You are on page 1of 5

Panuto: Lagyan ng tsek ( ✔ ) ang hanay na nagpapakita ng iyong saloobin tungkol sa mga sumusunod:

(4) – palaging nangyayari (3) – madalas na nangyayari


(2) – madalang na nangyayari (1) – hindi nangyayari

I. Estratehiya sa Pagtuturo

4 3 2 1
1. Itinuturo sa mga mag-aaral kung paano makilala ang iba’t ibang uri ng
diskriminasyon lalo na sa kasarian.
2. Gumagamit ng akmang wika sa pagtukoy upang hindi magkaroon ng
diskriminasyon sa loob ng klase.
3. Naipapaliwanag ng may pantay na karapatan ang babae at lalaki sa
pamumuno,pagbuo ng desisyon, at pamamahala ng gawain ng isang pamilya o
organisasyon na nakakapekto sa kanilang pamumuhay at gawain
4. Panghihikayat sa mga mag-aaral na lumikha ng sarili nilang kagamitan, tulad
ng mga sanaysay o artikulo tungkol sa mga usaping pangkasarian.
5. Naipaliliwanag ng kahalagahan ng pag-unawa, pagtanggap at pagrespeto sa
kapwa at sa mga usaping may kinalaman sa kasarian.

II. Kagaming Panturo

4 3 2 1
1. Ang ginagamit na silabus sa Filipino ay may integrasyong gender-based.
2. Nasisiguro na ang ginagamit na mga halimbawang akda ay tumutulong upang
mabawasan o mawala ang gender bias, diskriminasyon at karahasan laban sa
kababaihan, kabataan at mababang tao sa lipunan.
3. Gumagamit ng mga batayang aklat at mga sanggunian na nagtataguyod ng
konsepto, paksa at pagpapahalaga para sa gender sensitivity.
4. Gumagamit ng mga dokumentaryo, balita at iba't ibang materyales na
nakatutulong upang magbigay ng masusing impormasyon ukol sa mga isyu ng
kasarian na nararanasan saan mang dako ng mundo.
5. Gumagamit ng iba’t ibang social media platforms upang magkaroon ng
malawak na kamalayan at maisulong ang pantay na pagtingin at pagpapahalaga
sa iba’y ibang kasarian.

III. Pagsasanay

4 3 2 1
1. Nagsasagawa ng mga pagsasanay at aktibidad na mas lumilinang ng kaalaman
tungkol sa mga isyu ng kasarian at pagkakapantay-pantay sa lipunan.
2. Nagbibigay pagkakataon sa mga mag-aaral na makapagbahagi ng kanilang
mga opinyon at karanasan tungkol sa iba’t ibang diskriminasyon lalo na sa
kanilang kasarian.
3. Gumagamit ng mga pagsusulit upang matasa ang kaalaman, kasanayan,
abilidad, kahinaan at kalakasan ng bawat mag aaral tungkol sa usaping
pangkasarian at pagkakapantay-pantay ng kasarian.
4. Paghahanda ng mga pagtatanghal tulad ng role-playing, teatro at iba pa para sa
mag-aaral upang maipakita ang pagkakaroon ng kamalayan at pang-unawa sa
mga isyu ng kasarian.
5. Humihingi ng feedback at ebalwasyon mula sa mga mag-aaral at kapwa guro
upang malaman kung paano mapabuti ang pagtuturo na may integrasyong
gender-based.
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot.

I. Gender Role
____1. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa gender roles sa kasalukuyang
panahon, maliban sa
A. Pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon
B. Pag-iigting ng mga batas para sa gender equality
C. Pagprepreserba ng kultura at tradisyon *
D. Pagbibigay tugon sa mga pangkabuhayang panganagailangan

____2. Sinasabing ang mga babae ay inaasahan sa gawaing bahay at ang mga lalaki ay nagtatrabaho sa labas para
itaguyod ang pamilya. Ang pahayag na ito ay _____.
A. Tama sapagkat ito ang kultura at tradisyon na ating kinagisnan.
B. Tama sapagkat ginagampanan nila ang nararapat para sa kanilang kasarian.
C. Mali sapagkat ngayon ay isinusulong na ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng bawat kasarian.*
D. Mali sapagkat ang mga lalaki ay kaya ring isagawa ang gawaing bahay at ganundin ang kabahahaihan.

