You are on page 1of 10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

QUARTER 4 GRADE 10 WEEK 2


SEKSUWALIDAD: NAPANGALAGAAN MO BA O INAABUSO MO NA?

Pangalan : _______________________________________ Pangkat: _____________________


Paaralan: _____________________________________________________________________

PANIMULA:

Bilang isang tao, isang hamon na buuin at linangin ang seksuwalidad


upang maging ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki. Ito ay mahalagang
matalakay rin at mapaintindi sa mga kabataan sapagkat kailangan nilang
maintindihan ang kahalagahan at ang mga maaring idulot kapag ito ay
napapawalang-bahala.

Sa aralin na ito ay tatalakayin ang mga isyung moral tungkol sa


seksuwalidad at masusuri kung bakit ang mga natalakay na isyu ng nakaraang
modyul ay kawalan ng paggalang sa sekswalidad. Isa-isang ididiskusyon dito ang
mga isyu kaakibat ang iba’t-ibang paliwanag at halimbawa para mas lalong
makuha nag mensahe.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad
seksuwalidad.
EsP10PI-IVa-13.2

BALIKAN: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat


aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

____1. Ang mga sumusunod ay mga isyung moral tungkol sa kawalan ng


paggalang sa dignidad o seksuwalidad MALIBAN sa:
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal
B. prostitusyon D. bawal na Gamot
C.
____2. Ano ang isyung moral tungkol sa seksuwalidad na tumutukoy sa mga
mahalay na paglalarawan o babasahin na may layuning pukawin ang seksuwal na
pagnanasa ng nanonood o nagbabasa?
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal
B. prostitusyon D. pagtatalik bago ang kasal

____3. Ano ang ipinapahayag ng pagtatalik nang hindi kasal?


A. kawalan ng paggalang C. kawalan ng komitment
B. kawalan ng dedikasyon D. lahat ng nabanggit

____4. Ano ang maaaring kasasangkutan ng kabataang humantong sa pre-


marital sex?
A. Hindi pa handa sa mga maaaring bunga nito sa kanilang buhay.
B. Hindi pa sila ganoon katatag upang harapin ang responsibilidad na
kaakibat ng pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.
C. Nangangailangan ng suporta ng kanilang mga magulang para
maitaguyod ang knilang sariling pamilya.
D. Lahat ng nabanggit.
____5. Kelan ang paggamit sa sekswalidad ay masama?
A . Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay
o kasangkapan.
____6. Ano ang isyung moral tungkol sa seksuwalidad ang tumutukoy sa
gawaing nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera?
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal
B. prostitusyon D. bawal na Gamot
____7. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa gawaing pagtatalik
bago ang kasal?
A. pang-aabusong seksuwal C. pre-marital sex
B. pornograpiya D. prostitusyon
____8. Saan nauuwi ang pakikipagtalik kahit hindi pa kasal, prostitusyon,
pornograpiya, at pang-aabusong seksuwal?
A.Kasikatan ng pagkatao C. karangyaan sa buhay
B.Katatagan sa sarili D.kawalan ng paggalang sa dignidad ng tao
____9. Paano napaghandaan ang iyong kinabukasan upang hindi maging
biktima o makaranas ng pang-aabusong seksuwalidad at prostitusyon?
A. Pagtuon sa sarili sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang
kinabukasan at umiwas sa mga kaibigang maaaring mgdulot
sa iyo ng masamang impluwensiya.
B. Hindi paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
C. Pagsaisip at gawing gabay nag awing sandata o sentro ang
Diyos sa lahat ng bagay.
D.Lahat ng nabanggit.
____10. Anong isyung sekswal ng mga kababaihang biktima ng panghihipo ng
maselang bahagi ng katawan, at panggagahasa ay tumutukoy sa isyung seksuwal
na
A. pornograpiya C. prostitusyon
B. pre-marital sex D. pang-aabusong seksuwal

Gawain 1: Hulaan Mo!

Ang gawaing ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na balikan ang


natutuhan sa nakaraang leksiyon.
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba. Tukuyin kung anong isyu ng
buhay ang tinutukoy ng mga ito. Buuin ang mga titik na angkop sa mga larawang
ipinapakita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
LARAWAN TAMANG SALITA
1

P_G_AT_ _IK B_GO A_G


KA_ _ L

2.

P_ _NO_R-_ P_ YA
3.

A _ OR_ _ Y_ N

Source:By Andrew c - Own work, CC BY-SA 3.0,


https://commons.wikimedia.org/w/inde x.php?
curid=5986366

4.

