You are on page 1of 17

9

Unang Markahan
Modyul 5

Prinsipyo ng Subsidiarity

0
Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode-Modyul 5: Prinsipyo ng Subsidiarity!
Unang Edisyon. 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na, hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento,seleksiyon,tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand


name, tatak o trade mark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp) na ginagamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga original na may akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Leonora C. Dumindin


Editor: Gregorio Fiel S. Pineda
Tagasuri: Perlita M. Ignacio,RGC Phd, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Maricel F. Ascarraga
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC – Schools Division
Superintendent
Aurelio G. Alfonso, Ed. D., OIC - Assistant Schools Division
Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D. Chief – School Governance & Operations
Division & OIC – Chief Curriculum Implementation
Division
Education Program Supervisors
1. Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
2. Liza A. Alvarez, Science
3. Bernard R. Balitao, Araling Panlipunan
4. Joselito E. Calios, English
5. Norlyn D. Conde, Ed. D., MAPEH
6. Wilma Q. Del Rosario, LRMS
7. Ma. Teresita E. Herrera,Ed. D., Filipino
8. Perlita M. Ignacio, Ph. D., ESP/SPED
9. Dulce O. Santos, Ed.D., Kinder/MTB
10. Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics

Department of Education- Dibisyon ng Pasig


Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: (02) 8641-8885
E-mail Address: divisionofpasig@gmail.com
Edukasyon sa
Pagpapakatao 9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto

Modyul 5: Prinsipyo ng Subsidiarity


Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na
Baitang ukol sa Modyul 5: Prinsipyo ng Subsidiarity!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol Prinsipyo ng Subsidiarity!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo


pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga


naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. 

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan


ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na


dapat bigyang halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

 MGA INAASAHAN

Matapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1 Naipapaliwanag ang: EsP9PLIc-2.1
a. dahilan kung bakit mag prinsipyo ng subsidiarity
b. nakapagsusuri ng mga halimbawa ng mga pagtulong ng pamahalaan sa pag-
unlad ng mamamayan.

1.2 Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang prinsipyo ng subsidiarity at


prinsipyo ng pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan,
pamayanan (barangay), at lipunan/bansa

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at unawain ang mga tanong.
Piliin ang pinaka angkop na sagot.
1. Alin ang nagpapakita ng pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
a. Pagkakaroon ng kaibigan
b. Pagkakaroon ng kaalitan
c. Pagkakaroon ng award
d. Pagtulong sa pamamahagi ng relief goods

2. Alin ang nagpapakita ng hindi pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity?


a. Pag-aalaga ng mga Medikal frontliners sa mga nagkasakit ng covid 19
b. Pagsoli ng sobrang ayuda
c. Paglabas ng bahay ng walang quarantine pass at walang facemask
d. Pagsuporta at pagdalo sa mga pagpupulong

3. Pagsuporta at pagtulong ng pamahalaan sa mamamayan upang


umunlad
a. Prinsipyo ng Solidarity
b. Prinsipyo ng Subdsidiarity
c. Lipunang Politikal
d. Prinsipyo ng Social Amelioration Program
4. Ahensya ng pamahalaan na sumusuporta sa pangangalaga ng kalusugan
a. Department of Justice
b. Department of Labor and Employment
c. Department of Health
d. Bureau of Internal Revenue

5. Ano ang hindi dapat pairalin ng isang anak sa loob ng tahanan ?


a. Ginagawa ang tungkulin ng walang reklamo
b. Pagku computer sa tuwing may takdang aralin
c. Pakikipagtulungan sa gawaing bahay na may kapalit
d. Tulungan ang nakababatang kapatid sa mabigat na gawain

BALIK-ARAL
Panuto: Ayusin ang sumusunod na grupo ng mga letra upang makabuo ng tamang
salita

1. Nabuong gawi ng Pamayanan AKRTULU

2. Alituntunin o Patakaran ASABT

3. Paraan ng Pagsasaayos ng Lipunan TIAKAPMLIOP

4. Hawig sa Barkadahan PNAAMYNAA

5.Tumutulong sa mga taong sama samang naninirahan sa iisang organisado na


may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaan
NlPLUAN

ARALIN

Prinsipyo ng Subsidiarity

Ang Lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan parin ang pakikilahok


at pakikiisa ng taumbayan, gawin ang kanyang kaya at ibahagi ang bunga ng
paggawa sa bayan. Maaaring mahusay ang ating pinuno ngunit kailangan pa rin
nya ang katuwang upang maisagawa ang malaking proyekto nang may kahusayan.
Ang proyekto ng pinuno ay hindi para lang sa kanya, ito ay para rin sa kanyang
pinamumunuan.