____3. Ano ang gender roles?


A. Kamulatang pangkasarian
B. Pagkakaiba ng kakayahan sa pagitan ng babae at lalaki
C. Pangkat ng mga pamantayan ng pag-uugali na itinuturing na akma sa kasarian o angkop sa lipunan.
D. Tungkulin o papel kung saan kaakibat nito ang responsibilidad na kailangang gampanan ng bawat isa.*

____4. Masasabi ba na maaaring magbago gender role sa ating lipunan?


A. Opo, masasabi na nagbabago ito sapagkat ang mga lalaki ay maaari naring gawin ang mga gawaing bahay
sa kasalukuyang panahon.
B. Opo, nagbabago ito sapagkat bukas na ang ating lipunan sa pagkakapantay-pantay, maging sa gampanin ng
tao sa lipunan.
C. Hindi, may mga kultura at tradisyon tayo na dapat sundin.
D. Hindi sapagkat ang gender role ay ang nakaatang na responsibilidad at gampanin ng kung anong kasarian
nabibilang ang isang tao.

____5. Ano ang masasalamin mo sa usaping gender role sa ating lipunan noon at ngayon?
A. Ang mga kababaihan noon ay sa bahay lamang at ang mga lalaki ay nagtatrabaho sa labas gayundin sa
panahon ngayon
B. Noon, nasa bahay lamang ang kababaihan, nag-aalaga ng anak at gumagawa ng mga gawaing bahay, ang
mga kalalakihan naman ang nagtatrabaho sa labas at nagbabanat ng buto samantalang ngayon mga
kababaihan na lamang ang nagtatrabaho at gumagawa ng lahat ng gawain
C. Ang mga kababaihan noon ay sa bahay lamang at hindi maaaring magdesisyon para sa kanilang pamilya at
ang mga kalalakihan lamang ang may kakayahang magdesisyon at itaguyod ang pamilya samantalang
ngayon ay wala ng pamantayan na kasarian sapagkat lahat ay may karapatan
D. Ang mga gawain noon ay para sa kalalakihan lamang at ang mga gawain naman ngayon ay para sa
kababaihan lamang

II. Gender Sensitivity


____1. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong nakakasama simula noong kayo ay
bata pa at para na kayong magkapatid ngunit inilihim niya ito sa iyo. Matapos matuklasan ang kanyang
oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Pananatilihin ko ang aming pagkakaibigan at tatanungin tungkol sa bagay na ito.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Irerespeto ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at tatanggapin ko kung sino siya.*
____2. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong kontribusyon upang maipakita ang pagkakapantay-
pantay ng bawat tao sa lipunan?

A. Makikisama sa mga protesta sa lansangan na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay.


B. Mag-status sa facebook tungkol sa masamang trato ng iyong kapwa.
C. Sasali sa mga organisasyon ng paaralan na humihikayat ng pagkakapantay-pantay ng bawat tao.*
D. Pagsuporta sa mga pelikula na may tema ng pagkakapantay-pantay.

____3. Ang ina ang siyang tinaguriang ilaw ng tahanan, siya din ang nagsisilbing tagapangalaga hindi lamang
ngkapakanan ng iisang miyembro kundi ng lahat ng miyembro ng pamilya. Marami sa mga tao ang naniniwala na
ang
buhay ay masaya kung ang ina ng tahanan ay masaya. Ika nga “Happy Wife, Happy Life”. Sa bigat ng
responsibilidad na nakaatang sa balikat ng isang ina, kadalasan mas inuuna na niya ang kapakanan ng kanyang mga
anak kaysa sa kanyang sarili hanggang sa punto na sila ay magtitiis sa kalupitan ng ilang mga asawa para lamang
hindi masira ika nga ang buhay ng kanilang mga anak. Makatwiran ba ang paniniwalang ito?

A. Hindi, sapagkat ang kinabukasan ng mga anak ay hindi nakasalalay sa desisyong gagawin ng isang ina
kundi sa kanilang sarili mismo.
B. Hindi, dahil ang mga batang lumalaki sa tahanang madalas kakitaan ng karahasan ay kalimitang lumalaki
ring marahas.*
C. Oo, sapagkat ang mga anak ay wala pang muwang na intindihin ang mga pangyayaring nagaganap sa
kanilang paligid.
D. Oo, dahil kapag hindi natutong magtiis ang isang ina tuluyang masisira ang kinabukasan ng kaniyang mga
anak.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon:


I. Sina Sharon at Richard ay nagtatalo tngkol sa kanilang kaibigan na si Patricia. Napansin ni Sharon na
mayroong maraming pasa sa kamay at balikat si Patricia, mayroon din itong black eye na gawa ng
pambububog ng asawa nito. Gusto ni Sharon na magsumbong sa awtoridad, ngunit ayon kay Richard
tama lang ito kay Patricia upang maipakita kung sino talaga ang “boss” sa bahay. Ngunit hindi nakinig
si Sharon, ipinaglaban niya ang karapatan ni Patricia at isinumbong ang insidente.

