You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 16: Wastong Pagpapasiya sa Pagpaplano ng Kursong


Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining, Isports, Negosyo o Hanapbuhay, Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Jonnavie Marie P. Moreno


Editor : Vivien F. Vinluan
Tagasuri : Dr. Perlita M. Ignacio,RGC,PhD/ Josephine Z. Macawile
Tagaguhit : Rema A. Domingo
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 16
Wastong Pagpapasiya sa Pagpaplano ng
Kursong Akademiko, Teknikal-
Bokasyonal, Sining, Isports, Negosyo o
Hanapbuhay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Modyul


para sa araling Wastong Pagpapasiya sa Pagpaplano ng Kursong Akademiko,
Teknikal-Bokasyonal, Sining, Isports, Negosyo o Hanapbuhay. Ang modyul na ito ay
pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Dibisyon ng
Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC Schools
Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig
sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Modyul
1 para sa araling Wastong Pagpapasiya sa Pagpaplano ng Kursong Akademiko,
Teknikal-Bokasyonal, Sining, Isports, Negosyo o Hanapbuhay. Ang modyul na ito
ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga


na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay, nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.


MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang:

1. Pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay


sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay
at matupad ang mga pangarap
2. pagtutugma ng mga personal na salik at mga kailanganin (requirements)
sa pinaplanong kursong akademiko o teknikalbokasyonal, sining o isports,
negosyo o hanapbuhay upang magkaroon ng makabuluhang negosyo o
hanapbuhay, maging produktibo at makibahagi sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

A. naipaliliwanag ang kahulugan ng tamang pagpapasiya;


B. naiuugnay ang sariling karanasan batay sa paksa; at
C. nakapaglalahad ng pansariling datos batay sa salik sa pagkuha ng
kursong akademiko-teknikal bokasyonal, sining o isports at negosyo o
hanapbuhay.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong. Piliin ang wastong sagot sa
mga pagpipilian.

1. Ito ay ang bunga ng kilos at desisyon ng isang tao. Ano ito?


a. Wastong Kilos
b. Wastong Pag-iisip
c. Wastong Pagpapasiya
d. Wastong Salita at gabay

2. Bakit kailangan na magplano para sa hinaharap?


a. Hindi magkamali sa gagawing bagay.
b. Mapaghandaan ang anuman mangyari.
c. Hindi matatakot sa mga bagay na dadating.
d. Hindi mag-alinlangan sa mga bagay o pangyayari.

3. “Huwag basta-basta magdedesisyon lalo na kung ito ay hindi pinag-iisipan.”


Ang pahayag na ito ay nangangahulugang
a. Ito ay ginagawa makalipas sabihin.
b. Ito ay bagay na dapat na hindi ginagawa.
c. Ito ay pinag-iisipan ng husto at hindi padalos-dalos.
d. Ito ay nagpapakita na kailangan mag-isip ng walang alinlangan.

4. Alin sa mga personal na salik sa pagpaplano sa hinaharap maliban sa?


a. Hilig
b. Talento
c. Kagamitan
d. Kakayahan

5. Sa paanong paraan makakatulong ang paggawa ng wastong pagpapasiya?


a. Pagkakaroon ng matuwid na buhay
b. Pagkakaroon ng maayos na pag-iisip.
c. Pagkakaroon ng malinaw na tunguhin
d. Pagkakaroon ng responsibilidad at gawain.
BALIK-ARAL

Noong nakaraan modyul ay tinalakay ninyo ang pagtatakda ng malinaw at


makatotohanan mithiin batay sa iyong kalakasan at kahinaan.
Gawain:
Panuto: Isulat sa loob ng mga kahon ang iyong mga kalakasan at kahinaan sa
ibat’ibang bagay.

Kalakasan Ko: Kahinaan Ko:

Ang pagkakaroon ng kalakasan ay malaking tulong upang lubos mong


maunawaan at makilala ang iyong sarili. Huwag din hayaan na ang iyong kahinaan
ang magiging hadlang upang hindi mo makamit ang iyong mga nais sa buhay.

