You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan – Modyul 7
Katotohanan: Isulong at Panindigan!

Pangalan ng Mag-aaral:__________________________
Baitang at Seksyon:_____________________________
Paaralan:______________________________________
Alamin

Sa nakaraang modyul, tinalakay ang mga isyung moral tungkol sa


kawalan ng paggalang sa katotohanan. Ngayon naman ay matutunan mo
ang maging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan upang maisabuhay ang pagganap sa mga inaasahang
tungkulin bilang isang matapat na mamamayan. Ito ay nilikha na naaayon
sa pamantayan ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-10 na
baitang.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod


na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
Layunin :

1: Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga isyu


tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan;
2: Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng
Pagsusuri ng tama sa balitang napanood o nabasa.
3: Nakapagtatala ng mga angkop na kilos upang maisulong at
maisabuhay ang paggalang sa katotohanan.

Code: EsP10PI-IVd-14.3

Game ka na ba? Halika na’t sagutin mo ng buong puso’t galak ang


paunang gawaing nakalaan para lamang sa iyo.

Subukin

Sa puntong ito ay ating susubukin ang iyong kaalaman tungkol sa


magiging leksyon natin; ang pagiging mulat sa mga isyu sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng


may pinakatamang sagot.

___1. Ang pagsisinungaling maliit man o malaki ay itinuturing na


kasalanan.

1
A. Tama, dahil ang katotohanan ay nagpapairal ng kung ano ang
inaasahan sa atin bilang tao at mapanagutang mamamayan sa
lipunan.
B. Tama, dahil nakakawala ito ng tiwala (trust) sa pagitan ng mga tao
ang pagsisinungaling
C. Mali, kapag ang pagsisinungaling ay magdudulot naman ng
kabutihan sa kapwa
D. Mali, kung may malalim kang dahilan sa pagsisinungaling

___2. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan ano man ang maging
bunga nito?
A. Ang pagsasabi ng katotohanan ay magbibigay sa isang tao ng
magandang reputasyon at dignidad.
B. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagkakaroon ng kapayapaan sa isip
at sa puso.
C. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nakakagaan ng konsensya
D. Lahat ng nabanggit
E.
___3. Ang whistle blowing ay ang hayagang kilos ng pagsisiwalat ng mga
maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o illegal na
gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon. Ano
kaya ang nag udyok sa isang whistleblower para gawin ito?
A. Ang pagsasabi ng totoo ang nagtutulak sa kanya upang makaramdam
ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.
B. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nakakakuha ng tiwala ng ibang tao.
C. Upang maging susi para maibunyag ang katotohanan at seguridad
para sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
D. Upang mapanindigan at maipakita ang katapangan.

___4. Bakit may mga tao pa ring nahihikayat na gawin o paulit ulit na
ginagawa ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) kahit
na ipinagbabawal ito at may mga pinagtibay na batas para dito?
A. Dahil hindi mahirap ang magdownload o makakuha ng mga
impormasyon at detalye mula sa nais na website ng isang copyright
owner.
B. Dahil may makatuwirang dahilan naman sa paggamit nito.
C. Sapagkat nakakatipid ka sa oras sa sistemang ito.
D. Sapagkat sa tingin mo ay magkahawig naman ang inyong mga ideya.

___5. “Ang katotohanan ay siyang makapagpapalaya sa atin”, ano ang


masasabi mo tungkol dito?
A. Kapag nagsasabi ka ng katotohanan ay magiging malaya ka
B. Gumagaan ang pakiramdam ng taong nagsasabi ng totoo
C. Nawawala ang pagdududa sa pagsasabi ng katotohanan
D. Nabubunyag ang katotohanan

2
Balikan

Ang gawaing ito ay magtataya ng iyong kaalaman sa nakaraang aralin


tungkol sa mga Isyu ng kawalan ng paggalang sa katotohanan. Halina’t
simulan na natin!

