You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
CALEGU INTEGRATED SCHOOL
Urdaneta City Pangasinan
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Pangalan:_________________________________________ Petsa:__________________
Baitang at Seksyon:________________________________ Iskor:______________
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang

_____1. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang
katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Pananampalataya c. Pag-ibig d. Panalangin

_____2. Ang mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin ng tao sa Diyos maliban sa:
a. Tungkulin sa pagsamba c. Pagmamahal sa kapwa
b. Tungkuling mahalin at paglingkuran ang Diyos d. Pagpapahalaga sa kalooban ng sarili

_____3. Si Ben ay sumusunod sa mga bilin ng kanyang mga magulang at sumusunod sa anumang panuntunan ng
kanyang paraalan. Ang gawaing ito ay nagpapakita ng kanyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Sa paanong
paraan niya ito ipinapakita?
a. pagmamahal sa kabutihan c. paggalang sa karapatang pantao
b. pangangalaga sa kapaligiran d. pagkamasunurin

_____4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagmamahal sa kabutihan?


a. Magpasya at kumilos ayon sa pagmamahal at kabutihang panlahat
b. pagmamalasakit sa pag-unlad ng kapaligiran.
c. Pagpapamahal ng walang hanggang pagmamahal sa Diyos
d. Pagsunod sa kalooban at kagustuhan hindi lamang sa sarili kundi sa nakakarami

_____5. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa:


a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
b. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos.
c. Pinipili ang pagmamahal at pagtulong sa kapuwa.
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa.

_____6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa pag-unlad ng
kapaligiran at maging tagapangalaga ng lahat ng Kaniyang nilikha?
a. pagmamahal sa kabutihan c. paggalang sa karapatang pantao
b. pangangalaga sa kapaligiran d. pagkamasunurin

_____7. Alin sa mga sumusunod na tungkulin ng tao sa Diyos ang nagsasagawa ng papuri at pasasalamat sa Kaniyang
ginagawa para sa kabutihan ng tao?
a. Tungkulin sa pagsamba c. Pagmamahal sa kapwa
b. Tungkuling mahalin at paglingkuran ang Diyos d. Pagpapahalaga sa kalooban ng sarili

_____8. Si Jesa ay nangunguna sa kanilang klase at aktibo sa pakikilahok sa programa ng kanilang paaralan. Minsan, siya
ay nagboluntaryo sa pagsali sa isang outreach program upang magbigay ng tulong at magturo sa kapwa niya kabataan.
Sa paanong paraan niya ipinapakita ang kanyang pagmamahal at paglilingkod sa Diyos?
a. Pakikiramay sa mga taong namatayan.
b. Paglilingkod sa mga magulang at kapatid.
c. Pagpapatawad sa mga nakasakit o nagkasala.
d. Pagbabahagi ng karunungan sa mga hindi nagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral

_____9. Alin sa mga sumusunod HINDI kabilang sa mga paraan ng pangangalaga sa sariling buhay at buhay ng kapwa?
a. pag-iwas sa bisyo b. pagtitimpi c. pakikinig sa magulang d. pagpupuyat

_____10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tuwirang pagkitil sa sariling buhay na labag sa kautusang
pagpapahalaga ng buhay?
a. euthanasia b. aborsyon c. pagpapakamatay d. murder

_____11. Ito ay mula sa salitang griyego na “eu” at “thanos” na nangangahulugang easy death na ginagawa upang
mahinto ang paghihirap ng mga taong may karamdaman na labag sa pagpapahalaga ng buhay.
a. euthanasia b. aborsyon c. pagpapakamatay d. murder

_____12. Si Betty ay biktima ng karahasan nang siya ay gahasain ng kanyang tiyo. Ninais niyang ihinto at kitilin ang
naging bunga nito at itigil ang kanyang pagbubuntis. Anong kilos ang labag sa pagpapahalaga ng buhay ang kanyang
malalabag?
a. euthanasia b. aborsyon c. pagpapakamatay d. murder

_____13. Sa paanong paraan naipapakita ang pagmamahal sa bayan?


a. Ang pakikilahok sa mga proyekto at programa ng pamahalaan c. Ang pagtataglay ng karunungan.
b. Ang pagkakaroon ng ganap na kalayaan. d. Ang pagtitiwala sa sarili.

_____14. Ang mga sumusunod ay mga bisyong nakakasira sa kalusugan maliban sa:
a. Katamaran c. paglalagi sa computer shop
b. Hindi pagkain sa tamang oras d. pagtulog sa tamang oras

_____15. Lumapit ang iyong kamag-aral dahil sa isang mabigat na problema. Maghihiwalay na ang kanyang mga
magulang. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Nawalan na siya ng ganang mag-aral at mabuhay. Hindi niya
kayang tanggapin ang mangyayaring ito sa kanyang pamilya. Ano ang iyong ggawin?
a. Ipagsasabi sa iba ang kanyang problema c. Makinig sa kanyang problema at bigyan sya ng payo
b. Huwag na lamang syang papansinin d. Pagtawanan sya at sabihing mabuti lamang iyon sakanya

_____16. Madalas kang ipahiya ng isa sa iyong mga kaklase. Dahil dito, ikaw ay naging tampulan ng tukso sa paaralan.
Hindi ka nalang kumibo ngunit nagkimkim ka ng galit at sinabi sa sariling may araw ka rin. Dumating ang araw na nakita
mong nag iisa ang iyong kaklase ano ang iyong gagawin?
a. ipahiya din sya upang makaganti
b. batuhin sya ng anumang bagay na iyong mahawakan
c. tumawag ng mga kasama upang sya ay tambangan
d. umiwas at ipagpasa-Diyos na lamang ang sama ng loob

