You are on page 1of 26

Paggalang sa Buhay at Sekswalidad

Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap


na babae o lalaki. Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao
at bukod tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae.
Bagama’t nalalaman ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang
pagsilang, malaya ang kaniyang pagtanggap at pagganap sa kaniyang
seksuwalidad. Ito ay nararapat na naaayon sa tawag ng pagmamahal
at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya - ang pagkakaisa ng
katawan at espiritu. Ang seksuwalidad samakatuwid ay isang
malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao
gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan
kaisa ang Diyos
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad

1. Ang pre-marital sex


ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa
wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.

2.Pornograpiya
ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may
kahulugang prostitute o taong nagbibigay ng panandaliang aliw, at
“graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan
(babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang
seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
3. Mga Pang-aabusong Seksuwal
Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang maaaring ibigay sa pang-aabusong
seksuwal. Sa gtina ng mga pang-aabusong ito, ang nangingibabaw na posisyon ay ang pang-
aabuso ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata
upang gawin ang isang gawaing seksuwal. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring
paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba.

4. Prostitusyon
sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng
panandaliang-aliw kapalit ng pera, binabayaran ang pakikipagtalik upang ang
taong umupaay makadama ng kasiyahang seksuwal. Mayroon din naming may
maayos na pamumuhay, nakapag-aral ngunit marahil ay naabuso noong bata pa.
Dahil dito nawala ang kanilang paggalang sa sarili at tamang pagkilala kung kaya’t
minabuti na lang nilang ipagpatuloy ang kanilang masamang karanasan. Dahil
nasanay na, hindi na nila magawang tumanggi kung kaya’t naging tuloy-tuloy na
ang kanilang pagpagamit sa masamang gawaing ito.
Katotohanan
ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa
buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap
na alamin ang katotohanan. Ang sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng
kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan,
at pananampalataya
ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Mula sa paglawak ng iyong
kaalaman sa halaga ng katotohanan at mga kaakibat na pananagutan dito, hindi
pa rin maipagkakaila na ang sinuman ay may kakayahan na makalikha ng isang
kasinungalingan upang pagtakpan ang pagkakamali at maging malinis ang imahe
sa mata ng iba. Ayon kay Sambajon Jr. et.al (2011), ang pagsisinungaling ay ang
hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na
humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat
na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan
Ang Kahulugan ng Lihim, Mental Reservation, at
Prinsipyo ng Confidentiality

Lihim
ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa
naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa
tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at
hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon
nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.
Ang sumusunod ay mga lihim na hindi basta-basta maaaring
ihayag:
MGA GAWAIN
SA
Q4-ESP 10
SECTION
MIYEMBRO
1.Gryz Lising
2.Elaika Gail Bautista
Kasarian

Pinoprotektahan Dignidad

Pagbibigay ng respeto at
limitasyon sa sarili
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
1.Pagbubuntis ng maaga, Pakikipagtalik kahit hindi pa kasal,
2.Oo, dahil tama ang mga sinasabi nito at talagang mali ang
pakikipagtalik kahit hindi pa kasal dahil ito rin ay mali sa mata ng Diyos.
3.Hindi, dahil ito ay maging sanhi ng pagbubuntis ng kabataan ng maaga
at kulang pa sila sa edukasyong sekswal para sa isyung ito.
4.Iniisip nila na ang pakikipagtalik ay mabuting gawain dahil sapat na na
mahal nila ang kanilang kasintahan upang ibigay nila ang kanilang sarili
dahil naniniwala sila na ito ay paraan ng pagmamahal at hindi rin nila
naisip ang kinahahangtungan ng kanilang gawain.
5.Kulang ang edukasyon ukol seksuwalidad, mahalagang matutunan ng
bawat tao ang tungkol dito upang maunawaan nila ang konsepto ng
edukasyong seksuwal sa tao at upang mabawasan ang diskriminasyon.
Bakit mayroon paring mga tao na nagpapakalat ng malalaswang litrato
o video kahit alam nilang mali ito?
-
Bakit kailangan pa ng iba na ibenta ang kanilang sarili na pwede naman
silang magtrabaho ng marangal?
-
Bakit may matatandang lalaki parin na nagkakagusto sa mga batang
babae kahit mali ito?
-
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 : Basahin at sagutan ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sagutang papel.
1.Jacose lies; kapag sinabihan ka na ibibili ka ng pagkain og gamit kapag ikaw ay mag- aral ng
mabuti pero hindi pala
Officious lie; tinanggihan mo ang pagkain na ibinigay sa iyo ngunit ito’y kinain mo rin
Pernicious lie; pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa babaeng hindi mo gusto
2.Ang piracy ay isa pagnanakaw ngunit ang theft ay pagnanakaw na lubusang inangkin ang bagay
na hindi sa iyo at walang galang sa karapatang nakapaloob nito.
3.Ang plagiarism ay pagkopya ng isang gawa at walang pahintulot sa orihinal na manggagawa;
Nakita mo sa internet ang iyong gawain at ito ay iyong inangkin at hindi binigyan ng kredihiya sa
totoong naggawa nito.
4.Dahil dito natin masusukat kung ang tao ba ay nagsasabi ng katotohan at kung dapat mo ba
siyang pagkatiwalaan.
5.Ito ay mahalaga dahil ang katotohanan ay nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman
at layunin niya sa buhay.
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