Gawain 1: Balik-tanaw

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng


may tamang sagot na nasa loob ng kahon.

a. Korapsyon d. Pagsisinungaling
b. Pangongopya e. Paggalang sa katotohanan
c. Pagpapalaganap ng f. Paglabag sa batas
maling balita

____1. Tumutukoy sa kawalan ng paggalang sa katotohanan sapagkat


pinaiiral nito ang mga maling impormasyon na sisira sa paniniwala
ng mga mamamayan.
____2. Gabay natin sa ating mga kilos upang magkaroon ng kapayapaan sa
buhay.
____3. Isang uri ng pagnanakaw ng impormasyon o akda ng isang
manunulat na matuturing kawalan ng galang sa katotohanan.
____4. Ito ay nagaganap sa pamahalaan dahil sa personal na interes gamit
ang kanilang kapangyarihan.
____5. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang
bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa
isang grupo o lipunan.

Tuklasin

Gawain 2: #Paghuhusga

PANUTO: Basahin at timbangin ang sumusunod na mga pahayag. Lagyan


ng tsek ang kahon ng S kung ikaw ay sumasang- ayon sa pahayag, DS
kung di- sumasang-ayon at ipaliwanag ang iyong naging sagot.

Mga Pahayag S DS Paliwanag


1. Ang pagtatago ng lihim ay
mabuti lalo na’t ang
pagbubunyag nito ay
magdudulot ng malaking isyu at
eskandalo.

3
2. Ang pagnanakaw o pagkuha
nang walang pakundangang -
pag-angkin sa pag-aari nang iba
na walang paggalang sa
nakapaloob dito ay isang
krimen.
3. Marapat na gawing pribado ang
anumang pag-uusap lalo na
kung nakasalalay ang
kapakanan ng nakararami sa
mga anomalyang nangyayari sa
loob ng samahan o
organisasyon.
4. Ang mga tagapagturo ay may
moral na obligasyon na ingatan
ang mga dokumento tulad ng
kanilang academic records.
Gayunpaman, maaari niya itong
ipakitasa mga magulang kahit
pa walang pahintulot sa anak
nito.
5. Ang isang guro ay nagbigay ng
mga special assignment sa
kaniyang mga mag-aaral upang
magamit sa tinatapos niyang
term paper sa Masteral.

Pamprosesong mga tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa mga pahayag sa itaas?


2. Alin sa mga pahayag ang lubha kang nahihirapang sagutin?
Ipaliwanag.
3. Mulat ka ba sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan? Magbigay ng halimbawa sa mga alam mo.

Rubriko sa Paglalahad ng Paliwanag sa Pamprosesong Tanong

Pamantayan 10 Puntos 7 Puntos 5 Puntos


Naipaliliwanag Naipaliliwanag Naipaliliwanag
1. Paliwanag ang ang ang
impormasyon ng impormasyon ng impormasyon ng
mahusay at maligoy ang di-maayos
maayos daloy

4
Suriin

Ngayon ay iyong lilinangin ang iyong kaisipan tungkol sa ating aralin.


Basahin at unawain ang teksto na nasa ibaba. Naranasan mo na bang
magsinungaling? Nasubukan mo na rin bang maglihim? Kung sasabihin
mong hindi pa, magpapakatotoo ka! Bawat isa sa atin ay naranasan nang
maglihim at magsinungaling. Maliit man o malaki ang pagsisinungaling itoy
kasinungalingan pa rin. Minsan inaanay ka ng konsensya dahil sa
pagsisinungaling mo. Ngayon mapapatunayan mong mahalaga ang pagiging
mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.
Ang katotohanan ang magsisibing ilaw ng tao sa paghahanap niya ng
kaalaman at layunin sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay
nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat tao
na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung
siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at
pagyamanin ito. Ang sinumang sumusunod sa katotohanan ay nagkakamit
ng kaluwagan ng kanyang buhay na may kalakip na kaligtasan,
katiwasayan, kapayapaan at pananampalataya. Ang pagpapahayag ng
katotohanan ay tunay na Mabuti at matuwid na gawain at walang pasubali
na isa itong moral na obligasyon ng bawat tao.
Mahalaga na makita ng bawat tao ang katotohanan mula sa
pagkakakubli na lumitaw mula sa pagsisikap niya na mahanap ito. Kung
hindi, magiging bulag siya sa mga bagay o isyu sa lipunan na makaaapekto
sa kaniyang isip upang magsuri at makaalam. Hindi ito maipagkait sa
kaniya dahil bilang tao siya ay may kakayahan na kumuha ng buod o
esensiya sa mga bagay na umiiral.
Sa prinsipyo ng confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi
lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa
mas malalim nap ag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong
nagpapahalaga sa katotohanan. Ang pagiging totoo ay solusyon sa mga
posibleng hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw at opinion, hindi pag-
uunawaan, mga sakit ng kalooban at kahihiyan at nakababawas ng
pagkakahiwa-hiwalay sa pagitan ng bawat isa tungo sa pagkamit ng
kapayapaan at maayos na samahan.
Sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng pagalang sa
katotohanan dahil sa mga isyu sa plagiarism, intellectual piracy,
whistleblowing, at gampanin ng social media sa usapin ng katotohanan.
Nilalabag ng plagiarism at intellectual piracy ang mga karapatang pantao at
kawalan ng pagkilala at paggalang sa pagkatao ng tunay na may akda.
Samantala, masasabing mabuti ang whistleblowing dahil sa pagbubunyag
at pagsisiwalat ng mga gawaing masama. Ang impluwensiya ng social media
naman ay tila nagpapahina o nagpapalakas sa kaisipan ng mga netizens na
maging mapanagutan sa mga kaakibat na obligasyon sa paggamit nito.

