You are on page 1of 19

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN– MODYUL 1 (WEEK 1)
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad
Modyul 1:

Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad

Mga Kasanayang Pampagkatuto

-Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at


sekswalidad EsP10PIIVe-15.1
-Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
EsP10PIIVe-15.2
-Nakagagawa ng isang hashtag( # ) laban sa mga isyung moral tungkol sa seksuwalidad.

Balikan
Panuto:Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik na angkop dito.

1. May dalawang kategorya na bumubuo sa labindalawang yugto ng makataong kilos ayon kay
Sto. Tomas de Aquino,ano ano ang mga ito?

A.Sanhi at Bunga C. Likas na Batas Moral


B.Isip at Kilos-loob D. Puso at Katawan

2. Bakit kailangang mausisang isaisip at timbangin ang masama at mabuting maidudulot ng pasiya?

A. Dahil ang pasasagawa ng makataong kilos ginagamitan ng isip


B. Dahil ang pagsasagawa ng kabutihan ay makapagpasaya sa kanyang buhay
C. Dahil ang pagsasagawa ng kilos ay kailangang may batayan, may dahilan at pananagutan,
D. Dahil ang pagsasagawa ng kilos ay isang paraan para maunawaan ang layunin.

3. Paano mo maisasabuhay ang bawat yugto ng makataong kilos?

A. Sa pamamagitan ng paggamit nito bilang gabay sa bawat kilos na gagawin sa araw-araw na buhay
B. Sa pamamagitan ng walang pag-alinlangan sa gagawin na kilos kahit ito ay hindi na ikabubuti sa
sarili at sa kapwa
C. Sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga nakakatanda para sila na ang gumawa ng tamang
kilos para sa iyo.
D. Sa pamamagitan ng paggamit ng malayang pagpapasiya para makamit ang kanyang gustong
kahihinatnan nito.

4. Bakit kailangan ang sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya?

A.Para maging masaya ang isang tao


B.Para maging matagumpay ang isang tao
C.Para maging makabuluhan ang kanyang buhay sa mundo
D.Para maging gabay niya ito bago gawain ang isang kilos
5. Si Queen ay labing anim na gulang pa lamang. Siya ay may nobyo na ang pangalan ay King. Mahal
na mahal niya ang kanyang kasintahan. Niyaya siya nito na sumama na sa kanya at lalayo na sa
kanilang mga magulang. Ngunit kahit mahal ni Queen si King, hindi siya pumayag sa plano nito.
Nagpakita ba ng makataong kilos si Queen?

A.Oo, dahil nagpapakita siya ng pagmamahal sa kaniyang kasintahan


B.Oo, dahil hindi siya pumayag sa gustong mangyari ng kanyang kasintahan sapagkat mga bata
pa sila.
C.Hindi, dahil kung mahal talaga niya ang kanyang kasintahan, siya ay sasama kahit saan.
D.Hindi, dahil dapat sasama siya sa kanyang kasintahan dahil ito makapagdudulot ng gulo.

6. Alin sa sumusunod ang ikatlong gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?

A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng ibang kaalaman


B. Tingnan ang kalooban D. Umaasa at magtiwala sa Diyos

7. May nakitang lupi na may lamang pera si John sa kalye. Pinag-isipan niya ito kung ano ang gagawin
niya sa pera. Dahil iniisip ni John ang sitwasyon ng may-ari ng lupi ay isinauli niya ito sa Police
Station. Anong proseso ang pinapakitang kilos ni John?

A. Isaisip ang mga posibilidad C. Maghanap ng ibang kaalaman


B. Tingnan ang kalooban D. Umaasa at magtiwala sa Diyos

8. Hindi mapakali si Suzy sa kaniyang piniling pasiya ang pagkuha ng kurso na hindi naaayon sa
kaniyang kalooban. Lagi niyang iniisip ang maaaring posibilidad na mangyayari kapag magsisimula
na ang klase. Ano ang ipinapakitang kilos ni Suzy?

A. Naging padalus-dalos sa piniling desisyon si Suzy.


B. Maingat niyang sinuri ang kaniyang desisyon o pasiya.
C. Naitataya ang desisyon na may pag-unawa.
D. Pinili ang desisyon na hindi likas sa kaniyang kalooban.

