You are on page 1of 26

KASARIAN SA

IBA’T-IBANG LIPUNAN
Araling Panlipunan 10
Ikatlong Markahan/Ikalawang Linggo
CEASARIA B. ADAPANG
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng Mga Paaralan ng Benguet


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:
Curriculum Implementation Division–
Learning Resource Management Section

KARAPATANG SIPI
2020

Isinasaaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293; Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan
ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum ng Kagawaran ng
Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung para sa pag-aaral ngunit
kailangang kilalanin ang may-ari nito. Ang paglikha at pag-edit sa bersyon, pagpapahusay at
pagdagdag ng gawain ay pinahihintulutan sa kondisyon na ang lahat ng orihinal na trabaho ay
kinikilala at ang karapatang magpalathala ay maiugnay. Walang bahagi ang maaaring magmula sa
materyal para sa komersyal na layunin at kita. Ang mga nagamit na larawan, akdang hiniram at
impormasyong ginamit ay may kaukulong pahintulot sa mga nagmamay-ari nito at kinikilala ang
karapatang sipi ng mga ito.
ALAMIN

Ang modyul na ito ay may mga tekstong babasahin na magiging batayan sa pagsagot sa
bawat gawain. Maaari ring gumamit ng ibang sanggunian o babasahin upang lalong pagyamanin ang
kaalaman tungkol sa paksa. Sa modyul na ito ay uunawain mo ang mga usaping may kinalaman sa
kasarian (gender) sa iyong lipunan na makakatulong sa paglinang ng iyong pagpapahalaga at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigdig. Matututunan mo rin ang
mga pagbabago sa katayuan ng mga kalalakihan, kababaihan, at miyembro ng LGBT habang
lumilipas ang panahon.
Para sa Gumagabay sa Mag-aaral:

May mga bahagi ng modyul na maaaring mahihirapan sa pag-unawa ang mag-aaral kaya
pinapahintulutan ang iyong paggabay sa mga gawaing may balakid sa pag-unawa. Kung hindi ito
kayang unawain ay mangyaring sumangguni sa guro. Ang iyong paggabay ay mahalaga upang
matamo at maisakatuparan ang layunin ng aralin.

Gabay sa Mag-aaral:

Ang mga bawat gawain sa modyul na ito ay inaasahan na iyong sasagutin na may buong
katapatan at sa abot ng iyong makakaya. Sumangguni sa iyong magulang, nakatatandang kapatid o
sinumang kasaping miyembro ng pamilya, ganoon din sa iyong guro kung mayroon kang hindi
maintindihan.
Pagkatapos ng pagsagawa sa lahat ng mga naihandang gawain, inaasahang maipamalas mo ang
natutunang kaalaman at mga sumusunod na kakayahan:

A. Kasanayang Pampagkatuto

 Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender), sex, at gender roles sa iba’t-ibang bahagi
ng daigdig. B. Mga tiyak na layunin:

1. Naiisa-isa ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

2. Naipapaliwanag ang mga gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.


3. Napahahalagahan ang paggalang sa kapwa bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa at
daigdig sa usaping may kinalaman sa kasarian (gender) at sex.
SUBUKIN

Sa bahaging ito, sagutin ang panimulang pagsusulit upang mataya ang lawak ng kaalaman
mo tungkol sa aralin. Handa ka na ba? Maaari mo nang simulan ang pagsagot.

Panimulang Pagsusulit:

I. TAMA O MALI: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung ang pahayag sa bawat bilang ay
katotohanan tungkol sa kalagayan at gampanin ng lalaki, babae at LGBT noon at sa kasalukuyan.

Lagyan naman ng malungkot na mukha kung hindi ito nagpapahayag ng katotohanang


kalagayan o gampanin ng mga nabanggit na kasarian.

SAGOT PAHAYAG
Halimbawa: Sa bahagi ng South Africa, ang paggahasa sa mga lesbian ay
pinapaniwalaang isang paraan upang baguhin ang oryentasyon o pagkakakilanlang
pangkasarian.
1. Ang mga kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas
na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.