ARALIN

Wastong Pagpapasiya sa Pagpaplano ng Kursong Akademiko, Teknikal-


Bokasyonal, Sining, Isports, Negosyo o Hanapbuhay.
Ang bawat indibwal ay nagkakaroon ng ibat’ibang hangarin at pag-iisip sa
kanilang buhay. Ang bawat desisyon na kanilang gagawin ay kailangan dumadaan
sa tamang proseso at pinag-iisipan ng husto upang maging matagumpay ang bunga
nito. Ang wastong pagpapasiya ay makakatulong sa pagsuri ng mga suliranin.
Mahalaga na malaman mo ang proseso ng wastong pagpapasiya upang makapag-
isip ka ng mabuti.

Gawain
Panuto: Suriin ang inilalahad ng representasyon sa ibaba. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.
Pagpapasiya

TAMA MALI

Sagot: ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
Gabay na Tanong:
1. Bakit kailangan pag-isipan ang mga bagay bago gawin?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang positibong maidudulot ng tamang pagpapasiya sa mga bagay o


desisyon na gagawin? Negatibo?
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain
Panuto: Basahin at suriin ng mabuti ang mga larawan. Isulat ang iyong pagpapasiya
batay sa mga larawan na inilahad.
1.

https://sites.google.com/a
/overtoncountyschools.ne
t/instructional-
coaches/resources
https://google.com/search

https://www.pngflow.com/en/fr
ee-transparent-png-ofzgo

Ano ang iyong pasya?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2.
https://play.google.com/store
/apps/details?id=com.ig.drea
mhousecleaning&hl=fil

https://www.freepik.com/premiu
m-vector/slogan-stay-home-
safe-quarantine_7414996.htm
https://www.pinterest.ph/pi
n/812336851513526499/

Ano ang iyong pasya?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang mga inilahad na kasagutan ay nagpapakita ng iyong tamang


pagdedesisyon o pagpapasiya. Ang tamang pagpapasiya ay pinipiling gawin ang
mabuti at tamang bagay. Katulad ng mga nasa larawan, naihayag at naipakita mo
ng maayos ang wasto mong pagpapasiya lalo na kung ito ay may kinalaman saiyong
sariling nais, hilig o kinabukasan.

Personal na Salik sa Pagpaplanong Hinaharap ( Kursong Akademiko-Teknikal


Bokasyonal)
Makakatulong na kailangan mong lubos na maunawaan upang magamit mo
ito ng tama. Ang wastong pagpapasiya rin ang magtuturo saiyo sa tamang landas
upang mapaunlad ang sarili sa ibat’ibang larang lalo na sa pagtahak at pagkuha ng
kurso o teknikal-bokasyonal.

Gawain

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga hinihinging detalye at mga bagay na dapat
mong gawin.

Salik Ano ang kalakasan ko sa Ano ang kailangan kong


salik na ito? paunlarin sa salik na ito?

1. Talento

2. Hilig/Interes

3. Katayuang Pinansyal

4. Kagamitan

Ang mga personal na salik na ito ay makakatulong upang makilala at malaman ang
nais sa kunin na kursong akademiko o teknikal-bokasyonal. Nakakatulong din ito
sapagkat nailalahad mo ang pansarili mong nais at kakayahan sa mga bagay-bagay.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Pagpapahayag ng Damdamin ukol sa Wastong Pagpapasiya.


Panuto: Bilugan ang masayang larawan kung ito ay nagpapahayag ng wastong
pagpapasiya at malungkot na larawan naman kung hindi.

