You are on page 1of 15

9

Modyul 10: Lipunang Pang-ekonomiya


Mga Katangian ng Maayos
3 na
Ekonomiya
Unang Markahan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Modyul 10: Lipunang Pang-Ekonomiya -
Mga Katangian ng Maayos na Ekonomiya !

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jasper C. Jornales
Editor: Gregorio Fiel S. Pineda at Victor M. Javeña, Ed.D.
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph. D. at Josephine Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Maricel F. Azcarraga
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Edukasyon sa
Pagpapakatao 9
Unang Markahan

Modyul 10: Lipunang Pang-Ekonomiya

Mga Katangian ng
Maayos na Ekonomiya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na
Baitang ukol sa Modyul 10: Lipunang Pang-Ekonomiya - Mga Katangian ng
Maayos na Ekonomiya !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na


Baitang ukol sa Modyul 10: Lipunang Pang-Ekonomiya - Mga Katangian ng
Maayos na Ekonomiya !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral na:

a. naunawaan ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya;

b. nakilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya;

c. nailalapat sa kanyang buhay ang mga makaka-ambag sa mabuting ekonomiya.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sa sagot sa mga katanungan.


1. Ang salitang ekonomiya ay nanggaling sa dalawang Griyegong salita na ang ibig
sabihin ay pamamahala sa bahay. Ano ang dalawang salitang ito?

a. oikos at nomos

b. eikos at nomos

c. hykos at nomos

2. Ano ang pinaka layunin kung bakit ang mga tao ay naghahanapbuhay?

a. upang makabili ng mga ari-arian na mula sa kanilang pinaghirapan.

b. upang kumita ng pera na makakatugon sa kanilang pangangailangan.

c. upang maipahayag ang sariling kakayahan at maging produktibo

3. Bakit mas epektibong maging patas kaysa maging pantay sa pagbabahagi ng


yaman ng bansa at sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan?

a. Ang pagiging patas ay kinikilala ang iba’t ibang pangangailangan ng bawat


mamamayan samantalang ang pagiging pantay naman ay nakikita na pare-
pareho dapat ang ibigay sa taumbayan, mahirap man o mayaman.

b. Ang pagiging patas ay tanggap ang iba’t ibang kalagayan at kakayahan ng


bawat mamamayan kung kaya’t hindi dapat maging pantay ang tinatanggap na
tulong ng mamamayan mula sa pamahalaan.

c. parehong tama.
4. Ano ang kahulugan ng Prinsipyo ng Proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng mga tao.
c. Pantay na pagkakaloob ng yaman kahit anuman ang pangangailangan ng
tao.
5. Ano ang tungkulin ng mga mamamayan na dapat nilang tuparin sa lipunang
pang-ekonomiya?
a. Alamin kung nagagampanan ba ng pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo
sa mamamayan.
b. Sitahin at ireklamo ang mga ahensya ng pamahalaan na hindi tumutugon
sa pangangailangan ng taumbayan.
c. Gawing produktibo ang kanilang sarili sa hanapbuhay at mag-aambag sa
kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis.

BALIK-ARAL
PANUTO: Isulat ang titik sa patlang ng bawat bilang kung ito nga ang tinutukoy
nito. Pumili ng tamang titik mula sa kahong nasa kanan.

_________1. Ito ay isang gabay na nagsasabing M. Pampolitikal


dapat tulungan ng pamahalaan ang mga
O. .Prinsipyo ng Subsidiarity
mamamayan na magawa nila ang anumang
makakapagpaunlad sa kanilang sarili. G. Prinsipyo ng Pagkakaisa

_________2. Ito ang tawag sa paraan ng


pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang
bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na
pamumuhay at makamit ang pansariling mithiin
sabay ang kabutihang panlahat.
_________3. Ito ay isang gabay na ang mga
mamamayan ay dapat makilahok at
makipagtulungan sa mga programa ng
pamahalaan upang lalong mapaunlad ang sarili
at ang bansa.

PANUTO: Isulat ang mga titik ng iyong sagot sa taas sa mga patlang upang
makumpleto ang pangungusap na ito.

