You are on page 1of 14

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 1
Mga Isyung Moral Moral Tungkol sa
Kawalan ng Paggalang sa Dignidad
at Seksuwalidad

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Isyung Moral Moral Tungkol sa
Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Seksuwalidad
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rosalie C. Gomez, MT I

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

“Kung mahal mo ako, patunayan mo”. Pamilyar bas a iyo ang


katagang ito? Sinabi na ba ito sa iyo o nasabi mo na ito? Ano ang naisip mo
noong sinabihan ka o sinabi mo ito?
Ang mga katagang nabanggit ay may kaugnayan sa sekwalidad at
dignidad ng tao. Ano baa ng kahalagahan ng sekswalidad? Ano naman ang
kahalagahan ng dignidad?
Sa panahon ngayon, marami tayong nakikitang mga manipestasyon
na hindi na iginagalang ang sekswalidad at dignidad ng isang tao.Marami
tayong nakikitang isyu na hindi natin maintindihan at natutugunan.
Sa modyul na ito, tutulungan kang masagot ang katanungang “ Bakit
mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon sa mga isyung may
kaugnayan sa sekwsalidad at dignidad ng tao”.

Inaasahan din na maipapamalas mo sa modyul na ito ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag – unawa:

13.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa


dignidad at sekswalidad (EsP 10 – PI – IVa – 13.1)

13.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa


dignidad at sekswalidad (EsP 10 – PI– IVa – 13.2)

1
Aralin Seksuwalidad at
1 Dignidad ng Tao

Simulan

Gawain 1: Tama ba o Mali?


Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng
paggalang sa seksuwalidad at dignidad ng tao at MALI kung hindi.

_______1. Walang limitasyon ang pakikipag–ugnayan sa katapat na kasarian.


_______2. Ang sekswalidad ay mabuti at sagrado.
_______3. Malayang ipangalandakan kung ikaw ay kabilang sa third sex.
_______4. Laitin at pagtawanan ang bakla o tomboy na kaklase.
_______5. Ituring na kaibigan ang mga taong nabibilang sa LGBTQI (lesbian, gay,
bisexual, transgender, queer and intersex) community.
_______6. Ipost ang larawan ng kaibigan na hubo’t hubad.
_______7. Patas lamang ang babae at lalaki kapag nag live – in.
_______8. Ang pakikipagtalik ay normal para sa mga kabataang nagmamahalan.
_______9. Umiwas sa mga sites na nagpopost ng mga nude photos at scandal.
_______10. Makipag live chat sa mga foreigners at kapag gustong makipag sex video
ay agad pumayag basta may kapalit na pera.

Lakbayin

Ang sekswalidad ay ang kabuuanang katauhan ng isang indibidwal o


nilalang. Natutuhan mo sa baitang 8 na ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng
kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Ito ay nangangahulugang magiging
ganap kang tao at bukod-tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae.
Natutuhan mo din sa baitang 7 na ang dignidad ay ang karapatan o pagiging
karapat-dapat ng isang tao na respetuhin at pahalagahan ng kanyang mga kapwa
tao. Ang pagkakaroon ng dignidad ay karapatan ng sinumang tao. Bukod pa rito,
ang pagkakaroon ng dignidad ng isang tao ay hindi sa anumang paraan nakasalalay
sa kanyang edad, anyo, o estado sa buhay.
Mahalagang maintindihan at maunawaan ang mga isyung kaugnay sa
seksuwalidad at dignidad ng tao upang sa ganoon ay magkaroon ng malinaw na
posisyon sa mga isyung ito. Kung ang sekswalidad at ang dignidad ay hindi mapag-

2
iisa habang nagdadalaga o nagbibinata, maaaring magkaroon ng kakulangan sa
pagkatao sa pagsapit niya sa sapat na gulang o adulthood.
Mga Isyung Moral tungkol sa Seksuwalidad at Dignidad ng Tao

1. Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital Sex) – gawaing pagtatalik ng isang


babae at lalaki na wala pa sa wastong gulang o nasa edad na subalit hindi pa
kasal.
2. Pornograpiya – galing sa salitang Griyego na “porne” – prostitute o nagbebenta
ng panandaliang aliw at “graphos”-pagsulat o paglalarawan.
3. Pang-aabusong Seksuwal (Sexual Harassment) – isinasagawa ng isang
nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang gawin ang
isang gawaing seksuwal.
4. Prostitusyon – pinakamatandang propesyon o gawain.

