You are on page 1of 15

Edukasyon sa

Pagpapakatao 9

Ikatlong na Markahan
Modyul 16
Kasipagan: Tungo sa Pagtupad ng Itinakdang
Mithiin
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika -9 na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 16: Kasipagan: Tungo sa Pagtupad ng Itinakdang Mithiin

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Imelda S. Magatas


Editor: Louie C. Duterte, Jeanet B. Austria
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa pilipinas, kagawaran ng Edukasyon- Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod PasigPaunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Modyul para sa araling Ikaw at Ako: May Misyon Tayo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa Ikaw


at Ako: May Misyon Tayo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Napatutunayan na ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong


gawain na naayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling
pagkatao, kapwa, lipunan at bansa

Mga Layunin:

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. Nakikilala ang mga pagpapahalaga na dapat taglayin sa pagkamit ng mga mithiin.


2. Nabibigyang- halaga ang mga bagay na ating minimithi sa buhay sa pamamagitan
ng pagpapakita ng kasipagan sa paggawa.
3. Naibabahagi ang mga bunga ng tagumpay kung gagawin ito na may kasipagang
tinataglay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin at bilugan
ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat patlang sa pangungusap.

1. “Ang ating kapalaran ay nakasalalay sa ating determinasyon, kasipagan at


tiwala sa __________.
A. guro sa ESP C. matalik na kaibigan
B. Maykapal D. lolo at lola

2. Ang ___________ ay tumutukoy a pagsisikap na gawin o tapusin ang isang


gawain ng may kalidad.
A. kakayahan C. pagpapasya
B. kasipagan D. pangarap

3. Ang kabaligtaran ng kasipagan ay ___________ ang siyang pumipigil sa tao


upang magtagumpay.

A. kabutihan C. katamaran
B. kasamaan D. katahimikan

4. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng maraming _________.

A. biyaya C. kaibigan
B. gawain D. pera
5. Ang taong nagtataglay ng kasipagan ay ginagawa ang gawain ng may
__________.

A. kapalit C. pagmamadali
B. kasama D. pagmamahal

BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang ibat-ibang pagpapahalaga kaugnay


ng paggawa.

Panuto: Ibigay ang makabuluhang salita na makakapagpupuno sa mga


sumusunod na pangungusap na may kinalaman sa paggawa.

1. Kailangan ang t i _ a _ a at t a _ _ g sa ano mang gawain.


2. Ito ay kakambal ng pagbibigay p_ g _i t i p _ d.
3. Ang taong matatag sa hamon ng buhay ay p i n _ g p a _ a _ a.
4. Ang isang matatag na m a n _ _a g a w _ ay magtatagumpay sa buhay.
5. Harapin ang lahat ng p _ g _u b o _ sa buhay ng may matatag na
kalooban.

ARALIN

Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang


konsepto ng aralin. Huwag kang mag-alala dahil gagawin nating magaan ang
pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa!

Panuto:Basahin ang bawat pahayag at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa


ibabang bahagi.

Maraming personalidad ang nagpakita ng kasipagan at pagpupunyagi sa buhay,


tuluyan ng nalampasan ang mga pagsubok at sila’y nagsipagkamit ng pag-unlad sa
buhay.
1. Si Victor Maria Regis “Vico” Nubla Sotto ang butihing mayor ng Pasig.
Hindi lingid sa karamihan ang ginawang kasipagan at pagpupunyagi lalo
na ngayong pandemic ngunit marami pa rin ang pumuna, subalit patuloy
lamang siya sa kanyang paggawa.

2. Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao ay isang sikat na boksingero.


Sa dami ng suntok na kanyang tinamo, siya ring dami naman ng
tagumpay na kanyang nakamit. Isa siya sa pinakamayaman sa Pilipinas
at kasalukuyang nanunungkulan bilang senador.

3. Naantig ang lahat sa nakakahangang kuwento ni “Germine” na naglakas


loob na lumaban sa buhay para makamit ang inaasam niyang diploma.
Naipalabas ang kanyang kuwento sa “Wowowin” noong April 3, 2019.

4. Ang dating taga-kolekta ng kaning baboy noon ay CEO (Chief executive


officer) na ngayon. Nagmamay-ari ng malalaking bahay, may mga
sasakyan at ibat- ibang negosyo. Siya si Josephine Floresca. Naitampok
ang kanyang istorya sa KMJS noong Nov. 2017, dahil sa pagsusumikap at
kasipagan, ngayon siya ay nagtatamasa ng kaginhawahan.

5. Si Marian Que ay unang nagtrabaho sa isang “drug store”. Namuhunan


siya ng isang daang piso at nagsimulang magtinda ng mga produkto gamit
ang kariton. Siya ang nagmamay-ari ng Mercury Drug Store.

Gawain:
Magbigay ng mga katangiang nakatulong sa kanila kaya sila nagtagumpay.
Tanong:
Sa gitna ng maraming pagsubok at suliranin na ating mga pinagdadaanan sa buhay,
paano makakatulong sa isang tao ang mga katangiang nabanggit upang
magtagumpay sa larangan na kanilang nais para sa sarili?