_____ ______ _______ ! Ang galing mo talaga kung nasagutan mo lahat


ito nang tama.
ARALIN

Sa panahong ito na ang ating bansa ay dumaranas ng pandemya at ang mga


tao ay nasa quarantine, lalo nating nakikita ang kahalagahan ng serbisyo ng
pamahalaan. Iba’t ibang ayuda ang nakarating sa taumbayan. Nariyan ang
Supplemental Amelioration Program (SAP) ng DSWD, ang tulong pinansyal sa mga
tsuper na nawalan ng trabaho, may kapansanan, at maging sa mga senior citizens
natin. Hindi lamang iyon. Naalala nyo ba sa Lungsod ng Pasig ay binigyan rin ng
tulong ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng food coupons. Ang bawat mag-aaral
ng Pasig ay nakatanggap ng food coupons na katumbas ay 400 piso. Ipapalit ito sa
palengke at mga talipapa para makabili ng kanilang kailangan sa ganitong halaga.

Halimbawa,
https://twitter.com/simplydyes/status/1252787825931456512/photo/1

bilang mag-aaral, ikaw ay


nakatanggap ng food voucher, ano-ano ang iyong bibilhin sa palengke na
katumbas ng 400 piso? Isulat mo sa ibaba ang iyong mga sagot.

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

Ang ginawa mong paglista ng iyong bibilhin batay sa perang mayroon ka ay


tinatawag na budgeting. Ang mga magulang ay araw-araw na ginagawa ito upang
matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Sila ay nagpaplano at
pinagkakasya ang kanilang pera upang mabili ang mga kailangan sa kanilang
tahanan.

Hindi lamang iyan totoo sa ating mga tahanan. Totoo rin ito sa ating
lipunan, at sa mas malaking larawan, sa ating bansa. Naisip mo ba kung saan
kumukuha ang pamahalaan ng perang pinangtutulong sa taumbayan? Saan nga
ba nila hinuhugot ang kanilang ginagamit sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan?
Paano natin masasabi na ang ating lipunan ay may mabuting ekonomiya?
Ano ang Ekonomiya?

Ang salitang ekonomiya ay nagmula sa Griyegong salita na “oikos” na ibig


sabihin ay “bahay” at “nomos” na ang ibig sabihin naman ay “pamamahala”. Ang
ekonomiya ay tulad ng pamamahala sa bahay. Mayroong budget na nakalaan para
sa mga gastusin at pangangailangan sa loob ng bahay tulad ng kuryente, tubig,
internet, pagkain, panlinis, gamot at iba pa. Ang budget ay kailangang
mapamahalaan nang maayos upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao
sa bahay. Kapag nagiging maayos ang pamumuhay ng mga tao sa bahay, ito
ngayon ay nagiging isang tahanan.

EKONOMIYA

“OIKOS” “NOMOS”
Kung maunlad ang bansa, ito ay
nagiging isang malaking tahanan na
kung saan maaring tunay na
tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa.

BAHAY PAMAMAHALA

Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga


pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
Pinangungunahan ito ng estado na namamahala at patas na nagbabahagi ng
yaman ng bayan.

Lumilikha ito ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga


nagnenegosyo upang mabigyan pagkakataon ang mga mamamayan na
makapaghanap-buhay. Sinisikap ng pamahalaan na maging patas para sa mga
iba’t ibang tao upang mabuo sa mamamayan ang kanilang pagkatao ayon sa
kanilang kakayahan at pangarap.

Bilang ganti naman, ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao


ay kilos na nagbubunga ng kolektibong pag-unlad ng bansa. Sa pag-unlad ng
bansa ay kasama ring nabubuo ang buhay ng mga tao. Kung maunlad ang bansa,
ito ay nagiging isang malaking tahanan na kung saan maaring tunay na tumahan
(huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa.

Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya

May mga palatandaan upang malaman kung ang isang lipunan ay


nagpapakita ng mga katangian ng mabuting ekonomiya. Anu-ano ang mga ito?