II. Si Susan ay nagmula sa isang tradisyonal na pamilya. Bata pa lang siya ay ipinagkasundo na ng
kanyang mga magulang na ikakasal siya sa isa sa mga anak na lalaki ng kaibigan nila. Kahit hindi niya
gustong pakasalan ang lalaki, hindi niya magagawa na suwayin ang mga magulang.

4. Ano ang pangkahalatang mensahe ng mga sitwasyon na iyong binasa?

A. Tinatanggap na ng lipunan ang kakayahan at karapatan ng mga kababaihan kaya naman maaari nilang
isulong ang kanilang karapatan.
B. Ang kakulangan sa kamalayan sa mga batas at hamon tungkol sa kasarian ay nagdudulot ng lipunang
walang respeto at hindi pagkapantay-pantay.*
C. Ang pagtaguyod sa karapatan ng bawat isa ay responsibilidad ng mga magulang .
D. Ang pamahalaan ay hindi dapat nakikialam sa mga isyung pampamilya.

____5. Napag-alamang sa inyong bayan ay maraming mga bata at kababaihan ang inaabuso ng mg miyembro ng
kanilang sariling pamilya. Hindi nga lamang ito naipaaabot sa polisya o sa kinauukulan dahil sa paniniwala na
walang miyembro ng pamilya ang bibitaw sa isa’t-isa. Ikaw ay batang lumaki sa siyudad subalit dahil sa paglipat ng
trabaho, napilitan ka at ng iyong pamilya na bumalik sa inyong bayan upang doon na ipagpatuloy ang pag-aaral. Sa
eskuwelahan, ikaw ay itinalaga ng iyong Scout Master na siyang kinatawan ng paaralan para sa Chief Medal Girl
Scout Award, isang patimpalak para kilalanin ang mga Girl Scout sa buong Pilipinas na may malaking kontribusyon
sa pagpapabuti ng lipunang kanilang kinabibilangan. Ang proyektong naisip mo na gagawin ay ang pagbabago sa
paniniwala ng iyong mga ka-tribo ukol sa pagtatago sa karahasang nangyayari sa mga bata at babaeng miyembro ng
kanilang pamilya. Paano mo kaya ito isasagawa?
A. Gagawa ka ng dokumentaryo ukol sa karahasang nagaganap sa mga kabataan at kababaihan at ipapanood
ito sa mga kaklase upang magkaroon sila ng kaalaman ukol sa mga pangyayaring ito .
B. Bubuo ka ng isang grupo na gagawa ng isang Case Analysis na magpapatunay sa pagkakaroon ng
karahasan sa inyong lugar at ipi-prisenta ito sa mga guro, at kinauukulan para sa nararapat na aksiyon gaya
ng kampanya para sa kaalaman at responsibilidad ng mga mamamayan.*
C. Magsasagawa ng isang Forum kung saan tatalakayin ang mga epekto ng karahasan sa mga bata at mga
kababaihan lalo na sa kanilang pisikal, emosyonal, at sikolohikal na aspeto.
D. Maglalathala ng isang artikulo sa mga pahayagang nakaaabot sa iyong bayan na tumutuligsa sa karahasang
nagaganap sa mga bata at kababaihan dito.

III. Gender Equality

____1. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Ito ang kulturang kinagisnan ng mga kababaihan at kalalakihan noong unang panahon.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa at pagsilbihan ang isang lalaki.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa.
D. Ipinakikita na hindi balanse ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.*

____2. 3. Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa pagkukunan
ng kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito?
A. Pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B. Pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
C. Patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D. Pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho*

____3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng pagkakapantay-pantay ng kasarian?
A. Malayang nagpoprotesta ang mga kababaihan upang isulong ang kanilang mga karapatan.
B. Bawat indibidwal ay malayang sundin ang anumang nais nilang gawin dulot ng bugso ng damdamin.
C. Anumang kasarian ay malayang tinatamasa ang karapatang nararapat para sa kanila sa lipunang
ginagalawan.*
D. Kailangang sundin ng pamahalaan ang lahat ng nararapat para kanilang nasasakupan.

____4. Paano maitataguyod ang isang pamayanang may paggalang at respeto sa kapwa tungo sa pagkakapantay-
pantay?
A. Pairalin pa rin ang mga tradisyonal na gender roles upang maiwasan ang mg alitan na bunga nito.
B. Huwag suwayin ang mga pangrelihiyon na mga paniniwala patungkol sa kasarian upang maka-iwas sa
kaguluhan.
C. Paigtingin ang kampnaya para sa gender equality upang magkaroon ng kamalayan sa batas at hamon sa
kasarian.*
D. Galangin ang tradisyon at kulturang kinagisnan ng bawat lipunan .

