You are on page 1of 15

10

Edukasyon
sa Pagpapakatao

Ikaapat na Markahan – Modyul 5


Kahalagahan at Layunin ng
Seksuwalidad tungo sa Paggalang sa
Dignidad ng Tao

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Kahalagahan at Layunin ng Seksuwalidad
tungo sa Paggalang sa Dignidad ng Tao
Aralin

1
A. Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang iyong malaman ang
tunguhin at layunin ng ating seksuwalidad. Malalaman mo sa modyul na ito kung
gaano kahalaga ang seksuwalidad ng bawat tao, at kung kailan dapat ginagamit ito.
Malalaman mo rin sa pamamagitan ng modyul na ito kung bakit nakapagpababa sa
dignidad ng tao ang Pagtatalik bago ang kasal o Pre-marital Sex, Pornograpiya,
Pang-aabusong Seksuwalidad at Prostitusyon.

 Layunin

Napapangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol


sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang
kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad ng tao (ESP 10PI-IVb-13.

 Panimulang Pagtatasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik nang tamang
sagot. isulat ang inyong sagot kwaderno.

1. Anong sakramento ang kailangang tanggapin ng isang babae at lalaki upang legal ang
kanilang pagtatalik?
a. Sakramento ng binyag
b. Sakramento ng pangungumpisal
c. Sakramento ng Kasal
d. Sakramento ng kumpirmasyon
2. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalga.
3. Ang pagtatalik nang HINDI pa kasal ay nagpapahayag sa kapareha ng mga sumusunod
MALIBAN sa isa.
a. kawalan ng paggalang
c. kawalan ng dedikasyon
b. kawalan ng komitment
d. Tunay na pagmamahal
4. Naniniwala ka bang malaya ang isang tao na makipagtalik kahit hindi pa kasal?
a. Oo, dahil ang tao ay may karapatan na makipagtalik at malaya siyang gawin ito.
b. Oo, dahil ang tao ay may karapatan na makaranas ng kasiyahan.
c. Hindi, dahil kapag isinagawa niya ito hindi mararating ng tao ang kaganapan ng
kanyang buhay.
d. Hindi, dahil ang ating kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya tayong piliin kung
ano ang gusto nating gawin.
5.Ito ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos seksuwal na kadalasan ay
suggestive o provocative.
a. Pang-aabusong seksuwal
b. Pre-marital sex
c. Pornograpiya
d.Prostitusyon
6. Ito ay nagdadala sa atin sa layuning madama ang tunay na pagmamahal na siya
naming dahilan kung bakit tayo nilalang ng Diyos.
a. Sakramento ng kasal
b. Seksuwalidad
c. Pagtatalik
d. Magkapamilya
7. Saan nagkapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ng karapatan na dumadaloy rito.
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.
8. Ginawa ng Panginoon ang tao na may dignidad. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang tao ay kailangang pahalagahan.
b. Ang tao ay kailangang tratuhin bilang tao.
c. Ang tao ay may karapatan na mabuhay ng normal.
d. Lahat sa nabanggit
9. Sino ang nagsabing “Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay na hindi
nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit”
a. Sto. Tomas de Aquino
b. Sta. Teresita
c. Mother Teresa
d. Immanuel Kant
10. Paano mapangalagaan ang seksuwalidad ng tao?
a.Pagkakaroon ng respeto sa sarili
b.Pagkakaroon ng takot sa Diyos
c.Pag-iwas sa mga gawaing taliwas sa layunin ng paggamit ng seksuwalidad
d. Lahat sa nabanggit

 DATING KAALAMAN

Napag-aralan mo ang mga isyung moral tungkol sa seksuwalidad, ito ay ang:


Pagtatalik bago ang kasal o Pre-marital Sex, Pornograpiya, Pang-aabusong Seksuwal at
Prostitusyon. Sa bagong aralin, lalawak ang iyong kaalaman sa mga isyu tungkol sa
kawalan ng paggalang seksuwalidad at ito ay daan upang magkaroon ka ng malinaw na
posisyon sa kahalagahan ng paggalang sa kabuuan ng pagkatao ng tao sa tunay na layunin
nito.
B. PAGLALAHAD
 PAGBUO NG KONSEPTO

Kung mapapansin mo, marami ang mga problema ang kinakaharap ng ating lipunan
sa ngayon, lalong–lalo na ang isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad ng tao. Ang mga isyung; Pagtatalik bago ang kasal, pornograpiya, mga Pang-
aabusong seksuwal at Prostitusyon ay ginagawa ng mga tao anumang oras na kanilang
gusto. Sa gawaing ito napapababa ng mga tao ang kanilang kahalagahan bilang tao.
Nawawala na ang pagbibigay respeto sa kanilang sarili at sa kanilang kapwa. Ang
pakikitungo ng mga tao ay isa na lamang bagay na kanilang magagamit sa panahon na
kanilang kakailanganin.

