You are on page 1of 9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

QUARTER 4 GRADE 10 WEEK 4


Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad
Pangalan: ____________________________________________ Pangkat :________________
Paaralan : ______________________________________________________________________

PANIMULA:
Kasanayan sa Pampagkatuto : Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa
isang isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
Code: EsP10PI-IVb-13.4
 Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa mga isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad;
 Nakasusulat ng sanaysay na may malinaw na posisyon sa isang isyung
moral sa buhay; at
 Nalalaman ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng
tao.

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang
pinakawastong
sagot at isulat sa kuwaderno.

1. Ang pang-aabusong sekswal ay kilala rin sa tawag na __________.


A. panlalatay C. pang-aatake
B. panghihiwa D. pangmomolestiya
2. Anong isyung moral ang kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad
ang gawaing pagtatalik na hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal?
A. prostitusyon C. pre-marital sex
B. pornograpiya D. pang-aabusong sekswal
3. Ang anggulo ng isang babae na nasa babasahin, kalendaryo, patalastas, at
mga pelikula na nagpapakita ng inklinasyon sa seks ay isang halimbawa ng
mga isyung moral sa ibaba MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. aborsiyon C. pornograpiya
B. prostitusyon D.pang-aabusong seksuwal
4. Anong esensiya ang pinag-uusapan kung ito ay may kinalaman sa paggamit
ng kasarian para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong
ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak
upang bumuo ng pamilya?
A. etika C. kaligayahan
B. kamalayan D. seksuwalidad
5. “Ang pakikipagtalik ay isang karapatan na makaranas ng kasiyahan”, ay
isang dahilan ng mga kabataan na pumapasok sa anong isyung moral?
A. prostitusyon C. pre-marital sex
B. pornograpiya D. pang-aabusong sekswal
6. Binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng
kasiyahang seksuwal ______________?
Ano ang tawag nito?
A. prostitusyon C. pre-marital sex
B. pornograpiya D. pang-aabusong sekswal

7. Anong isyung moral ang tinutukoy kung ito ay pagpapakita ng mahahalay


na larawan o palabas na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa
ng manonood o mambabasa?
A. aborsiyon C. euthanasia
B. pornograpiya D. pre-marital sex

8. May iba’t-ibang dahilan kung bakit ang isang kabataan na wala pa sa


wastong gulang ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ang mga ito ay
nasa ibaba MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. matugunan ang pangangailangang biyolohikal
B. malayang gawin ito at walang batas na nagbabawal
C. karapatan ng bawat isa ang makaranas ng kasiyahan
D. pagsunod sa utos ng Diyos na magparami at magmahal

9. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay pagpapahayag ng kawalan ng


_______.
A. pera C. pag-iisip
B. paggalang D. pagmamahal

10. Si Lovely ay madalas hipuan ng kaniyang amain kapag wala ang kaniyang
ina. Ito ay isang halimbawa ng isang isyung moral na _____________.
A. prostitusyon C. pre-marital sex
B. pornograpiya D. pang-aabusong seksuwal

GAWAIN 1;Balikan
Panuto: Balikan natin ang huling aralin sa pamamagitan ng pagsuri sa “hugot” na
mababasa sa ibaba. Ano-ano ang apat (4) na isyung kaugnay dito ang naaalala
mo?
Population Commission, Philippines

“Piliin ang Pangarap, Huwag Ipagpalit sa


Sandaling Sarap”

Source:https://www.modernfilipina.ph/health/health-issues/sex-education-in-the-philippines
1._____________________ 3.__________________________

2._____________________ 4.__________________________
Tuklasin
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at
isulat sa papel ang iyong mga sagot.

Source:https://www.needpix.com/
photo/138163/ Source:By This Image was released by the United
States Marine Corps with the ID 091027-M-8224P-
002 (next).This tag does not indicate the copyright
status of the attached work. A normal copyright tag
is still required. See Commons:Licensing. ‫العربية‬ |
বাংলা | Deutsch | English | español | euskara |
‫فارسی‬ | français | italiano | 日 本 語  | 한 국 어  |
македонски | മലയാളം | Plattdüütsch |
Nederlands | polski | ‫پښتو‬ | português | svenska |
Türkçe | українська | 中文  | 中文( 简体)  | +/−,
Public Domain,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?
curid=23073814
Mga Tanong:
1. Anong isyung moral ang ipinapakita sa larawan?
2. Ano ang kapalit ng panandaliang ligaya?
3. Magbigay ng isang dahilan kung bakit ang babaeng nasa larawan ay pinasok
ang ganitong sitwasyon?

