You are on page 1of 7

7

Learning Activity Sheet sa


Araling Panlipunan 7
Kwarter 2 – MELC 5

Kalagayan at Bahaging Ginampanan


ng Kababaihan sa Sinaunang
Panahon

REHIYON
Araling Panlipunan 7 VI- KANLURANG VISAYAS
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 5
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6- Kanlurang
Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 7

Manunulat: Marian V. Pabalan


Zarla D. Quirao
Benjie S. Mahinay
Editor: Grace J. Fuentes
Tagasuri: Analie Lobaton, Grace J. Fuentes
Tagaguhit: Mark D. Petran
Tagalapat: Mara Jamaica B. Floreno
Division of Cadiz City Management Team:
Ma. Lorlinie M. Ortillo, PhD, CESO VI
May P.Pascual,
Analie Lobaton
Grace J Fuentes
Regional Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Dr. Mary Hazel Vivien M. Pineda

Pambungad na Mensahe

MABUHAY!
Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay
nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng DepEd Regional
Office VI - Western Visayas sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn
Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging
gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K
to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay
nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang
mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy
nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet na ito ay binuo


upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan
ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-
aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Kuwarter 2, Linggo 6-7

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 5

Pangalan: _______________________________Baitang at Seksiyon: ___________


Petsa:_________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7

Kalagayan at Bahaging Ginampanan ng


Kababaihan sa Sinaunang Panahon

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula
sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.
AP7KSA-IIh1.11 (Week 6-7)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Ang LAS na ito ay tungkol sa kalagayan at bahaging ginampanan ng
mga sinaunang kababaihan sa Asya. Matututunan dito kung paano
itinaguyod ang kanilang kultura at tradisyon na may kaugnayan sa mga
kababaihan sa lipunan noong sinaunang panahon.

III. Sanggunian

Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


(Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: (EDURESOURCES
Publishing Inc.), pp.164-165

Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Module 4: ANG


PAG-UNLAD NG SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

IV. Gawain
Gawain 1: Panuto: Basahing mabuti ang teksto tungkol sa Kodigo ni
Hammurabi at Kodigo ni Manu sa iyong aklat na AP7 Modyul pahina 164-
165. Unawain ito ng masasagutan nang buong husay at talino ang mga
gawaing inihanda para sa iyo.

Gawain 2: Panuto: Basahin ang tektso tungkol sa “Mga Kababaihan sa


Asya”. Matapos basahin ay sagutin ang mga pagsasanay.

Mga Kababaihan sa Asya


Sa kasalukuyang panahon karamihan ng mga kababaihan ay nakaranas ng
pantay na karapatan sa mga kalalakihan. Pero, sa sinaunang panahon hindi
masasabi na nararanasan nila ang mga karapatang ito.
Ang kababaihan noon sa Asya ay karaniwang naiiwan at nanatili sa tahanan.
Sa kulturang Tsino pinagsusuot ng sapatos na bakal (foot binding) ang mga
kababaihan upang hindi lalayo sa tahanan. Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily
feet sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda at pagiging karapat-
dapat sa pagpapakasal. Sa Tsina din, ang pagiging baog ng babae ay dahilan ng
diborsyo.
Sa bansang India naman, sumasama ang babaeng asawa sa funeral fire ng
kanyang asawang namatay bilang pagpapakita ng pagmamahal, ito ay tinatawag na
suttee/sati.
Maliban dito, ang isang babae sa India ay maaaring maging asawa ng
magkapatid na lalaki (polyandry) dahil sa kakulangan sa pagkain. Karaniwan
naman dito ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae (polygamy) na
siyang tinatawag na harem sa India at maging sa mga Muslim.
Sa Tsina at India hindi pinapahalagahan ang batang babae. Ito ay dahil ang
babae ay nagbibigay ng dowry o dote kapag kinakasal. Ibig sabihin nito ay
binabawasan niya ang kaban ng pamilya. Female Infanticide ang sadyang pagkitil
sa buhay ng mga sanggol na babae. Mahalaga para sa babaeng Asyano na
magpakita siya na may kakayahang magkaroon ng anak na lalaki at higit pa.
Sa kulturang Muslim, maliban sa harem at polygamy (pag-aasawa ng marami)
ang mga babae ay nakasuot ng belo at pinag-iingatan ang dangal ng pamilya at
iniiwasan ang anumang bagay na magdudulot ng batik nito. Bilang isang paraan ng
pagtago sa mga kababaihan sa publiko, sila ay nagsuot ng damit na pantakip sa
katawan, mukha at buhok ng babae na tinatawag na purdah.
Bilang karagdagan, sa Tsina, India at Israel maliit pa ang mga bata ay
pinagkakasundo na ng mga magulang. Ang mga kababaihan noon ay hindi
pinapahintulutang bomoto maliban sa bansang Tsina at Pilipinas.
Gawain 3: Tanong Ko, Sagot Mo!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan gamit ang tatlo hanggang
limang pangungusap.
1. Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan? Hanggang
ngayon ba ay nangyayari pa ito sa mga bansang Asyano?
2. Sa kabila ng mababang pagtingin ng lipunan, paano sila naging
makabuluhang bahagi sa pagbuo at papayaman ng sibilisasyong
Asyano?