Ang nakakagulat na pangyayari ay pati mga kabataan ay nasasangkot sa mga


isyung moral tungkol sa seksuwalidad. Dahil sa maagang namulat sa pakikipagrelasyon,
kadalasan ay sa kanilang pinaka-murang edad ay nagkakaroon na sila ng karelasyon.
Ngunit ang kanilang pakikipagrelasyon ay dahil lamang sa kasiyahan na kanilang nadarama
tuwing kasama nila ang kanilang nobyo o nobya. Masasabing ang pakikipagrelasyon nila ay
hindi pangmatagalan na hahantong sa pagbuo ng pamilya. Hindi rin maitatanggi na ang mga
kabataan ay maagang namulat sa kaalaman tungkol sa pakikipagtalik dahil na rin sa
impluwensiya ng social media. Kung kaya’t ang kanilang pakikipagrelasyon, minsan ay
nauuwi sa pakikipagtalik upang masubukan ang ganitong gawain. Minsan nadadala ang
mga kabataan sa maling pananaw tungkol sa pakikipagtalik. Iniisip nila na mapatutunayan
ang tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kanilang karelasyon. Ang
ganitong uri ng pagmamahal ay kondisyonal. Laging tandaan na ang pagmamahal na tunay
hindi ito kailanman humihingi ng kapalit. Ayon pa kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay sa
pag-ibig ay pagbibigay ng di nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit.” Sa
pakikipagrelasyon ay hindi na kailangan na makipagtalik upang mapatunayan ang iyong
pagmamahal, kailangan lamang ng tiwala at paggalang sa isa’t-isa.

Dapat mong tandaan na ginawa ng Panginoon ang tao upang maging katuwang
niya na maging mapanlikha at magparami. Kung kaya’t mayroon tayong seksuwalidad o ang
ating pagkalalaki at pagkababae bilang instrumento upang maipagpatuloy natin ang gawin
ang layuning ito.

Ang paggamit ng ating seksuwalidad ay kinakailangang gamitin sa tamang paraan at


tamang oras. Ang seksuwalidad ng tao ay kailangang gamitin sa layuning magkaroon ng
anak at magkaisa sa pamamagitan ng pagtanggap ng sakramento ng kasal. Kung kaya’t
ang pagtatalik bago ang kasal, pornograpiya, pang-aabusong seksuwal at prostitusyon ay
masama sapagkat taliwas ito sa layunin ng paggamit ng seksuwalidad at hindi nito
isinakatuparan ang tunguhin ng tao sa paggamit ng kanyang seksuwalidad.

Ang pagkakasangkot sa mga isyung may kinalaman sa seksuwalidad ay


nakapagpababa sa kahalagahan ng tao, sapagkat nagiging kasangkapan na lamang ang
kanyang sarili o ang kanyang kapwa sa makamundong pagnanasa. Kung kaya tinatrato niya
ang kanyang sarili o kapwa bilang isang bagay na lamang na makapagbibigay sa kanya ng
pansariling kaligayahan.

Mahalagang iyong tatandaan na sa paggawa ng Panginoon ng tao, siya ay may


dignidad, at ito ay likas sa kanya. Ibig sabihin, kailangang igalang at pahalagahan ang isang
tao anuman ang kanyang katayuan sa buhay dahil ang tao ay pantay-pantay dahil sa
karapatan na dumadaloy rito. Kinakailangang tratuhin siya bilang isang tao at hindi isang
bagay lamang na gagamitin para sa pansariling kapanginabangan at isasantabi kung hindi
na kakailanganin.
Ang seksuwalidad ay kinakailangang gamitin na may dignidad. Kailangan sa
paggamit nito ay may paggalang sa sarili at sa kapwa. Lagi mong tandaan sa anumang mga
bagay na gusto mong gawin ay laging mangibabaw ang kabutihan para sa iyong sarili at sa
iyong kapwa. Huwag kalimutan na ang iyong sarili at iyong kapwa ay may dignidad na dapat
pahalagahan at tratuhin bilang isang tao at hindi bagay na gawing kasangkapan para sa
pansariling kapanginabangan.

