You are on page 1of 22

PAGGALANG SA

BUHAY

ESP 10
I K AT L O N G M A R K A H A N - W E E K 4
PAGBABALIK – ARAL

1. Ibigay ang iba’t-ibang pamamaraan ng


pagbabalewala sa pagpapahalaga sa buhay.
2. Anu-ano ang mga pamamaraan upang mabigyan
ito ng halaga?
Ayon sa lumang awiting “Mahiwaga ang
buhay ng tao”, maituturing na sagrado ang
buhay sapagkat ito ang pinakamahalagang
handog sa atin ng Diyos kaya’t nararapat
lamang na ito ay pahalagahan at ingatan
bilang pinakamagandang regalo na
tinanggap ng tao.
PAGTALAKAY
• Nilikha ang tao ayon sa wangis ng Diyos at ang wangis na ito ay nangangahulugan na ang buhay
ng tao ay dapat na laging tratuhin nang may dignidad at paggalang. Ang tanging dahilan sa
kasagraduhan ng buhay ay maiaakma sa sangkatauhan dahil sa katotohanang nilikha tayo ng
Diyos at ibinukod sa lahat ng iba pang anyo ng may buhay. Dahil sa kasalanan, nababawasan ang
ating dignidad bilang mga nilikah ng Diyos, subalit sa kabila ng ating pagkakasala , ang wangis
natin ay katulad pa rin ng sa Diyos sapagkat mas matimbang pa rin ang pag-ibig Niya sa atin at
maarin nating maipanumbalik ang nasirang dignidad kung tayo ay babalik muli sa Kanya.
• Isa ang kasagraduhan ng buhay sa mga aspeto
na dapat magtulak sa atin upang bantayan ang
lahat ng anyo ng kasamaan, kawalan ng
katarungan na ginagawa laban sa buhay ng tao
at mga isyu tungkol sa buhay tulad ng
paggamit ng bawal na gamot, alkoholismo,
aborsyon, pagpapatiwakal at euthanasia
(mercy killing).
• Isang halimbawa ng isyu sa buhay ay may malaking
pinagkukunan ng argumento ay ang aborsyon.
Maraming salik ang dapat isa-alang-alang kung ito
ay karapat-dapat gawing legal ngunit lumalabag sa
moral na batayan.
• Mga salik na dapat isa-alang-alang sa isyu ng
aborsyon. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon
ng dalawang magkasalungat na posisyon ang
publiko.
• 1. Pro-life at Pro-choice.
Pro-life- Sa posisyong ito ay tinatalakay ang
pagkakaroon ng karapatan sa buhay ng sanggol na
hindi pa naisisilang. Nangangahulugang pagkitil
ng buhay ang aborsyon at paglabag sa utos ng
Diyos na bawal pumatay
• Pro-choice-. Sa posisyong ito ay pinaninidigan
ng mga may adbokasiya ang mga sumusunod:
–Hindi pa ganap na tao ang fetus.
–May mga pagkakataon na nalalagay sa
panganib ang buhay ng ina o may banta sa
kalusugan tulad ng hypertension o may sakit sa
puso ang ina at kinakailangang mamili kung
sino ang dapat mabuhay.
• Kinakailangan din bigyang pansin ang mga uri ng aborsyon at
kung ano ang magiging posisyon ng kinalabasan ng desisyon.
Natalakay ang mga ito sa mga nakaraang paksa patungkol sa
buhay. Ano ang layunin ng kilos, anong pamamaraan ang
isasagawa at sirkumstansyang haharapin at ang kalalabasan o
kahihinatnan ng kilos.
• Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, kadalasan ay may parehong
mabuti at masamang epekto ang anumang kilos ng tao kaya
nararapat lamang isa-alang- alang ang bawat epekto. Ito ang
tinawag na Prinsipyo ng Double Effect na matatagpuan sa
kanyang sinulat“Doctrine of Double Effect.”
MGA KUNDISYON NA DAPAT ISA-ALANG-ALANG UPANG MAKAPILI NG KILOS SA
SITWASYONG KAILANGANG GAMITIN ANG PRINSIPYO NG DOUBLE EFFECT.