PR_ _ T_T_S_ _ N

Source:By In order to comply with the use and licensing terms of this
image, the following text must must be included with the image when

published in any medium, failure to do so constitutes a violation of the

licensing terms and copyright infringement: © Tomas Castelazo,

5.

P_N_ - A A _ US_NG
S_KSU_A_

Magaling! Tiyak kung may natutunan ka sa nakaraang leksiyon.


Ngayon ay handa ka na sa talakayan ng ating panibagong paksa.

Ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa mga isyung


may kinalaman sa seks at seksuwalidad. Ito ayon sa isang survey na ilinomisyon
ng National Secretariat for Youth Apostolate (NSYA).Kabilang sa mga ito ay
pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex), pornograpiya, pang-aabusong
seksuwal, at prostitusyon.
ISYU #1: PAKIKIPAGTALIK NG HINDI KASAL

Tanong: Nararapat bang makipagtalik


ang kabataan kahit hindi pa sila kasal?

Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at


hangin na ating hinihinga. Ang pananaw na kailangan pananaw na kailangan ang
pakikipagtalik upang mabuhay ay isang mahinang pagkilala sa

Source:By Ken Hammond (USDA) -


https://web.archive.org/web/20030107152124/http://ww pagkatao ng tao dahil ipinagwawalng-bahala
w.usda.gov:80/oc/photo/02cs2059.htm, Public Domain,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?
niya ang kakayahan ng taong ipahayag ang
curid=17068277 kaniyang tunay na pakikipagrelasyon lalo pa
kung hindi kasal, ay hindi kailanman
dignidad at integridad ng pagkatao. Bilang
pangunahing pangangailangan ng tao. Ang
pakikipagtalik ng hindi kasal ay
nagpapawalang-galang at nagpapababa sa tao,
tayo ay malaya. Ngunit ang ating kalayaan ay
hindi nangangahulugang malaya tayong piliin
king ano ang gustonating gawin. Ang ating
kalayaan ay mapanagutan,malaya tayong pumili
ngunit nararapat na ang piliin ay kung ano ang
mabuti at tama. Ang paggamit ng ating
Source:By Petar Milošević - Own work, CC BY-SA kakayahang seksuwal ay mabuti ngunit maari
4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?
curid=6715086 lamang gawin ang pakikipagtalik ng mga taong
pinagbuklod ng kasal.

ISYU #2: PONOGRAPIYA

Tanong: Ano ba ang masama sa pornograpiya ? Sa palagay mo, sining


ang pornograpiya at kailan pornograpiya ang sining?
Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaring
mag-iba ang asal. Ang mga seksuwal na
damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na
maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at
mapagnasa. Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa
kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng
tao ang mga makamundong pagnanasa.
Ibinababa ng tao ang pagkatao o ang kaniyang
dignidad bilang tao.
Isang pananaw tungkol sa pornogapiya na
lumaganap ngayon ay ang pagtingin dito bilang
Source:By Rawpixel.com -
https://pxhere.com/en/photo/1559045, CC0,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?
isang sining. Ang sining ay nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng
kagandahan ay nakapagbibigay ng kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang
magandang nagawa. Ito rin ay humihikayat na makalinang ng mg a kilos at
kalooban patungo sa kung anong ipinagkahulugan sa ipinakikita. Isang halimbawa
nito ay ang estatwa ng “oblation”na nasa bungad ng Pamantasan ng Pilipinas sa
Diliman. Ang estatwang hubad ay sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng sarili sa
Diyos, hindi nagsasaalang-alang sa anupamang mga bagay at kahubarang
nagnanais na mabihisan ng kaalaman. Dapat nating tandaan na hindi lahat
ng naghuhubad ay halimbawa ng pornograpiya.
Ang pornograpiya ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos
seksuwal na kadalasan ay suggestive o provocative. Hinihikayat nito ang tumingin
na mag-isip ng masama at magkaroon ng hindi magandang pagtingin sa katawan
ng taong nasa larawan. Ito ay nagbigay daan upang makagawa ng pagtugon sa
seksuwal na maaring mauwi sa pang-aabuso at panghahalay. Ito ang dahilan kung
bakit hindi dapat ituring na sining ang pornograpiya.

ISYU #3: PANG-AABUSONG SEKSWAL


Tanong: Bakit nga ba nangyayari
ang mga pang-aabusong seksuwal?
Ano ang karaniwang nagtutulak sa
mga kabataan na gawin ito o
pumayag sa ganitong uri ng
pagsasamantala?