 GAWAIN
Panuto: Sa iyong sagutang papel o kwaderno, isulat ang mga isyung moral tungkol
sa seksuwalidad. Pagkatapos, ipaliwanag sa pamamagitan ng tatlo (3) hanggang
lima(5) pangungusap lamang kung ano ang epekto nito sa dignidad at seksuwalidad
ng tao. Ang panghuli mong gagawin ay magbigay ka ng sarili mong pananaw o mga
dapat gawin upang mapahalagahan ang paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng
tao.ipaliwanag ang iyong sagot sa limang (5) pangungusap lamang.

 Pagtatasa
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa inyong sagutang papel o
kwaderno.
1. Ano ang tunguhin o layunin ng seksuwalidad ng tao?
2. Bakit nakapagpababa sa kahalagahan ng tao ang mga isyung may kinalaman
sa seksuwalidad?
3. Sa paanong paraan dapat gamitin ang seksuwalidad?

C. PAGLALAPAT
 Pagganap na Gawain

Gumawa ng SLOGAN na humihikayat sa makakabasa na igalang ang kanilang


kapwa at gamitin sa mabuti ang kanilang seksuwalidad. Iwawasto ang inyong nagawang
slogan gamit ang rubrik na nasa ibaba

Rubrik para sa Slogan


 May Kaugnayan sa paksa
 Kalinisan
 Malikhain at orihinal
 Kabuuang Presentasyon

25 19 10
MAY May Relasyon sa Walang gaanong relasyon Ang mga salita ay
KAUGNAYAN paksa sa paksa walang relasyon
SA PAKSA sa paksa
KALINISAN Malinis ang Malinis ang pagkagawa Ang nagawang
pagkagawa ng ng ng slogan ngunit hindi slogan ay hindi
slogan at malinaw malinaw ang pagskasulat malinis at hindi
ang pagkasulat ng ng mga letra malinaw ang
mga letra pagkagawa ng
mga letra
MALIKHAIN AT Pinaka-orihal at Bago ang ipinakitang Hindi bago sa
ORIHINAL bago ang estelo ng estelo ng mga letra ngunit mata ng mga
letra na nagawa hindi orihinal manuuod at hindi
orihinal
D. PAGLALAHAT/PAGBUBUO
Ang seksuwalidad ay kaloob ng Diyos sa tao upang maging katuwang Niya
na maging mapanlikha at magparami sa pamamagitan ng pagtanggap ng
sakramento ng kasal. Mahalagang iyong tatandaan na ang tao ay ginawa ng
Panginoon nang may dignidad. Ibig sabihin, kailangang tratuhin ang isang tao na
may paggalang at hindi isang bagay lamang na gagamitin sa pansariling
kapanginabangan. Ang seksuwalidad ay kailangan gamitin ng may paggalang sa
sarili at sa kapwa. Kinakailangan na sa paggamit ng seksuwalidad ay mangibabaw
ang kabutihan para sa iyong sarili at sa kapwa.

E. PANAPOS NA PAGTATASA
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik nang tamang
sagot. isulat ang inyong sagot kwaderno.
1. Anong sakramento ang kailangang tanggapin ng isang babae at lalaki upang legal ang
kanilang pagtatalik?
a. Sakramento ng binyag
b. Sakramento ng pangungumpisal
c. Sakramento ng Kasal
d. Sakramento ng kumpirmasyon
2. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalga.
3. Ang pagtatalik nang HINDI pa kasal ay nagpapahayag sa kapareha ng mga sumusunod
MALIBAN sa isa.
a. kawalan ng paggalang
b. kawalan ng komitment
c. kawalan ng dedikasyon
d. Tunay na pagmamahal
4. Naniniwala ka bang malaya ang isang tao na makipagtalik kahit hindi pa kasal?
a. Oo, dahil ang tao ay may karapatan na makipagtalik at malaya siyang gawin ito.
b. Oo, dahil ang tao ay may karapatan na makaranas ng kasiyahan.
c. Hindi, dahil kapag isinagawa niya ito hindi mararating ng tao ang kaganapan ng
kanyang buhay.
d. Hindi, dahil ang ating kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya tayong piliin kung
ano ang gusto nating gawin.
5.Ito ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos seksuwal na kadalasan
ay suggestive o provocative.
a. Pang-aabusong seksuwal
b. Pre-marital sex
c. Pornograpiya
d.Prostitusyon
6. Ito ay nagdadala sa atin sa layuning madama ang tunay na pagmamahal na siya
naming dahilan kung bakit tayo nilalang ng Diyos.
a. Sakramento ng kasal
b. Seksuwalidad
c. Pagtatalik
d. Magkapamily
7. Saan nagkapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang didnidad bilang tao at ng karapatan na dumadaloy rito.
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.

