You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon Sa Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan: Modyul 3
DIGNIDAD KO, PAHAHALAGAHAN KO!

Pangalan ng Mag-aaral:___________________________
Baitang at Seksyon:______________________________
Paaralan:_________________________________________
Alamin

Sa araling ito, tatalakayin ang mga mga isyung may kinalaman sa


kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao. Bilang tao,
inaasahan tayong maging magalang sa pagkatao ng tao.
LAYUNIN:
Inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa
ng mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa


dignidad at sekswalidad ng tao.
2. Napahahalagahan ang paggalang sa dignidad at sekswalidad sa
pamamagitan ng pagtalilis o pag-iwas sa mga isyung may kinalaman sa
kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao.
3. Nakapagbibigay ng katwiran sa mga dahilan ng pagkakasangkot ng mga
kabataan sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad ng tao.
EsP10PI-IVb-13.3

Subukin

Magandang araw! Sa gawaing ito, makikita natin kung hanggang saan


na ang kaalaman mo sa aralin na nasa modyul na ito.
Sa ngayon, ilabas mo lang ang iyong nakaimbak na kaalaman na nasa
iyong isipan habang sinasagot mo ang sumusunod na gawain!

Panuto: Suriin ang bawat pahayag na may kaugnayan sa kawalan ng


paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao. uTukuyin lamang ang
letra ng tamang sagot at bilugan ito.

1. Sino ang tunay na nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa kanilang


dignidad?
A. Mga lalaki at babaeng nagpapakita ng kanilang hubad na sarili sa
internet. Dahil sa paniniwalang, nakikita lang naman ito at hindi
nahahawakan.
B. Ang mga lalaki at babaeng nagbebenta ng sarili dahil sa mabigat
na pangangailangan sa pera.
C. Ang lalaki at babaeng ipinagbuklod ng kasal saka nakipagtalik sa
isa’t isa.
D. Ang mga lalaki at babaeng adik sa panonood ng pornograpiya.

1
Ikaw ay “in a relationship”, ng dahil dito, sinisikap mong makaiwas sa
mga mapanuksong sitwasyon upang patuloy mong mapapahalagahan
ang iyong dignidad sa ganitong paraan gayundin ang pagsasakatuparan
sa iyong sinumpaan sa batas ng scout.

2. Aling bahagi sa panunumpa ng scout ang iyong naipamamalas batay sa


sitwasyong binanggit sa itaas?
A. Pamalagiing malakas ang katawan C. Marangal ang asal
B. Gising ang isipan D. Matapang
3. Bakit mahalagang makasal muna ang isang babae at lalaki bago
magkakaroon ng pagtatalik?
A. Sapagkat ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay mas
kapanapanabik.
B. Sapagkat ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng
kaluguran.
C. Sapagkat ang pakikipagtalik sa loob ng konteksto ng kasal ay
nagpapahayag ng paggalang, komitment at dedikasyon sa katapat na
kasarian.
D. Sapagkat ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng
kalayaan.
4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa premarital sex?
A. Gawaing paglilibang ng isang babae at lalaki na nasa tamang edad
subalit hindi pa kasal.
B. Gawaing pagtatalik ng matalik na magkaibigang lalaki at babae.
C. Gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na nasa wastong edad
na.
D. Gawain ng mga kabataang magkasintahan sa kasalukuyang
panahon.
5. Ayos sa Pag-aaral, ano ang karaniwang nagtutulak sa karamihan sa mga
taong nasasangkot sa prostitusyon?
A. Iyong mga nakaranas ng karangyaan sa buhay.
B. Naghahanap lamang ng aliw sa buhay.
C. Iyong mga nakaranas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang
muwang kung kaya’t madali silang makontrol.
D. Iyong mga nakaranas ng sobrang pagmamahal sa mga magulang.
6. Bakit mas pinipili pa rin ng ilang mga kababaihan ang pagbebenta ng
panandaliang aliw o pagsasangkot sa sarili sa prostitusyon bagamat alam
nilang masisira nito ang kanilang dignidad o reputasyon?
A. Dahil hindi mahalaga sa kanila ang kanilang reputasyon.
B. Dahil nasasadlak sila sa kahirapan at wala silang magawa kaya
kahit sa patalim, kumakapit.

