You are on page 1of 24

PAUNANG PAGTATAYA

(10mins.)

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang
sagot. Isulat ito sa papel.
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
GAWAIN 1
 Ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo?
 Isulat sa loob ng parisukat ang iyong sagot.
 Gawin ito sa isang buong papel.

MAKATAONG KILOS
Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit iyan ang mga kahulugan mo sa
salitang makataong kilos? Ipaliwanag.
2. Kailangan ba na palaging isagawa ang
makataong kilos sa lahat ng oras o
pagkakataon? Bakit?
3. Paano ito makatutulong sa iyo sa araw-
araw na pamumuhay?
Gawain 2

Tukuyin kung ang mga sumusunod


na sitwasyon ay nagpapakita ng
makataong kilos o hindi at
ipaliwanag ang iyong sagot.
Sitwasyon A

Niyaya si Omar ng kanyang kamag-aral na


huwag munang umuwi pagkatapos ng klase
dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si
Omar kahit ipinagbabawal ito ng kaniyang
magulang.
a. Nagpapakita ba ito ng makataong kilos?
b. Bakit?
Sitwasyon B
Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit
alam niyang mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng
pagsusulit ay maraming tanong na hindi nya
nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na
pakokopyahan siya ng sagot subalit tinanggihan
niya ito.
a. Nagpapakita ba ito ng makataong kilos?
b. Bakit?
Sitwasyon C

Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-


aral na si Fatima ang kumuha ng Cellphone
ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik na
lamang siya upang huwag nang madamay
pa.
a. Nagpapakita ba ito ng makataong kilos?
b. Bakit?
Sitwasyon D

Si Ella ay labinlimang gulang pa lamang.


Niyaya siya ng kaniyang kasintahan na sila
ay magsama na. Ngunit kahil mahal ni Ella
ang kasintahan ay hindi siya sumama rito.
a. Nagpapakita ba ito ng makataong kilos?
b. Bakit?

You might also like