You are on page 1of 24

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ika-apat na Markahan – Modyul 2 (LAS 2)
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA
SEKSUWALIDAD
Modyul 2: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA
SEKSUWALIDAD

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Napapangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol


sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa mga isyung may
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao.
(EsP10PI-IVb-13.3)
2. Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at sekswalidad. (EsP10PI-IVb-13.4)

Mga Talang Konsepto

“Kung mahal mo ako, sumama ka sa akin ngayon at patunayan mo ito.”


Pamilyar ka ba sa mga katagang ito? Nasabi mo na ba ito o kaya’y sinabi na ito sa
iyo? Ang mga katagang nabanggit ay may kaugnayan sa pagggamit ng seksuwalidad
ng tao.

Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o


lalaki. Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao at bukod-tangi sa
pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae. Bagama’t nalalaman ang kasarian
ng tao mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang kaniyang pagtanggap at
pagganap sa kanyang seksuwalidad. Ito ay nararapat na naaayon sa tawag ng
pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya- ang pagkakaisa ng
katawan at espiritu. Ang seksuwalidad samakatuwid ay isang malayang pagpili at
personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kanyang katawan at
espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.

Natutuhan mo rin sa Baitang 8 na bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at


linangin ang seksuwalidad upang maging ganap ang pagiging pagkababae o
pagkalalaki. Kung ang seksuwalidad at ang pagkatao ay hindi mapag-iisa habang
nagdadalaga o nagbibinata, maaaring magkaroon ng kakulangan sa pagkatao sa
pagsapit niya sa sapat na gulang o adulthood. Kapag nagkulang ang tao sa
aspektong ito, maaari siyang magpakita ng mga manipestasyong magdadala sa
kaniya sa mga isyung seksuwal. Sa panahon ngayon dumarami na ang mga
ganitong isyu at kadalasan ay hindi ito natutugunan. Kaya bilang isang taong nilikha
ng Diyos na may mapanuring pag-iisip, isaalang-alang natin ang mga bagay na
nakabubuti sa karamihan at laging isaisip na kailanman ang pinakamabuting gawin
ay ang mga gawaing alam nating tama at tama rin sa mata ng Diyos.
Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng National Secretariat for Youth
Apostolate (NSYA), ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa mga
isyung may kinalaman sa seks at seksuwalidad. Kabilang sa mga ito ay pakikipagtalik
nang hindi kasal (pre-marital sex), pornograpiya, pang-aabusong seksuwal, at
prostitusyon. Merong iba’t ibang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganitong
gawain sa lipunan. Marami ring mga nagtutunggaliang mga pananaw tungkol sa iba’t
ibang isyu ng seksuwalidad kung tama ba o mali ang mga gawaing ito.

Mga Isyu Tungkol sa Seksuwalidad

Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex)

Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at


hangin na ating hinihinga. Hindi kinakailangan ng tao ang makipagtalik upang
mabuhay sa mundong ito. Ang pananaw na kailangan ang pagtatalik upang
mabuhay ay isang mahinang pagkilala sa pagkatao ng tao dahil ipinagwawalang-
bahala niya ang kakayahan ng taong ipahayag ang kanyang tunay na pagkatao.
Mayroon o walang pagtatalik, mabubuhay at mabubuhay ang tao. Maraming mga
taong nagpasiyang mabuhay nang walang asawa tulad ng mga pari, mga madre, at
mga kasapi ng 3rd orders, ang patuloy na nabubuhay nang maayos, malusog at
masaya. Samakatuwid, ang seksuwal na pakikipagrelasyon lalo pa kung hindi pa
kasal ang lalaki at babae ay hindi kailanman pangunahing pangangailangan ng tao.
Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at nagpapababa sa
dignidad at integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito. Hindi
nagiging kapaki-pakinabang ang pagtatalik sa pagtungo sa kaganapan ng buhay na
isa sa mga halaga ng seksuwalidad.