_____17. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihang mamahala, mag-utos, magtakda o magpasya, ipinagkaloob sa tao,
tinatanggap na ugat ng impormasyon at pinaniniwalaan.
a. awtoridad b. kalayaan c. karapatan d. kapangyarihan

_____18. Alin sa mga sumusunod na katangian ang tumutukoy sa isang taong tinatanggap ang kapangyarihan ng may
awtoridad kahit siya ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan
a. magalang b. masunurin c. mapagkumbaba d. pagmamahal sa kabutihan

_____19. Ang mga sumusunod ay tinuturing na awtoridad sa lipunan maliban sa :


a. magulang b. guro c. pangulo d. tindera

_____20. Sino sa mga sumusunod ang may kapangyarihan at pananagutang magdisiplina sa mga anak batay sa
karapatang-pantao at mamahal sa pamilya?
a. lider ng simbahan b. guro c. magulang d. alagad ng batas

_____21. Alin sa mga sumusunod ang kapangyarihan at pananagutan ng mga guro?


a. isaayos ang buhay ng mga anak c. pamahalaan ang simbahang kinabibilangan
b. ipag-utos at ipatupad ang batas. d. gabayan at disiplinahin ang mga mag-aaral sa kabutihan

_____22. Sino sa mga sumusunod ang may kapangyarihan at pananagutang hulihin ang kriminal at panatilihin ang
kaayusan at kapayuapaan ng bayan?
a. alagad ng batas b. guro c. lider ng simbahan d. pamunuan ng paaralan

_____23. Alin sa mga sumusnod ang HINDI kabilang sa mga halimbawa ng organisasyong nangangalaga sa buhay ng tao?
a. Bantay Bata Foundation b. Gawad Kalinga c. DSWD d. DENR

_____24. Sa paanong paraan nagagamit ng tama ng awtoridad ang kanyang kapangyarihan?


a. Pagpapanatili ng kaayusan, kaunlaran at kapayapaan
b. Mag-utos, magpasya at magtakda base sa sariling kagustuhan
c. Hindi sumusunod sa mga alituntuning kanyang ipinatutupad
d. Tumatanggap ng impormasyon sa taong kanya lamang na pinaniniwalaan.
_____25. Sa paanong paraan naipapakita ang paggalang sa magulang bilang awtoridad?
a. Sumama sa mga kaibigan upang maglaro ng kompyuter tuwing walang pasok
b. Manood ng telebisyon hanggang dis oras ng gabi
c. Gumamit ng gadyet pagbangon sa umaga
d. Tumulong sa mga gawaing bahay.

_____26. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


a. Katatagan at kasipagan c. Pinagkopyahan o pinagbasehan
b. Kabayanihan at katapangan d. Pinagmulan o pinanggalingan

Para sa bilang 27-29


Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa kanilang koponan?
Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa tuwing
kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang ipanalo ang kanilang koponan?

_____27. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?


a. Pagmamahal sa laro c. Pagmamahal sa bayan
b. Pagmamahal sa koponan d. Pagmamahal sa kapuwa

_____28 Ano ang pangunahing mensahe ng talata?


a. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na isakatuparan
ang mithiing manalo.
b. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang tunggalian at sakitan.
c. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay mahalaga para makamit ang
tagumpay.
d. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na pangangatawan at
isipan.

_____29. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?


a. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking pananagutan sa tagumpay ng koponan o
bayan.
b. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o mamamayan para makamit ang
tagumpay ng lahat.
c. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng bawat mamamayan sa kanilang
tungkulin para sa bayan.
d. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay ng coach ng koponan o ng pinuno
ng pamahalaan.

_____30. Alin ang HINDI angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

_____31. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan.
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa-Pilipino.
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.

_____32. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao.
b. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirhan.
c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kaniyang mga
kakayahan.
d. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang sinilangan.

_____33. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin sa
pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

_____34. Ano ang maaaring epekto ng global warming?


a. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha.
b. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-
arian.
c. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.
d. lahat ng nabanggit

_____35. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala at
tagapangalaga ng kalikasan?
a. Magpatupad ng mga batas.
b. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
c. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.
d. Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan.

_____36. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang ___


a. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
b. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.
c. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.

_____37. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.


a. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
b. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
c. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
d. Pagsusunog ng basura.

_____38. Ang mga sumusunod na gawain ay nagiging dahilan ng pagkasira ng yamang dagat maliban sa
a. cyanide fishing b. dynamite fishing c. muro-ami d. illegal logging

_____39. Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na kaniyang
ginagawa?
a. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa kaniya.
b. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan
ng pag-unlad at panahon.
c. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan ang
pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran.
d. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth balling.

_____40. Alin sa mga sumusunod na paglabag na ginagawa ng tao sa pangangalaga sa kapaligiran ang tumutkoy sa
walang habas na pagtatapon ng basura sa kung saan-saang lugar na lamang?
a. maling pagtatapon ng basura c. iligal na pagputol ng puno
b. pagdumi sa hangin, tubig at lupa d. malabis at mapanirang pangingisda

II. Isulat ang kung ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng hakbang upang makatulong sa
pagpapanumbalik at pagpapanatili sa kagandahan at kasaganahan ng mundo at kung hindi.
_____41. Itapon ang basura sa tamang lugar
_____42. Paggamit ng mga kemikal
_____43. Pagsasabuhay ng 4R
_____44. Pakikiisa sa industriyalisasyon tulad ng road widening
_____45. Pagtatanim ng puno
_____46. Pagsasagawa ng dynamite fishing
_____47. Pagbibigay alam sa may kapangyarihan ang mga gawaing hindi ayon sa batas.
_____48. Pagsusunog ng basura
_____49. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
_____50. Pagtatapon ng mga basura sa mga anyong tubig.

You might also like