8. Ginawa ng Panginoon ang tao na may dignidad. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang tao ay kailangang pahalagahan.
b. Ang tao ay kailangang tratuhin bilang tao.
c. Ang tao ay may karapatan na mabuhay ng normal.
d. Lahat sa nabanggit
9. Sino ang nagsabing “Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay na hindi
nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit”
a. Sto. Tomas de Aquino
b. Sta. Teresita
c. Mother Teresa
d. Immanuel Kant
10. Paano mapangalagaan ang seksuwalidad ng tao?
a. Pagkakaroon ng respeto sa sarili
b. Pagkakaroon ng takot sa Diyos
c. Pag-iwas sa mga gawaing taliwas sa layunin ng paggamit ng seksuwalidad
d. Lahat sa nabanggit

PAGGALANG SA DIGNIDAD NG
TAO SA KABILA NG MGA ISYUNG
MORAL TUNGKOL
Aralin SEKSUWALIDAD
2
A. PANGKALAHATANG IDEYA

Ang modyul na ito sadyang ginawa ng may-aka upang lalo pang lalawak
ang iyong kaalaman sa mga isyung tungkol sa kawalan ng paggalang sa
seksuwalidad. Malalaman mo rin ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang
ilan sa ating mga kababayan sa prostitusyon. Sa pamamagitan nito ikaw ay
inaasahang:
 Layunin:

Nakapagsasagawa ng posisyon upang mapanumbalik ang aggalang


sa dignidad at seksuwalidad. Esp10PI.IVb-13.4
 Panimulang Pagtatasa

Panuto. Isulat ang TAMA kung sa palagay mo ang pangungusap ay tama,isulat ang
MALI kung palagay mo ang pangungusap ay mali. Isulat mo ito sa iyong kuwaderno

1. Masama ang pakikipagtalik kahit may pagsang-ayon sa isa’t-isa na gumagawa nito basta
hindi pa kasal..
2. Ang pang-seksuwal na kaloob ng Diyos ay tumugon sa layuning magkaroon ng anak at
magkaisa.
3. Kinakailangan ng tao ang pakikipagtalik upang siya ay mabuhay.
4. Ang prostitusyon ay hindi masama sapagkat ito ay nagbibigay ng trabaho sa mga taong
walang mapapasukan.
5. Ang ating kalayaan ay mapanagutan, malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang
pipiliin ay
kung ano ang mabuti at tama.
6. Ang prostitusyon ay nakapagpababa sa dignidad ng tao.
7. Ang prostitusyon ay sagot sa kahirapan.
8. Ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga o ang prostitusyon ay isang pang-aabusong
seksuwal na nakapagpababa sa pagkatao ng taong sangkot dito.
9. Ang mga taong gumagawa ng prostitusyon, ang bumibili at nagpapabili ng aliw, ay
nawawalan
ng paggalang sa pagkatao ng tao.
10. Ang prostitusyon kapag isinagawa ng isang taong may pagkagusto o konsento,maaaring
sabihin na hindi ito masama.

 Dating Kaalaman

Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa kahalagahan ng


seksuwalidad. Matatandaan na ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos upang
maging katuwang niya na maging mapanlikha at magparami. Kinakailangan din na
sa paggawa ng layunin na ito ay sa pamamagitan lamang ng sakramento ng kasal o
kailangan pagbuklurin ang lalaki at babae ng kasal bago gawin ang layuning
magparami. Anumang gawaing taliwas sa layuning ito ay masama. Napag-alaman
mo rin na ang mga isyung may kinalaman sa seksuwalidad ay nakapagpababa sa
dignidad ng tao. Kinakailangang gamitin ang seksuwalidad na may dignidad o
respito at mangibabaw ang paggawa ng mabuti sa kapwa.

