sa Copenhagen, dapat pagtuonan ang pagsagot sa kung paano mababawasan ang produksiyon ng
greenhouse gas. Kung tutuosin kapag isinaalang-alang natin ang pagsulong ng ekonomiya, ang paghanap ng
solusyon ay napakahalaga.
Sa puntong ito, kinakailangan nating pagtuonan kung paano mababawasan ang produksiyon ng
greenhouse gas kagaya ng ginagawa natin sa pagtugon kung gaano kadami ang dapat ibawas.
Sa kaso ng Korea, nagtakda kami ng Low Carbon Green Growth bilang bagong pambansang bisyon
namin. Taon-taon ang dalawang porsiyento ng aming GDP ay inilalaan sa Research & Development ng mga
bagong makakalikasang teknolohiya at imprastruktura. Dahil dito, sa katapusan ng taong ito, ang Basic Law
on Green Growth ay ipapasa. Gagawin namin ang aming makakaya upang mabawasan ang produksiyon ng
carbon, ngunit maghahanap din kami ng mga makinang magtataguyod ng pagsulong, magbibigay ng
maraming trabaho at berdeng kinabukasan. At umaasa akong maibabahagi koi to sa inyo. Ito ay isang
dahilan kung bakit ang Korea ay magtatayong Global Green Growth Institute o GGGI sa kalagitnaan ng
susunod na taon. Ang GGGI ay tutulong sa bawat isa sa atin upang maibahagi natin an gating galing at
kaalaman.
Pagsasama-samahin natin ang mga iskolar, siyentipiko, at mga lider ng lipunan sa sa buong mundo na
magkakaroon ng mga posibleng solusyon sa ating suliranin. Sa diwa ng pandaigdigang pakikipag-ugnayan,
ang GGGI ay maaaring maging global think tank at maaaring maging tulay upang mapag-ugnay ang
mauunlad at paunlad pa lang na mga bansa.
Kaugnay nito, ang Korea ay handing tumulong sa pagbubukas ng post 2012 regime sa pamamagitan ng
pagiging bansang pagdarausan ng COP 18 sa 2012.
Mga pinagpipitagan, mga ginoo at binibini, mga mamamayan ng buong mundo, napagkasunduan natin
ang dalawang digring layunin. Ngayon ay panahon na upang kumilos. Binigyan na tayo ng isang
makasaysayang responsibilidad. Huwag nating kalilimutan na kung ano man ang makakamit natin mula dito
at kung ano man an gating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan.
NGAYON AY PANAHON NA UPANG SAMA-SAMA TAYONG KUMILOS.
- Malayang isinalin ng may-akda

Gawin Natin
A. Ibigay ang sumusunod:
 Tatlong kaisipang napulot sa binasang akda.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
 Dalawang damdaming pinukaw ng binasang akda
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

B. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin batay sa konteksto ng pangungusap.

1. Ang mekanismong ito ay nagpapakilala sa mundo ng mga layuning kusang inilatag ng mga umuunlad na bansa.
Kahulugan: _________________________________________________________________________________
2. Kapag ito ay nagawa na natin ay saka pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong siklo sa mundo
Kahulugan: _________________________________________________________________________________
3. Katulad ng ipinangako , ipinahahayag ng Korea ang layuning pagaanin ang problema.
Kahulugan: _________________________________________________________________________________
4. Maghahanap din kami ng mga makinang magtataguyod ng pagsulong, magbibigay ng maraming trabaho at
berdeng kinabukasan.
Kahulugan: _________________________________________________________________________________
5. Kung ano man an gating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan.
Kahulugan: _________________________________________________________________________________

Nalaman mo sa kabanatang ito kung gaano kahitik at kayaman ang panitikan sa Silangang Asya. Nabasa at
nasuri moa ng iba’t ibang panitikan mula sa rehiyong ito gaya ng tanka, haiku, pabula, sanaysay, maikling kwento, at
dula. Inaasahang taglay mo na ang mga kaalaman at kasanayan upang maisagawa ang pamantayan sa pagganap para
sa buong kabanata. Ngunit bago mo ito isagawa ay balikan mo muna ang ilang mahahalagang kaisipang natutunan mo
sa araling ito particular sa wika,gramatika , at panitikan. Pagkatapos ay sagutin ang lagumang pagsusulit dito.
Filipino 9
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
IKALAWANG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO

Pangalan:___________________________________ Baitang at Seksiyon: _________________ Iskor: ___________

LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangkalahatang mga Panuto:


Basahin at sagutin ang sumusunod
ISULAT ANG TITIK ng tamang sagot BAGO ANG BILANG .
Sundin ang mga panutong nakatala sa mga pagsasanay.