____5. Bakit nagkakaroon ng mga diskriminasyong pangkasarian sa kasalukuyang panahon?


A. Marami pa din ang walang pakialam sa usapin ng diskriminasyon.
B. Dahil sa kinakalakihang kultura kaya naniniwala pa rin ang karamihan na ang lugar ng kababaihan sa
lipunan ay sa bahay lamang
C. May mga lipunan na kulang ang kanilang kamalayan sa mga isyu, hamon at batas na may kaugnayan sa
kasarian*
D. Mababa pa rin ang tingin sa kababaihan dahil nakatatak sa isipan ng karamihan na ang babae ay mahina at
kaunti lamang ang kakayahan
IV. Woman Empowerment
____1. Ang mga kababaihan sa ngayon ay maaari naring mamuno ng bansa at maging kabahagi sa pagtataguyod ng
pamilya. Ang pahayag na ito ay ______
A. Mali dahil ang kababaihan ay inaasahan sa mga gawaing bahay at nag-aalaga ng mga anak.
B. Mali dahil ang mga gawaing ito ay para sa kalalakihan lamang
C. Tama dahil tanggap narin sa lipunan na magtrabaho ang kababaihan.
D. Tama dahil tinatanggap na sa ating lipunan ang pagsulong sa karapatan ng kababaihan.*

____2. Ayon sa ulat ng NCSB, kapansin pansin na sa loob ng mga nagdaang taon, tumataas ang bahagi ng
kababaihan sa tinatawag na labor force. Subalit, nanatiling malaki pa rin ang agwat sa pagitan ng kalalakihan at
kababaihan kung “labor force participation rate” ang pag-uusapan. Paano maitataguyod ang pagkapantay-pantay sa
lipunan at maiwasan ang malaking agwat ng kalalakihan at kababaihan?
A. Pag aralan ang mga isyu tungkol sa usaping pangkasarian
B. Gumawa ng adbokasiya na nagsusulong ng pagkapanatay-pantay*
C. Sundin ang gender roles na inaasahan ng lipunan
D. Hayaan na lamang ang sitwasyon sapagkat mas may kakayahan ang kalalakihan.

____3. Nalalapit na ang araw upang kayo ay pumipili ng bagong mamumuno ng inyong samahan. Ang isang
kwalipikadong babae ay nagpapahayag ng kanyang interes upang pamunuan ang samahan ngunit nalaman mo na
ang ilang miyembro ay nagpapalitan ng kanilang mga opinyon ukol dito dahil siya ay isang babae. Ano ang itutugon
mo sa sitwasyong ito?

A. Ipagmalaki ang mga kababaihan dahil tayo ay nasa moderno ng panahon.


B. Imungkahi na isaalang-alang ang isang lalaking lider upang maiwasan ang potensyal na salungatan.
C. Manahimik at hayaan ang iba na magdesisyon ng kanilang nais iboto dahil kalayaan nila ito.
D. Ibahagi ang nakita mong potensyal niyang kakayahan at kwalipikasyon na hindi bumabase sa kasarian.*

____4. Sa kasalukuyang panahon nauuso ang tinatawag na house husband, ano ang implikasyon nito?

A. Kaya na din ng mga lalaki ang gawaing bahay


B. Karamihan na sa mga lalaki ngayon ang gumagawa ng mga gawang bahay
C. Pantay na ang kababaihan at kalalakihan pagdating sa mga gawaing bahay
D. Pagkakapantay ng mga kababaihan at kalalakihan sa lahat ng aspeto ng buhay*

____5. Si Julie ay isang housewife na may tatlong maliliit na anak. Ang kaniyang asawang si Jimmy ay
naghahanapbuhay sa malapit na pagawaan ng sapatos, Isang araw, nagsara ang pinagtatrabahuhan ni Jimmy at
nawalan siya ng hanapbuhay. Mula sa sitwasyong ito, ano ang maaring mangyari na makabubuti para sa pamilya
nina Julie at Jimmy?

A. Manghihingi sila ng tulong sa awtoridad para matugunan ang pangangailangan nila.


B. Kapwa susubukan ng mag-asawa na maghanap ng ikabubuhay para sa kanilang pamilya.*
C. Aasa ang kanilang pamilya sa mga kamag-anak upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan .
D. Kahit malakas ang pangangatawan nito, pipiliin ni Jimmy na maging house husband habang ang kaniyang
asawa ay housewife.

You might also like