2
C. Upang makisabay sa kanilang mga katropa na ganoon din ang
trabaho.
D. Dahil mas pipiliin nila ang sariling kaligayahan kaysa sasabihin ng
ibang tao.
7. Kailan nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng
Diyos ang isang lalaki o babae?
A. Kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata.
B. Kapag nagsisimula ng pumuti ang kaniyang mga buhok o
nakakalbo na.
C. Kapag marunong na siyang kumilala sa kung ano ang tama o mali.
D. Kapag tanggap na ni babae at lalaki ang isa’t isa.
8. Paano nagaganap ang isang seksuwal na pang-aabuso?
A. Kapag walang panggagahasa at seksuwal na panghahalay na
naganap.
B. Kapag nagpagahasa ang isang babaeng umiibig sa kanyang
kasintahan.
C.Kapag may panggagahasa at seksuwal na panghahalay na naganap.
D. Kapag ramdam lang ng isang babae na in abuso siya.
9. Paano mo tutuparin ang iyong sinumpaang pangako sa Diyos at sa ating
bayan ang pagiging laging gising ang isipan bilang isang scout?
A. Laging magmasid sa paligid. Isuplong kaagad sa pulis ang mga
taong nakikitaang nagsasagawa ng seksuwal na pang-aabuso sa
kapwa.
B. Huwag pakialaman ang mga taong nagsasagawa ng isang seksuwal
na pang-aabuso bilang proteksiyon sa sarili at sa pamilya.
C. Talamak na ang pang-aabusong seksuwal sa ating lipunan kaya
ayos lang na lagi natin itong nasasaksihan sa ating paligid.
D. Hindi na matutulog sa gabi upang hahanapin ang mga taong
nagsasagawa ng seksuwal na pang-aabuso.
10. Paano mo matitiyak o masisiguro na wagas ang pagmamahal ng iyong
kasintahan sa iyo?
A. Kung mayroon itong hinihinging kapalit sa akin.
B. Kung lagi akong sinusundo sa paaralan gamit ang kanyang
motorsilo.
C. Kung wala itong hinihinging kapalit sa akin.
D. Kung lagi itong nag-vi-video call sa akin

3
Modyul Dignidad Ko,
3 Pahahalagahan Ko!

Balikan

Gawain 1: Punan Mo!


Ang gawaing ito ay isang maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Panuto: Kompletuhin ang bawat pangungusap gamit ang mga parirala o


salitang nasa loob ng kahon.

pamilya kalayaan
nararapat na isang mabuting kilos pananagutan
paggalang sa sarili at sa iba

1. Tayo ay malaya. Ngunit ang _______________ ay hindi nangangahulugang


malaya na tayong piliin kung ano ang gusto nating gawin.

2. Ang malinaw na posisyon o pagpapasiya tungkol sa isang isyo sa kawalan


ng dignidad at seksuwalidad ay ________________________________________.

3. Sumusunod o naaayon sa batas, may mataas na pagpapahalaga at


_______________________________ ay ang mga iba pang malinaw na posisyon o
pagpapasiya tungkol sa isyu sa kawalan ng dignidad at seksuwalidad.

4. Ang tunay na pagmamahal ay bukas sa katotohanang dapat ito ay


humantong sa ______________________________.

5. Ang kalayaan ay may kaangkop na ____________________________.

Mahusay! Ako’y natutuwa sapagkat alam kong malawak na ang


iyong pagkaunawa sa nakaraang paksa. Sa puntong ito siguradong
ikaw ay handang-handa nang alamin ang inihanda kong bagong
aralin para sa araw na ito.

4
Tuklasin
Gawain 2: Mamili ka!
Sa bahaging ito, tutuklasin mo ang bagong aralin sa pamamagitan ng
isang sitwasyon. Isipin mo lamang na ikaw ang nasa katayuan ng
pangunahing karakter.

Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral


dahil naniniwala kang ito ang makakaahon sa inyo sa kahirapan.
Nagtutulong-tulong ang iyong pamilya upang makapagtapos ka ng
pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na mahal mo. Isang
araw nagyaya siyang pumasok kayo sa isang hotel upang
mapatunayan ang iyong pagmamahal sa kanya. Sabi niya, kung hindi
mo ito kayang patunayan, iiwan ka niya at magpapakamatay siya.
Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti-unting naabuso ng
nobyo ng kaniyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa
kaniyang ina. Hinihikayat siya ni Bing na gawin ang pagsabi sa
kaniyang ina ng mga nararamdaman subalit sinabi ng ina ni Clarissa
na bibibiro lang siya ng nobyo nito kaya huwag masyadong
seryosohin.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Alin ang iyong susundin, ang iyong pangarap na makaahon sa kahirapan
sa buhay o ang iyong puso, ang pagbigyan ang iyong kasintahan sa loob ng
hotel bilang pagpapatunay sa iyong pagmamahal sa kanya? Bakit?