2. Ang mga lalaki noon ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit


maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niyang
itong kasama ang ibang lalaki.
3.Mas malawak ang karapatan ng kababaihan noon kaysa sa kalalakihan.

4. Ayon kay Garcia sa kanyang akdang Position of Women in the Philippines, ang mga
kababaihan ay inaalagaan at sinasanay upang ang pangunahing tungkulin ay bilang
isang ina at manungkulan sa simbahan.

5.Sa panahong ng mga Kastila naging makapangyarihan ang mga kababaihan na


nakabatay sa kanilang sistemang legal.
6.Sa panahon ng mga Amerikano, nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang
dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

7. Sa panahon ng prekolonyal, nagsimula ang pakikilahok ng mga kababaihan sa


politika.
8. Sa panahon ng mga Hapon, ang kababaihan ay kabahagi ng mga kalalakihan sa
pakikipaglaban sa mga dayuhan.
9. Ang LGBT sa kasalukuyan ay maiuugat sa kalagayan at gampanin ng babaylan noong
ika-17 siglo.
10. Ang Philippine Gay Culture sa bansa ay umusbong noong dekada 60.

11.Ang umiiral na konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa pinagsamang impluwensiya ng


international media at lokal na interpretasyon g mga Pilipinong LGBT na nandayuhan
sa ibang bansa.

12.Ang Saudi Arabia ay isa sa mga bansang mataas ang pagpapahalaga sa mga
kababaihan.
13.Ang mga kababaihan sa Saudi Arabia at iba pang bansa sa Kanlurang Asya at Africa
ay walang karapatang bumoto.
14. Ang Female Genital Mutilation ay patuloy na ginagawa sa Africa dahil sa
impluwensiya ng kanilang tradisyon.
15. Ang Breast Ironing ay pinapaniwalaang paraan ng isang ina na protektahan ang
babaeng anak mula sa seksuwal na pagaabuso.

BALIKAN

DUGTUNGAN TAYO:

Muling sariwain ang nakaraang paksa upang ito ay iyong maiugnay sa kasalukuyang paksa.
Dugtungan ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito.

Ang sex ay ________________________________________________________


_________________________________________________________________________
samantalang ang gender ay tumutukoy sa _______________________________
_________________________________________________________________________.
Ang gender role ay ________________________________________________
________________________________________________________________________. Sa
pagbabago ng lipunan, batid ko na ang isyung kasarian sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa ay
________________________________
_________________________________________________________________________.
Naunawaan mo sa nakaraang paksa ang mga pangunahing konsepto tungkol sa sex at
kasarian (gender). Gawing pundasyon ang mga konseptong ito na lubusang unawain ang mga isyu o
usaping pagtatakda ng gampanin ng babae, lalaki at LGBT sa lipunang Pilipino, Kanlurang Asya at
Africa.

TUKLASIN

Sa bahaging ito ng aralin ay mapapalawak ang iyong kalaman tungkol sa katayuan at gampanin
ng babae at lalaki sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Handa ka na bang magbasa?
Simulan na natin!

Gender Roles sa Pilipinas


Panahong Pre-Kolonyal

•Ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang

sa pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.


Ang pagpapatunay nito ang pagkakaroon ng
mga binukot at pagbibigay ng dote katulad ng bigay-kaya.

Panahon ng Espanyol
•Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng
lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan. (Boxer Codex)
• Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na
hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa
ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang
makukuhang anumang pag-aari.
•Ayon kay Garcia, sumulat sa akdang Position of Women in the
Philippines, ang posisyon ng kababaihan sa Pilipinas noong

panahon ng mga Espanyol ay inaalagaan at sinasanay upang ang pangunahing tungkulin ay bilang
isang ina at manungkulan sa simbahan.Limitado pa rin ang taglay na karapatan ng kababaihan sa
panahon ng mga Espanyol. Ito ay
dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na
tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.
•Sa panahon ng rebolusyon, may mga kababaihang nagpakita
ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. nang mamatay ang kanyang asawang si Diego
Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol. Gayundin, sa panahon ng
Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera
tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-
aabuso ng mga Espanyol.
•Sa panahaon ng pag-aalsa, kaagapay ng kalalakihan ang mga kababaihan sa pakikipaglaban sa
mga Kastila gaya nina
Gabriela Silang at Marina Dizon.