1. Matapat na pagtupad ng tungkulin ng pamahalaan at mamamayan.

Ang pamahalaan ay may kapangyarihan at tungkulin na gamitin ang yaman


ng bansa. Ito ay dapat ginagamit sa kabutihan at sa tamang layunin nito.
Nararapat lamang na gastusin ito sa mga programa na makatutulong sa
taumbayan. Nararapat lamang na ang buwis na binabayad ng mamamayan ay
maibalik rin sa anyong serbisyo sa mamamayan. Maaaring gamitin ito sa
pagpapatayo ng mga infrastructure, pagbibigay ng mga insentibo at pagkakataon
para mga negosyante, pagtulong sa pangangailangang pangkalusugan, pagsuporta
sa mga scholarship ng mga mag-aaral at iba pa. Ang kaban ng bayan ay dapat
pinamamahalaang mabuti upang ito ay makatulong. Hindi ito dapat ibinubulsa
para sa sarili lamang na kapakinabangan.

Samantalang ang mga mamamayan naman ay dapat ginagampanan ang


kanilang tungkulin na paunlarin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng
paghahanapbuhay. Kalakip din ng tungkuling ito ay ang pagbibigay ng buwis. Ang
buwis naman ang siyang nagiging kaban ng bayan. Ang buwis ay magagamit ng
pamahalaan upang maibalik ang serbisyo sa taumbayan at matugunan ang
pangangailangan nila. Hindi ito dapat dinadaya at winawalang bahala.

2. Makatarungan at patas na pagtugon sa pangangailangan.

Sa pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan, mas epektibo kung ito ay


magiging patas sa pagbabahagi ng yaman sa bayan. Upang lalo itong maunawaan,
mahalagang malaman ang pagkakaiba ng konseptong ng patas mula sa pantay.

Mahalagang maging pantay ang


tingin natin sa lahat ng tao sapagkat PANTAY PATAS
ang lahat ay nilikha ng Diyos na
pantay-pantay ang dignidad at
karapatan. Gayon pa man dapat
kilalaning iba-iba ang kakayanan at
iba-iba rin ang kalagayan ng mga tao,
may mayaman at mahirap. May mga
malaking kumita ng pera sa
pamamagitan ng hanapbuhay nila at
mayroon din kapos sa pananalapi.
Kaya kung pagdating sa pagtulong sa
nangangailangan hindi maaaring
maging pantay o pareho ang tulong
https://www.equitytool.org/the-equity-tool-2/
sa lahat dahil may mga taong kaunti
ang kailangan at may mga taong mas
malaki ang kailangan. Dapat higit na matulungan ang mas nangangailangan. Ito
ay pagiging patas. Ang pamahalaan ay dapat maging patas sa pagtulong na angkop
sa pangangailangan ng mga tao.

Upang lalo nating maintindihan ito, basahin natin ang sumusunod na


diyalogo:

Bb. Perlita Macawili : Ako po ay isang social worker mula sa DSWD. Kami’y
magbibigay ng P8,000 bilang tulong sa mga kababayan nating
nawalan ng trabaho dahil sa quarantine. Ito ay ang SAP
(Supplemental Amelioration Program) na mula sa ating pamahalaan.

Irma : Dapat lang na makatanggap rin ako ng ayuda mula sa gobyerno kahit na
ako ay guro sa isang publikong paaralan.. Dagdag din ito sa
nakuha ko nang sweldo.
Louie : Aba dapat ako rin. Kahit na ako ay isang negosyante, at maganda naman
ang takbo ng hanapbuhay kong grocery store ngayong quarantine,
kailangan makatanggap din ako ng ayuda mula sa gobyerno.

Bb. Perlita Macawili : Mga Mam at Sir, limitado lang ang perang ipinangtutulong
ng pamahalaan. Kung kaya’t ang bibigyan lamang ng ayuda ay
‘yung mga higit na nangangailangan tulad ng mga nawalan ng
trabaho dahil sa quarantine. Kayo naman ay may pinagkakakitaang
pera mula sa inyong hanapbuhay. Ilaan na lang natin ito sa mas
nangangailangan nating kababayan. Okay lang po ba sa inyo?