Gawain 4: Tama o Mali


Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama
at palitan naman ang sinalungguhitang salita kung ito ay mali. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Female Insecticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol
na babae.
2. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polygamy.
3. Ang tradisyon na pagsusuot ng sapatos na bakal ng mga babaeng
Tsino ay tinatawag na lotus feet.
4. Ang dalawang tanyag na Kodigo na naglalaman ng mga batas para
sa kababaihan ay ang Kodigo ni Manu at Kodigo ni Sargon.
5. Tinatawag na polygamy ang pag-aasawa sa magkapatid na lalaki
dahil sa kakulangan ng pagkain sa bansang India.
6. Ang pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae ay tinatawag
na harem sa India.
7. Ang suttee/sati ay ang pagsama ng babaeng asawa sa funeral fire
ng kaniyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito.
8. Ang purdah ay ginagamit ng mga Muslim na babae bilang pantakip
sa kanilang mukha sa publiko.
9. Ayon sa Kodigo ni Manu, ang agwat na edad ng mag-asawa ay
apat na beses ang tanda sa lalaki sa kaniyang asawang babae.
10. Ang pagbibigay ng dowry ay isa sa mga tradisyon ng mga
sinaunang Asyano.
Gawain 5: Kilalanin Mo Ako!
Panuto : I-tsek (✓) ang KH na kolum kung ang pahayag ay nabibilang sa
Kodigo ni Hammurabi at itsek (✓) ang kolum na KM kung ito ay kabilang sa
Kodigo ni Manu. Isulat ito sa sagutang papel.
PAHAYAG KH KM
1. Ibinibenta ang babaeng asawa sa kalakalan.
2. Basehan ang agwat ng edad ng mag-asawa.
3. Kinakailangang sumang-ayon ang ama na
ipagkasundo ang kaniyang anak na babae.
4. Kapag nagtaksil, ang asawang babae ay itinatapon sa
dagat hanggang sa malunod.
5. Bawal makilahok ang mga babae sa kalakalan.
Gawain 5: Sanaysay

Panuto: Sumulat ng sanaysay na may hugot lines na nagpapamalas ng


pagpapahalaga sa kababaihan. Isulat ito sa sagutang papel

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain/Organisasyon 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuoan 30 puntos

V. Pangwakas/Repleksiyon

Natutuhan ko sa araling ito na


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 3: Tanong Ko, Sagot Mo!


Iba iba ang mga sagot ng mga mag-aaral

Gawain 4: Tama o Mali


1. Female Infanticide
2. T
3. Foot Binding
4. Kodigo ni Manu at Kodigo ni Hammurabi
5. Polyandry
6. T
7. T
8. T
9. 3
10. T
Gawain 5: Kilalanin Mo Ako!
1. KH
2. KM
3. KM
4. KH
5. KH
Gawain 5: Sanaysay
Iba iba ang mga sagot ng mga mag-aaral

You might also like