1. Ito ay tulang may 31 pantig, nahahati sa 5 taludtod at may sukat na 5-7-5-7-7.


a. tanka c. haiku
b. elehiya d. soneto
2. Ito ay maigsing tula na may sukat na 5-7-5. Kadalasan ang tema nito ay tungkol sa kalikasan.
a. tanka c. haiku
b. elehiya d. soneto
3. Sa bansang ito nagmula ang mga tulang tanka at haiku.
a. Timog Korea c. Tsina
b. Hapon d. India
4. Basahin at suriin
ulang malakas
buhos na at pawiin
ang alinsangan

Ang tulang binasa ay isang_____________.


a. tanka c. haiku
b. soneto d. elehiya
5. Ang mga tauhan sa panitikang ito ay mga hayop na taglay ang mga katangian ng tao.
a. mito c. pabula
b. parabula d. tanka
6. Ito ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tutuyan. Nabibilang dito ang mga sulating pampahayagan,
akdang pandalub-aral, panunuring pampanitikan.
a. maikling kwento c. dula
b. nobela d. sanaysay
7. Ito ay uri ng maikling kuwento kung saan nangingibabaw ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng
kalikasan doon, at ang uri ng pag-uugali, paniniwala,at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
a. kuwento ng katatawanan c. kuwento ng kababalaghan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng pag-ibig
8. Ito ay uri ng maikling kuwento kung saan ang mga galaw ng pangyayari ay magaan, may mga pangyayaring
alanganin, at may himig na nakatatawa ang akda.
a. kuwento ng katatawanan c. kuwento ng kababalaghan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng pag-ibig
9. Ang maikling kuwentong “Hashnu, ang Manlililok ng Bato” ay isang halimbawa ng _______.
a. kuwento ng katatawanan c. kuwento ng kababalaghan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng pag-ibig
10. Sa bahaging ito ng dula ipinakikilala ang tauhan ayon sa kaanyuan ng papel o katayuang sikolohikal. Dito nakikilala
kung sino ang bida o kontrbida.
a. simula c. kakalasan
b. gitna d. wakas
11. Sa bahaging ito ng dula makikita ang pinakamadulang bahagi kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan
kung ito ay kasawian o tagumpay.
a. simula c. kakalasan
b. gitna d. wakas
12. Ito ang pinakamahalagang elemento ng dula. Ito ay usapan ng mga tauhang kailangang gawin ng natural at hindi
artipisyal.
a. tunggalian c. banghay
b. kasukdulan d. diyalogo
13. Basahin ang sumusunod na diyalogo.

Kiyoyori: Huwag! Hindi ako kasinsama ng makasalanang pinalalabas mo.


Pakiusap lang, dalhin ninyo ako sa Langit.
Anong damdamin ng tauhan batay sa tindi ng emosyon o damdamin?
a. natutuwa c. naiinis
b. natatakot d. nagdududa
14. Piliin ang pangkat ng salita na nakaantas batay sa tindi ng emosyo o damdamin.
a. napahagikhik, napangiti, napahalakhak
b. napahalakhak, napangiti, napahagikhik
c. napangiti, napahagikhik, napahalakhak

15. Basahin ang pangungusap.


Sa kanyang murang edad ay sumabak na sa trabaho si Maya.
Ang salitang nakasalungguhit ay may higit sa isang kahulugan. Anong kahulugan ng salita ang ginamit batay sa
konteksto ng pangungusap.
a. bata
b. hindi mahal
c. salitang hindi katanggap-tanggap
16. Sa pag-aaral ng ponemang suprasegmental, alin ang hindi binibigyan ng tuon?
a. diin c. hinto o antala
b. tono o intonasyon d. lalim at kahulugan
17. Alin ang tumutukoy sa bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba ng kahulugan ng mga salita maging
ito man ay magkapareho ng baybay.
a. diin c. hinto o antala
b. tono o antala d. lalim o kahulugan
18. Piliin ang salitang may tamang diin na kokompleto sa pangungusap.