B. PANGKALAHATANG IDEYA
 Pagbuo ng Konsepto

Marami sa ating mga kababaysan sa ngayon ang nakakaranas ng kahirapan lalo pa


ngayon na nahaharap tayo sa krisis dahil na rin sa nararanasan natin na COVID-19. Kahit
wala pa ang epedemyang ito alam na natin na marami sa ating mga kababayan ang
nakakaranas ng kahirapan dahil sa kakulangan ng oportunidad sa trabaho at kakulangan sa
edukasyon. Marami sa atin ang nais kumita ng pera, ngunit dahil sa kakulangan ng
oportunidad na makapagtrabaho at kakulangan sa edukasyon ay marami ang napipilitang
pumasok sa ilegal na gawain tulad ng pagbebenta ng drugs at prostitusyon. Ang
prostitusyon ay ang pagbibigay ng serbisyong sexual sa isang tao kapalit ng bayad. Ang
bentahan ng aliw ay makikita natin sa mga siyudad lalo na sa mga malalaking lungsod kung
saan maraming tao ang may pera at may masidhing tawag ng laman na naghahanap ng
labasan upang mairaos ang naramdamang pagnanasa. .
Karamihan sa mga prostitute ay nanggagaling sa mahihirap na pamilya at pinapasok
ang pagiging prostitute dahil madali ang pera dito. Kung kaya’t pumapasok sa prostitusyon
ang karamihan sa ating mga kababayan dahil sa mga sumusunod na dahilan;

1. Kahirapan. Dahil sa kahirapan ang isang tao pumapasok bilang prostitute ay maaaring
voluntary. Dahil sa kahirapan ay maaaring ginusto at maluwag sa kalooban niya ang
pasukin ang ganitong gawain. Mayroon namang involuntaryo o puwersahang pumasok
bilang prostitute halimbawa nito ay ang isang babaeng mahirap na pinangakoan na
makapagtrabaho sa malayong lugar at magkakaroon ng malaking sahod ngunit hindi nila
alam ang kanilang. Karaniwang nabibiktima ng mga ganitong modus ng sindikato ay
mga taong mula sa probinsya na walang alam sa pagiging prostitute.
2. Akulturasyon.(acculturation). Dahil naimpluwensiyahan tayo ng mga gawain ng mga
banyaga lalo na sa prostitusyon ay nawawala na ang kahalagahan ng mga moral na
gawain katulad na lamang ng pagiging birhen ng isang bago pa ito ikasal. Karamihan sa
mga tao ngayon ay gumagawa ng pre-marital sex sa anumang oras na gusto nila kapag
may pagsang-ayon sa kanilang kapareha.
3. Turismo(turism). Dahil sa pagdami ng mga turista sa ating bansa ay lalo pang dumarami
ang mga taong nasasangkot sa pagiging prostitute sa kadahilanang marami na rin ang
mga turistang naghahanap ng ibang karanasan sa pakikipagtalik.

Lagi mong tandaan na ang pagtatalik na may kapalit na halaga ay isang pang-
aabusong seksuwal na nakapagpababa sa pagkatao ng isang taong sangkot dito. Ang
bumibili at nagpapabili ng aliw ay nawawalan ng paggalang sa isa’t-isa sapagkat tinatrato
lamang niya ang kanyang kapwa bilang isang bagay na paparausan para sa pansariling
kaligayahan at hindi pinapakitaan ng halaga bilang isang tao. Naaabuso ng tao ang
seksuwalidad na kaloob ng Diyos sa prostitusyon, sapagkat kahit nakakaranas ng kasiyahan
ang mga taong gumagawa dahil sa perang tinanggap at pinambayad ngunit hindi angkop
ang layunin ng pagtatalik. Mahalagang maunawaan mo na ang pagtatalik ay hindi para
makadama ng kasiyahan ang mga taong gumagawa nito kung hindi, para sa lyuning
magkaroon ng anak at magkaisa ang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal.
Maaaring masasabi ng isang tao na siya ay may pagsang-ayon sa pagpasok bilang
isang prostitute at siya ay malaya na ginawa ito at walang ibang tao na pumilit sa kanya
upang gawin ito ngunit laging tandaan na ang paggamit sa kalayaan ay may kaakibat na
pananagutan at responsibilidad at kinakailangang ang paggamit ng kalayaan ay humantong
sa paggawa ng mabuti.
 MGA GAWAIN