Magandang araw! Ako nga pala si teacher Angel. Gusto mo ba na patuloy na


pag-usapan ang tungkol sa paggalang ng seksuwalidad? Batid kong alam mo na
ang iba’t-ibang isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad dahil
natalakay na natin ito sa ating mga nakaraang aralin. Ngayong araw, kailangan
mong makagawa ng malinaw na posisyon sa isang isyu sa kawalan ng paggalang
sa seksuwalidad.

Handa ka na ba?
Ngayon, tatalakayin natin ang ilan sa mga pahayag tungkol sa paggalang sa
seksuwalidad.

Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad sapagkat


ito ang batayan ng pagiging moral.
Malaking hamon sa mga guro, lalong-lalo na sa mga magulang ang pag gabay sa
mga anak nila dahil sa mga makabagong teknolohiya na nagdudulot ng malaking
epekto sa pag-uugali at kilos ng mga kabataan ngayon.
Balikan natin ang mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig at nababalitaang
madalas na kinakasangkutan ng mga kabataan.

Pag-usapan natin ito isa-sa.

Una, Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex)

Ang Pagtatalik bago ang kasal o Pre-marital sex ay gawaing pagtatalik ng isang
babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa
kasal.

Lumilitaw sa isang pag-aaral na dumadami ang mga kabataan na nakikipagtalik


sa ka-partner na hindi pa nila asawa. Ayon sa pag-aaral na 2013 Young Adult
Fertility and Sexuality Study o YAFS 4 na ginawa ng UP Population Institute at
Demographic Research and Development, lumitaw na isa sa bawat tatlong
kabataang Pinoy edad 15 hanggang 24 ang sumasabak na sa pre-marital
sex. Katumbas umano ito ng 6.2 milyon kabataang Pinoy na
kumakatawan sa 32 porsiyento na mas mataas sa naitalang 23.2
porsiyento noong 2012.(1)

Marami sa mga kabataang ito ay walang proteksyon na nagdudulot ng maagang


pagbubuntis o ‘di kaya’y pagkakaroon ng Sexually Transmitted Disease o STD.
May mga kabataang gumagawa rin ng casal sex o pagtatalik ng walang
emotional attachment.

Pangkasaysayang itunuturing ito na bawal sa maraming mga kultura at


itinuturing na isang kasalanan sa maraming mga relihiyon. Hanggang wala siya
sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi siya
kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik.

Mahalaga ang papel ng mga magulang, guro, at maging sa buong komunidad sa


pagpapaalala at pagtuturo ng tamang landas sa mga kabataan ngayon.

Pangalawa, Pornograpiya.

Ang pornograpiya ay mga malalaswang litrato, panoorin o babasahin.


Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan na may
layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.

Sa panahon ngayon, hindi lamang ang paninigarilyo, pag-iinom ng alak, at


paggamit ng bawal na gamot ang kinahuhumalingan ng mga kabataan kung
hindi pati na rin ang panonood ng ipinagbabawal na palabas o porno.
Isa sa mga dahilan nito ay ang tinatawag nating “curiosity”. Dahil din sa
modernong teknolohiya mas lalong madali na lamang sa mga kabataan ang
makakuha o makapanood nito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit marami
ang pumapasok sa pre-marital sex na nagreresulta ng early pregnancy sa mga
kababaihan.

Sinisira ng pornograpiya ang kakayahan ng isang tao na masiyahan sa normal


na paraan o damdaming dulot ng paglalambingan at espiritwal na pakikipag-
ugnayan sa katapat na kasarian. Nawawala rin ang kakayahang mag desisyon,
nababago maging ang kagandahang-asal at nagiging hindi normal ang kilos at
pag-uugali ng tao dahil dito.

Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at


pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring
hindi na matupad.

Gabay ng mga magulang ang kailangan upang ito ay maiwasan. Kailangan din
ng tamang pagtuturo at impormasyon tungkol sa masamang epekto nito mula
sa mga paaralan at maging sa komunidad.

Pangatlo, Pang-aabusong Seksuwal.

Ang pang-aabusong seksuwal o kilala rin sa tawag na pangmomolestiya, ay ang


pagpilit ng mga hindi kanais-nais na seksuwal na pag-uugali ng isang tao sa
iba. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi
ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan
para sa seksuwal na gawain at panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.
Ang kadahilanan ng mga taong nagsasagawa ng mga pang-aabusong seksuwal
ay taliwas sa tunay na esensya ng seksuwalidad.