1. Ano-ano ang mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig at


nababalitaang madalas ay kinasasangkutan ng kabataan?
2. Kung iyong susuriin, batay sa mga natutuhan mo, tama ba ang mga
pananaw tungkol sa premarital sex?
3. Nararapat bang makipagtalik ang kabataan kahit hindi pa sila kasal?
4. Ano ang mga maling pananaw ng kabataan sa mga isyung
seksuwalidad na kanilang kinakaharap ngayon? Ipaliwanang ang bawat
isa.
5. Ano-ano ang mga katotohanan ukol sa dignidad ng tao na
nababalewala sa mga isyung tungkol sa seksuwalidad? Pangatwiranan.
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 3:
Gumawa ng isang Advocacy Campaign laban
sa pangaabusong seksuwal. Ito ay gagawin sa
pamamagitan ng paggawa at pag-aayos ng
isang poster na magpapakita ng mga
masasamang epekto ng seksuwalidad at ng
mga nararapat gawin upang makaiwas.
Maaaring gumamit ng mga kagamitang
mayroon sa bahay katulad ng marker,
Crayola at malilinis na papel. Maaari rin
namang gumamit ng mga ginupit na larawan
mula sa lumang dyaryo o magasin o mga
librong hindi na ginagamit. Ang larawan sa
kanan ang halimbawa ng advocacy campaign
poster
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 4:
Magsagawa ng isang panayam tungkol sa isyung kaugnay ng seksuwalidad na
nais mong lubos na maunawaan. Isagawa lamang ang panayam sa loob ng
tahanan, maaaring pumili ng isa sa myembro ng iyong pamilya na may sapat na
kakayahan na sagutin ang iyong mga katanungan. Pumili ng taong
kakapanayamin na sa palagay mo ay sapat na kakayahang sagutin at gabayan ka
sa tama at moral na batayan ng paglinang ng seksuwalidad. Bumuo ng 3-5 na
katanungan tungkol sa ilang isyu ng seksuwalidad na gusto mong maliwanagan.
HUWAG KALIMUTANG PALAGDAAN SA TAONG NAPANAYAM ANG IYONG
AWTPUT.

Halimbawa :Isyu ng pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian. Mga


pisikal/pisyolohikal na pagbabago sa seksuwalidad na aspekto at iba pa).
(halimbawa: ina, ama, kapatid, o sinuman na maaring magbigay linaw sa iyong
katanungan).
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 : Basahin at sagutan ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sagutang papel.
1. Ano ang tatlong uri ng kasinungalingan? Magbigay ng
halimbawa sa bawat isa.
2. Ano ang pagkakaiba ng piracy at theft?
3. Ano ang ibig sabihin ng plagiarism? Magbigay ng
halimbawa.
4. Bakit kailangan malaman ang mga isyung tungkol sa
paglabag sa katotohanan?
5. Gaano kahalaga ang pagsasabuhay ng mga katotohanan sa
buhay ng isang tao?
Gawain sa Pagkak
atuto Bilang 6:
Gumihit ng isang
bagay na sa tingin mo
ay sumisimbolo sa
katotohanan.
Gamiting gabay ang
pamantayan sa
pagsasagawa ng
gawain.
Gawain sa Pagkakatuto
Mga isyu Dahilan ng Epekto ng Mga
tungkol pagkakaroo mga isyu sa
posibleng
Bilang 7: sa n ng tunay na
solusyon
kawalan ganitong kahulugan ng
Magtala ng tatlong isyu ng isyu sa ating katotohanan
paggalan lipunan
tungkol sa kawalan ng g
paggalang sa
katotohanan na iyong Halimbaw Halimbawa : Halimbawa : Halimbawa :
nasasaksihan sa a : Pagbili Nagnanais Magagawa Manindigan sa
ng boto na niya ang tamang gawain
kasalukuyang panahon magkaroon kanyang at kilalanin ang
na humaharap tayong ng posisyon pansariling tunay na may
sa gobyerno motibo para malasakit at
lahat sa matinding hamon para sa sa karapat – dapat
sariling pamahalaan sa bayan.
ng pandemya. Punan ang kapakanan
talahanayan ng
hinihinging impormasyon.
Gawain sa
Pagkakatuto Bilang 8:
Gumawa ng isang
slogan hinggil sa
pagsugpo ng mga
isyung moral tungkol
sa katotohanan na
nagaganap sa ating
lipunan. Gamiting
gabay ang pamantayan
sa KANAN
Gawain sa Pagkakatuto Bilang 9:
Kung ikaw ay bibigyan ng isang posisyon sa pamahalaan o magiging kinatawan ng isang
samahan o organisasyon, upang maging bahagi sa paggawa ng isang batas tungkol sa mga
gawaing intelektuwal at etikal na isyu. Ano ang nais mong ipanukala? Ano ano ang paraan na
iyong gagawin upang ito ay maipatupad lalo na ngayong humaharap tayo sa matinding pagsubok
ng pandemya? Unawaing mabuti ang halimbawa gawain sa ibaba at pumili ng isang paksa na
iyong nais.

1. Abogado
2. Awtor ng libro
3. Opisyal ng gobyerno
4. Non-government organization

Halimbawa :
Pangulo ng “Student Council Government”
Tungkulin ng isang Pangulo ng Student Council Government na pamunuan ang lahat ng mag-
aaral sa paaralan. Gumawa
ng batas para sa kabutihan ng mga mag aaral at kaayusan ng paaralan
Gawain sa
Pagkakatuto
Bilang 10:
Ipaliwanag ang Mamuhay kayo gaya ng nararapat
talinghagang
hango sa Banal na sa mga taong naliwanagan sapagkat
Kasulatan ng mga
Kristiyano na nasa
ang ibinubunga
loob ng kahon sa ng pamumuhay sa liwanag ay
pamamagitan ng
isang sanaysay.
pawang mabuti, matuwid at totoo.
(2 TALATA -Efeso 5:8
5 PANGUNGUSAP
SA BAWAT
TALATA)

You might also like