9. Bakit kailangang timbangin ang mabuti at masamang idudulot sa pagpapasiya?

A. Upang mas maging malinaw at nakikita ang proseso nito.


B. Upang mapanatili ang pagpili sa isang sitwasyon.
C. Upang mas makikilala ng sarili ang kakayahang pumili at magpasya.
D. Upang mas lalong matutukoy ang kaugnayan ng tao sa kapuwa.

10. Dahil sa takot na mahawaan sa sakit na COVID, palaging sinusuot ni Jane ang facemask sa tuwing
lalabas at sumusunod sa mga palatuntunan na dapat gawin. Sa anong proseso ang ipinapakitang kilos ni
Jane?

A. Naging maingat si Jane sa mga posibilidad na mangyayari.


B. Pinili ang desisyon na walang pag-aalinlangan.
C. Kompyansa si Jane na hindi mahawaan ng sakit.
D. Wala sa lahat ng nabanggit.
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
A.Panuto: Isulat mo ang sariling mong pagkakaunawa sa salitang “SEKSUWALIDAD”. Maglagay sa
bilog ng mga salitang maiiugnay dito.

“SEKSUWALIDAD”

B.Panuto : Suriin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (✓) kung ikaw ay sang-ayon, ekis (x)
kung ikaw ay hindi sang-ayon sa mga pahayag na nabanggit batay sa konseptong napapaloob sa aralin.
Magbigay ng paliwanag o dahilan kung bakit sang-ayon o hindi sang-ayon sa pahayag.

Pahayag Sang-ayon o Hindi sang-ayon Ipaliwanag o Dahilan


1. Ang pakikipagtalik ay normal
para sa kabataang
nagmamahalan
2. Ang pagtatalik ng
magkasintahan ay kailangan
upang makaranas ng kasiyahan
3. Tama lang na maghubad kung
ito ay para sa sining
4. Ang pagtingin sa mga
malalaswang babasahin o
larawan ay walang epekto sa
ikakabuti at ikasasama ng tao
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 pahina 282-284
Mga Talang Konsepto

Natutuhan mo sa Baitang 8 na ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang


pagiging ganap na babae o lalaki. Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao at
bukod-tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae. Bagama’t nalalaman
ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang kaniyang pagtanggap at
pagganap sa kaniyang seksuwalidad. Ito ay nararapat na naaayon sa tawag ng
pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya-ang pagkakaisa ng katawan
at espiritu. Ang seksuwalidad samakatuwid ay isang malayang pagpili at personal na
tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa
kaganapan kaisa ng Diyos.
Natutuhan mo rin sa Baitang 8 na bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at
linangin ang seksuwalidad upang maging ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki.
Kung ang seksuwalidad at ang pagkatao ay hindi mapag-iisa habang nagdadalaga o
nagbibinata, maaring magkaroon ng kakulangan sa pagkatao sa pagsapit niya sa sapat na
gulang o adulthood. Kapag nagkulang ang tao sa aspektong ito, maari siyang magpakita
ng manipestasyong magdadala sa kaniya sa mga isyung seksuwal. Sa panahon ngayon
dumarami ang mga ito at kadalasan ay hindi natutugunan.
Ano-ano nga ba ang mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig at nababalitaang
madalas ay kinasasangkutan ng kabataan?

Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng National Secretariat for Youth Secretariat


for Youth Apostolate (NSYA), ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka
sa mga isyung may kinalaman sa seks at seksuwalidad. Kabilang sa mga ito ay
pakikipagtalik nang hindi kasal( pre-marital sex), pornograpiya, pang-aabusong
seksuwal, at prostitusyon. Isa-isahin nating tingna ang mga isyung ito, ang mga dahilan
kung bakit nangyayari ang mga ito at mga nagtutunggaling pananaw kung tama o mali
ang mga ito.

Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad


Pagtatalik bago ang kasal
( PRE-MARITAL SEX)
Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha
ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata ( puberty ).Subalit kahit
siya ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari
na siyang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala siya sa wastong gulang
at hindi pa tumatnaggap ng sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkarkaroon
ng Karapatang makipagtalik.

Ano ba ang pre-marital sex? Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa Sa
wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.

May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang kabataan Ay
pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ito ay sumusunod:
1. Ito raw ang normal at lika na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog
siya at Matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi
Mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay.