Mga paraan o angkop na kilos upang maiwasan ang mga isyung may
kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa katotohanan:

5
a. Plagiarism: 1. Magpahayag sa sariling paraan. 2. Mahalaga rin na
magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon o
stand sa anumang argumento o pagtatalo. 3. Ang tamang pagsusuri
sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento at pagbuo ng
sariling konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na
magpahayag.
b. Intellectual Piracy: Dapat ay may mahigpit na regulasyon sa pagamit
ng mga bagay na may kinalaman sa pagkopya at pagrerecord. Sa
panig naman ng konsyumer, dapat ay huwag tangkilikin ang mga
produktong ito, lalo na kung halata at nay ebidensyang kinopya
lamang ang mga ito.
c. Whistleblowing: Magkakaroon ng mabigat na parusa para sa
sinumang nagsisiwalat ng impormasyon sa publiko. Dapat ay tamang
regulasyon din sa mga media.

Ang pagkamulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa


katotohanan ay nagtuturo ng mahahalagang aral sa buhay ng bawat tao. Ito
ay magiging paalala sa mga masasamang epekto nito sa personal na buhay,
pamilya at sa komunidad. Kapag namulat ang isa lalo na mula pagkabata,
matutulungan itong maituwid ang mga landas na maaaring humantong sa
pagkakamali. Ang turong ito ay maipasa din kalaunan sa mga inapo at
magsisilbi bilang babalang halimbawa. Kapag namulat ang isang tao sa
kawalan ng paggalang sa katotohanan, pwedeng mabawasan, kung hindi
man mawakasan ang gawaing katitisuran ng maraming tao tulad ng
pagsisinungaling, katiwalian, pagnanakaw at ilang mga krimeng may
malaking kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.

Sa puntong ito, bibigyan ka ng pagkakataon na maging bukas,


mapanindigan, at hayag sa iyong saloobin na mahalin at igalang ang
katotohan.

Pagyamanin

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa. Ihanda mo ang


iyong sarili para sa mas malalim pang pag-unawa sa pamamagitan ng
pagsagot sa iba pang gawain.

6
Gawain 3: #Daan Sa Pagsulong

PANUTO: Gamit ang graphic organizer, magtala ng mga angkop na kilos o


paraan upang maisulong ang paggalang sa katotohanan o katapatan.

Plagiarism
1.______________
2. _____________

D
A
A
N
SA
Intellectual Whistleblo
P
Piracy A wing
1._______ G 1.______
S
2._______ U
2.______
L
O
Gampamanin N sa Paggamit ng
SocialGMedia
D
1.________________
A
2.________________
A
N SA
P
Pamprosesong Tanong: A
G
1. Nahirapan ka ba sa pagtala ng S mga paraan o kilos sa pagsulong
ng paggalang sa katotohanan Uo katapatan? Bakit?
L
2. Bilang nasa Baitang 10, mahirap
O bang isabuhay ang pagmamahal
sa katotohanan? Ipaliwanag angN sagot.
G

Rubriko sa Pagmamarka
Mga Batayan 5 3 2
Nilalaman Naipapahayag ng Hindi masyadong Malayo sa paksa
tama ang naipahayag ang ang opinyong
opinyon opinyon ipinahayag
Organisasyon Mahusay ang Maayos ang Hindi maayos
pagkasulat ng pagkasulat pero ang pagkasulat
sagot at ang Hindi masyadong ng sagot at di
pagkasunod- magkasunod- klaro ang ideya.
sunod mga sunod ang ideya.
ideya.