2. Bakit hindi tunay o wagas ang isang pagmamahalan kung ito ay humihingi
ng kapalit?

3. Nagpapatunay bang ginagalang ka niya bilang isang babae nang himukin


ka niya papuntang hotel?

5
Suriin

Mga Isyung Moral Tungkol Sa Kawalan Ng Paggalang Sa


Dignidad At Seksuwalidad Ng Tao
Pagtalik bago ang kasal (Pre-marital sex)
Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi
sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng
pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit siya ay may kakayahang
pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maari na siyang
makipagtalik at magkakaroon ng karapatang makipagtalik.
Ano ba ang premarital sex? Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae
at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
Madalas gumagamit ng mga salita para mapapayag ka sa pre-marital
sex. Pero ito ba ang pinakamataas na paraan upang ipahayag ang pag-ibig?

“Mahal, kung talagang love mo ako papayag ka na gawin natin ito. Ito ay
‘expression’ ng pag-ibig natin.” Ang mga salitang ito ang kalimitang ginagamit
para mapapayag ka sa pre-marital sex. Pero ito ba ang pinaka-importanteng
paraan para maipakita ang pagmamahal? Sa ating lipunan madalas ipinakakalat
ang iba’t ibang uri ng kasinungalingan tungkol sa pakikipag-relasyon.

Ang karaniwang mga dinadahilan sa pakikipagtalik ng walang kasal o pag-aasawa


ay:
• *Gusto n’yong ma-enjoy ang panahon na kayo’y magkasama;
• *Ikakasal rin naman kayo kaya bakit pa kailangang maghintay;
• *Gusto mo munang subukan kung bagay nga kayo bago kayo magpakasal;
• *Gagamit kayo ng contraceptives para hindi mabuntis;
• *Wala pa kayong pera para magpakasal at marami pang iba.

Ang seksuwal na pakikipagtalik ay kaloob mula sa Diyos, isang kaloob na dapat


gamitin sa angkop na panahon—kapag kasal na ang isa. Ito ay para magdulot ng
kaligayahan sa konteksto ng pag-aasawa at pagpapalago ng pamilya. Kung ginagawa
ito sa labas ng kasal, ito ay KASALANAN at talagang pagsuway sa utos ng Diyos. Ano
kaya ang madarama ng Diyos kapag nakipagtalik tayo nang hindi kasal? Buweno,
gunigunihin na bumili ka ng regalo para sa isang kaibigan. Bago mo maibigay ito sa
kaibigang iyon, ninakaw niya ito! Hindi ka ba magagalit? Kung gayon, isip-isipin
kung ano ang nadarama ng Diyos kapag nakikipagtalik ang isang tao bago ang kasal,
anupa’t ginagamit sa maling paraan ang kaloob na ibinigay ng Diyos.

Kapag patuloy na ginagawa ito, madalas maaari rin itong magdulot ng


panghabambuhay na epekto sa pisikal (pregnancy), sa emosyon (guilt,
distrust, broken hearts), at sa relasyon (broken relationships, single
parenting). Ang pakikipagtalik ng hindi kasal ay nagpapahayag din ng
kawalan ng paggalang, komitment at dedikasyon sa katapat na kasarian at
higit sa lahat sa ating Panginoon na Siyang lumikha sa atin.

6
Kung ikaw ay “in a relationship”, umiwas sa mga mapanuksong
sitwasyon upang patuloy mong mapapahalagahan ang iyong dignidad
sa ganitong paraan. Ang iba nga nagdadahilan pa na ito ay “bigla na
lang nangyari.” Maaari mo namang iparamdam ang iyong pagmamahal
sa pamamagitan ng ibang paraan na nakakalugod pa sa Diyos. At higit
sa lahat, maipapahayag mo ito ng lubusan sa “commitment of marriage”.
Kung ang lahat ng ito ay kulang pa para makumbinse ka,
tandaan mo ang nakasulat sa Biblia. Ang ating katawan ay templo ng
Diyos. Tayo ay may tungkulin na panatilihin itong banal at dalisay.
Huwag pumayag sa pre-marital sex at piliin ang parangalan ang Diyos.