2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na


kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon.Karapatan ng tao na makipagtalik At
malaya silang gawin ito.

3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang


makaranas ng kasiyahan
.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.

Ayon kay Sta. Teresita


“Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay ng
di nagtatantiya ng halaga at hindi
naghihintay ng kapalit”

Pornograpiya (Pornography)

-Nanggaling sa salitang griyego, “porne” na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng aliw, at
“graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
Samakatuwid,Ito ay mga mahahalay na paglalarawan na may layuning pukawin ang seksuwal na
pagnanasa ng nanood o nagbabasa.
Balikan natin ang mga epekto ng pornograpiya sa isang tao. Ito ay ang sumusunod:
1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakakroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng
tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalong-lalo na ang panghahalay.
2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang
magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa. Nakakaranas sila ng seksuwal na
kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na
pakikipagtalik.
3. Ito rin ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang bibiktimahin.
Sa palagay mo, kaiian ba sining ang pornograpiya?
 Nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng kagandahan ay nakapagbibigay ng kasiyahan,
pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang nagawa.
 Ito rin ay humihikayat na makalinang ng mga kilos at kalooban patungo sa kung anong
ipinapakahulugan sa ipinakikita.
 Ang pornograpiya ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos seksuwal na kadalasan ay
suggestive o provocative.
 Hinihikayat na tumungin na mag-isip ng masama at magkaroon ng hindi magandang pagtingin sa
katawan ng taong nasa larawan.

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 pahina 292-293


Pang
-aabusong Seksuwal

 Ito ay Gawain ng isang nakakatanda na siyang pumupwersa sa isang nakakabata upang gawin
ang isang gawaing seksuwal.
 Maari din itong paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba.
 Paggamit ng ibang bagay
katawan
sa para sa seksuwal na gawain
Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik
-asawa
ng mag
na naglalayong
ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito
ang esensiya ng seksuwalidad.

Bakit nga ba gyayari


nan ang mga -pang
aabusong seksuwal?
Karamihan na naging biktima ay mga kabataang;

 may mahihina ang kalooban


 madaling madala
 may kapusukan
 at kadalasan iyong nabibilang sa mahihirap at pamilyang hiwalay sa magulang.

“Sa gitna ng kanilang pagiging


mahina, pumapasok ang mga taong nagsasamantala”

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 pahina


-29 292
3

Prostitusyon
 Pinakamatandang propesyon o Gawain ng pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ang pera. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal.

Bakit ba ang tao ay nasasangkot sa ganitong gawain? Ano kaya ang kanilang mga dahilan upang gawin
ito?

Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong gawain ay iyong
mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang kung kaya’t madali silang
makontrol. Mayroon din namang may maayos na pamumuhay, nakapag-aral ngunit marahil ay
naabuso noong bata pa. Dahil dito nawala ang kanilang paggalang sa sarili at tamang pagkilala
kung kaya’t minabuti na lang nilang ipagpatuloy ang kanilang masamang karanasan. Dahil
nasanay na, hindi na nila magawang tumanggi kung kaya’t naging tuloy-tuloy na ang kanilang
pagpagamit sa masamang gawaing ito.

Masama o mali nga ba ang prostitusyon? Ayon sa mga peminista, marapat lamang ang
prostitusyon sapagkat ito ay nakapagbigay ng gawain sa mga taong walang trabaho lalo na sa mga
kakabaihan. Ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute ay maihahalintulad sa isang manunulat
na ibebenta ang kaniyang isip sa pamamagitan ng pagsusulat. Bukod pa rito, kapag ang
prostitusyon daw ang isinagawa ng isang tao na may pagkagusto o konsento, maaring sabihin na
hindi ito masama. Ito ay sa kadahilanang alam niya ang kaniyang ginagawa at nagpasiya siya na
ibigay ang kaniyang sarili sa pagkikipagtalik kapalit ng pera o halaga.

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 pahina 293-294

PAGBUBUOD

Natukoy natin at nasuri ang iba’ iang isyu tungkol sa seksuwalidad.