7
Gawain 3.1

Panuto: Sagutan ang tseklis. Lagyan ng tsek sa tapat ng sagot.

Kasanayan Mahalaga Di -Mahalaga

1. Susuriin kong Mabuti ang nababasa kong


nakalagay sa internet bago ako maniwala
2. Inuunawa ko muna ang napakinggang
balita bago magbigay ng reaksyon
3. Inaalam ko sa tuwina ang positibong
epekto ng nababasa o napapanood ko
4. Nagbabatid ko na hindi lahat ng aking
nababasa ay may katotohanan
5. Magiging mulat ako palagi sa mga isyung
may kinalaman sa kawalan ng paggalang
sa katotohanan upang hindi magkamali.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong nahihinuha mo mula sa gawain? Mahalaga ba ang pagiging mulat


sa mga isyu tungkol sa paggalang sa katotohanan? Ipaliwanag.

Rubriko sa Paglalahad ng Paliwanag sa Pamprosesong Tanong


Pamantayan 10 Puntos 7 Puntos 5 Puntos
Naipaliliwanag ang Naipaliliwanag ang Naipaliliwanag ang
1. Paliwanag impormasyon ng impormasyon ng impormasyon ng di-
mahusay at maayos maligoy ang daloy maayos

Isaisip
Gawain 4.1 Anong natutunan mo? Buuin mo ako!
Sa gawaing ito, inaasahan na maipamamalas ang naging lawak ng
kaalaman at pag-unawa sa paksa.
Panuto: Piliin ang mga salita sa nasa loob ng kahon at punan ang bawat
patlang ng tamang salita upang mabuo ang tunay na kahalagahan ng
pagiging mulat sa mga isyu ng kawalan ng paggalang sa katotohanan. (10
puntos)
kaluwagan kaligtasan kapayapaan
Mulat aral pagkakamali
Tao katotohanan Pananampalataya
Paggalang matutulungan bagay
mabuti maingat moral
Pagpapahalaga gawain obligasyon
8
Ang sinumang sumunod sa 1. ___________________________ ay nagkakamit
ng 2._________________ ng kanyang buhay na may kalakip na
3._______________, katiwasayan,4.________________,at
5._______________________. Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay na
6. ______________________ at matuwid na 7.______________________at walang
pasubali na isa itong 8.________________________ na 9.
_____________________ng bawat 10.______________________. Ang pagka
11.________________sa mga isyu tungkol sa kawalan ng
12.________________sa katotohanan ay nagtuturo ng mahalagang
13.____________sa buhay ng bawat tao. Kapag namulat ang isa lalo na mula
pagkabata, 14.________________________itong maituwid ang mga landas na
maaaring humantong sa 15._____________________________.

Gawain 4.2 Kumpletuhan Mo!

Panuto: Tapusin ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipang


natutunan mo . Isulat ang iyong mga sagot sa patlang.

1. Ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa walang paggalang sa


katotohanan ay nagdudulot sa akin ng______________________________.

2. Maisabuhay ko ang pagmamahal at may paggalang sa katotohanan sa


pamamagitan ng _________________________________________________.

3. Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa katotohanan gamit ang social


media sa paraang___________________________________________________.

4. Sa pangkalahatan, ang pagpapahayag ng katotohanan ay


________________________________________________.

Rubrics sa Pagmamarka
Mga Batayan 5 3 2
Nilalaman Naipapahayag ng Hindi masyadong Malayo sa paksa
tama ang naipahayag ang ang opinyong
opinyon opinyon ipinahayag
Organisasyon Mahusay ang Maayos ang Hindi maayos
pagkasulat ng pagkasulat pero ang pagkasulat
sagot at ang Hindi masyadong ng sagot at di
pagkasunod- magkasunod- klaro ang ideya.
sunod mga sunod ang ideya.
ideya.