Karamihan sa mga nagiging biktima ng


Source:By Edith Castro Roldán, Oscar Manuel Luna
Nieto - Own work, CC BY-SA 4.0, pang-aabusong seksuwal ay ang mga bata
https://commons.wikimedia.org/w/index.php? o kabataang may mahihinang kalooban,
curid=38763173
madaling madala, may kapusukan at
kadalasan,iyong mga nabibilang sa
mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga
magulang. Sa gitna ng kanilang pagiging
mahina, pumapasok ang mga taong
nagsasamantala, tulad ng mga pedophile
na tumutulong sa mga batang may
mahinang kalooban sub alit ang layunin
pala maisakatuparan ang pagnanasa.
Dagdag pa rito, may mga magulang din na
sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang
mga anak na gawin ito upang magkapera.
Ilan sa mga ito ay sila mismo ang
umaabuso sa kanilang mga anak.

Tanong: Kung susuriin natin, bakit ang mga gawaing seksuwalidad na


nabanggit
Source:By Johannsa itaas
Michael ay- Germanisches
Neder itinuturing na pang-aabuso?
Nationalmuseum,
Ang Public Domain,
mga kadahilanan ng mga taong nagsasagawa ng mga pang-aabusong
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?
seksuwal na
curid=26728946 ating binanggit ay taliwas a tunay na esensiya ng

RASON NG NAGPAPABABA ANG DIGNIDAD DAHIL SA PROSTITUSYON


Una, ang mga taong sangkot dito, ang bumibili at nagpapabili ng aliw, ay
nawawalan ng paggalang sa pagkatao ng tao. Naituturing anf taong gumagawa nito
(kadalasan ay babae), na isang bagay na lamang kung tratuhin at hindi
napakikitaan ng halaga bilang isang tao.
Ang konsento o pagsang-ayon na ipinapahayag ng taong nagbebenta
ng kaniyang sarili ay hindi nagpapabuti sa kaniyang kilos. Malaya ang tao na
gumawa ng pasiya na sumailalim sa prostitusyon, ngunit makabubuti kaya ito sa
kaniya? Maaring gamitin ng tao ang kaniyang kalayaan bilang dahilan sa pagpasok
sa prostitusyon, ngunit laging tandaan na ang kalayaan ay may kaakibat na
pananagutan sa paggawa ng mabuti.

Gawain 3: Kinabukasan Mo, Nakasalalay Sa Kamay Mo!


Sa gawaing ito, hinihingi ang pagiging bukas ng isip at malawak na
pag-unawa upang mapanindigan ang tunay na kahalagahan sa mga isyung moral
tungkol sa seksuwalidad.
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag Iguhit sa kolum na “

Nasa Kamay Mo” ang kung ang pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan at

naman kung hindi.

Mga Pahayag “ Nasa


Kamay
Mo ”
1. Ang mga katagang “ kung mahal mo ako, papayag kang
makipagtalik sa akin” ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal.
2. Tama lamang na magtatalik ang mag-asawa na naglalayong
ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng
anak upang bumuo ng pamilya.
3. Ang estatwa ng “oblation” na nasa bungad ng Pamantasan ng
Pilipinas sa Diliman ay hindi napabilang sa pornograpiya.
4. Ang magulang na minomolestiya ang sarili nilang anak ay
hindi matawag na pang-abusong seksuwalidad.
5. Ang panonood ng malaswang bidyu ay isang uri ng libangan at
hindi nakaapekto sa pagsira ng sekswalidad.
6. Huwag makipagtalik kung wala sa wastong gulang at hindi pa
tumanggap ng sakramento ng kasal.
7. Hindi pang aabusong sekswal ang pagbibigay konsento na
ibenta ang kaniyang sarili.
8. Ang pornograpiya ang isa sa mga rason kung bakit madami na
ang nanghahalay.
9. Ang gabay at kahigpitan ng magulang ay kailangan upang
hindi maging biktima ng pang aabusong sekswal.
10. Hindi nakakawala ng dignidad ang pagbebenta ng katawan
kung ito ay para makaahon sa kahirapan.

Gawain 4.1: Pagkatao Ko, Buuin Mo.


Sa gawaing ito, inaasahang maipamamalas ang naging lawak ng kaalaman
at pag-unawa sa paksa.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Isulat
ang letrang MPS (May Paggalang sa Seksuwalidad) kung ang pahayag ay tama at
WPS (Walang Paggalang sa Seksuwalidad) naman kung ang pahayag ay mali.