May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na
ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ito ay ang sumusunod:
1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging
malusog at matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito
isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo
na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na
makipagtalik at malaya silang gawin ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang
makaranas ng kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
Ayon kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay ng di
nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit.” Ang tunay na pagmamahal
na isinakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang dapat itong humantong sa
pagbubuo ng pamilya. Kung kaya, bago ito gawin ng lalaki at babaeng
nagmamahalan, kinakailangang ito’y binasbasan ng kasal. Sa konteksto ng
pagbubuklod ng isang babae at isang lalaki, sila ay nangangakong magkaisa at
maging mapanlikha, magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya.

Pornograpiya

Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na


may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng pannadaliang aliw, at “graphos”
na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Samakatuwid ang pornograpiya ay
ang mga mahahalay na paglalarawan, maging ito’y babasahin, larawan o palabas na
may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.

May mga epekto ng pornograpiya sa isang tao. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa


pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalong-lalo
na ang panghahalay.
2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya
ay nahihirapang magkaroon ng malusog ng pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa.
Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng
pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik.

3. Ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga


bibiktimahin.

Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga


seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay
nagiging makamundo at mapagnasa. Ayon kay Emmanuel Kant, nauuwi sa
kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong
pagnanasa. Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na
pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa
ay maaaring hindi na makamit. Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga
pagnanasa ay hindi na nagpakatao; bagkus, tinrato ang sarili o ang kapuwa bilang
isang bagay o kasangkapan. Sa ganitong paraan, ibinababa ng tao ang pagkatao o
ang kaniyang dignidad bilang tao. Hindi rin naisasagawa ang pagbibigay ng
preperensiya sa kabutihan.
Mga Pang-aabusong Seksuwal

Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi


ng sariling katawan o katawan ng iba., paggamit ng ibang bahagi ng katawan para
sa seksuwal na gawain at sexual harassment. Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng
paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain at pagkakaroon ng
kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan,
seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba.
Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga
bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala, may kapusukan at
kadalasan, iyong mga nabibilang sa mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga
magulang. Sa gitna ng kanilang pagiging mahina, pumapasok ang mga taong
nagsasamantala, tulad ng mga pedophile na tumutulong sa mga batang may
mahinang kalooban subalit ang layunin pala ay maisakatuparan ang pagnanasa.
Dagdag pa rito, may mga magulang din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang
mga anak na gawin ito upang magkapera. Ilan sa mga ito ay sila mismo ang
umaabuso sa kanilang mga anak.
Ang mga kadahilanan ng mga taong nagsasagawa ng mga pag-aabusong
seksuwal na nabanggit ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad. Ang
gawing paglalaro ng sariling pag-aari at ng kapuwa, panonood ng mga gawaing
seksuwal, pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa sariling ari at paghihikayat sa
mga bata na makipagtalik o mapagsamantalahan ay maituturing na pang-aabusong
seksuwal. Hindi nito ipinapahayag ang tunay na mithiin ng seksuwalidad. Ang
paggamit ng kasarian ay para lamang sa pakikipagtalik ng mag-asawa na
naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak
upang bumuo ng pamilya. Ito ang esensiya ng seksuwalidad.

Prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o gawain
ay ang pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran ang
pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal. Ayon
sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong gawain ay
iyong mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang kung kaya’t
madali silang makontrol.
Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na
seksuwalidad. Isa sa mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng
kasiyahang seksuwal mula sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan samantala ang
mga taong sangkot sa prostitusyon ay nakararanas ng kasiyahan na hindi angkop sa
tunay na layunin ng pagtatalik.
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
TAYAHIN MO ANG IYONG PAG-UNAWA
Panuto: Mula sa iyong nabasa, subukin natin ang iyong pagkaunawa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba at isulat ang sagot sa
kahon.

1. Ano-ano ang mga katotohanan ukol sa dignidad ng tao na nababalewala sa


mga isyung tungkol sa seksuwalidad?

2. Ano-ano ang maaari mong gawin upang mailapat ang iyong mga pagkatuto sa
konseptong iyong nalaman?

3. Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay


kung ikaw ay mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon,
at iba pa?
Gawain 2
GRAPHIC ORGANIZER
Panuto: Punan ang graphic organizer sa mga konseptong iyong
naunawaan sa tinalakay na mga isyu tungkol sa seksuwalidad.