9
Isagawa

Gawain 7: Balita-Suri

Panuto:
1. Panoorin o basahin ang balitang naglalaman ng impormasyon tungkol
sa Covid19. Kung may internet, maaring iclick ang link na nasa
ibaba.
https://www.facebook.com/abscbnNEWS/videos/602394337014493/
2. Gamit ang “semantic webbing”, itala ang mga impormasyong nakuha
mula sa balita. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

ABS-CBN News posted a video to playlist Understanding COVID-19 | NXT.


March 9 at 5:50 AM

Mula ng maitala ang unang kaso sa China noong Enero mahigit 3,700 na
ang namatay sa buong mundo dahil sa covid 19 o novel coronavirus desease.
Patuloy din ang pagkalat ng mga haka-haka tungkol sa virus. Sa programang
Failon Ngayon, sinagot ng eksperto ang ilan sa mga maling impormasyon tungkol
sa covid 19. “Totoo nga bang naipasa sa hangin ang bagong virus?”, isa sa mga
netizen ang nagtatanong. Ayon kay Dr. Edsel Maurice Salvana, isang infectious
desease specialist, “Ang pangkaraniwang transmission ng Covid-19 ay sa
pamamagitang ng droplet. Pero mabigat siya, so hindi siya nananatili sa ere na
parang usok. Bumabagsak siya after mga 3 feet at kays mahahawa ka lang kung
lumapit ka ng 3 to 6 feet sa isang tao” May nagtatanong din kung ang paggamit ng
facemask at paggamit ng alcohol ay gatantisadong 100% na protektado sa laban sa
virus. Sagot ni Dr. Salvana, “ wala pang 100% sa siyensa. Sinasabi ng WHO at ng
DOH, mag mask lang po tayo, surgical mask, kung mayroon tayong sakit pero in
general public, wala pong ebidensiya nakakatulong po ang pagsuot nito kung wala
naming sintomas.” Ayon pa niya huwag umasa lamang sa paggamit ng alcohol,
kinakailangan din ang mga vitamins at supplements. Hindi totoo na ang virus ay
nagtatagal lamang sa malamig na lugar, sa katunayan may mga cases na rin sa
Middle Ease na medyo mainit ang klima. Ang common route of infection ay
droplets, na kapag nasinghot mo yung binahing ng isang tao, ay pwd ka na
mahawa.

Mga
Impormasyong
napapanood/na
basa

Tanong:
1. Anong naramdaman mo habang binabasa o pinapanood ang balita?
2. Ano ang dapat gawin sa impormasyong nabasa o nalaman
3. Mahalaga bang masuri ang katotohanan ng nilalaman ng balita?
Bakit?

10
Rubrics sa Pagmamarka
Mga Batayan 5 3 2
Nilalaman Naipapahayag ng Hindi masyadong Malayo sa paksa
tama ang naipahayag ang ang opinyong
opinyon opinyon ipinahayag
Organisasyon Mahusay ang Maayos ang Hindi maayos
pagkasulat ng pagkasulat pero ang pagkasulat
sagot at ang Hindi masyadong ng sagot at di
pagkasunod- magkasunod- klaro ang ideya.
sunod mga sunod ang ideya.
ideya.

Binabati kita! At napagtagumpayan mong


maisagawa at masagot ang lahat ng gawaing nakalaan sa
modyul. Nawa’y maging kaisa ka sa mga tunguhing nais
na maging bukas, mapanindigan at hayag sa iyong
saloobin na mahalin at igalang ang katotohanan. Umaasa
akong maisasabuhay mo ang mga natutuhan mo sa
araling iyong pinag-aralan.
.

11
Tayahin

PANUTO. Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

___1. Bakit mahalagang maging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng


paggalang sa katotohanan?
A. Sapagkat ito ay magiging paalala sa mga masamang epekto nito sa
personal na buhay, pamilya at sa komunidad.
B. Maaaring mawakasan ang mga krimeng may kaugnayan sa
kawalan ng paggalang sa katotohanan.
C. Upang nasa tamang landas at hindi mawalan ng respeto ang mga
taong naniniwala sayo.
D. Dahil kung magpapatuloy pa ito ay hindi magkaintindihan ang
mga tao.

