You are on page 1of 9

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan

MGA PILYEGO NG GAWAING


PAMPAGKATUTO
(Ika-anim at Ika-pitong Linggo)

Ang kalagayan at bahaging


ginampanan ng kababaihan mula sa
sinaunang kabihasnan at ikalabing-
anim na Siglo

Manunulat: Taga-guhit:

JOAN G. LONGOS ALCHER L. GUMA


Teacher I Mag-aaral

Mataas na Paaralang Pambansa ng Dapa


Sangay ng Siargao
Panimula
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay disenyo at sinulat para sa batang katulad
mo na nasa 7 baitang upang masusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng
kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo. Matututunan dito
kung paano itinaguyod ang kanilang kultura at tradisyon na may kaugnayan sa mga
kababaihan sa lipunan noong sinaunang panahon.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:


Aralin 1: Ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang
kabihasnan at ikalabing-anim na siglo

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakapagsusuri sa kalagayan at bahaging ginagampanan ng kababaihan mula sa
sinaunang kabihasnan.
2. Nakapaghahambing ng mga ginagampanan ng kababaihan mula sa sinaunang
kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.
3. Nakapaglilikha ng isang islogan tungkol sa kahalagahan ng mga kababaihan.

1
Pag-aralan
Tingnan din ang inyong aklat sa pahina 164- 165

PAKSA: Ang kalagayan at bahaging ginampanan ng


kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at
ikalabing-anim na siglo.

Sa araling ito ay sisikapin nating suriin ang kalagayan at bahaging ginampanan ng mga
sinaunang kababaihan sa Asya. At kung paano itinaguyod ang kanilang kultura at
tradisyon na may kaugnayan sa mga kababaihan sa lipunan noong sinaunang panahon.

Mga Kababaihan sa Asya

Sa kasalukuyang panahon karamihan ng mga kababaihan ay nakaranas ng pantay na


karapatan sa mga kalalakihan. Pero, sa sinaunang panahon hindi masasabi na nararanasan
nila ang mga karapatang ito. Ang kababaihan noon sa Asya ay karaniwang naiiwan at
nanatili lamang sa tahanan.

Bansang China
Sa kulturang Tsino pinagsusuot ng sapatos na bakal
(foot binding) ang mga kababaihan upang hindi lalayo
sa tahanan. Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily feet
sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda
at pagiging karapat- dapat sa pagpapakasal. Sa Tsina
din, ang pagiging baog ng babae ay dahilan ng
diborsyo.

Bansang India
Sa bansang India naman, sumasama ang babaeng
asawa sa funeral fire ng kanyang asawang namatay
bilang pagpapakita ng pagmamahal, ito ay tinatawag na
sutte/sati. Maliban dito, ang isang babae sa India ay
maaaring maging asawa ng magkapatid na lalaki
(polyandry) dahil sa kakulangan sa pagkain. Karaniwan

2
naman dito ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae (polygamy) na siyang
tinatawag na harem sa India at maging sa mga Muslim.

Sa Tsina at India hindi pinapahalagahan ang batang babae. Ito


ay dahil ang babae ay nagbibigay ng dowry o dote kapag
kinakasal. Ibig sabihin nito ay binabawasan niya ang kaban ng
pamilya. Female Infanticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng
mga sanggol na babae. Mahalaga para sa babaeng Asyano na
magpakita siya na may kakayahang magkaroon ng anak na lalaki
at higit pa.

Sa kulturang Muslim, maliban sa harem at polygamy (pag-aasawa ng marami) ang mga


babae ay nakasuot ng belo at pinag-iingatan ang dangal ng pamilya at iniiwasan ang
anumang bagay na magdudulot ng batik nito. Bilang isang paraan ng pagtago sa mga
kababaihan sa publiko, sila ay nagsuot ng damit na pantakip sa katawan, mukha at buhok
ng babae na tinatawag na purdah. Bilang karagdagan, sa Tsina, India at Israel maliit pa ang
mga bata ay pinagkakasundo na ng mga magulang. Ang mga kababaihan noon ay hindi
pinapahintulutang bomoto maliban sa bansang Tsina at Pilipinas

Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Lumikha si Haring Hammurabi (ikaanim na hari ng Unang Dinastiya ng Babilonya) ng mga


batas upang itaguyod ang maayos na kaugalian at lipunan sa kanyang nasasakupan.
Bahagi ng mga probisyon na ito ang mababang pagtingin sa mga kababaihan. Itinuturing
ang mga babae na parang produkto na ibinibenta at binibili sa kalakalan. Ipinagkakasundo
ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote. Kahit bata pa lamang ang mga babae ay
ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa sapat na gulang. Ayon pa sa batas ni
Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay parurusahan ng kamatayan. Sa
oras na mahuli siyang nakikipagtalik sa ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat
hanggang malunod. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kanyang asawa at mga anak.
Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng mga babae sa kalakalan.