Epekto sa dignidad ng mga isyu sa sekswalidad:

1. Ang mga taong nagsiging biktima ng anumang uri ng sexual harassment ay


bumaba ang tingin sa sarili
2. Ang mga kababaihan na nagiging biktima ng panggagaga ay mayroong mataas
na tyansa ng pagkabuntis
3. Ang mga taong kabilang sa LGBT community ay tinitignan bilang salot sa
lipunan
4. Mataas ang bilang ng nagpapakamatay lalo sa LGBTQI dahil sa hindi
pagtanggap sa kanila ng kanilang pamilya
5. Mayroong karapatan na hindi ipinagkakaloob sa LGBTQI kabilang ang
pagpapakasal sa kaparehas na kasarian

3
Galugarin

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng mga kaisipan na may kaugnayan sa salitang
Sekswalidad at Dignidad upang mabuo ang konsepto.

SEKSUWALIDAD

DIGNIDAD

4
Rubrik sa Pagbibigay ng Marka

Iskor Pamantayan
5 Nakapagbigay ng 5 na kaisipan tungkol sa seksuwalidad at
dignidad
4 Nakapagbigay ng 4 na kaisipan ng seksuwalidad at dignidad
3 Nakapgbigay ng 3 na kaisipan tungkol sa seksuwalidad at dignidad
2 Nakapagbigay ng 2 na kaisipan tungkol sa seksuwalidad at
dignidad
1 Nakapagbigay ng 1 kaisipan ng seksuwalidad at dignidad

Palalimin

Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Isulat sa ikalawang kolum kung ikaw
ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa mga pahayag. Magbigay ng
dahilan o paliwanag kung bakit sang-ayon o hindi sang-ayon at isulat ang
kasagutan sa ikatlong kolum.
Pahayag Sang-ayon o Hindi Sang- Dahilan o Paliwanag
ayon
1.Ang pakikipagtalik ay
normal para sa mag-
asawa.
2. Ang pagbebenta ng
sarili ay tama kung may
mabigat na
pangangailangan sa pera
3.Ang pangungutya sa
LGBTQI community ay
nakabubuti upang
mabawasan ang mga
sumasali dito
4. Walang mawawala sa
isang babae na
nagpapakita ng hubad na
katawan sa internet
5. Ang pagkalulong sa
prostitusyon ay
nakakapekto sa dignidad
ng tao.
Rubrik sa Pagmamarka (Ikatlong Hanay)

Iskor Pamantayan
2 Mahusay at malinaw ang paliwanag
1 Hindi mahusay at hindi maliwanag ang paliwanag

5
Aralin
Mga Isyung Moral sa Dignidad
2
at Seksuwalidad ng Tao

Simulan

Gawain 4
Panuto: Buuin ang mga salita upang matukoy ang isyung may kinalaman
sa sekswalidad na nauugnay sa dignidad ng tao.

1. Ito ang sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain na pagbibigay


panandaliang aliw kapalit ay pera. P _ O _ _ IT_S_ON

2. Paglalaro sa mga maseselang bahagi ng katawan para sa sekswal na gawain.


_EX_A_ H__R_S_M_N_

3. Nagpapakita ng mga hubad na larawan o kilos sekswal.


P_ R_ _GR _ P I _ _

4. Pakikipagtalik ng hindi pa kasal. P_ E - M_R_T_L S_X

5. Paggamit ng mga bata sa mga gawaing sekswal. C_I_D P_R_OG_P_Y

6. Ito ay ang pagiging karapat-dapat sa paggalang ng ibang tao.


D_G_I D_ D

7. Ito ay may kaugnayan sa kaisipan emosyon at ispiritwal na katangian ng


pagiging babae o lalaki. S_KSU_A_I_A_

8. Isang gawain na kung saan nabibigyang kasiyahan ang pisikal na katawan.


P_K_I_I_AG_A_I_

9. Tawag sa mga foreigner na gumagamit ng mga batang lalaki sa gawaing


sekswal. PH_D_P_IL_S

10.Ang tawag sa mga taong nagpapalit ng kanilang kasarian.