Mahirap magtiwala sa taong ______ na ang papel.

a. BAsa b. baSA
19. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

Mahirap magtiwala sa taong puno ng pagkukunwari.

a. malaking halaman
b. okupado ang lahat ng espasyo; apaw
20. Aling pahayag ang nagsasabi na si Lea ang susuko?
a. Hindi si Lea ang susuko.
b. Hindi, si Lea ang susuko.
21. Anong damdamin ang ipinakikita ng pahayag?

Awwwwwwwww! Napakahusay ng pagkakagawa.

a. pagkatakot c. pagkainggit
b. paghanga d. pagkadismaya
22. Alin ang HINDI tamang paraan sa pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw?
a. Ihayag sa maayos na paraan ang saloobin.
b. Pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong opinyon.
c. Gumamit ng mga angkop na pahayag katulad ng Sa aking palagay…
d. Gumamit ng mga pahayag na simple upang madaling maunawaan.
23. Ang sumusunod ay ang mga dapat taglayin ng isang talatang nagsasalaysay. Alin ang HINDI dapat kasama?
a. May maganda o mabuting pamagat
b. May kaakit-akit na simula
c. May maayos na pagkakasunod-sunod ng pangyayari
d. May pahayag na magpapalito sa mambabasa.
24. Ito ay panandang kohesyong gramatikal na ginagamit sa pagtitipid ng pahayag. May mga salitang hindi na inilalagay
o nawawala na sa pahayag dahil naiintindihan na ito at magiging paulit-ulit lamang.
a. anapora c. ellipsis
b. katapora d. pag-uugnay
25. Ito ay pagpapatungkol o reference kung saan ang panghalip ay ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan ng pangungusap sa talata.
a. anapora c. ellipsis
b. katapora d. pag-uugnay
26. Ito ay ang paggamit ng iba’t ibang reperensiya sa pagtukoy sa isang bagay o kaisipan.
a. pag-uugnay c. pagpapatungkol
b. pagpapalit d. elipsis
27. Isang uri ito ng pagpapatungkol kung saan ginagamit ang panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungusap o talata.
a. anapora c. ellipsis
b. katapora d. pag-uugnay
28. Anong panandang kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag.
Nakatutuwa naman ‘yan, gusto kong bumili ng ganyan.

a. anapora c. ellipsis
b. katapora d. pag-uugnay
29. Anong uri ng pagpapatungkol ang ginamit sa pahayag?

Mahirap magtiwala sa taong puno ng pagkukunwari.


a. anapora d. katapora
30. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng panandang kohesyong gramatika?
a. upang maging makulay ang paggamit natin ng wika
b. upang mabigyang-diin ang nais iparating ng pahayag.
c. upang maiwasan ang pag-uulit na paggamit ng pangngalan
31-35. Gamit ang natutuhan mo sa pagsulat ng tulang mula sa bansang Hapon ay lumikha ng sarili mong tanka.
Isaalang-alang ang tamang anyo at sukat nito. (5 puntos)

36-38. Sa hindi bababa sa tatlong pangungusap ay sagutin ang sumusunod na tanong. (3 puntos)
Bakit sinasabing ang pabula ay hindi maituturing na pambata lamang?

39-40. Bumuo ng dalawang magkaugnay na pangungusap na gumagamit ng iba’t-ibang ekspresyon sa pagpapahayag


ng damdamin. (2 puntos)

41-45. Basahin ang tanka. Bigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa tanka. (5 puntos)
sagad ang sakit
ng pusong nadudurog
hapdi ay wagas
parang di natatapos
kelan na ba titigil?

46-50. Balikan ang talumpating binasa sa Alamin Natin. Sa hindi bababa sa limang pangungusap ay ipahayag ang iyong
sariling pananaw tungkol sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan.

You might also like