• Layunin ng kilos na nararapat na mabuti.


• Masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may
mabuting layunin.
• Mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang kaparaanan.
• Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatwirang dahilan upang maging katanggap-
tanggap ang masamang epekto.
• Ayon kay Santo Papa Francisco ng Roma, “Ang
buhay ng tao ay napakahalaga kahit na ang
mga pinakamahihina at madaling matukso,
mga maysakit, matatanda, mga hindi pa
isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng Diyos
na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang
mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat
ng mataas na paggalang.”
• Sa mga pahayg ng Santo Papa, ang dignidad ng tao ang kanyang
lubos na tinutukoy at ito ay umiiral sa pangkalahatan,
nangangahulugan na ito ay taglay ng bawat tao. 1Ito rin ang
dahilan kung bakit nararapat lamang na igalang at pahalagahan
ang bawat isa. Anuman ang katayuan sa buhay, anyo, gulang at
antas ng kalinangan at kakayahan, bawat tao ay may dignidad.
• Ang pagkakaroon ng dignidad ng bawat tao ay isang maliwanag
na batayan na obligasyon o responsibilidad ng bawat isa na
igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa. 2Ang buhay ay
isang napakagandang biyaya sa atin ng Maykapal at nararapat
lamang na ito’y pangalagaan at gamitin sa mabuting pamamaraan.
• Ngunit hindi natin maitatanggi na karamihan sa mga tao ay
taliwas sa kabutihan ng buhay ang kanilang ginagawa na
nakaaapekto sa dignidad ng buhay. Hindi lahat ay lubos na
nauunawaan, naisasapuso at napaninindigan na sagrado ang
buhay at nararapat itong pangalagaan.

• Sa pananaw ng iba’t ibang relihiyon, ang buhay ay sagrado na


kaloob ng Diyos. Maituturing na maling gawain ang hindi
paggalang sa kabanalan at dignidad ng buhay dahil ito ay
indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa
kapangyarihan ng Diyos.
• Maigting pa rin na pinaniniwalaan na ang kabutihan ay
taglay ng bawat nilalang at may likas na kabutihan.
Maaaring sabihing may karapatan at kalayaang pumili para
sa sarili, inaasahan pa rin ang pagiging mapanagutan ng
bawat tao sa kanyang sarili at sa bawat pagpapasya at
pagkilos na kanyang isinasagawa. Anumang impluwensiya
ng kapaligiran at ng teknolohiya, nararapat lamang na
maging mapanuri at maingat sa paggawa ng pasiya upang
makabuo ng tamang posisyon at magkaroon ng
paninindigan tungkol sa mga isyung moral ng buhay
GAWAIN # 1
PANUTO: SAGUTIN ANG SUMUSUNOD. AYON SA ATING TALAKAYAN,
MASASABI MO BA NA IKAW AY MAY PAGPAPAHALAGA SA BUHAY?
LAGYAN NG TSEK ANG IYONG SAGOT. MAGING TAPAT SA IYONG MGA
KASAGUTAN. Katangian
Palagi Minsan Hindi kalian man
(1) (2) (3)

Pagtulog ng wala sa oras dahil sa pagseselpon.

Pag-inom ng softdrinks at pagkain ng junk foods.

Pagbabaliwala sa mga pulubi o mga taong nagugutom kahit na


ikaw ay mayroong maibibigay.

Pagsang-ayon sa mercy killing o Euthanasia.

Paninigarilyo bilang pampaalis ng tensiyon.

Pag-inom ng nakalalasing na inumin upang maging parte ng


samahan.

Sobrang paglalaro ng online games.


Pisikal na pananakit sa mga taong kinaaasaran.

Paggamit ng ipinagbabawal na gamot.