T_A_S_E_D_R

6
Lakbayin

Tayo ay malaya. Ngunit ang kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya


tayong pillin kung ano ang gusto nating gawin. Ang kalayaan ay my kaangkop na
pananagutan. Malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang piliin ay kung ano ang
tama at mabuti dahil hindi natin mapipili ang kahihinatnan ng ating ginawang
askyon.

Ang pagpayag, pagsasagawa at pagiging kaugnay sa mga isyung pangseksuwalidad


ay nagsasawalang-bahala sa sumusunod na katotohanan:

•Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo s sariling kaganapan, at


ang pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan
• Ang tao ay espritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materyal) na
kumikilos na magkatugma tungo sa isang telos o layunin
• Upang marating ang layunin, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang isip
at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay
mabuti o masama.

Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ngDiyos. Isa sa mga halaga ng


seksuwalidad ay ang pagkaranasang kasiyahang seksuwal mula sa pakikipagtalik
sa taong pinakasalan. Ang paggamit sa kakayahang seksuwal bilang ekspresyon ng
pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat gawin sa tamang panahon. Tandaan na
ang mga seksual na kakayahan ng tao ay tumutukoy sa 2 layuning para lamang sa
isang babae at lalaki na ipinagbuklod ng kasal: a). layuning mgkaroon ng anak
(procreative); at b). mapag-isa (unitive).

7
Galugarin

Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang OO


kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag at HINDI naman kung hindi
sumasang-ayon sa pahayag. Ipaliwanag ang naging posisyon.

Pahayag Oo / Hindi Paliwanag

Ang prostitusyon ay isa


sa mga problema na
kinakaharap ng bansa.
Habang tumataas ang
antas ng kahirapan,
patuloy rin ang pagtaas
ng kaso ng prostitusyon.

Sa panayam ng isang
sikat na columnista sa
mag-asawang Jose at
Perla, ikinatwiran nila na
ang pagsasama nang
hindi pa kasal ay hindi
mahalaga. “Ang
importante sila ay nag-
iibigan. Para sa kanila,
walang kabuluhan ang
sertipiko ng kasal.”

8
Rubrik sa Pagpapaliwanag sa Pahayag
Iskor Pamantayan
5 Lohikal, malinaw, organisado at may basehan ang
pagpapaliwanag
4 Maayos at organisado ang pagpapaliwanag
3 Ang ilang punto ay di – malinaw at hindi organisado
2 Paulit-ulit at walang pagkakaisa ang mga punto
1 Malayo sa paksa at di kakikitaan ng interes ang
pagpapaliwanag

Palalimin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang nilalaman ng sitwasyon sa ibaba.


Pagkatapos ay sagutin ang mga ihinandang mga tanong.

Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si Clarissa.


Wala silang lihim na itinatago sa isa’t isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban
sa klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa
kantina ng paraalan upang mag-usap. Hinayaan lang ni Bing na magsalita si
Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya nagugustuhan ngayon ang hitsura at hindi
niya nauunawaan ang kaniyang ina ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas.
Nararamdaman ni Bing na may mas mabigat pang dahilan kung bakit ganoon si
Clarissa. Inamin ni Clarissa na hindi siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa
niya, sa mga nagdaang buwan ay pingsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng
malalaswang salita at marami na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot
siyang sa mga susunod ay mas malala pa ang gawin nito sa kaniya.

Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti- unting naabuso ng nobyo ng


kaniyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina. Hinikayat
siya ni Bing na gawin ang pagsabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di
nagtagal, nagkasarilinan ang mag-ina at sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga
naranasan sa nobyo nito. Subalit sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng
nobyo nito kaya huwag masyadong seryosohin.