Louie at Irma : Sabagay, kumpara sa atin na may pinagkukunan ng pera, mas


kailangan nga ng tulong ng ibang nawalan ng trabaho. Okay lang
po sa amin. Maraming salamat sa pagiging patas po ninyo.

Ang naging usapan dito ay umaayon sa tinatawag ni Santo Tomas de


Aquino na Prinsipyo ng Proportio, ang angkop na pagkakaloob na naaayon sa
pangangailangan ng tao.

3. Mapagmalasakit na Layunin ng hanapbuhay.

Bakit ba tayo naghahanapbuhay? Ito ba ay para lamang kumita ng pera?


O magkaroon tayo ng mga ari arian
at kung magkagayon ay maging
sikat? Mas malalim ang layunin ng
hanapbuhay. Kapag ang tao ay
naghahanapbuhay, nabubuo ang
kanyang pagkatao dahil
naipahahayag niya ang kanyang
https://www.facebook.com/pg/Filipino-Jobs-in-Thailand-1438023809759342/posts/
sariling galing. Naghahanapbuhay
siya upang maging produktibo sa
kanyang sarili. Kapag ang isang tao ay produktibo, napauunlad din nya ang mga
mahal niya sa buhay – ang kanyang pamilya. Gayun din nakakapag-ambag din
siya ng pag-unlad sa bansa sa pamamagitan ng kanyang serbisyo at pagbabayad
ng buwis.

Kaya ang pamahalaan ay dapat lumilikha ng pagkakataon sa bansa na


makapasok ang mga negosyante at iba pang kompanya upang mas maraming
malikhang hanapbuhay. Nararapat na pagsikapan ng pamahalaan na mapaliit ang
sector ng mga walang trabaho sa ating lipunan. Dahil kapag ang karamihan sa
mamamayan ay may hanapbuhay, nakakapag-ambag sila sa kaunlaran ng ating
bansa. Kung magkagayon, nagiging masigla ang ekonomiya ng ating bansa.

Batay sa iyong nabasa, isulat ang mga dahilan bakit ba tayo


naghahanap-buhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Isulat mo rin ang mga epekto ng pagkakaroon ng hanapbuhay ng mga tao
sa buong bansa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGSASANAY

PANUTO: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

________1. Ang lipunang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa malakihang


pagsasaayos ng pamahalaan na ipamahagi ang yaman ng bayan sa
mamamayan sa patas na paraan.

________2. Ang ekonomiya ay nasasaklaw lamang ang pamamahala sa loob ng


pamamahay.

________3. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na


nagbubunga ng kolektibong pag-unlad ng bansa.

________4. Ang pamahalaan ay may kapangyarihan at tungkulin na gamitin ang


yaman ng bansa kahit na sa anumang gustuhin nito.

________5. Ang buwis na binabayad ng mamamayan ay inaasahang maibalik rin sa


anyong serbisyo sa mamamayan.

________6. Ang buwis ay maaaring balewalain o dayain lalo na kung ang


pamahalaan ay kinukurakot ang kaban ng bayan.

________7. Ang pamahalaan ay dapat maging patas sa pagtulong na angkop sa


pangangailangan at kakayahan ng mga tao.

_________8. Dapat pantay o pareho lamang ang binibigay na ayuda ng DSWD sa


lahat ng tao, mayaman o mahirap man.

_________9. Kapag ang tao ay naghahanapbuhay, nabubuo ang kanyang pagkatao


dahil naipapahayag nya ang kanyang sariling galing at siya’y nagiging
produktibo.

________10. Ang paghahanapbuhay ng tao ay may kinalaman sa kanyang pag-


unlad ngunit wala itong kaugnayan sa pag-unlad ng bansa.
PAGLALAHAT

Mahalagang tandaan natin ang mga sumusunod na aral mula sa modyul na ito.

 Ang ekonomiya ay paghahalintulad sa pamamahala sa bahay samantalang


ang lipunang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa mas malaking pamamahala
ng estado sa bayan at sa pamamahagi nito ng yaman ng bayan sa patas na
paraan.