Palaging tatandaan na ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik


ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing
magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito ang esensiya ng
seksuwalidad.

Pang-apat, Prostitusyon.

Ang prostitusyon ay ang pakikipagtalik na may bayad at layunin na ang taong


umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal. Ito ang tinaguriang
pinakamatandang propesyon sa buong mundo sapagkat hindi pa lang
ipinapanganak ang mga magulang natin, ay marami na ang gumagawa nito.

Karamihan sa nasasangkot sa prostitusyon ay ang mga taong madaling


makontrol dulot ng kahirapan at kawalan ng kaalaman o muwang. Nawala na
ang kanilang paggalang sa sarili at tamang pagkilala kung kaya’t minabuti na
nilang ipagpatuloy ang kanilang masamang karanasan.
Dahil nasanay na, hindi na nila magawang tumanggi kung kaya’t naging tuloy-
tuloy na ang kanilang pagpagamit sa masamang gawaing ito.

Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob ng Diyos na seksuwalidad. Isa sa


mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng kasiyahang seksuwal
mula sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan. Nakakaranas ng kasiyahan ang
taong nasasangkot sa prostitusyon ngunit hindi ito angkop sa tunay na layunin
ng pakikipagtalik.

Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para


makadama ng kaligayahang sensuwal. Hindi ito isang paraan para makadama
ng kaligayan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong pag-isahin ang isang
babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal. Ito ay regalo ng Diyos upang
magbuklod ang mag-asawa at magpakarami ayon sa kaniyang kagustuhan.

GAWAIN 2: “ Sanaysay Ko, Kuwento Mo ”


Panuto: Basahin ang unang sitwasyon na siyang halimbawa sa ibaba at
pagkatapos ay sagutan ang susunod na sitwasyon sa susunod na pahina.
Magbigay ng pahayag tungkol sa kung anong isyu ng sekswalidad ito napabilang at
kung ano ang iyong gagawin. Maglaan ng isang buong papel para sa iyong sagot.

Sitwasyon 1 (Halimbawang inilaan para saiyo)


Nagtatrabaho ka bilang isang sekretarya sa isang kompanya. Napansin
mong madalas ang pagiging tyansing ng iyong amo sa iyo. Hinihimas nya ang iyong
kamay, at tinatapik ang iyong puwet at sinasabihan ka niya ng malalaswang salita.
Ito ay hindi mo nagustuhan dahil nakakabastos na ito at nakakawala ng respeto sa
iyong pagkababae. Sinabihan ka nya na makipagtalik sa kanya kapalit ng
promosyon sa trabaho.
Sagot:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sitwasyon 2
Niyaya ka ng kasintahan mong pumunta sa kaarawan ng kanyang pinsan.
Inabutan ka nang kanyang pinsan ng bote ng alak at sinabihan ka niyang inumin
ito bilang regalo sa kanyang kaarawan. Nagkasiyahan kayo at naparami ka ng
inum. Habang kayo ay pauwi, niyaya ka ng iyong kasintahan na makipagtalik sa
kanya at kapag pumayag ka ay sigurado na daw siya na mahal mo sya.
Sagot:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Mag-isa sa bahay si Nellie nang dumating ang kaniyang nobyo na si Bong.


Pinatuloy niya ito sa loob ng bahay at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay
nag-iiba na ang tema ng usapan at nagiging agresibo na si Bong. Sabi pa
niya, “ tayo lang naman ang nandito” habang hinahalikan si Nellie.
Kung ikaw si Nellie, ano ang iyong dapat gawin?

A. kakausapin si Bong at sasabihing panagutan kung ano man ang


kahihinatnan ng gagawin nila
B. magpapakipot muna sa umpisa pagkatapos ay papayag din
C. kakausapin si Bong nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang
tama
D. magagalit kay Bong at ito ay paaalisin sa kanilang bahay

2. Si Walter, na nasa ikasampung baitang at miyembro ng Boy Scouts of the


Philippines, ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok
ang kanyang amain sa kanyang silid tulugan at nagpakita ito ng
malalaswang litrato. Hindi mapakali si Walter at hindi alam ang sasabihin.
Hinimok sya ng kaniyang amain na tingnan ito. Kung s’ya nga raw ay tunay
na lalaki ay babasahin nya ito at ng kanya namang nabasa ay nagustuhan
naman niya.