Pornograpiya
Ang pornograpiya ay nanggagaling sa dalawang salitang
Griyego,”porne” na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na
paglalarawan na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng
nanonood o nagbasa.

Mga Pang-aabusong Seksuwal


Ang pang-aabusong sekswal o kilala rin sa tawag na
pangmomolestiya ay pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na
pag-uugali ng isang tao sa iba. Kung ito ay agarang pamumwersa ng
maiksing durasyon o madalang, ito ay tinatawag na sekswal na
panghahalay. Ang may-sala ay tinatawag bilang isang mang-aabusong
sekswal o (madalas na nakasisira) tagamolestiya. Ang kataga ay
sumasaklaw din sa anumang pag-uugali ng sino mang may sapat na
gulang tungo sa isang bata upang pasiglahin ang sino man sa dalawa
ukol sa gawaing sekswal. Kung ang biktima ay mas bata kaysa sa edad
ng pagpapahintulot, ito ay tinutukoy na pang-aabusong seksuwal sa
bata.

Maraming mga uri ng seksuwal na pang-aabuso kabilang ang:


• Hindi-napahintulutan, sapilitang pisikal na seksuwal na
pag-uugali (panggagahasa at seksuwal na panghahalay
• Hindi ninanais na paghawak o panghihipo, sino man sa
isang bata o isang matanda
• Seksuwal na paghalik, panghihipo, pagpapakita ng ari ng
lalaki o babae at pamboboso, pagtatanghal at hanggang sa
seksuwal na panghahalay
• Pagpapakita sa isang bata ng pornhub
• Pagsasabi ng mga mapagmungkahing salitang seksuwal sa
isang bata (pangmomolestiya sa bata)
• Kasama rin dito ang di-pinahihintulutang pananalitang
seksuwal na pangangailangan tungo sa isang matanda.

7
• Ang paggamit ng posisyon ng tiwala upang mamilit kung hindi
man hindi ginustong sekswal na aktibidad na walang pisikal
na pamimilit (o maaaring humantong sa tangkang
panggagahasa o sekswal na panghahalay)
• Insesto (tingnan din ang seksuwal na paglihis)
• Iba pang anyo ng seksuwal na pang-aabuso

Prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siya ang pinakamatandang
propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit
ng pera. Dito, binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong
umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal.

Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa


ganitong gawain ay iyong mga nakaranas ng hirap, hindi nakapag-
aral at walang muwang kung kaya’t madali silang makontrol.
Mayroon din namang may maayos na pamumuhay nakapag-aral
ngunit marahil ay naabuso noong bata pa. dahil dito nawala ang
kanilang paggalang sa sarili at tamang pagkilala kung kaya’t
minabuti na lang nilang ipagpatuloy ang kanilang masamang
karanasan.

Pagyamanin

Gawain 3: Tukuyin Mo!


Tukuyin ang mga mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang
sa dignidad at seksuwalidad ng tao. Ipaliwanag ang bawat isyu. Ilahad din
ang epekto nito sa dignidad at seksuwalidad ng tao.

Panuto: Ilagay sa loob ng graphic organizer ang bawat isyung moral tungkol
sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao, gayundin ang
bawat kahulugan nito. Huwag ding kaligtaang isulat sa loob ng kahon ang
maaring maging epekto nito sa dignidad at seksuwalidad ng tao.

8
Mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang
sa dignidad at sekswalidad ng tao.

Epekto sa dignidad at seksuwalidad ng tao

Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos


Pamantayan Kaukulang Puntos na
Puntos Nakuha
Nilalaman 10
Kalinawan ng Pagpapaliwanag 5
Paglalahad ng ideya 5
Kabuuan 20

9
Isaisip
Gawain 4.1: Sagutin mo!

Sa gawaing ito, inaasahan na maipamamalas ang naging lawak ng


kaalaman at pag-unawa sa paksa.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang iyong
pangangatwiran sa porma na nasa ibaba.

1. Anong mga aral ang iyong natutuhan sa ating aralin ngayon?


Ipaliwanag sa iyong sariling pagkaunawa.

_____________________________________________________

2. Bakit nga ba nangyayari ang mga pang-aabusong seksuwal sa ating


lipunan ngayon? Pangatwiranan ang iyong sagot.