Mga Tanong:
1. Kung ikaw si Clarissa, ano sa tingin mo ang dapat mong gawin? Ipaliwanag.
2. Tama kaya ang iyong pasiya? Ipaliwanag.
3. Bakit kailangan mong gawin ang pasiyang naiisip mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

9
Rubrik sa Pagsagot sa mga tanong
Iskor Pamantayan
5 Lohikal, malinaw, organisado at may basehan ang
pagpapaliwanag
4 Maayos at organisado ang pagpapaliwanag
3 Ang ilang punto ay di – malinaw at hindi organisado
2 Hindi malinaw at hindi organisado ang paliwanag
1 Hindi akma ang ibinigay na kasagutan

Sukatin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

______1. Ano ang gawaing pagtatalik bago ang kasal?


A. Pang-aabusong seksuwal B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya D. Prostitusyon

______2. Alin ang layunin na tumutugon sa pang – seksuwal na kakayahan ng tao?


A. Magkaroon ng anak at magkaisa
B. Magkaisa at magpahayag ng pagnanasa
C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak
D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan

_____3. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa mga isyung seksuwal?


A. Madalas na sinisilipan ng amain si Anna habang naliligo
B. Maganda ang pangangatwan ni Jasmine kaya’t naisipan niyang
magpaguhit ng nakahubad
C. Dahil sa bugso ng damdamin parehas na nakalimot ang magkasintahang
Vina at Arnold
D. Niyaya ni Jose ang matagal ng kasintahang si Mylene na magpakasal
sapagkat handa na silang magtatag ng pamilya

_____4. Ano ang tawag sa itinuturing na pinakamatandang propesyon?


A. Pang-aabusong seksuwal B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya D. Prostitusyon

______5. Saan galing ang salitang pornograpiya?


A. Porne at Graphic B. Porno at Graphos
C. Porne at Grapiya D. Porno at Graphos

10
______6. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan
B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at
malakas
C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang
gagawa nito
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal ng mag-
asawang pinagbuklod ng kasal

______7. Ano ang tawag sa karapatan o pagiging karapat-dapat ng isang tao na


respetuhin at pahalagahan ng kanyang mga kapwa tao.
A. Dignidad B. Kalayaan
C. Kilos - loob D. Seksuwalidad

______8. Bakit mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon sa mga isyu ng


kawalan ng paggalang sa seksuwalidad at dignidad?
A. Upang maiwasan ang mga taong kabilang sa LGBTQI community
B. Upang magkaroon ng mataas na pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa
C. Upang magkaroon ng basehan kung ano ang tamang pakikipag-ugnayan
sa LGBTQI
D. Upang magkaroon ng malinaw na dahilan upang makaiwas sa mga
usaping pang-seksuwal

______9. Alin sa sumusunod ang may kinalaman sa pagpapakita ng larawan ng


mga maseselang parte ng katawan?
A. Pang-aabusong seksuwal B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya D. Prostitusyon

_____10. Ano ang maaaring bunga kapag ang seksuwalidad at pagkatao ay hindi
mapag-iisa?
A. Magkaroon ng magandang pagtingin sa sarili sa pagsapit ng tamang
gulang o adulthood
B. Magkaroon ng kakulangan sa pagkatao pagsapit niya sa tamang gulang o
adulthood
C. Magkaroon ng tamang pagpapasiya tungkol sa mga bagay na may
kinalaman sa pagkatao
D. Magkaroon ng mga agam-agam at negatibong pagtingin sa sarili

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon.2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City, Pilippines: FEP Printing Corporation (DepEd-IMCS) pp. 288-296.

Lorie Ann Cascaro.2012. Latest in Davao prosti scene: Textitution, swap-lat’. MindaNews

https://www.slideshare.net/MaHazelForastero/isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad

11
12
Aralin 1 Aralin 2 Sukatin
Simulan Simulan
1. MALI 1. PROSTITUSYON 1. B
2. TAMA 2. SEXUAL HARRASSMENT 2. A
3. TAMA 3. PORNOGRAPIYA 3. D
4. MALI 4. PRE-MARITAL SEX 4. D
5. TAMA 5. CHILD PORNOGRAPHY 5. B
6. MALI 6. DIGNIDAD 6. D
7. MALI 7. SEKSUWALIDAD 7. A
8. MALI 8. PAKIKIPAGTALIK 8. B
9. TAMA 9. PEDOPHILES 9. C
10. MALI 10. TRANSGENDER 10. B
Susi ng Pagwawasto

You might also like