Panahon ng Amerikano
• Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan,
karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng
pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan,
mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
• Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng
kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal
na plebesito na ginanap noong Abril
30, 1937,90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa
pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan
sa mga isyu na may kinalaman sa politika.

Panahon ng Hapones
• Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng
kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones. Ang kababaihan na
nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa
tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain. Ang mga babae, may
trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.

Kasalukuyang Panahon
• Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang
mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang mga
babae, lalaki at LGBT.
• Ang bawat kasarian ay may sariling karapatan at tungkulin na inaalagan
ng estado.
Nabatid mo sa katatapos na paksa na ang papel ng mga babae at lalaki sa iba’t ibang
panahon ng kasaysayan ng Pilipinas. Bagaman, masalimuot ang unang kalagayan ng mga
kababaihan sa panahon ng prekolonayal at Espanyol nagbago naman ito sa panahon ng pag-
aalsa na kung saan ang babae ay katuwang na sa pakikipaglaban sa mga Kastila na hanggang
tuluyang natamo ang hinahangad na pagkapantay-pantay. Alamin din kung paano
nagsimula ang kasaysayan ng LGBT sa
Pilipinas.

SURIIN

Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas

 Maiuugat ang kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, sa mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17
siglo.
 Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae. Mayroon ding lalaking babaylan
katulad ng mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo, na hindi lamang nagbibihis-babae kundi
nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga
espiritu. Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng
mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng
panlipunang pagkilalang simboliko bilang “tila-babae.” Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa
lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal.
 Sa panahon ng mga Espanyol, ilan sa mga babaylang ito ay nag-iba ng gampanin dahil sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Mula noon, ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat tahimik sa
mga Pilipinong hindi tumatalima sa kombensiyunal na oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
 Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa
bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa
homoseksuwalidad.
 Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang
impluwensiya ng international media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na
nakaranas mangibang-bansa.
 Sa dekada 80 hanggang 90 ay maraming pagkilos ang nagawa ng mga LGBT halimbawa nito ang
paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community.
 Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-
kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong Marso
1992.
 Ang dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay
Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan
(pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992. Ilang kilalang
lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at
Lesbian Advocates Philippines (LeAP). Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT
community ang partidong Akbayan Citizen’s Action Party.
 Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group – ang
Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB - noong 1999.
 Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesorsa Ateneo de Manila
University, ang political na partido na Ang Ladlad.
 Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa
basehang imoralidad. Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinayagan ng
Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. Noong 2004 naman,
ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride
March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang
bahagi ng pamayanan ng LGBT.
Sanggunian: Mula Draft Module ng Kontemporaryong Isyu na ibinatay sa UNDP, USAID (2014). Being LGBT in
Asia: The Philippines CountryReport. Bangkok

Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo

Africa at Kanlurang Asya

 Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae. Matagal ang panahong
hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto.
Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang
Asya ang mga babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa
paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang ngayon sila ay hindi pa maaaring bumoto.
 Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan
ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking
banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).
 Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at
matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM). Ang FGM ay isang proseso ng
pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal
ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang
kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. Ang
ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.
 Isa ring pinapaniwalaang paraan ng pagprotekta ng kanilang babaeng anak ay ang pagbabayo at
pagdidiin ng mainit na bato sa dibdib o breast ironing upang hindi ito lalaki at maiwasan ang
maagang pag-aasawa at pag-aabuso.
 Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.

Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumuto sa mga kababaihan


Kanlurang Asya Africa
Lebanon -1952 Egypt-1956
Syria – 1949, 1953 Tunisia -1969
Yemen -1967 Mauritania - 1961
Iraq -1980 Algeria -1962
Oman - 1994 Morocco - 1963
Kuwait -1985,2005 Libya - 1964
Sudan - 1964

Pamprosesong mga Tanong

1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae? Ilahad ang
maaaring epekto nito sa mga sumusunod na larangan sa kalagayan ng mga babaeng sumailalim
ditto.
A. Emosyonal -
___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

B. Sosyal-
___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

C. Sikolohikal-
___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________
3. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa Africa
at Kanlurang Asya? Magbigay ng patunay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa
bahaging ito ng mundo? Patunayan ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAGYAMANIN

Gawain 1: Case Analysis

Panuto: Pagtibayin mo ang iyong pag-unawa sa mga sumusunod na gawain. Pagyamanin


ang pagsusuri at pag-unawa tungkol ng mga kababaihan at kalalakihan sa magkakaibang lipunan.
Basahin at sagutin
ang pagtatasa.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea

Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune
ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa 277 Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkultura
pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang
pangkat; Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa pagaaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa
mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa at
maging sa Estados Unidos.Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh
(nanangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito.
Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang
mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa
kanilang namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang
mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag
din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan.
Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin
ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan
bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

Pagtatasa 1. Timbangin Mo! Mangatwiran…


1. Ano ang pagkakatulad ng lalaki at babaeng taga Papua New Guinea?

2. Batay sa iyong nabasa, ano ang mga pagkakaiba sa gampanin ng mga pangkat na nakita ni
Mead at Fortune sa New Guinea? Gamitin ang t talahanayan sa ibaba.

Gampanin
Primitibong Pangkat
LALAKI BABAE

Arapesh

Mundugumor

Tchambuli
4.Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na napansin mo?

Gawain 2: Hagdan ng Pagbabago sa mga LGBT sa Pilipinas

Mga Pangyayaring na nagdulot ng pagbabago


10.

9.
Halimbawa:
6 .Dekada 60 - 5
8.
Pas - usbong 7.
4
ng Gay
Culture 3.
2.
1 .Halimbawa :
Pag -usbong
ng mga akda

Mga resulta ng pangyayari

Panuto: Punan ng tamang sagot ang graphic organizer. Maglista ng tatlo lamang na mga konseptong
batayan ng kaalaman natin tungkol sa kasarian o gender ipaliwanang ang kahulugan nito.
Pagtatasa 2: Pagpipili: Piliin ang sagot sa mga salita na nasa kahon.

Babaylan Homoseksuwalidad LADLAD


Lesbian Collective Imoralidad LAGABLAB

Halimbawa:
Lesbian Collective Ang organisasyong nagpapakita ng lesbian activisim sa Pilipinas
_________1. Ang kauna-unahang lobby group ng LGBT community.
_________2. Isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community.

_________3. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga


sinaunang priestess at shaman.
_________4. Ang mga akdang umusbong noong dekada 60 ay tumatalakay tungkol sa paksang
____________.

________5. Ang Ladlad bilang politikal na partido ay hindi pinayagan ng COMELEC noong 2010 na
halalan dahil sa basehang _________.

Gawain 3: Gender Timeline! Punan ang timeline ng mga kalagayan ng babae at lalaki sa
magkakaibang panaho.

Halimbawa:

Pagkakaroon ng binukot
Gawain na nakuha mula sa Draft Modyul ng Kontemporaryong Isyu,2017

Pagtatasa 3: Pagtukoy: Tukuyin ang mga pagbabago sa gampanin ng babae at lalaki kung ito ay
naganap sa mga sumusunod na panahon.

Panahong Pre-kolonyal Panahon ng Espanyol Panahon ng Amerikano


Panahon ng Hapones
Kasalukuyang Panahon

Halimbawa: Panahong Pre-kolonyal 1. Ang konsepto ng binukot.


_____________1. Pagkakaloob sa pantay na karapatan sa babae, lalaki at LGBT sa
pamamagitan ng batas.

_____________2. Pagbibigay ng bigay-kaya ng lalaki sa pamilya ng babaeng


mapapangasawa.

____________ 3. Ang babae ay inihanda upang mag-aruga sa kanyang pamilya, gawin


pantahanang tungkulin at manilbihan sa simbahan.
____________4. Mas malawak ang karapatang taglay ng lalaki kaysa sa babae.