3. Bakit may mga taong nasasangkot sa prostitusyon?

Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos


Pamantayan Kaukulang Puntos na
Puntos Nakuha
Nilalaman 10
Wastong pangangatwiran 5
Paglalahad ng ideya 5
Kabuuan 20

10
Isagawa

Gawain 4.2: Pangatwiranan mo!


Ang gawaing ito ay makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad sa buhay.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga


kasagutan sa mga nakalaang patlang.

Bakit kinakailangang iwasan mo ang mga sumusunod na isyu bilang


pagpapahalaga at paggalang sa iyong dignidad at seksuwalidad na
pagkatao? Pangangatwiranan.

1. Pre-marital sex

2. Pornograpiya

3. Pang-aabusong seksuwal

4. Prostitusyon

Kraytirya sa Pagbibigay ng Puntos

Pamantayan Kaukulang Puntos na


Puntos Nakuha

Kaangkupan ng Nilalaman 8
Kaayusan sa Pagsulat 6

Gramatika 6
Kabuuan 20

11
Tayahin

Panuto: Suriin ang bawat pahayag na may kaugnayan sa kawalan ng


paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao. Tukuyin lamang ang letra
ng tamang sagot at bilugan ito.

1. Kailan nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng


Diyos ang isang lalaki o babae?
A. Kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata.
B. Kapag nagsisimula ng pumuti ang kaniyang mga buhok o
nakakalbo na.
C. Kapag marunong na siyang kumilala sa kung ano ang tama o mali?
D. Kapag tanggap na ni babae at lalaki ang isa’t isa
2. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa premarital sex?
A. Gawaing paglilibang ng isang babae at lalaki na nasa tamang edad
subalit hindi pa kasal.
B. Gawaing pagtatalik ng matalik na magkaibigang lalaki at babae.
C. Gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na nasa wastong edad
na.
D. Gawain ng mga kabataang magkasintahan sa kasalukuyang
panahon.
3. Paano nagaganap ang isang seksuwal na pang-aabuso?
A. Kapag walang panggagahasa at seksuwal na panghahalay na
naganap.
B. Kapag nagpagahasa ang isang babaeng umiibig sa kanyang
kasintahan.
C.Kapag may panggagahasa at seksuwal na panghahalay na naganap.
D. Kapag ramdam lang ng isang babae na inabuso siya.
4. Bakit mahalagang makasal muna ang isang babae at lalaki bago
magkakaroon ng pagtatalik?
A. sapagkat ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay mas
kapanapanabik.
B. sapagkat ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng
kaluguran.
C. sapagkat ang pakikipagtalik sa loob ng konteksto ng kasal ay
nagpapahayag ng paggalang, komitment at dedikasyon sa katapat
na kasarian.
D. sapagkat ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng
kalayaan.

12
5. Ayon sap ag-aaral, ano ang karaniwang nagtutulak sa karamihan sa mga
taong nasasangkot sa prostitusyon?
A. Nakaranas ng karangyaan sa buhay.
B. Naghahanap lamang ng aliw sa buhay.
C. Nakaranas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang kung
kaya’t madali silang makontrol.
D. Nakaranas ng sobrang pagmamahal sa mga magulang.

Ikaw ay “in a relationship”, ng dahil dito, sinisikap mong makaiwas sa


mga mapanuksong sitwasyon upang patuloy mong mapapahalagahan
ang iyong dignidad sa ganitong paraan gayundin ang pagsasakatuparan
sa iyong sinumpaan sa batas ng scout.

6. Aling bahagi sa panunumpa ng scout ang iyong naipamamalas batay sa


sitwasyong binanggit sa itaas?
A. Pamalagiing malakas ang katawan C. Marangal ang asal
B. Gising ang isipan D. Matapang
7. Bakit mas pinipili pa rin ng ilang mga kababaihan ang pagbebenta ng
panandaliang aliw o pagsasangkot sa sarili sa prostitusyon bagamat alam
nilang masisira nito ang kanilang dignidad o reputasyon?
A. Dahil hindi mahalaga sa kanila ang kanilang reputasyon.
B. Dahil nasasadlak sila sa kahirapan at wala silang magawa kaya
kahit sa patalim, kumakapit.
C. Upang makisabay sa kanilang mga katropa na ganoon din ang
trabaho.
D. Dahil mas pipiliin nila ang sariling kaligayahan kaysa sasabihin ng
ibang tao.
8. Paano mo matitiyak o masisiguro na wagas ang pagmamahal ng iyong
kasintahan sa iyo?
A. Kung mayroon itong hinihinging kapalit sa akin.
B. Kung lagi akong sinusundo sa paaralan gamit ang kanyang
motorsilo.
C. Kung wala itong hinihinging kapalit sa akin.
D. Kung lagi itong nag-vi-video call sa akin
9. Sino ang tunay na nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa kanilang
dignidad?
A. Mga lalaki at babaeng nagpapakita ng kanilang hubad na sarili sa
internet dahil sa paniniwalang, nakikita lang naman ito at hindi
nahahawakan.
B. Ang mga lalaki at babaeng nagbebenta ng sarili dahil sa mabigat
na pangangailangan sa pera.
C. Ang lalaki at babaeng ipinagbuklod ng kasal saka nakipagtalik sa
isa’t isa.