1. Pagsusumikap na makapag-enroll
ngayon pasukan kahit kulang sa
kagamitan at pera.
2. Madalang na pagpasok sa paaralan/
online class sapagkat walang baon
na natatanggap.
3. Hindi hahayaan na masira ang mga
tablets at ibang gamit na ibinigay ng
paaralan at gobyerno.
4. Hindi makikinig sa mga sinasabi at
pangaral ng magulang lalo na kapag
oras ng klase.
5. Mag-aaral pa rin ng mabuti kahit may
mga pagbabago sa paraan ng pag-aaral
dulot ng pandemya.

Gawain 2: Pag-uugnay ng mga Pagbabagong Nagaganap sa Sarili batay sa


Karanasan
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag ng hindi bababa sa dalawang
pangungusap. (2 puntos bawat tanong)
1. Bakit mahalaga na malaman mo ang kahalagahan ng wastong pagpapasiya
sa mga bagay na gagawin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan pag-isipan ng husto ang mga bagay-bagay bago ito gawin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang magandang naidudulot ng maagang paghahanda ng kukunin na
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bakit kailangan na malaman ang ibat’ibang salik sa pagpaplanong hinaharap
(kursong akademiko o teknikal bokasyonal) ?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ano ang kalagahan ng wastong pagpapasiya sa paghahanda sa pagkuha ng
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gawain 3: Paglalahad ng Hakbangin sa Paghahanda

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga hakbangin sa paghahanda sa


kukunin kursong-akademiko o teknikal-bokasyonal.
Ang mga dapat kong gawing paghahanda ay:

1.
2.
3.

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang mga hinihinging pahayag o salita ng mga grapiko.

Ano ang kahalagahan ng wastong pagpapasiya


sa paghahanda sa kukuning kursong pang-
akademiko o teknikal-bokasyonal?
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat sa loob ng iyong list of things ang mga bagay na gagawin sa tamang
pagpapasiya at sa paghahanda sa kursong tatahakin.

List of Things

Tamang Pagpapasiya
1.
2.
3.

Paghahanda sa Kursong Tatahakin


1.
2.
3.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang D kung ang
pangungusap ay dapat at HD kung ang pangungusap ay hindi dapat.

__________1. Ang lahat ng mag-aaral ay kailangan makapaghanda sa pag-aaral at


kursong nais (akademiko o teknikal-bokasyonal).

__________2. Kailangan ay maging maingat ang bawat isa sa pagpapasiya.

__________3. Minsan nakakaligtaan ang pagpapasiya lalo na kung agad-agad ang


mga pangyayari.

__________4. Hindi lahat ng wastong pagpapasiya ay nagdudulot ng negatibong


resulta.

__________5. Unti-unting natuto ang indibidwal mula sa kaniyang pagkakamali.

__________6. Kailangan ay malaman ang ibat’ibang salik sa Pagpaplanong hinaharap


sa pagkuha ng kursong akaldemiko o teknikal-bokasyonal.

__________7. Kadalasan ay may kinalaman sa hilig o interes ng isang tao ang


kinukuha nitong kursong akademiko o teknikal-bokasyonal.

__________8. Hindi kailangan maging handa ang isang bata sa pagpaplanong


hinaharap sa pagkuha ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal.
__________9. Huwag basta-basta gagawa ng isang bagay ng hindi pinag-iisipan.

_________10. Palaging mag-isip at humingi ng payo sa mga magulang o nakakatanda


upang makatulong sa pagpapasiya.

SUSI SA PAGWAWASTO

10. D
talata) 9. D
(Sariling sagot o 8. HD
C 5.
Gawain 3 7. D
D 4.
6. D
talata)
C 3. (Sariling sagot o 5. D
B 2. 4. HD
Gawain 2
3. HD
C 1. talata) 2. D
Paunang Pagsubok (Sariling sagot o 1. D
Gawain 1 I.

Pagsasanay Panapos na Gawain

Sanggunian

https://www.slideshare.net/RoselleVelasco/esp-7-modyul-14-ang-kahalagahan-ng-mabuting-
pagpapasiya
https://www.slideshare.net/ArnelSSI/hakbang-sa-pagpapasya

You might also like