You are on page 1of 3

Modyul 14

Mga Isyung Moral tungkol sa Sekswalidad


Bakit mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon sa mga isyu ng kawalan ng paggalang sa
sekswalidad?
Natutuhan mo sa Baitang 8 na bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang
sekswalidad upang maging ganap ang pagiging pagkababae at pagkalalaki.
Mga Isyu:

1. Pagtatalik bago ang Kasal (PreMarital Sex)


Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad
na subalit hindi pa kasal.

Mga iba’t ibang pananaw ukol sa PreMarital Sex


a. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog at
matugunan ang pangangailangan ng katawan.
b. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag
ang gumagawa nito ay may pag-sang ayon.
c. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng
kasiyahan
d. Ang gawaing ito ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.

Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin na


ating hinihinga.Hindi kailangan ng tao ang makipagtalik upang mabuhay sa mundong ito. Ang
pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay mabuti sapagkat ito ay kaloob sa
atin ng Diyos . Ito ay isang regalo o banal na kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga taong
pinagbuklod sa Sakramento ng Kasal.
Ang tunay na pagmamahal na isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang dapat
ito ay humantong sa pagbubuo ng pamilya.

2. Pornograpiya
Ito ay galing sa dalawang salitang Griyego “porne” na may kahulugang prostitute o taong
nagbebenta ng panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Ito
ay mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan o palabas) na may layuning pukawin ang
sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.

Epekto:

a. Ang pagkahumaling sa gawaing ito ay ay nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o


paggawa ng ng mga abnormal na gawaing sekswal lalong lalo na ang panghahalay
b. Nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa
c. Ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin

Dahil sa pornograpiya ang tao maaaring mag-iba ng ugali o asal. Ang mga sekswal na
damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao na Maganda at mabuti ay nagiging makamundo at
mapagnasa
Ang pornograpiya ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos sekswal na kadalasan
ay suggestive o provocative.
3. Mga Pang-aabusong Sekswal
Ito ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang
gawin ang isang gawaing sekswal. Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahago ng katawan para sa sekswal na na gawain at
sexual harassment. Maaari din itong pisikal na tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng
sekswal na gawain at pagkakaroon ng kaligayahang sekswal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga
hubad na katawan, sekswal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.
Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong
ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito
ang esensya ng sekswalidad.

4. Prostitusyon
Ito ay pinamakatandang gawain o propesyon na nagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng
pera.Ayon sa mga pag-aaral karamihan sa nasasangkot dito ay yaong mga nakararanas ng hirap ,
hindi nakapag-aral at walang muwang paggamit sa mga kakayahang sekswal kabilang na ang
katawan bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat na gawin sa tamang
panahon.
Maaari mong pagpasyahanang gamitin ang mga sekswal mong kakayahan ngunit nararapat
mong isipin kung ano ang tunay na halaga at layunin ng paggamit mo nito. Ito ang dahilan kung
kaya’t ang mga isyung sekswal ay hindi dapat kasangkutan ng kabataang tulad mo.
Upang magbunga ng mabuti ang iyong pagpapasya dapat na maging bukas ka sa mga
pinagdaraanan mo, paligiran ang sarili ng kapamilya at mga kaibigang mapagkakatiwalaan o
maghanap ng propesyunal na tulong

Written Work # 2

A. Panuto:Suriin kung ang mga gawaing nabanggit sa bawat pahayag ay totoong


makatutulong upang magkaroon ng kaganapan sa iyong pagkatao. Isulat ang T kung totoo
at HT kung hindi totoo.
____1. Paniniwala sa mga impormasyong ibinibigay ng kasing edad tungkol sa
magandang dulot ng maagang pakikipagrelasyon sa katapat na kasarian.
____2. Pakikinig sa payo ng magulang na mag aral muna nang mabuti bago isipin ang
pakikipagnobyo o nobya.
____3. Pagbabasa ng mga aral sa bibliya tungkol sa paksang may kaugnayan sa
seksuwalidad.
____4. Pakikinig sa barkada na tama lang ang premarital sex dahil moderno na ang
panahon ngayon.
____5. Pag iwas sa panonood ng mga palabas na maaaring makaimpluwensiya na
subukan ang mga sekswal na gawain

Panuto:Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng kawalan


ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng isang lalaki o babae at M kung
hindi
____ 6. Pagpapakasal at pagkakaroon ng anak sa wastong gulang.
____ 7. Panonood ng malalaswang palabas gamit ang internet.
____ 8. Pagsali sa mga samahan na ang layunin ay magpakalat ng wastong kaalaman
at impormasyon tungkol sa seksuwalidad.
____ 9. Pakikinig sa mga talakayang makatutulong kung paano maiiwasan ang pang-
aabusong seksuwal
____ 10. Pagpapakalat ng malalaswang larawan gamit ang social media.
B. Bakit mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon sa mga isyu ng kawalan ng paggalang
sa sekswalidad?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Performance Task # 2

Planuhin mo ang iyong Kinabukasan


1. Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng iyong buhay?
a. Edukasyon –

b. Kasal –

c. Anak –

d. Libangan –

e. Pagreretiro –

2. Sa gulang na 30, alin sa mga layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na? Sa
gulang na 40?

3. Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na ang iyong
mga layunin ay makakamit o maisasakatuparan?

4. Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay mo kung ikaw
ay mabuntis? Maging batang ina o ama? Masangkot sa prostitusyon at iba pa?

You might also like