____________ 5. Nagkaroon ng karapatang politikal ang mga kababaihan katulad ng


pagbot

ISAISIP

Panuto: Punan mo ang mga patlang sa bawat talata at graphic


organizer bilang paglalahat sa iyong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin.
Dapat mong tandaan na: Tapusin ang pangungusap

 Sa Africa at Saudi Arabia ay mga lugar na nakikitahan pa rin ng mahigpit na


_________________________________________________
__________________________________________________________________ na
nangangahulgang sa kasalukuyan ay ________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
 Ang isang halimbawa ng mga mahigpit at di makatarungang pangkasariang gampanin na
nakabatay sa kanilang kultura ay
__________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
Hindi ito makatwiran dahil _____________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

• Gampaning •Gampaning •Gampaning


nagbago nagbago nagbago
•1. •1. •1.

•2. •2. •2.


BABAE

LGBTQ
LALAKI

ISAGAWA
Dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain at may sapat ka ng pag-unawa
tungkol sa kasarian sa iba’t-ibang lipunan siguradong handa ka ng simulan ang sumusunod na
gawain. Inaasahang isasabuhay mo ang kaalaman at pag-unawang iyong natutunan sa paksang
tinalakay.
Gawain: Pagsulat ng Sanaysay

Isalaysay at Isabuhay

Sumulat ng sanaysay tungkol sa pangkasariang gampanin na nagpapakita ng hindi pantay na


pagtrato at karahasan sa kababaihan, kalalakihan at miyembro ng LGBT. Maaaring ito ay
naranasan mo o
naobserbahan sa iyong pamayanan o pamilyang kinabibilangan.

Maglahad ng mga patunay sa inyong binabanggit na isyung pangkasarian.

Ipaliwanag kung bakit mo itinuturing na ito ay karahasan. Idagdag

na rin ang mungkahing solusyon tungkol dito. Gawing gabay ang


sumusunod na pamantayan.

Rubric sa pagmamarka ng sanaysay

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Nilalaman NAKAMIT ANG BAHAGYANG HINDI


INAASAHAN NAKAMIT ANG NAKAMIT ANG
5 INAASAHAN INAASAHAN
4 3
*Malinaw na *Hindi malinaw
nailalahad ang *Bahagyang ang paglalahad sa
kahalagahan ng pag- malinaw ang kahalagahan ng
aaral sa isyung paglalahad sa pag-aaral sa
pangkasarian. kahalagahan ng isyung
pag-aaral sa isyung pangkasarian.
*Nakapagbigay ng pangkasarian.
tatlong (3) *Nakapagbigay ng
konkretong *Nakapagbigay ng isa (1) lamang na
halimbawa upang dalawang (2) konkretong
suportahan ang konkretong halimbawa upang
paliwanag. halimbawa upang suportahan ang
suportahan ang paliwanag.
paliwanag.

Organisasyon *Maayos na *Maayos na * Walang patunay


naipahayag ang naipahayag ang na organisado ang
pagkakaiba at ideya ngunit hindi paglalahad ng
pagkakaugnay ng mga ganap na na sanaysay.
tinalakay na nailahad ang
konsepto. ugnayan ng bawat
tinalakay na
konsepto.
Teknikalidad *Sumunod sa *Halos walang *May higit sa
pamantayan sa pagkakamali sa mga limang pagkakamali
pagsulat ng sanaysay bantas, sa pagsulat ng
tulad ng paggamit ng kapitalisasyon, sanaysay tulad ng
tamang bantas, paggamit at pagsulat paggamit ng
kapitalisasyon, ng mga salita.
tamang bantas,
paggamit at
kapitalisasyon,
pagsulat ng mga salita
paggamit at
pagsulat ng mga
salita

Kabuan

TAYAHIN

A. TSEK O EKIS: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at lagyan ng TSEK(√) ang unang
hanay kung ang bawat bilang sa ikalawang hanay ay nagpapahayag ng mga pangkasariang
gampanin ng magkakaibang kasarian sa Pilipinas.Ekis (X) naman kung hindi.
√oX Kalagayan/Gampanin
Halimbawa: Ang mga binukot ay itinuturing na prinsesa na hindi maaring makita ng
√ kalalakihan hanggang sa ito ay magdalaga.
1.Bukas ang mga paaralan noong panahon ng Kastila para sa mga kalalakihan lamang.