Mga isyu tungkol sa


seksuwalidad

Epekto sa dignidad at seksuwalidad

Mga posisyon o pasiya upang mapanumbalik ang paggalang sa


pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito
Gawain 3
IPALIWAG MO
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod. Isulat sa kahon ang
iyong sagot kung paano mo tutugunan ang mga sitwasyon na nasa ibaba.

Sitwasyon Tugon
 Isinugod sa hospital ang iyong inay
dahil sa lubhang karamdaman at
kailangan na itong operahan.
Sinabihan kayo ng doktor na
kailangang bayaran niyo muna ng
buo ang ekspenses ng nanay mo
upang maisagawa kaagad ang
operasyon. Ngunit, walang trabaho
ang iyong itay at walang-wala talaga
kayong pera. Nakita ng inyong
kapitbahay na lalaki ang inyong
sitwasyon. Inalok ka niya na
makipagtalik kapalit ng perang
pambayad sa hospital. Tama bang
tanggapin mo ang kanyang alok
kapalit ng buhay ng iyong ina?

 Isang araw, may dalang bagong


selpon ang iyong babaeng kaklase.
Napansin mo na halos araw-araw ay
may mga mamahaling gamit siyang
nabibili at ipinagyayabang sa lahat.
Naiinggit ka sa kanya dahil ni bagong
damit ay hindi ka kayang ipagbili ng
iyong magulang. Nalaman mo na ang
lahat ng mga ito ay pera sa
pakikipagtalik niya sa iba’t ibang
lalaki. Sa tingin mo, bakit kaya
nasasangkot ang iyong kaklase sa
ganitong gawain? Wawastuhin mo ba
siya o mananahimik ka lang?
 Palagi mong napapansin ang
nakatatanda mong kapatid na babae
na nagkukulong lang sa kwarto. May
naririnig kang mga maseselang salita
na para bang may pinapanood siya.
Isang araw, sinubukan mong
ungkatin ang kanyang selpon at
natuklasan mong tumitingin siya ng
mga ipinagbabawal na bidyo. Ano
ang maaari mong gawin sa kanya at
ipaliwanag.

 Si Jon ay matagal mo ng kasintahan.


Bilib na bilib ka sa kana dahil sa
kabutihang ipinapakita niya sa iyo,
araw-araw. Palagi niyang
pinaparamdam sa iyo na sobrang
mahalaga ka sa buhay niya.
Hanggang sa dumating ang araw na
nagpaalam siya sa sayo na gusto na
niyang makipagtalik dahil kung hindi
mo ito mabibigay, mararamdaman
niyang hindi mo siya mahal. Paano
mo susuklian ang mga kabutihang
nagawa sa iyo ni Jon? Papayag ka ba
sa gusto niya? Ipaliwanag.
 Nais ng iyong inay na ibenta ang
iyong sarili sa mga banyagang lalaki
para guminhawa ang inyong buhay.
Alam mo sa sarili mo na masamang
gawain ang ipinagawa sa iyo ng
iyong nanay. Sa paanong paraan mo
masasabi sa iyong nanay na ito ay
isang hindi kanais-nais na gawain na
hindi siya magagalit o
magdadamdam? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
Gawain 4
SANAYSAY
Panuto: Magsulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa “ Ano ang iyong
maaaring gawin upang makatiyak na ang iyong mga layunin sa buhay ay
makamit o maisakatuparan? ”

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

MGA PAMANTAYAN:
Makabuluhan at Katotohanan - 5 puntos
Kongkretong halimbawa at solusyon - 5 puntos
Nakabubuo ng simpleng rekomendasyon - 5 puntos
Gawain 5
PAG-USAPAN NATIN
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin kung ikaw ba ay
sang-ayon o hindi sang-ayon sa mga pahayag na nabanggit batay sa
koseptong iyong nalaman. Magbigay ng dahilan o paliwang kung bakit
sang-ayon o hindi sang-ayon sa pahayag.

PAHAYAG SANG-AYON O HINDI PALIWANAG O


SANG-AYON DAHILAN

 Ang pakikipagtalik ay
normal para sa
kabataang
nagmamahalan.