3
Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng mga batas tungkol sa mga kababaihan. Ang isang
Brahmin o pari sa Hinduismo ay hindi pinapayagan na makipagtalik sa isang mababang uri
ng babae sa lipunan dahil siya ay mapupunta sa impyerno. Ipinagkakaloob ang dote sa
pamilya ng isang babae at hindi sa kanya. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kababaihan
ay hindi kinikilala. Ayon din sa Kodigo, ang agwat ng edad ng mag asawa ay tatlong beses
ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae. Isa pa na iniutos ng kodigo, ay hindi dapat
tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay isang malaking
paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa sanggol.

Mga Gawaing Pampagkatuto


Pangkalahatang Panuto: Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel

Gawain 1: Tama o Mali

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang letrang T kung ito ay
Tama at M naman kung Mali ang nakasaad sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

______1. Hindi pinapahalagahan ang batang babae sa bansang Tsina at India.

______2. Pinagsusuot ng sapatos na bakal (foot binding) ang mga kababaihan sa Tsina
upang hindi lalayo sa tahanan.

______3. Sutte ang tawag sa pagsama ng asawang babae sa funeral fire ng kanyang
asawang namatay bilang pagpapakita ng pagmamahal.

______4. Ayon din sa Kodigo ni Manu, ang agwat ng edad ng mag asawa ay dalawang
beses ang tanda sa lalaki sa kanyang asawang babae.

______5. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote.

______6. Mas pinapahalagahan ang mga anak na babae noon kaysa sa mga lalaki.

______7. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag na Polyandry sa


India.

______8. Kahit bata pa lamang ang mga babae ay ipinagkakasundo na siya hanggang
umabot sa sapat na gulang.

4
______9. Purdah ang tawag sa kasuotan na ginagamit bilang pantakip sa katawan, mukha
at buhok ng mga babaeng Muslim sa India.T
______10. Female Infanticide ang tawag sa pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae.
Gawain 2: Venn Diagram
Panuto: Isulat ang kaibahan at pagkakatulad ng kodigo ni Hammurabi at kodigo ni Manu
gamit ang Venn Diagram.

Kodigo ni Hammurabi Kodigo ni Manu


PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
___________
1. _______________ 1. __________________
___________
2. _______________ ___________ 2. __________________
3. _______________ ___________ 3. __________________
4. _______________ ___________ 4. __________________
___________
5. _______________ 5. __________________

Gawain 3: TULA
Panuto: Sumulat ng isang maikling tula na ang pamagat ay “Babae Noon at Ngayon” na
binubuo ng tatlong (3) saknong na may apat (4) na taludtod. Isulat sa sagutang papel.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman at Kaaangkupan 15Puntos
Pagkamalikhain / Organisasyon 10Puntos
Kalinisan 5 Puntos
Kabuuan 30 Puntos

Gawain 4: ISLOGAN

5
Panuto: Gumawa ng isang ISLOGAN na may temang “Pagpapahalaga sa mga
Kababaihan”. Gawin ito sa isang malinis na short bondpaper.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 10 Puntos
Pagkamalikhain 10Puntos
Kaugnayan sa Tema 5 Puntos
Kalinisan at Kaayusan 5 Puntos
Kabuuan 30 Puntos

Paglalahat / Repleksyon
A. Natutuhan ko sa araling ito ang mga sumusunod:

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman at Kaaangkupan 10Puntos
Pagkamalikhain / Organisasyon 10Puntos
Kalinisan 5 Puntos
Kabuuan 25 Puntos

Susi sa Pagwawasto

T
T
T
M
M
T
M
T
6
T
T
Gawain 1: Tama o Mali
7
Gawain 2: Venn Diagram PAGKAKAIBA
Kodido ni Manu
Kodigo ni Hammurabi 1. Basehan ang agwat ng edad ng mag-
asawa.
1. Kahit bata pa lamang ang mga babae ay 2. Kinakailangang sumang-ayon ang ama na
ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa ipagkasundo ang kanyang anak na babae.
sapat na gulang 3. Bawal makikipagtalik ang isang Brahmin sa
2. Kapag nagtaksil, ang asawang babae ay mga mamabang uri na babae sa lipunan.
itinatapon sa dagat hanggang sa malunod. 4. Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng
3. Ang mga babae ay itinuturing na parang isang babae at hindi sa kanya.
produkto na ibinibenta at binibili sa kalakalan. 5. Ang pagtutol ng ama ay isang malaking
4. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa
kapalit ng pera at dote. sanggol.
5. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang
kanyang asawa at mga anak.
PAGKAKATULAD
1. Mababang pagtingin sa mga kababaihan
2. Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kababaihan ay hindi kinikilala
3. Limitadong Karapatan ng mga kababaihan
4. Karapatan ng Pag-aasawa
5. Karapatan sa Politika
Sanggunian
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan 7 Modyul para sa
Mag-aaral

You might also like