Kaya’t hindi mula sa “itaas’’ patungo sa “baba’’ ang prinsipyo ng mahusay


na pamamahala. Kailangan ang kooperasyon ng nasa ibaba upang masuportahan
ng nasa itaas. Ang gagawin ng mga pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan
at ang pinamumunuan naman ay sumusunod din gaya ng kanilang pinuno para sa
kabutihang panlahat .

Gabay ang ugnayang ito sa Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na


pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan. Ano ng aba ang
Prinsipyo ng Subsidiarity? Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na
magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila, sisiguraduhin na walang
hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan
ng pag aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino .

Halimbawa ng mga Kagawaran ng pamahalaan na tumutulong sa pag-unlad ng


mamamayan.

1. Department of Trade and Industry- (DTI) Nangangalaga sa mga mamimili,


negosyo at negosyante.
2. Department of Education-(DEpED) sumusuporta sa pamamahala at
pagpapanatiling mataas na kalidad ng edukasyon
3. Department of Justice- (DOJ) Nagpapatupad ng batas
4. Department of Health-(DOH) Nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan
5. Department of Social Welfare and Development- (DSWD) tagapagpatupad at
responsible sa pangangalaga ng Karapatan ng bawat Pilipino sa kagalingang
panlipunan at sa pagpapayabong ng mga pag-unlad ng lipunan.
Ang Prinsipyo ng Subsidiarity sa pamilya, barangay at paaralan ay nararapat lang
pairalin sa pamamagitan ng paglilinaw sa mga kasapi ang pananagutan ng bawat
isa. Tulungan ang mas bata at mahina ang kakayahan na maisakatuparan nila
ang kanilang tungkulin. Huwag gawin ng matatanda ang dapat gawin ng mga bata,
ganyakin sila na tumulong at tapusin ang mga iniatang na gawain para sa
kanilang kakayahan.At higit sa lahat, tulungan ang mga kasapi na paunlarin ang
kanilang potensyal na kakayahan. Pagkukusa at pagkakaisa sa komunidad ,
kaayusan at kapayapaan ay susi sa kalayaan sa paggawa ng walang takot
sa kaniyang kapaligiran. Paglinang at pagmamahal ng mga taong bayan ay
tungo sa pag-unlad at pagbabago sa isang indibidwal.

Ngunit kung may mga hadlang o hindi pagpapairal sa Prinsipyo ng


Subsidiarity katulad ng walang pagkukusa, pagiging makasarili, kawalan ng takot
sa Diyos, walang pagpapahalaga at pagmamahal, matinding pagnanasa sa
kapangyarihan at kawalan ng direksyon sa buhay ay sadyang walang
patutunguhan ang ating lipunan. Ang bawat indibidwal ay hindi uunlad sa
kanyang sarili lamang. Makakamit lang nya ito sa organisadong pamahalaan o
pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan , pangkultura at pang
kapayapaan. Ang pagtutulungan ay napakahalag lalo na sa panahon ngayon na
mayroon tayong pandemya dulot ng covid 19 ang bawat ahensyang nabanggit ay
napakalaking tulong ang naihatid sa bawat mamamayan. Malaki ang iyong
maiaambag sa pag-unlad ng ating lipunan. Maging instrumento sa pagpapaunlad
ng lipunan hindi sa pagbagsak nito.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1. Basahin ang news clip sa ibaba, kung may pinairal hindi
pinairal na naganap sa Prinsipyo Subsidiarity (5 -10 pangungusap)

Paggamit ng COVID-19 cash aid sa iligal na droga, sugal ‘isolated case’

lang

Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na


isolated case lamang ang mga reports kung saan ilan sa mga nabigyan ng
emergency cash assistance sa gitna ng COVID-19 pandemic ay ginagamit sa
pagbili ng iligal na droga.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje na karamihan sa
18 million low-income families na target beneficiaries ng social amelioration
program ay ginagamit sa tama ang ayuda na kanilang natatanggap mula sa
pamahalaan. Sa ilalim ng naturang programa, bibigyan ang mga mahihirap
na pamilyang Pilipino ng P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang
buwan.