 Ang pagtatalik ng
magkasintahan ay
kailangan upang
makaranas ng
kasiyahan.

 Tama lang na
maghubad kung ito ay
para sa sining.

 Ang pagtingin sa mga


malalaswang
babasahin o larawan
ay walang epekto sa
ikabubuti o ikasasama
ng tao.

 Ang tao na nagiging


kasangkapan ng
pornograpiya ay
nagiging isang bagay
na may mababang
pagpapahalaga.
Gawain 6
IGUHIT MO
Panuto: Iguhit ang isang bagay sa picture frame sa ibaba na nagpapakita
ng pagpapahalaga sa isyung seksuwalidad. Isulat ang iyong paliwanag sa
napiling bagay sa loob ng puso.

MGA PAMANTAYAN:
Makabuluhan at Katotohanan - 5 puntos
Kongkretong halimbawa at solusyon - 5 puntos
Nakabubuo ng simpleng rekomendasyon - 5 puntos
Gawain 7
PUNAN MO
Panuto: Matapos mabasa ang paksa, isulat ang iyong naging kaalaman sa
mga isyung moral na nabanggit sa ibaba.

ISYU TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD

 Pre-marital Sex

 Pornograpiya

 Prostitusyon

 Pang-aabusong seksuwal
Gawain 8
CROSSWORD PUZZLE
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang nasa kahon.

Pagtatalik prostitusyon samantala


Seksuwal pornograpiya katawan

b g j d j k l a x p

j t o d k h q t c o

g j k c b n w e t r

p r o s t i y s g n

r k a t a w a n p o

o y w q c v y u o g

s e k s u w a l u r

t e k s u w a l r a

i h p i q w e y i p

t j a j w i i l o i

u d s g s s a s e y

s h w b g t u d r a

y b f n a k j f t i

o i r t l d g h y k

n i g i k g d b u h

i a y k u h k c i f

p s a m a n t a l a
Gawain 9

MAGBIGAY KA

Panuto: Magbigay ng limang sitwasyun na nagpapakita ng mabuting


halimbawa tungkol sa iba’t ibang isyu ng seksuwalidad.

ISYU SITWASYON
Gawain 10
MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik
ng pinakatamang sagot.

1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa


A. Pang-aabusong seksuwal
B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya
D. Prostitusiyon

2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga


layuning
A. Magkaroon ng anak at magkaisa
B. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa
C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak
D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan

3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?


A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan
B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad
D. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tao upang maging isang pakay o
kasangkapan

4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?


A. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng
kanyang katawan
B. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal
sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya
C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot
sa sarili ni Daisy at ng kanyang boyfriend na si Ariel.
D. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang
nakahubad.

5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?


A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan
B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay
C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang -ayon ang gagawa nito
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinahayag ng
mag-asawa sa bawat isa.
6. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging
manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata
(puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi
nangangahulugang maari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang
wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi
sila kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang
ibinuod ng pahayag na ito?
A. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata
B. Maaari ng magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang
na makipagtalik

7. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kasintahang si Joel. Pinatuloy niya ito
at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang usapan.
Naging agresibo si Joel at sinimulan nitong halikan si Arlyn. Sabi pa ni Joel, “tayo
lang naman ang nandito.” Kung ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit kay Joel at ito ay paaalisin sa bahay
B. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Joel
C. Kakausapin si Joel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyayari sa
kanila
D. Kakausapin si Joel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama

Para sa bilang 8-10.


Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung nararapat o
hindi ang pagpapasiyang ginawa ng mga tauhan sa kwento. Isulat ang N
kung ito ay nararapat at HN kung hindi nararapat. Isulat ang sagot sa
patlang.
_______8. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok
ang kanyang amain sa kuwarto niya at nagpakita ng mga malalaswang
litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kanyang
sasabihin. Sabi ng kaniyang amain, “Halika rito, anong klaseng lalaki
ka?” Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito’y kanyang tiningnan at
nagustuhan naman niya ito.