Kasipagan: Tungo sa Pagtupad ng Itinakdang Mithiin

Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang


gawain na mayroong kalidad.
Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting
katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integredad,
disiplina, at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa
kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan.
Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang
kaniyang pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa
kaniyang kapwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makakatulong siya na
mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.

Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan


1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa paksa,
naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa ang iyong pag-
unawa sa aralin.. Subukin mong sagutin ang kasunod na mga gawain nang sa
gayo’y iyong matukoy ang sagot sa mga tanong.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Mula sa salitang KASIPAGAN bumuo ng mga bagong salita at gumawa ng
isang makabuluhang pangungusap.
Gawain 2
Bilang isang kabataan na may nais maabot para sa iyong sarili, paano nakapagbigay
ng inspirasyon sa iyo ang mga binasa tungkol sa mga taong nagtagumpay sa kabila
ng mga pagsubok?

GAWAIN 3
Panuto: Nahaharap tayo ngayon sa napakahirap na suliranin dahil sa
Pandemya.Marami ang nawalan ng hanapbuhay, maraming negosyo ang nalugi at
tuluyang nagsara maging ang ating pamahalaan ay apektado na rin. Ngunit sabi nga
“habang nabubuhay may pag-asa”, basta kailangan lang ng “kasipagan”. Magbigay
ng magiging bunga o resulta kung ikaw ay magtataglay ng kasipagan para sa mga
sumusunod:

SARILING PAGKATAO
LIPUNAN
KASIPAGAN

KAPWA BANSA
PAGLALAHAT

May mga araw na masarap matulog, mahirap bumangon, iniisip mong madami na
namang kailangan tapusin na gawain. Minsan iniisip pa lamang, napapagod kana.
Pero kung ang titingnan natin ay ang kalalabasan ng ating gagawin, hindi tayo
magdadalawang-isip na ito ay gawin.

Panuto: Suriin ang mga larawan. Lagyan ng emoji na kung nagpapakita ng


palatandaan ng kasipagan at kung hindi ang bawat isa, lagyan ng maikling
paliwanag. Ilagay ang iyong sagot sa tapat ng bawat larawan.

1.

__________________________________________________

2.

__________________________________________________
3.

This Photo by Unknown Author is __________________________________________________


4.

_________________________________________________
5.

________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay na nagpamalas ka ng


kasipagan, itala ang mga naging bunga ng ginawang kasipagan.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat sa patlang ang T kung ang
pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali.

_________1. Ang kabaligtaran ng kasipagan ay pagpupunyagi.

_________2. Napatunayan na ng maraming tao na kapag ikaw ay determinado sa


buhay ikaw ay magtatagumpay.
_________3. Si Cristy ay nagtatrabaho sa isang pabrika matagal na rin siya rito at
permanente na kung kaya hindi na niya tinatapos ang kanyang gawain kahit may
oras pa.
_________4. Si Mang Tonio ay tagapagwalis sa kalsada. Hindi niya alintana kung
dapat na siyang magpahinga muna, kahit oras na ng pagkain patuloy niyang
ginagawa ang magwalis upang matapos na ito.

_________5. Kung nais mong magtagumpay gawin mo ang maging masipag.


_________6. Kapag nagkamali ka sa isang gawain at napahiya ka hindi na dapat pang
umulit.
_________7. Kapag hindi nakaatas sayo ang isang gawain, dapat ay wala kang
pakialam dito.
_________8. Si Liza ay maraming pinagdaanang pagdurusa ngunit di pa rin siya
tumitigil sa paggawa kahit mali-mali na ang kanyang ginagawa. Dapat na siyang
tumigil dahil kawawa naman siya.

_________9. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa.


_________10. Dapat lamang magpakita ng kasipagan kapag may nakatingin para di
ka masyadong mapagod.
SUSI SA PAGWAWASTO

10.M 6. M 7. M 8. M 9. T
5. T 1. M 2. T 3. M 4. T
Panapos na Pagsusulit

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Pagpapahalaga

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Paglalahat

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Mga Pagsasanay
pagsubok 5.
mangagagwa 4.
pinagpapala 3.
pagtitipid 2.
tiyaga at tatag 1.
Balik-Aral

5. A 4. B 3. A 1. D 2. C
Paunang Pagtataya

SANGGUNIAN
CLIPART.sxsrf=ALeKk02txVeni5TE0wOqVcUFyASJA4WiIA:1600131895714&source
=univ&tbm=isch&q=a+person+thinking+drawing&sa=X&ved=2ahUKEwiX-PLp--
nrAhXjDaYKHeLpADgQ7Al6BAgKEGk&biw=1366&bih=576#imgrc=gIBwnM4xjCyzA
M
Sulo ng Buhay Castillo Merca, Ph.D. Elena Abilo Habon, Ed.D. Corazon San
Diego Quizon, Ludevina Rabago Bruan, Ed. D.

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral Kagawaran ng


Edukasyon

http://llenguailiteratura-4eso.blogspot.com/2017/
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/drawn-silhouette-man-top-hill-
winner-sketch-vector-12362218

You might also like