2.Malaki ang pagkiling sa mga lalaki noong panahong pre-kolonyal, Maari nilang
hiwalayan ang asawa nila sa pamamagitan ng pagbawi sa mga gamit o ari-arian sa
panahong sila ay nagsasama pa.
3.May pantay na karapatan ang kababaihan at kalalakihan noong panahon ng pre-
kolonyal.
4.Sa bahay at simbahan lamang umiikot ang mundo ng mga kababaihan sa panahon ng
pre-kolonyal.
5.Sa panahon ng mga Kastila ay nakamit ng kababaihan ang karapatan sa pagboto at
pakikialam sa isyu ng politika.

B. CROSSWORD PUZZLE Punan ang hinihingi ng bawat kahon


KARAGDAGANG GAWAIN
Environmental Scanning

Sa pagkakataong ito ng modyul ay maipapakita ang iyong pag-unawa sa mga mga gampaning
pangkasarian na iyong nakikita sa iyong lipunan. Ano nga ba ang mga nakikita at mga inaasahang kilos,

gampanin, pananalita ng mga kasarian sa ating lipunan? Batay sa mga obserbasyon mo, ano ang
iyong
masasabi sa pagbabagong gampanin ng babae, lalaki at LGBT sa kasalukuyang

panahon?

Sagot:

MAHUSAY! Binabati kita! Natapos mo na ang mga Gawain. Nabatid mo na bilang mag-aaral at
mamamayan ng kinabibilangang pamayanan, ay may tungkulin kang dapat gampanan ayon sa iyong
natutunan. Mahalagang alamin ang isyung pangkasarian upang unawain at igalang ang kapwa
anuman ang kasarian nito. Anumang magagandang bagay na natutunan ay magiging makabuluhan
kung ito ay isasabuhay. Ang taglay na kabatiran ay gamiting susi upang maging aktibong mamamayan
sa pagbuo ng matiwasay, mapayapa at maunlad na lipunan.

SUSING SAGOT
SANGGUNIAN
Academia. “Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan. Nabasa noong Mayo
29, 2020. Nakuha mula sa https://www.academia.edu/ 35618747/ ARALING_PANLIPUNAN
_10_ISYU_AT HAMONG PANLIPUNAN_Panimula _ at_Gabay _na_Tanong.

Ano ang Pinagkaiba ng Sex at Gender?. Mula sa https://aralipunan.com/ sex-at-gender/

Domingo, E.J. Ang Paghahanap Sa Huling Prinsesa: Ang Kalagayan Ng Mga

Binukot Sa Bayan Ng Tapaz, Capiz. Nakuha mula sa

https://manilatoday.net/ang-paghahanap-sa-huling-prinsesa-angkalagayan-ng-mga-
binukot-sa-bayan-ng-tapaz-capiz/.

Househusband Clip Art Google Images. Nakuha mula sa https://www.google. com.ph/search?


q=clip+art+of+question+marck&source=lmns&bih=73

0&biw=1517&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiFpaWurHsAhUHHKYKHT8

Rosemarie C. Blando et.al., Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba: Modyul para sa mga Mag-aaral
Pasig City: Eduresources Publishing, Inc.,2014,69,73.

Pinclip Art. Nakuha mula sa https://www.pinclipart.com/pindetail/hxmRbb _tech-time-advanced-


technology-technology-icon-clipart.

Domingo, E.J. Ang Paghahanap Sa Huling Prinsesa: Ang Kalagayan Ng Mga

Binukot Sa Bayan Ng Tapaz, Capiz. Nakuha mula sa

https://manilatoday.net/ang-paghahanap-sa-huling-prinsesa-angkalagayan-ng-mga-
binukot-sa-bayan-ng-tapaz-capiz/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet
Telepono: 074 422 6570
Email Address: benguet@deped.gov.ph

You might also like