13
D. Ang mga lalaki at babaeng adik sa panonood ng pornograpiya.
10. Paano mo tutuparin ang iyong sinumpaang pangako sa Diyos at sa ating
bayan ang pagiging laging gising ang isipan bilang isang scout?
A. Laging magmasid sa paligid. Isuplong kaagad sa pulis ang mga
taong nakikitaang nagsasagawa ng seksuwal na pang-aabuso sa
kapwa.
B. Huwag pakialaman ang mga taong nagsasagawa ng isang seksuwal
na pang-aabuso bilang proteksiyon sa sarili at sa pamilya.
C. Talamak na ang pang-aabusong seksuwal sa ating lipunan kaya
ayos lang na lagi natin itong nasasaksihan sa ating paligid.
D. Hindi na matutulog sa gabi upang hahanapin ang mga taong
nagsasagawa ng seksuwal na pang-aabuso.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa pamamagitan ng case study na hinango natin sa isinagawang


slide share ni Ma Hazel Forastero, ibigay ang iyong katwiran kung ano ang
nararapat gawin ng pangunahing karakter batay sa kanyang kasalukuyang
sitwasyon.

Case Study
Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si
Clarissa. Wala silang lihim na itinatago sa isa’t isa. Matapos ang tatlong
araw na pagliban sa klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya
ni Bing si Clarissa sa kantina ng paaralan upang mag-usap. Hinayaan
lang ni Bing na magsalita si Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya
nagugustuhan ngayon ang hitsura at hindi niya nauunawaan ang
kaniyang ina ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas. Nararamdaman ni
Bing na may mas mabigat pang dahilan kung bakit ganoon si Clarissa.
Inamin ni Clarissa na hindi siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa
niya sa mga nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng
kaniyang ina ng malalaswang salita at marami na ring beses na
hinihipuan siya nito. Natatakot siya baka sa susunod ay mas malala pa
ang gagawin nito sa kanya.
Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti-unting naabuso ng
nobyo ng kaniyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang
ina. Hinihikayat siya ni Bing na gawin ang pagsabi sa kaniyang ina ng
mga nararamdaman subalit sinabi ng ina ni Clarissa na bibibiro lang siya
ng nobyo nito kaya huwag masyadong seryosohin.

14
Pangatwiranan o bigyang paliwanag ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano sa palagay mo ang nararapat gawin ngayon ni Clarissa? Bakit?

2. Tama kaya ang gagawin niyang desisyon? Ipaliwanag.


3. Bakit kinakailangang isakatuparan kaagad ni Clarissa ang kaniyang
naiisip? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sanggunian:
Brizuela, Mary Jean B. et. al.2015.Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul
para sa Mag-aaral, FEP Printing Corporation
Usapangpamilya.”Pakikipagtalik nang hindi kasal”n.d.
www.usapangpamilya.com/main/tl/pakikipagtalik-nang-hindi-kasal
Saksi ni Jehova." Ano Naman ang Masama sa Pakikipagtalik Bago ang
Kasal" 2004.https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102004524
Cynthyyy..coursehero,https://www.coursehero.com/file/45408255/HHHHd
ocx/.
Forastero, Ma. Hazel.. slideshare, January 29, 2016,
https://www.slideshare.net/mobile/MaHazelForastero/isyung-moral-
tungkol-sa-seksuwalidad

Mga bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral


Mga Manunulat: EMILY A. GOMERA
Editor: Rolando G. Vergara
Maricel L. Tercio

Tagasuri: Mei Ann D. Comision


Ronald K. Manlupig

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS


Education Program Supervisor

Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Aurelio A. Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

15

You might also like