Ikinalungkot ni Paje na may ilan na nagawa pang gamitin sa iligal ang


ayudang ibinibigay ng pamahalaan sa gitna ng nararanasang public health
crisis. Kaugnay nito, sinabi ni Paje na hindi sila tututol sa criminal
prosecution ng mga ginagamit ang social amelioration aid sa mga iligal na
aktibidad.

Sagot:

Pagsasanay 2.1 Ipakita ang iba’t ibang larawan ng Prinsipyo ng Subsidiarity sa


Pamilya at lipunan. At sagutin ang tanong sa ibaba.

Clean-up drive Pagtulong sa pamamahagi ng relief goods


Pamilyang nagtutulungan 4 Ps Program

Pag di disinfect ng paligid Medikal Frontliners

Mga sundalong Frontliners Pagbibigay ng scholarship

2. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng Subsidiarity o pakikipagtulungan at


pakikipagbukluran sa loob ng lipunan? (5-10 pangungusap)

Sagot:

Pagsasanay 3

Punan ang Graphic Organizer:

A. Magbigay ng limang (5) pagtulong na nagawa ng pamahalaan sa mamamayan


sa panahon ng pandemya dulot ng covid 19.
B. Limang pagtulong nagawa ng mamamayan sa kapwa mamamayan sa panahon
ng pandemya dulot ng covid 19.

PAGLALAHAT
Isulat ang tamang numero sa loob ng puso kung may pagpapairal ng Prinsipyo ng
Subsidiarity at sa tatsulok kung hindi pagpapairal sa Prinsipyo ng Subsidiarity.

Pagpapairal ng
Prinsipyo ng
Subsidiarity Hindi
Pagpapairal
ng Prinsipyo
ng
Subsidiarity
1. Pagkukusa at Pagkakaisa sa Komunidad.
2. Pagiging makasarili.
3. Kawalan ng direksyon sa buhay.
4. Kalayaan sa paggawa ng walang takot .
5. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods sa mga taong bayan .

6. Kawalan ng takot sa Diyos.


7. Paggastos ng nakuhang ayuda sa tamang paraan.
8. Pag-aaral ng mabuti upang umunlad.
9. Walang pagpapahalaga at pagmamahal sa naitulong ng pamahalaan.
10.Matinding pagnanasa sa kapangyarihan.

PAGPAPAHALAGA
Ang Prinsipyo ng Subsidiarity ay mahalaga sa pagpapaunlad ng isang matibay na
matatag na pamilya at pamayanan .

Magkwento ng mga karanasan mo sa panahon na ang lahat ay naka ECQ o


Enhanced Community Quarantine, hindi ka makalabas sa iyong tahanan, ano ano
ang iyong mga ginawa at naisip? Ano ang naging obserbasyon mo sa paligid at
paano nakatulong ang pamahalaan sa iyong pamilya?

PANAPOS NA PAGSUSULIT
EsP 9- Module 5: Prinsipyo ng Subsidiarity

Sa bawat pangungusap, sabihin kung pinairal o hindi pinairal ang Prinsipyo ng


Subsidiarity. Kung hindi pinairal ipaliwanag:

1. Naglilingkod sa bayan ng walang halong pagnanasa para sa sariling


kapakanan.

Sagot:

2. Pagmamalabis sa tungkuling inaatang sa kanya.


Sagot:

3. Pagsang–ayon sa mga panuntunan katulad ng pagsusuot ng facemask,


pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa pandemyang dulot ng Covid 19.

Sagot:

4. Pagpapakitang gilas at pakikiisa sa gawaing bahay nang may mga kondisyon.

Sagot:

5. Pagsunod at pakikinig sa mga sinasabing alituntunin na ipinatutupad ng


paaralan.

Sagot:
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok

1. D
2. C
3. B
4. C
5. B

Balik-Aral

1. Kultura
2. Batas
3. Pampolitika
4. Pamayanan
5. Lipunan

Gawain 1:

Sagot: Hindi Pinairal (Paliwanag)

Gawain 2:

Bakit mahalaga ang prinsipyo ng


Subsidiarity o pakikipagtulungan at
pakikipagbukluran sa loob ng lipunan?
(Paliwanag)
Gawain 3:
Graphic Organizer
1, 4, 5

7, 8
2, 3, 6,

9, 10

Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Modyul para sa Mag-aaral
shorturl.at/cCLTX

shorturl.at/cMW68

shorturl.at/knT45

shorturl.at/gCFP5

shorturl.at/qENY4

shorturl.at/fjNW1

You might also like