Pananakit ng sarili upang maibsan ang sakit ng loob o hinanakit.
GAW AIN #3
PA N U T O : B A S A HI N AT U N A W A IN A N G S I T W A S Y O N A T S AGU T IN A N G M GA K A T A N U N GA N .
GAM I T I NG GAB AY A N G RU B R IK .

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN NAKUHANG


PUNTOS

PUNTOS
Pamantayan

Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 15

Maayos ang organisasyon ng mga ideya at kalinisan sa pagkakasulat.

10

Wasto ang pagbaybay at gramatika. 5

Kabuuang Puntos 30
1. Pamilyar kaba sa mga taong grasa? Sila ay ang mga taong nakikita natin na naglalakad sa daan
na tila walang patutunguhan, tila hindi alam o walang pakialam sa mga nangyayari sa kapaligiran,
minsan ay nakikita din natin sila sa social media, katulad sa telebisyon, facebook o maging sa
youtube, may mga nagpopost na tumutulong ang dinadala sa shelter na kung saan sila ay
maaalagaan o may mga taong kumukupkop sa kanila o may mga tao naming pinagdidirihan sila o
kinakatakutan o pinagtatawanan, o kinukutya. Sila ay mga tao din katulad natin na may
karapatang mabuhay at igalang. Bilang kabataan paano mo mapapakita na may halaga o
pinapahalagahan mo din ang buhay ng mga taong nabanggit?
2. Hindi na natin mabilang ang mga krimen na napapabalita sa
ngayon. Sa kabila ng ating sitwasyon, may mga tao na dahil lamang
sa hindi pagkakaintindihan ay kumikitil ng buhay ng iba upang
maipakita lamang na may kapangyarihan sila. Masasabi mo ba na
makatarungan ang ginagawa ng mga taong kumikitil ng buhay
dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan? Ipaliwanag ang sagot.
• May mga pagkakataon na naririnig natin sa balita o maging sa
social media katulad ng facebook ang mga kabataang
nagpapatiwakal sa iba’t- ibang mga dahilan, mayroong dahil sa
depresiyon, dahil sa pagkasawi sa pag-ibig o mayroon namang
dahil kulang sa pansin o dahil sa pag- aaral, mga iba’t ibang
dahilan na hindi nakayanan ng mga kabataang katulad mo kaya’t
sumuko na lamang. Bilang kabataan, ano ang dapat gawin sa
pagharap sa hamon ng buhay?
Ayon sa pag-uulat mayroon na naman bagong variant ng Covid na kung saan sinasabing mas
delikado kaysa sa naunang Covid dahil dito mas naging mahigpit ang gobyerno sa paglabas at
pagpasok ng bansa at dahil din dito ay minadali ang pagpapalabas ng vaccine para sa Covid 19.
Bagamat marami ang hindi sang-ayon at ayaw magpavaccine ang mga kababayan natin na
nagtatrabaho sa ibang bansa ay isa sa mga binigyan nito. Ano ang iyong opinyon sa nasabing
pagpapavaccine ng ating mga kababayan sa ibang bansa sa ayaw o sa gusto man nila?
Ipaliwanag ang sagot.
• Isa sa mga tinututukan ng mga nagiging presidente ng ating bansa
ay ang isyu sa droga. Maraming mga krimen ang idinudulot nito at
may mga kabataan din na napapariwara, dahil dito
napabalita ang sunod sunod na pagpatay sa mga taong
pinaghihinalaang kasangkot sa droga. Marami ang umalma dito,
may mga sang-ayon at mayroon din naman hindi. Kung ikaw ay
tatanungin sang-ayon ka ba sa pagpatay ng mga kasangkot sa droga
kahit pinaghihinalaan pa lamang o kahit may katunayan na?
Ipaliwanag ang sagot.
GUMAWA NG ISANG SLOGAN PATUNGKOL SA
KASAGRADUHAN NG BUHAY. GAWIN ITO SA
ISANG MALINIS NA BOND PAPER.
Halimbawa:

You might also like