Gawain 1.
Panuto: Tingnan ang larawan at alamin kung ano ang ipinapahiwatig nito. Ayusin ang mga
scrambled na mga salita nasa ibaba ng larawan upang mabuo ang tamang sagot. Isulat ang
inyong sagot sa kwaderno.
1. 2.
https://ph.images.search.yahoo.com/search/images?p=
image+of+poor+people&fr=chr-
yo_gc&imgurl=https%3A%2F%2Fcijnepal.org.np%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2018%2F10%2F5.jpg#id=20
&iurl=https%3A%2F%2Fcijnepal.org.np%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2018%2F10%2F5.jpg&action
=close

1. Tituspronoys 2. panarihak

3. turasyonluka 4. moristu

Gawain 2:

Panuto: Batay sa inyong sagot sa gawain 1, sagutin ang bawat tanong na nasa
ibaba.

1. Ano ang ipinapahiwatig ng bawat larawan?


2. Sa paanong paraan maiuugnay ang mga ito sa isyu ng prostitusyon?

 Pagtatasa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba. Sagutin sa


tatlo(3) hanggang limang (5) pangungusap lamang.

1. Ano ang epekto ng prostitusyon sa dignidad at seksuwalidad ng tao?


2. Nakakatulong nga ba ang prostitusyon sa isang tao na nasasangkot dito?
Bakit?

C. PAGLALAPAT
 Pagganap na Gawain

Basahin at unawaing mabuti ang kanta na pinamagatang “MAGDALENA” ni Freddie


Aguilar http://www.songlyrics.com/freddie-aguilar/magdalena-lyrics/.

MAGDALENA

Tingin sa iyo'y isang putik, larawan mo'y nilalait


Magdalena ikaw ay 'di maintindihan
Ika'y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera

REFRAIN

Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad


Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad

Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa


'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mo, maahon sa hirap [Repeat REFRAIN]

CHORUS:

Magdalena, ikaw ay sawimpalad


Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena
Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik
Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis
Ang dalangin mo, kailan maririnig

Pamprosesong Tanong:

1. Anong isyung moral tungkol sa seksuwalidad ang may kinalaman sa awiting ito?

2. Ano ang tingin ng lipunan sa mga taong sangkot sa gawain na nasa kanta?

3. Bilang isang kabataan? Ano ang iyong sariling posisyon tungkol sa prostitusyon?
D. PAGLALAHAT/PAGBUBUO
Ang pagtatalik na may kapalit na halaga ay isang pang-aabusong seksuwal
na nakapagpababa sa pagakatao ng isang taong sangkot ditto. Ang bumibili at
nagpapabili ng aliw ay nawawalan ng paggalang sa isa’t-isa sapagkat tinatrato
lamang niya ang kanyang kapwa bilang isang bagay na paparausan para sa
pansariling kaligayahan at hindi pinapakitaan ng halaga bilang tao. Maaaring may
kasiyahan ang taong gumagawa nito ngunit hindi ito angkop sa layunin ng pagtatalik
na magkaroon ng anak at magkaisa ang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal,
kaya matatawag pa rin ito na masama.

E. PANAPOS NA PAGTATASA
Panuto. Isulat ang TAMA kung sa palagay mo ang pangungusap ay tama,isulat ang
MALI kung palagay mo ang pangungusap ay mali. Isulat mo ito sa iyong
kuwaderno.

1. Masama ang pakikipagtalik kahit may pagsang-ayon sa isa’t-isa na gumagawa nito basta
hindi pa kasal..
2. Ang pang-seksuwal na kaloob ng Diyos ay tumugon sa layuning magkaroon ng anak at
magkaisa.
3. Kinakailangan ng tao ang pakikipagtalik upang siya ay mabuhay.
4. Ang prostitusyon ay hindi masama sapagkat ito ay nagbibigay ng trabaho sa mga taong
walang mapapasukan.
5. Ang ating kalayaan ay mapanagutan, malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang
pipiliin ay
kung ano ang mabuti at tama.
6. Ang prostitusyon ay nakapagpababa sa dignidad ng tao.
7. Ang prostitusyon ay sagot sa kahirapan.
8. Ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga o ang prostitusyon ay isang pang-aabusong
seksuwal na nakapagpababa sa pagkatao ng taong sangkot dito.
9. Ang mga taong gumagawa ng prostitusyon, ang bumibili at nagpapabili ng aliw, ay
nawawalan
ng paggalang sa pagkatao ng tao.
10. Ang prostitusyon kapag isinagawa ng isang taong may pagkagusto o konsento,maaaring
sabihin na hindi ito masama.
F. SUSI SA PAGWAWASTO

