You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Quarter 4 Week 4

Mga Isyung Moral Tungkol sa Sekswalidad

Pangalan: Christian Carl A. Vales Pangkat: X-Aries__


Guro sa EsP: Lilibeth Ytac-Bunghanoy Petsa:6/14/2021

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at sekswalidad ( EsP 10 PI-IVd-14.4)

Layunin:
1. Nasisiyasat ang malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan
ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.
2. Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan
ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.

Bahaging Oras: Dalawang oras

Susing Konsepto:
 Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad
upang maging ganap ang pagiging babae o pagkalalaki.
 Kung ang seksuwalidad at ang pagkatao ay hindi mapag-iisa habang
nagdadalaga o nagbibinata, maaaring magkaroon ng kakulangan sa
pagkatao sa pagsapit niya sa sapat na gulang o adulthood.
 Kapag nagkulang ang tao sa aspektong ito, maaari siyang magpakita ng mga
manipestasyong magdadala sa kaniya sa mga isyung seksuwal.
 Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain
at hangin na ating hinihinga.
 Ang pananaw na kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay isang
mahinang pagkilala sa pagkatao ng tao dahil ipinagwawalang–bahala niya
ang kakayahan ng taong ipahayag ang kaniyang tunay na pagkatao.
 Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling buhay ang tao.

Page 1 of 5
 Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang–galang at
nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot
sa gawaing ito.
 Hindi nagiging kapaki-pakinabang ang pagtatalik sa pagtungo sa kaganapan
ng buhay na isa sa mga halaga ng seksuwalidad.
 Ang pornograpiya ay hindi dapat na itinuturing na sining. Ang mga
larawang hubad, gayundin ang pagpapakita ng aktong seksuwal ay
nagiging daan upang ang nahuhumaling dito ay magnasa at pairalin ang
maka-mundong damdamin.
 Maaari niyang maisip ang pagsasakatuparan ng mga isiping tumutugon sa
seksuwal na maaaring mauwi sa pag-aabuso, paghahalay at iba pang
epekto nito.
 Ang esensiya ng seksuwalidad at ang paggamit ng kasarian ay para lang sa
pagtatalik ng mag-asawang naglalayong ipadama ang pagmamahal at
bukas sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Lahat
ng mga gawaing seksuwal na taliwas sa esensiya ng seksuwalidad ay
itinuturing na pang-aabusong seksuwal.
 Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na
seksuwalidad. Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi
lamang para madama ang kaligayahang sensuwal. Ito ay isang paraan na
naglalayong pag-isahin ang babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal.

Gawain 1: Pagbibigay ng Sariling Posisyon (Pasiya)


Kagamitan: bolpen
Panuto: Ibigay ang iyong pagsang-ayon o pagtutol sa mga pahayag sa ibaba.
Pangatwiranan/ipaliwanag ang bawat sagot. Isulat ang iyong sagot sa
loob ng kulom.

Sang-ayon
Pahayag o Tutol Katuwiran/Paliwanag

1. Batay sa natutuhan mo Sang-Ayong Dapat tayo ay magtuon ng disiplina


sa aralin, nararapat lang kasi ito ang ipinahayag saating mga
na hindi ma-kikipagtalik kabataan na wag mag madali,at sulitin
kung hindi pa kasal. lahat ng oras na meron ka.

2. Nararapat lamang na pa- Dahil hindi naging pagkakikitaan ang


Tutol
laganapin ang prostitus- ating katawan,at abusuhin nlng
yon dahil ito ay nagbibi- kapalit ng pera.Bigyan halaga ang
gay ng sarili at tayo ay ginawa ng Panginoon
mapagkakakitaan /pera dapit natin itong ingatan.
sa mga walang tra-baho.

3. Maiiwasan ng isang Sang-ayon Dahil,may mga tao na naloloko na sa


indibidwal ang hindi mga pang aabuso at ginagawa nlng
masangkot sa pang- itong normal.Respituhin natin ang
aabusong seksuwal. kanilang katauhan.
4. Ang pornograpiya ay Tutol Wag natin tularan ang mga ganitong