________9. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na


nakabikini. Sinabi sa kanya na maaari itong ipagbili sa isang kompanya
ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at
sinabing ang katawan niya ay hindi kailanman maaaaring i-display.

________10. Si Aileen ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya.


Wala na siyang interes na mag-aral mula ng paulit-ulit siyang
pagsamantalahan ng kaniyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya
siya nitong mamuhay sa lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya
rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kaya’t marapat lang
na ito ang kaniyang gawin at kikita pa siya.
Gawain 11

TITIK AT LARAWAN

Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinapakita ng bawat larawan sa ibaba


tungkol sa iba’t ibang isyu ng seksuwalidad.
Gawain 12

PLANUHIN MO ANG IYONG KINABUKASAN

Panuto: Punan o sagutin ang ang mga tanong na nakapaloob sa gawaing


nasa ibaba.

Kinabukasan Mo, Nakasalalay sa Iyo

Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng iyong


buhay?

Edukasyon: ___________________________________________

Kasal: ________________________________________________

Anak: ________________________________________________

Libangan: ____________________________________________

Pagreretiro: __________________________________________

Iba pang aspekto ng buhay: _____________________________


Gawain 13

PAGSASABUHAY

Panuto: Basahing mabuti ang ibinigay na sitwasyon sa ibaba. Magbigay ng


isang malikhaing payo bilang mag-aaral, ina, ama, anak, kapatid at
kasintahan.
Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo
ng pag-aaral dahil naniniwala kang ito ang mag-
aahon sa inyo sa kahirapana. Nagtutulong-tulong
ang iyong pamilya upang makapagtapos ka ng
pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na si Roa
na mahal na mahal mo. Isang araw nagyaya
siyang pumasok kayo sa isang hotel upang
mapatunayan ang pagmamahal na iyon. Sinabi
niya, iiwanan ka niya at magpapakamatay siya
kung hindi mo siya pagbibigyan.

 Ikaw bilang kasintahan ni Roa, ano ang iyong gagawin?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

 Bilang isang ina ng babae, kapag nalaman mo ang ganitong sitwasyun, ano ang
iyong maipapayo sa anak mong babae?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

 Ipagpalagay nating isa kang nakatatandang kapatid ni Roa, ano ang iyong
sasabihin sa kanya?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
 Bilang isang mag-aaral, basehan ba ang sinabi ni Roa sa pagpapakita ng tunay
na pagmamahal? Ipaliwanag ang sagot.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pagninilay

Panuto: Pagnilayin ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Bakit importanteng magkaroon ng tamang pasiya tungkol sa mga isyung


seksuwalidad?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Gaano kahalaga ang seksuwalidad para sa iyo, bilang tao? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Bakit kinakailangan mo ng malawak na pang-unawa sa mga isyung may


kinalaman sa seksuwalidad?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Bilang mag-aaral, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong gawin
bilang paggalang sa seksuwalidad?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Magbigay ng isang maling pananaw ng kabataan sa mga isyung seksuwalidad na


kanilang kinakaharap ngayon, ipaliwanag ang sagot.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa
Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC). Pasig City. Awtor
Bautista, Ma. Socorro L. (2002). Questions and Answers on the Truth and Meaning
of Human Sexuality.
De Torre, Joseph. (1998). Sexuality and Sanctity. Sinag-Tala Publishers, Inc. Manila.
P. 46-49
Finley, James and Pennock, Michael. (1997). Christian Morality and You. Ave Maria
Press, New York, USA. P 123-138.
Jason, Joel O. (2007). Free Love True Love. Shepherds Voice Publication, Quezon
City, Philippines.
Pontifical Council for the Family. (1996). The Truth and Meaning of Human
Sexuality: Guidelines for the Education within the family. Word and Life Publications,
Makati, Philippines.
Soria, Jose Luis. (1975). Is Purity Possible? A Better Understanding of the 6th and 9th
Commandment. Sinag-Tala Publishers, Manila.
Torralba, Antonio N. Et. Al (2013) Sexuality Education 101 (Education in Love, Sex
and Life. Phil. ISBN978-971-95729-0-9. P. 17-20
Wojno, Mary Ann Burkley. (2004) My Life, My Choices. Key Issues for Young Adults.
Claretian Publications. Diliman, Quezon City, Philippines. p. 113-127