ARALIN 1
PANIMULANG GAWAIN PAGTATASA PAGLALAPAT PANAPOS NA
PAGTATASA PAGTATASA
1.C Nakadepende Nakadepende Ang Rubrik ang 1.C
2.A sa guro ang sa guro ang basihan sa 2.A
3.D pagwawasto pagwawasto pagwawasto 3.D
4.C 4.C
5.C 5.C
6.A 6.A
7.C 7.C
8.D 8.D
9.B 9.B
10.D 10.D

ARALIN 2
PANIMULANG GAWAIN PAGTATASA PAGLALAPAT PANAPOS NA
PAGTATASA PAGTATASA
1.TAMA Gawain 1. Nakadepende Nakadepende 1.TAMA
2.TAMA 1.Prostitusyon sa guro ang sa guro ang 2.TAMA
3.MALI 2. Kahirapan pagwawasto pagwawasto 3.MALI
4.MALI 3. Akulturasyon 4.MALI
5.TAMA Turismo 5.TAMA
6.TAMA 6.TAMA
7.MALI Gawain 2. 7.MALI
8.TAMA 8.TAMA
9.TAMA Nakadepende 9.TAMA
10.MALI sa guro ang 10.MALI
pagwawasto
Mga Sanggunian:
Aklat:

“Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral” Kagawaran ng Edukasyon,


Republika ng Pilipinas Unang Edisyon 2012. Hinango June 28, 2020

“Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral” Kagawaran ng Edukasyon,


Republika ng Pilipinas Unang Edisyon 2012. Hinango June 28, 2020

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo,Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez,


Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr.,Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Zamora ‘Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul
para sa mga Mag-aaral” Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas Unang
Edisyon 2015’.hinango June 28,2020

Mula sa Internet:

Avatoon-Avatar Creator & Emoi Me (Version 1.1.7) htpps/www.bitmoi.com/app. Hinango


July 3, 2020

“MAGDALENA” ni Freddie Aguilar http://www.songlyrics.com/freddie-


aguilar/magdalena-lyrics/. hinango June 28,2020

https://iisdsdiiaa.blogspot.com/2011/10/prostitusyon-intrudaksyon-kabayaran.html.
hinango June 28,2020

https://www.gettyimages.com/detail/photo/young-prostitute-on-the-street-at-night-
royalty-free-image/187749827?adppopup=true. hinango June 28,2020

https://ph.images.search.yahoo.com/search/images?p=picture+of+tourism&fr=chryo
_gc&imgurl=https%3A%2F%2Fwww.accorhotels.com%2Fmagazine%2Fimagerie%2
Ftouristlondon.jpg#id=47&iurl=https%3A%2F%2Fwww.accorhotels.com%2Fmagazin
e%2Fimagerie%2Ftourist-london.jpg&action=click. hinango June 28,2020

https://ph.images.search.yahoo.com/search/images?p=image+of+accultration&fr=ch
ryo_gc&imgurl=http%3A%2F%2Fitsallaboutculture.com%2Fwpcontent%2Fuploads%
2F2014%2F01%2FCultureShockColorPic2.jpg#id=10&iurl=http%3A%2F%2Fitsallab
outculture.com%2Fwpcontent%2Fuploads%2F2014%2F01%2FCultureShockColorPi
c2.jpg&action=click. hinango June 28,2020

https://ph.images.search.yahoo.com/search/images?p=image+of+poor+people&fr=c
hryo_gc&imgurl=https%3A%2F%2Fcijnepal.org.np%2Fwpcontent%2Fuploads%2F2
018%2F10%2F5.jpg#id=20&iurl=https%3A%2F%2Fcijnepal.org.np%2Fwpcontent%
2Fuploads%2F2018%2F10%2F5.jpg&action=close. hinango June 28,2020

https://ph.images.search.yahoo.com/search/images?p=image+of+poor+people&fr=c
hryo_gc&imgurl=https%3A%2F%2Fcijnepal.org.np%2Fwpcontent%2Fuploads%2F2
018%2F10%2F5.jpg#id=20&iurl=https%3A%2F%2Fcijnepal.org.np%2Fwpcontent%
2Fuploads%2F2018%2F10%2F5.jpg&action=close. hinango June 28,2020

Avatoon-Avatar Creator & Emoi Me (Version 1.1.7htpps/www.bitmoi.com/app.


Hinango July 3, 2020

You might also like