You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE
LIGAO CITY
BINATAGAN, LIGAO CITY 4504

GRADE EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

10
KWARTER 4 LINGGO 1
GAWAING PAGKATUTO 1

Pangalan: _______________________________ Seksyon: ____________ Petsa: ____________

I. Panimulang Konsepto:
“Kung mahal mo ako, sumama ka sa akin ngayon at patunayan mo ito”. Pamilyar ka
bas a mga katagang ito? Nasabi mo na bai to o kaya’y sinabi na ito sa iyo? Ano ang
nasa isip mo nang sabihin mo ito? Ano ang naisip mon ang ito’y sabihin s aiyo?
Natutuhan natinsa Baitang 8 na ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang
pagiging ganap na babae o lalaki. Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao
at bukod-tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae.
II. Kasanayang Pampagkatuto:
13.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad (EsP10PI-Iva-13.1)
13.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad (EsP10PI-Iva-13.2)
III. Mga Gawain:

Pop of the MIND


Panuto: isulat sa bilog ang unang ideyang papasok sa isipan pagkabasa ng salitang
sekswalidad.

C SEKSWALIDAD C

1 | EsP10-4TH Quarter (Week1)


Mga gabay na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng sekswalidad batay sa salitang iyong isinulat?
2. Bakit mo naiugnay ang ideyang iyong ibinigay sa salitang sekswalidad?

Gawain!
Sa pamamagitan ng table format suriin kung sang-ayon ka sa mga pahayag o hindi na
ukol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.
(Tala: Kinakailangan ang paggabay ng guro at magulang sa gawaing ito lalo na sa
pagpapaliwanag ng mga kasagutan)
Halimbawa:
Pahayag Sang-ayon o hindi Paliwanag o Dahilan
sang-ayon
1. Ang pakikipagtalik ay Hindi sang-ayon Dahil ginagawa ito ng mag-
normal para sa kabataang asawa na ikinasal
nagmamahalan.
2. Ang pagtingin sa mga
malalaswang babasahin o
larawan ay walang epekto
sa ikabubuti at ikasasama
ng tao.
3. Ang tao na nagiging
kasangkapan ng
pornograpiya ay nagiging
isang bagay na may
mababang pagpapahalaga.
4. Ang paggamit ng ating
katawan para sa sekswal
na gawain ay Mabuti ngunit
maaari lamang gawin ng
mga taong pinagbuklod ng
kasal.
5. Ang pagbebenta ng sarili ay
tama kung may mabigat na
pangangailangan sap era.
6. Ang pagkalulong sa
prostitusyon ay
nakaaapekto sa dignidad
ng tao.
Pamprosesong tanong:
1. Nagging madali ba ang pagtugon ninyo sa bawat pahayag? Bakit?

Q & A Portion na!

 Bilang isang kabataan, paano mo imumulat ang iyong kaisipan sa mga isyung kaugnay sa
kawalan ng paggalang sa sekswalidad?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________.

2 | EsP10-4TH Quarter (Week1)


IV. Pagpapalalim:
 Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang sekswalidad upang
maging ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki.
 Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng National secretariat for Youth
Apostolate (NSYA), ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa
mga isyung may kinalaman sa seks at sekswalidad.

Kabilang sa mga isyung ito ay;


1. Pagtatalik bago ang kasal (pre-marital sex) – gawaing pagtatalik ng isang
babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa
kasal.
 Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng
sakramento ng kasal; hindi siya kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik.
2. Pornograpiya – ito ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,”
na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at
“graphos,” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Samakatwid,
ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan,
o palabas) na may layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa ng
nanonood o nagbabasa.
3. Mga pang-aabusong sekswal (sexual harassment)- ito ay maaaring
paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba para
sa sekswal na gawain. Maaari din itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng
sarili na gumagawa ng sekswal na gawain sa pamamagitan ng pagtingin sa
mga hubad na katawan, sekswal na pag-aari o kaya’y panonood ng
pagtatalik na isinasagawa ng iba.
4. Prostitusyon- sinasabing pinakamatandang propesyon o Gawain na
nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera.

V. Pagtataya:
Gamit ang mga sumusunod na sitwasyon, tukuyin at suriin ang mga isyung
kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad. Isulat ang happy kung
nararapat at sad kung hindi nararapat ang pagpapasiyang ginawa ng mga tauhan.
1. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng
kaniyang katawan. Ito’y kanyang isinumbong sa kinauukulan upang humingi ng
tulong.
2. Niyaya ni Engr. Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal
sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
3. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang
nakahubad.
4. Hinuli ng awtoridad ang isang matanda sa aktong pananakit sa isang bata.
5. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot
sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si Ariel at nais nilang ipalaglag ito.
VI. Sanggunian:
Daily Lesson Plan in EsP 10- pages 87-96
Modyul para sa Mag-aaral 10 – pahina 287-293

Inihanda ni:

ALMA REMPILLO-BOADA
Guro sa EsP
Paulba National High School

3 | EsP10-4TH Quarter (Week1)

You might also like