Mula sa Internet:
Adam Lee. (2007). Morality of Prostitution. Retrieved from
http://www.patheos.com/blogs/dailylightatheism/2007/11/prostitution on March 1.
2014
Flaman, Paul. (1999). Premarital Sex and Love: In the Light of Human Experience
and Following Jesus. St. Joseph’s College, University of Alberta, Edmonton, Canada.
Retrieved from http://www.ualberta.ca/~pflaman/PSAL/Contents&Introduction.pdf/
on March 1, 2014
Life Planning Education. (2007) Washington, DC: Advocates for Youth. Retrieved
from http://www.advocatesforyouth.org/for-proffesionals/lesson-plans-
professionals/200-lessons on March 6, 2014
Williams, Jarrod. (1995) Pornography in Art Right or Wrong? Retrieved from
http://www.kc-cofc.org/39th/IBS/Tracts/pornogra.htm on March 3, 2014
http://philippines.ucanews.com/2012/05/28/%E2%80%98sex-issues%E2%80%99-
top-youth-problem-%E2%80%93-survey/. Retrieved on February 27, 2014
https://www.depedldnhs.ph/uploads/8/2/0/1/8201356/g10_esp_3.pdf
https://www.slideshare.net/IanJurgenMagnaye/esp-learners-module-grade-10-unit-4
https://www.slideshare.net/jomarienel/module-14-pornograpiya
https://www.powtoon.com/online-presentation/d3qf6vf1b0f/grade-10-module-14-
seksuwalidad/?mode=movie
https://depedkoronadalcity.files.wordpress.com/2016/09/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10.pdf
https://www.slideshare.net/liezelandilab/modyul-14-isyung-sekswalidad
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18465
https://study-assistantph.com/filipino/question1340725
https://brainanswerph.com/edukasyon-sa-pagpapakatao/question2628792
https://brainly.ph/question/1340724
https://brainanswerph.com/filipino/question2687519
https://www.coursehero.com/file/54772145/esplecturedoc/
https://www.slideshare.net/jaredram55/ang-sekswalidad-ng-tao
https://www.powtoon.com/online-presentation/eNHRdcLFyVs/esp-mga-isyung-
moral-tungkol-sa-sekswalidad/?mode=movie
https://depedkoronadalcity.files.wordpress.com/2016/09/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10.pdf
https://www.slideshare.net/liezelandilab/modyul-14-isyung-sekswalidad
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18465
https://quizlet.com/184919405/esp-modyul14-1-flash-cards/
https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Lesson-Plan/473823
https://quizlet.com/276524956/esp-flash-cards/
https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/teachings-joseph-f-
smith/chapter-32?lang=tgl
https://www.facebook.com/angkautusangbanal/posts/ito-pong-kapangyarihan-
magpatawad-na-ipinagkaloob-ng-diyos-sa-mga-tao-ay-inangki/613639755485855/
https://kcsjfamily.org/families/chastity-education/truth-meaning-human-sexuality
GAWAIN 1 GAWAIN 2 GAWAIN 3 GAWAIN 4 GAWAIN 5 GAWAIN 6

ANSWERS ANSWERS ANSWERS ANSWERS ANSWERS ANSWERS


MAY VARY MAY VARY MAY VARY MAY VARY MAY VARY MAY VARY

GAWAIN 10
GAWAIN 7 GAWAIN 8 GAWAIN 9 1. B 7. D GAWAIN 11

ANSWERS ANSWERS ANSWERS 2. A 8. HN ANSWERS


MAY VARY MAY VARY MAY VARY MAY VARY
3. D 9. N

4. A 10. HN
PAGNINILAY
GAWAIN 12 GAWAIN 13 5. D
ANSWERS MAY
ANSWERS 6. D
ANSWERS VARY
MAY VARY MAY VARY

Itinipon ni:
SHERLYN Y. LAFUENTE
(Pangalan)

BANKAL NATIONAL HIGH SCHOOL


(Paaralan)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division ( CID )


Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

You might also like