 Dapat maging matapat sa pagtupad ng tungkulin ang pamahalaan, gayon


din ang mamamayang nasasakupan.

 Tungkulin ng pamahalaan na magbalik ng serbisyo sa mamamayan gamit


ang kaban ng bayan at tungkulin naman ng mamamayan na paunlarin ang
sarili at mag-ambag sa yaman ng bayan sa pamamagitan ng buwis.

 Sa usapin ng lipunang pang-ekonomiya, mas epektibo ang pagiging patas sa


pagbabahagi ng tulong na umaangkop sa mga pangangailangan at
kakayahan ng tao.

 Kapag ang tao ay naghahanapbuhay, nabubuo ang kanyang pagkatao dahil


naipapahayag nya ang kanyang sariling galing at siya’y nagiging produktibo
at sa kanyang pag-unlad ay napapaunlad din niya ang bayan.

PAGPAPAHALAGA

Paano mo mailalapat ang pangungusap na ito sa iyong buhay bilang isang


kabataan? Isulat ang iyong sagot sa isang talata na binubuo ng 5-10
pangungusap.

“Dapat mong tingnan ang sarili mo bilang may halaga sa lipunan at may
kontribusyon sa pag-unlad ng bansang Pilipinas.”

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sa sagot sa mga katanungan.

1. Ano ang pinaka layunin kung bakit ang mga tao ay naghahanapbuhay?

a. upang kumita ng pera na makakatugon sa kanilang pangangailangan.

b. upang maipahayag ang sariling kakayahan at maging produktibo

c. upang makabili ng mga ari-arian na mula sa kanilang pinaghirapan.

2. Bakit mas epektibong maging patas kaysa maging pantay sa pagbabahagi ng


yaman ng bansa at sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan?

a. Ang pagiging patas ay kinikilala ang iba’t ibang pangangailangan ng bawat


mamamayan at iniaangkop ang tulong ayon sa pangangailangan ng tao.

b. Ang pagiging patas ay tatanggap ang lahat ng tao ng pare-parehong


benepisyo na hindi tinitingnan ang kanyang kakayanan o pangangalangan.

c. Ang pagiging pantay ay nakikita na pare-pareho dapat ang ibigay sa mga


mamamayan, mahirap man o mayaman.

3. Ang salitang ekonomiya ay nanggaling sa dalawang Griyegong salita na ang ibig


sabihin ay pamamahala sa bahay. Ano ang dalawang salitang ito?

a. eikos at nomos b. hykos at nomos c. oikos at nomos

4. Ano ang kahulugan ng Prinsipyo ng Proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.

b. Pantay na pagkakaloob ng yaman kahit anuman ang pangangailangan ng tao.

c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng mga tao.

5. Ano ang tungkulin ng mga mamamayan na dapat nilang tuparin sa lipunang


pang-ekonomiya?

a. Alamin kung nagagampanan ba ng pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo


sa mamamayan.

b. Gawing produktibo ang kanilang sarili sa hanapbuhay at mag-ambag sa


kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis.

c. Sitahin at ireklamo ang mga ahensya ng pamahalaan na hindi tumutugon sa


pangangailangan ng taumbayan.
SUSI SA PAGWAWASTO

PAUNANG PAGSUBOK

1. a

2. c

3. c

4. b

5. c

BALIK-ARAL

O 1.

M 2.

G 3.

-MGA PAGSASANAY

1. TAMA 6. MALI

2. MALI 7. TAMA

3. TAMA 8. MALI

4. MALI 9. TAMA

5. TAMA 10. MALI

PANAPOS NA PAGSUSULIT

1. b 4. c
2. a 5. b.
3. c

R E F E R E N CE S
1. Gayola, et al, Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul
para
sa Mag-aaral. Unang Edition 2015. ISBN: 978-971-9601-75-3

2. https://twitter.com/simplydyes/status/1252787825931456512/photo/1

3. https://www.equitytool.org/the-equity-tool-2/

You might also like