___2. Ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may


katapangan sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat
gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang
matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng
pagkakataon?
A. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang.
A. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.
B. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.
C. Dahil ito ang katotohanan.

_3. “Masakit man ang katotohanan ngunit kailangan itong tanggapin”,


madalas itong naririnig sa mga taong:
A. Mapaparusahan dahil sa katotohanan
B. Napapahamak dahil sa katotohanan
C. Naguguluhan dahil sa katotohanan
D. Takot magsabi ng katotohanan

___4. Alin sa mga sumusunod na tauhan ang nagpapakita ng may lubos na


paggalang sa katotohanan?
A. Ipinagkalat nya ang balitang nagpositibo sa covid 19 ang kanyang
kapitbahay.
B. Pagiging tahimik ni Ana ng tanungin siya sa bagay na alam nya
ngunit takot siyang masangkot sa gulo.
C. Pagpuna ni Amy sa mga mali na naririnig niya
D. Si Alex na nagsisikap na mapairal ang pagiging totoo sa lahat ng
pagkakataon

12
___5. Bilang kabataan sa aking henerasyon, isasabuhay ko ang
pagmamahal sa katotohanan sa pamamagitan ng_____________________
_____________________________________________________________________
_____________
A. Panindigan ang mga nilikhang kwento.
B. Maging tapat sa isip at sa gawa sa lahat ng pagkakataon
C. Huwag pangunahan ang mga matatanda sa pagsisiwalat ng
katotohanan
D. Tumahimik na lamang kung ang pagbubunyag ng isang isyu ay
magdudulot ng kaguluhan.

Karagdagang Gawain

Mahusay! Napagtagumpayan mong maisagawa ang mga inatang na


gawain. Para sa karagdagang gawain, isulat ang gawaing ito sa iyong
kwaderno. Goodluck!

Sa pagkakataong ito ay ilalapat mo sa sitwasyon ang mga naunawaan


mo tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa katotohanan at pagpapahalaga
sa gawa at likha ng iba

Gawain 9: #KungAkoIto!

Panuto: Magbigay ng isang panukala na makapagbibigay ng panindigan sa


pagpapahalaga sa gawa at likha ng iba base sa mga personalidad na
nabanggit sa ibaba.

Kung ikaw ay bibigyan ng isang posisyon sa pamahalaan o maging


kinatawan ng isang samahan o organisasyon na maging bahagi sa
paggawa ng isang panukala tungkol sa mga gawaing intelektuwal at etikal
na isyu upang makapagbigay ng panindigan sa pagpapahalaga sa gawa at
likha ng iba, ano ang nais mong ipanukala?

Kung ikaw ay isang:


1. Pangulo ng “Student Council Government”

2. Opisyal ng gobyerno

Tanong:
1. Bakit ito ang napili mong panukala na ihahain?

13
2. Paano mo masisiguro na ang panukalang ihahain mo ay magbibigay
proteksiyon sa gawa at likha ng may obra? Ipaliwanag.

Rubrics sa Pagmamarka

Mga Batayan 5 3 2

Nilalaman Naipapahayag ng Hindi masyadong Malayo sa paksa


tama ang opinyon naipahayag ang ang opinyong
opinyon ipinahayag

Organisasyon Mahusay ang Maayos ang Hindi maayos ang


pagkasulat ng pagkasulat pero pagkasulat ng
sagot at ang Hindi masyadong sagot at di klaro
pagkasunod- magkasunod- ang ideya.
sunod mga ideya. sunod ang ideya.

Sanggunian:

Edukasyon Sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral pahina 302-332


Edukasyon Sa Pagpapakatao Gabay sa pagtuturo pahina 180-197

https://www.coursehero.com/file/p11tpsfq/Ang-plagiarism-ay-isang-
paglabag-sa-Intellectual-Honesty-Artikulo-A-et-al-2003/
https://www.facebook.com/abscbnNEWS/videos/602394337014493/

https://brainly.ph/question/546411

14
Mga bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Mga Manunulat: Amna T. Magsucang


Editor: Cheryl Marie R. Quezada, Ed.D
Tagasuri: Mona Lisa M. Babiera, Ed.D
Education Program Supervisor
Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Aurelio A. Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

15

You might also like