Nalaman nati ang iba’t ibang epekto sa mga taong sangkot sa mga ito
gayundin ang iba’t ibang pananaw na kaugnay ng mga isyung ito. Mahihinuha
rin natin sa mga paglalahad na ang mga isyung seksuwal na mga ito ay hindi
nararapat gawin lalo na ng kabtaan pa lamang. Ano ba ang katotohanan
ipinapahayag ng mga isyung ito? Sa malalim na pagtingan, ano ang epekto ng
mga isyung nabanggit sa pagkatao ng tao o sa dignidad ng tao?
Ang pagpayag, pagsasagawa at pagiging kaugnay sa mga isyung
panseksuwalidad ay nagsasawalang-bahala sa sumusunod na katotohanan:
1.Nilikha ng Diyos ang tao ng mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang
pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan.
2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materyal) na
kumikilos na magkatugma tungo sa isang telos o layunin.
3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang
kaniyang isip at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan
ay mabuti o masama.
Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at
magdadala sa bawat isa sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na
pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos.
Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal kabilang na ang katawan
bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong gawin sa
tamang panahon. Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng tao ay
tumutukoy sa dalawang layuning maari lamang gawin ng isang babae at lalaki
na pinagbuklod ng kasal. Ito ay tumutugon sa layuning magkaroon ng anak (
proactive) at mapag-isa ( unitive). Anumang layuning taliwas sa dalawang
nabanggit ay magdadala sa atin sa katotohanang mali ang ating kilos sa
paggamit ng ating seksuwalidad. Halimbawa na ito ay ang pakikipagtalik
kahit hindi pa kasal, prostitusyon, pornograpiya, at pang-aabusong seksuwal.
Ang mga isyung ito ay humaharap sa maling paggamit ng ating seksuwalidad
na nauuwi sa kawalan ng pagglang sa dignidad ng tao.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 pahina 295-296

Mga Gawaing Pampagkatuto

GAWAIN 1.
Panuto. Punan o sagutin mo ang mga hanay at tanong na nakapaloob sa gawaing nasa ibaba.
Planuhin Mo ang Iyong Kinabukasan
1.Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?
A. Edukasyon

B. Kasal

C. Anak

D. Libangan

E. Pagreretiro

F. Iba pa Aspekto ng Buhay

2. Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

3. Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

4. Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak
g iyong mga
na an
layunin ay makamit o maisakatuparan

5. Ano kayang pagbabago ang maaring mnagyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay
mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba pa?

Isinalin mula sa My Life, My Choices: Key Issues for Young Adults ni Mary Ann Burkley Wojno, 2004, pp. 113-127

GAWAIN 2.

Panuto. Gumawa ng sariling hashtag (#) laban sa Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad. Isulat
ito sa kahon na makikita sa ibaba at gawing batayan ang kriterya sa ibaba.

Hashtag (#)
Kriterya Puntos

Pagiging malikhian 10

Kaangkupan sa paksa 10

Nagpapahayag ng kahalagahan ng dignidad at 10


seksuwalidad

Kabuluhan ng hashtag (#) 10

Kabuuan 50

GAWAIN 3.
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Ano ang dapat gawin sa mga sitwasyon o
isyung nabanggit? Pangatwiranan ang bawat sagot.

Sitwasyon Tamang dapat gawin. Ipaliwanag


1. Maysakit ang nanay mo at di siya
makapagtrabaho. Wala kayong
pambili ng gamot at pagkain.
Nagugutom na ang maliliit mong
mga kapatid. Nakita ng kapitbahay
ninyong lalaki ang inyong
sitwasyon. Inalok ka niya na
makipagtalik sa kaniya kapalit ng
perang pambili ng gamot at pagkain.

2.Isang araw, umuwi ang nanay mo


na may kasamang lalaki. Ipinakilala
niya ito sa kaniyang mga kapatid
bilang kasintahan. Sa bahay din
ninyo rin na tumira ang lalaki.
Mahal na mahal niya ito at
sinusunod lahat ng gusto nito.
Binilinan kayo ng inyongina na
sumunod at paglingkuran ang
kaniyang kasintahan. Sa isang
gabing wala ang inyong ina,
pumasok ang kasintahan ng inyong
ina sa iyong kuwarto at hinipuan ka
sa maseselang bahagi ng iyong
katawan.Sinabi niyang huwag kang
magsusumbong dahil kapag ginawa
mo iyon, papatayin niya ang inyong
ina.