____1.) Paghuhubad para sa sining


____2.) Paghiwalay ng palikuran sa babae at lalake
____3.) Panghihipo ng boss sa kanyang empleyado
____4.) Pagbahagi ng mga iskandalusong bidyung sekswal para kumita
____5.) Pagpuri sa mga babaeng magagaling sa isports

PAGTATAYA:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

___1. Kailan masasabing ang paggamit ng seksuwalidad ng tao ay masama?


A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay
o kasangkapan.
___2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa isyung seksuwal?
A. Si Jessica ay araw-araw hinihiuan ng kaniyang amain sa maseselang
bahagi ng kaniyang katawan.
B. Niyaya ni Nolly ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na
magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing
pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si Ariel.
D. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang
magpaguhit nang nakahubad.
___3. Ito ay isyung moral tungkol sa seksuwalidad na tumutukoy sa mga
mahalay na paglalarawan o babasahin na may layuning pukawin ang
seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal
B. prostitusyon D. pagtatalik bago ang kasal
___4. Si Wilson ay nakatira a kaniyang nanay at amain. Isang araw,
pumasok ang kaniyang amain sa kuwarto niya at nagpakita ng mga
malalaswang litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang
kaniyang sasabihin. Sabi ng kaniyang amain, “Halika rito, anong
klaseng lalaki ka?” Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito’y kaniyang
tiningnan at nagustuhan naman niya ito. Gagayahin mo ba si Wilson?
A. Oo, dahil sumunod lamang ako sa gusto ng aking amain.
B. Hindi, dahil wala akong panahon sa malalaswang litrato.
C. Oo, dahil wala namang ibang nakakaalam maliban sa aking amain na
nagbibigay nito.
D. Hindi ko gagayahin si Wilson dahil masama ang epekto nito sa aking
sarili at sa pakikitungo ko sa aking kapwa.
5. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na
nakabini. Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili sa isang kompanya ng
pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at sinabing
ang katawan niya ay kailanman maaring i-display. Tama ba ang nagging
desisyon ni Mela?
A. Tama, dahil nakapagpababa ng dignidad ni Melay kung papaya siya
rito.
B. Mali, dahil babayaran naman siya ng pera kapalit ng kaniyang kuhang
larawan.
C. Mali, dahil hindi naman nakakasira sa kaniyang dignidad kapag siya’y
binigyan ng pera.
D. Tama, dahil mali ito.
6. Ang isang lalaki o babae ay nagkaroon ng kakayahang makibahagi sa
pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad na
pagdadalaga o pagbibinata. Subalit kahit sila ay may kakayahang
pisyolohikal na gagamitin ito, hindi nangangahulugang maari na silang
makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala sila sa wastong
gulang, at hindi pa tumanggap ng sakramento ng kasal hindi sila
kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong
katotohanan ang ibinubuod ng pahayag na ito?
A. Maaari nang makipagtalik ang kabatang nagdadalaga at nagbibinata.
B. Maaari nang magkaanak ang kabataang nagtatalik.
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang
makipagtalik.
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang
maari lamang na makipagtalik.
7. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
A. Ang pakikipagtalik ay karapatang makaranas ng kasiyahan?
B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at
mabuhay.
C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang
gagawa nito.
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na
ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.
8. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa gawaing pagtatalik bago
ang kasal?
A. pang-aabusong seksuwal
B. pre-marital sex
C. pornograpiya
D. prostitusyon
9. Si Belle ay labinlimang taong gulang at napabilang sa mahirap na
pamilya. Siya ay biktima nang paulit-ulit na pananamantala ng kaniyang
amain. Dahil dito, nawalan na siya ng interes na ipagpatuloy ang
kaniyang pag-aaral. Nakilala niya si Anna at niyaya siya nitong mamuhay
sa lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya rito at nagsabing lubog
narin naman siya sa putik kung kaya’t marapat lang na ito ang kaniyang
gawin at kikita pa siya. Ano ang maipapayo mo kay Belle?
A. Ang pagkakamali ay hindi malutas ng isa pang pagkakamali kaya’t
nararapat na ituwid ang pagkakamali at magkakaroon ng pagkataong
magbago.
B. Huwag gawing dahilan ang mga madilim na nakaraan para lang
ipagpatuloy ang di nararapat na tatamasing buhay.
C. Hindi pa huli ang lahat. Mamasukan na lamang siya bilang working
student upang may pantustos siya sa kaniyang pag-aaral at
makapagtapos.
D. Lahat ng nabanggit.
10. Paano mo paghandaan ang iyong kinabukasan upang hindi maging
biktima o makaranas ng pang-aabusong seksuwalidad at prostitusyon?
A. Ituon ang sarili sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang
kinabukasan at umiwas sa mga kaibigang maaaring mgdulot sa iyo
ng masamang impluwensiya.
B. Huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
C. Gawing sandata o sentro ang Diyos sa lahat ng bagay.
D. Lahat ng nabanggit.

You might also like