Page 2 of 5
isang sining. gawain dahil masama ang maidudulot
nito saatin.
5. Ang pagpapakita ng Tutol Iba ang kultura natin saibang
public display of affection bansa,iba saating ay mabilis
o PDA ay isang tamang manghusga para iwas husga mag ingat
paraan upang maipakita tayo saating mga aksyon bilang nasa
ang pagmamahal. isang relasyon sa public.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang iyong naging damdamin sa mga kasagutang iyong naibigay sa


bawat pahayag? Ipaliwanag.
Nakikita ko ang ating bansa sa ganitong mga Gawain,maraming mga tao na
pinagsasamantala ang pang aabuso.Lagi nating tandaan na tayo ay ginawa
ng Panginoon,dapat ingatan natin ang kanyang ginawa.
2. Ano ang mahalagang katotohanan na naiparating sa iyo ng mga pahayag?
Ipaliwanag.
Lahat,Kasi may nakikita na akong mga tao na palagi nlng gumagawa ng
mga maagang pagtatalik at pagbubuntis,may iba na namamtay dahil lang sa
pangaabuso ng tao.
Gawain 2: Ang Aking Posisyon
Kagamitan: Bond paper, pangkulay at bolpen
Panuto: Gumawa ng isang Slogan na nagpapakita ng iyong posisyon tungkol sa
mga isyung kinakaharap ngayon. Pumili lamang ng isa-pornograpiya,
prostitusyon, pre-marital sex at pang-aabusong seksuwal. Maging ma-
likhain sa paggawa nito.
“LABANAN ANG PANG-AABUSONG SEKSUWAL,AT
MABUHAY NG MAPAYA AT LIBRENG PAMAMANTAYAN”

Rubrik sa paggawa ng Slogan:

Krayterya 10 Puntos 7 Puntos 4 Puntos


Magkatugma sa pak- Tugmang-tugma May kulang sa paksa Hindi naayon sa
sa ang diwa/ kon- sa paksa ang di- ang diwa/ konsepto paksa ang diwa/
septo ng ginawang wa/konsepto ng ng gina-wang slogan. konsepto ng gina-
slogan. ginawang slogan. wang slogan.
Naipapakita ang si- Original at ma- Original ngunit at Original ngunit
ning at pagkamalik- ganda ang pag- may kakulangan sa walang kakulay-
hain sa ginawang kakakulay sa gi- pagkakakulay sa kulay sa ginawang
slogan. nawang slogan ginawang slogan. slogan.

Pagninilay

Panuto: Sumulat ng 3-5 pangungusap, gawing gabay ang tanong sa ibaba.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Page 3 of 5
Paano mo maibabahagi ang tamang posisyon sa isyung seksuwalidad?
May isang gabay lamang sa pagtukoy kung nasa tama ba ang isang posisyon  o wala.
Masasabing ang isang posisyon ay nasa tama kapag ito ay naaayon o hindi salungat sa
anumang batas. moral man o legal. Kaya, kapag ang isang posisyon ay taliwas sa mga
batas moral at legal  ay masasabing wala siya sa tamang posisyon. Kapag ganito ang
sitwasyon, mahalagang mabago muna ito upang maging epektibo ang pakikilahok ng isang
kasapi sa mga adhikain na naglalayong tapusin o sugpuin ang isyung kinkaharap ng lipunan
tulad ng mga isyu sa sekswalidad.

Sanggunian:

Brizuela, Mary Jean B., Arnedo, Patricia Jane S., Guevara, Goeffrey A., Valdez, Earl
P., Rivera, Suzanne M., Celeste, Elsie G., Balona, Rolando Jr. V., Yumul,
Benedick Daniel O., Rito, Glenda N., Gayola, Sheryll T. Unang Edisyon 2015.
“Modyul 14. Mga Isyung Moral Tungkol sa Sekswalidad.” Edukasyon sa
Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral, 280-298. Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon.

________________________________________________________________

Writer: VILMA F. BESA


School/Station: Agusan National High School
Division: Butuan City
Email address: vilma.besa001@deped.gov.ph

Reviewed by:

AMELITA M. AQUINO, SSHT V-ANHS

JONAS F. SALDIA–MT 1-TNHS

NANCY F. SALINAS–SST III-PNHS

LIERHA RUTH S. TABELON-SST III-PDNHS

JANETH J. PUJADAS–SST I-BNHS

ISRAEL B REVECHE, PhDM,

Page 4 of 5
EPS-Values Education
Chairman, Quality Assurance Team

Address: B6 L3 Rosewood Phase 2 Subd.Villa Kananga, 8600 Butuan City Philippines


Telephone No.: (085) 3001141
Email: vilma.besa001@deped.gov.ph
Website: depedbutuancity.wordpress.com

Page 5 of 5

You might also like