Gawain 4.

Panuto. Basahin at unawaing mabutui ang bawat aytem.Bilugan ang pinakatamang


sagot sa iyong kuwarderno.
1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa

A. Pang-aabusong Seksuwal
B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon

2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga


layuning

A. Magkaroon ng anak at magkaisa.


B. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.

3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?

A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan


B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan

4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?

A. Si Odette ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng


kanyang katawan
B. Niyaya ni Daniel ang matagal na niyang kasintahang si Kathryn na magpakasal
sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing
pagkalimot sa sarili ni Eudora at ng kaniyang boyfriend na si Johnson.
D. Maganda ang hubog ng katawan ni Vexana kaya nagpasiya siyang magpaguhit
nang nakahubad.

5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?

A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.


B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay.

C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa


nito.
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng
mag-asawa sa bawat isa.
6. Ang isang lalaki o babae ay nagkaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging
manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (
puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi
nangangahulugang maaari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang
wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi
sila kailanaman magkakaoon ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang
ibinubuod ng pahayag na ito?

A. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata na.


B. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nakikipagtalik.
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari
lamang na makipagtalik.

7. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kaniyang kasintahang si Jonel. Pinatuloy


niya ito at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang
usapan.
Naging agresibo si Jonel at sinimulan nitong halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel “tayo
lang naman nandito”. Kung ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin?

A. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa kanilang bahay


B. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Jonel.
C. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyayari sa
kanila.
D. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama.

Para sa Bilang 8-10

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung nararapat o hindi ang
pagpapasiyang ginawa ng mga tauhan sa kuwento. Isulat ang N kung ito ay nararapat at
HN kung hindi marapat. Ipaliwanag ang iyong sagot.

______8. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok ang
kaniyang amain sa kuwarto niya at nagpakita ng mga malalaswang litrato.
Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Sabi ng
kaniyang amain, “Halika rito, anong klaseng lalaki ka?” Kinuha ni Wilson ang
babasahin at ito’y kaniyang tiningnan at nagustuhan naman niya ito.

Ipaliwanag:
_____9. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na nakabikini.
Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili sa isang kompanya ng pagmomodelo
at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at sinabing ang katawan niya ay
hindi kailanman maaaring I-display.

Ipaliwanag:

_____10. Si Aileen ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya. Wala na


siyang interes na mag-aral mula ng pauli-ulit siyang pagsamantalahan ng kaniyang
amain. Nakilala niya si meryl at niyaya siya nitong mamuhay sa lansangan at magbenta
ng aliwa. Sumama siya rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kung kaya’t
marapat lang na ito ang kaniyang gawin at kikita pa siya.

Ipaliwanag:

Pagninilay

Panuto. Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa ibaba ang iyong sagot.


1. Bakit mahalagang magkaroon ka ng tamang posisyon tungkol sa mga
isyung tungkol sa seksuwalidad?

2. Ano ang kahalagahan ng tamang paggamit ng seksuwalidad bilang


tao? Ipaliwanag
AKLAT

Edukasyon sa Pagpapahalaga-Ikasampu na Baitang


Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
Muling Limbag 2017
(pahina 280-290)
Articulo, A.C et.al. 2003, Values and Work Ethics.Trinita, Publishing Inc.
Meycauayan, Bulacan
De Torre, J.M. et al, 1992. Perspective: Current Issues in Values Education Book 4
Values Education Series Manila: Saoutheast Asian Science Foundation Sinag-tala
Publisher. Inc.

Mula sa internet:

https://www.slideshare.net/MaHazelForastero/isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad
https://www.powtoon.com/online-presentation/fDUpuAbUmlC/esp-grade-10-modyul-
11/?mode=movie
https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-37171495 https://www.powtoon.com/online-
presentation/fDUpuAbUmlC/esp-grade-10-modyul11/?mode=movie
Etika 107.blogspot.com/2004/09-Ikalawang aklat ng etika nikomekayo.
Retrieved July 5,2014 https://
secure.ethicspoint.com/domain/media/fill/gui/27241/code.pdf
Itinipon ni:
MA. JUVIE P. YUSON
(Pangalan)
BANKAL NATIONAL HIGH SCHOOL
(Paaralan)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division ( CID )

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

You might also like