Bilang isang boy scout na may dangal at disiplina sa sarili, tama ba ang
ginawa ni Walter na pagsunod sa amain? Oo o hindi at bakit?
A. Oo, dahil baka sya ay sasaktan nito kung hindi sya susunod.
B. Hindi, sapagkat hindi nya ito tunay na ama.
C. Oo, dahil mahalaga ang may alam tungkol sa sex lalo na sa mga
kabataang katulad ni Walter at lalo dahil boy scout siya.
D. Hindi, sapagkat ito ay hindi mabuti at kailangan niya itong ipaalam
sa kaniyang ina.

3. Hiniling ng isang kapitbahay ni Ela na kunan sya ng litrato na nakahubad.


Sinabi nito sa kaniya na kikita siya ng malaki mula sa mga litrato sa isang
kompanya ng pagmomodelo. Tumanggi si Ela dahil ayaw niya umanong
4. i-display ang kaniyang katawan.

Tama ba ang pasya ni Ela? Oo o hindi at bakit?


A. Oo, dahil hindi siguradong malaki ang kaniyang kikitain mula dito.
B. Hindi, kung ito ay hindi niya ipagpapaalam sa kaniyang ina bago
niya ito gawin.
C. Oo, sapagkat ang katawan ng tao ay sagrado at hindi dapat gamiting
kasangkapan para kumita ng pera.
D. Hindi, dahil ang kaniyang hubad na katawan ay napakaganda para
pag piyestahan lamang ng mga taong puno ng pagnanasa.
5. Si Meril ay 15 taong gulang at galing sa isang mahirap na pamilya. Ayaw na
niyang pumasok sa paaralan mula ng paulit-ulit siyang gahasain ng
kaniyang amain. Nakilala naman niya si Hannah, isang babaeng nagbebenta
ng aliw kapalit ang pera, inalok siya nito na sumama sa kanya.

Tama ba o mali na sumama sya dito? Bakit?


A. Mali, sapagkat ang katawan ng tao ay sagrado at hindi dapat
gamiting kasangkapan para kumita ng pera.
B. Tama, para mabuhay niya ang kaniyang sarili at makaalis sa bahay
ng amain na patuloy na humahalay sa kanya.
C. Tama,sapagkat ang isang tulad nya ay may karapatang makaranas
ng kasiyahan habang kumikita ng pera habang bata pa.
D. Mali, dahil dapat mag-asawa nalamang siya upang ipagsakatawan ng
pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa isa’t-isa.

6. May ipinakilalang bagong nobyo ang ina ni Joanna. Pinatira niya ito sa
bahay nila at ipinagbilin na pagsilbihan niya. Mahal na mahal ito ng
kaniyang ina at sinusunod lahat ang gusto nito. Isang gabi na wala ang
kaniyang ina, pumasok ang kasintahan ng kaniyang ina sa kwarto ni
Joanna. Hinipuan sya nito sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
Tinakot si Joanna na papatayin niya ang ina nito kung magsusumbong siya.

Kung ikaw si Joanna, ano and dapat mong gawin?


A. magsusuplong sa pulis
B. mananahimik para walang gulo
C. magsasabi sa kapitbahay para may sumaklolo
D. magsusumbong sa ina para mag-away sila’t maghiwalay

7. Si Lovely ay madalas hipuan ng kaniyang amain kapag wala ang kaniyang


ina. Ito ay isang halimbawa ng isang isyung moral na _____________.
A. Prostitusyon C. pre-marital sex
B. pornograpiya D. pang-aabusong seksuwal
8. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay pagpapahayag ng kawalan ng
_______.
A. pera C. pag-iisip
B. paggalang D. pagmamahal
9. May iba’t-ibang dahilan kung bakit ang isang kabataan na wala pa sa
wastong gulang ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ang mga ito ay
nasa ibaba MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. matugunan ang pangangailangang biyolohikal
B. malayang gawin ito at walang batas na nagbabawal
C. karapatan ng bawat isa ang makaranas ng kasiyahan
D. pagsunod sa utos ng Diyos na magparami at magmahal
10.Anong isyung moral ang tinutukoy kung ito ay pagpapakita ng mahahalay
na larawan o palabas na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa
ng manonood o mambabasa?
C. aborsiyon C. euthanasia
D. pornograpiya D. pre-marital sex

You might also like