You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PADAPADA NATIONAL HIGH SCHOOL
Santa Ignacia, Tarlac

EDUKASYON SA PAGPAPAPAKATAO – GRADE 10


(Ika-apat na Markahang Pagsusulit)

Name ________________________________________________ Score ___________


Grade/Section_________________________

Panuto: Piliin at isulat sa guhit ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat
at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. balita b. isyu c. kontrobersiya d. opinyon

_____ 2. Pinakamahalagang handog na natanggap mula sa Diyos.


a. bahay b. sasakyan c. buhay d. pagkain

_____ 3. Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan
a. pagpapatiwakal b. aborsiyon c. euthanasia d. lethal injection

_____ 4. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa isa:
a. nagpapabagal ng isip c. nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit
b. nagpapahina sa enerhiya d. nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa

_____ 5. Bakit pinaka-angat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?


a. nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang
kaganapan bilang tao.
b. taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral
c. may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa

kanyang paligid.
d. may isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kanyang sarili, kapwa, at
iba pang nilikha

_____ 6. Ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari
matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.
a. alkoholismo b. paggamit ng ipinagbabawal na gamot c. euthanasia d. blank spot

_____ 7. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang
maysakit.
a. aborsiyon b. alkoholismo c. pagpapatiwakal d. euthanasia

_____ 8. Ito ay intensiyonal na pag-alis o pagpapalaglag ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
a. aborsiyon b. alkoholismo c. pagpapatiwakal d. euthanasia

_____ 9. Ito ay ang labis na pagkunsumo ng alak o anumang inuming may alkohol.
a. aborsiyon b. alkoholismo c. pagpapatiwakal d. euthanasia

_____10. Alin sa sumusunod ang hindi dahilan ng paggamit ng droga ang isang tao?
a. impluwensiya ng mga kaibigan o mga taong nakasasalamuha sa paligid c. nais mag-eksperimento
b. nais mapabilang sa isang barkada o samahan d. kawalan ng tamang pag-iisip

_____11. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng
paglilihi; ito ay nangangahulugang ang pagpapalaglag sa kanya ay pagpatay, na tuwirang nilalabag ang mga
pamantayang moral at batas positibo.
a. Pro-Life b. Pro-Choice c. Mercy Killing d. Miscarriage

_____12. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na: Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao
dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kanyang ina. Hindi maituturing na pagpatay ang
pagpapalaglag ng isang fetus dahil umaasa pa rin ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay.
a. Pro-Life b. Pro-Choice c. Mercy Killing d. Miscarriage

_____13. Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o
pagpapainom ng mga gamot.
a. Kusa (miscarriage) b. sapilitan (induced) c. mercy killing d. pagpapatiwakal

_____14. Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain, at siya lamang ang
binigyan ng natatanging talino
a. hayop b. halaman c. tao d. kalikasan

_____15. Ito ay uri ng korapsiyon, paglalagay ng mga kamag-anak na may katungkulan sa ahensiya ng pamahalaan.
a. korapsiyon b. pakikipagsabwatan (kolusyon) c. nepotismo d. bribery (panunuhol)
_____16. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng graft and corruption?
a. integridad b. katapatan at pagkatakot sa Diyos c. kabaitan at pagkamasunurin d. pagtitimpi

_____17. Paano ang dapat gawin upang matigil ang pagkawala ng pondo ng pamahalaan?
a. mahigpit na pagpapatupad ng parusa sa mga nagkasala
b. pagbabantay sa mga tiwaling empleyado ng pamahalaan
c. pagbatikos sa mga maanomalyang gawain ng mga nanunungkulan
d. pagbubulgar ng mga pandarayang nagaganap sa ahensiya ng pamahalaan

_____18. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na kawalan ng
kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na asal.
a. korapsiyon b. nepotismo c. pakikipagsabwatan (kolusyon) d. bribery (panunuhol)

_____19. Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng
tumanggap. - a. korapsiyon b. nepotismo c. kickback d. bribery (panunuhol)

_____20. Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kanya.
a. korapsiyon b. kickback c. pakikipagsabwatan (kolusyon) d. bribery (panunuhol)

_____21. Sino ang nagsabi ng mga katagang ito: “Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo ng mas maayos na buhay,
dapat simulan mo ito sa iyong sarili.”
a. Mahatma Gandhi b. Jesse Robredo c. Karl Marx d. Immanuel Kant

_____22. Si Jonathan ay nahuli ng pulis trapiko sa kadahilanang paglabag sa batas trapiko. Kinukuha ang kanyang lisensya
ngunit hindi niya ito ibinigay bagkus inabutan na lamang ng pangmeryenda ang nakahuli sa kanya. Ang
pagtanggap ba ng pulis sa pangmeryenda ay nagpapakikita ng katiwalian?
a. oo, dahil ang pagtanggap ng meryenda ay pagtanggap ng suhol
b. oo, dahil ang pulis ay hindi nagpakita ng katapatan sa kanyang tungkulin
c. hindi, dahil ang pangmeryenda ay napakaliit lamang na halaga
d. hindi, dahil nakagawian nang nakararami ang magbigay kapalit ng kaparusahan

_____23. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng ilang halimbawa kung paano ginagamit ng kabataan ang kanilang mga oras.
Sa anong sitwasyon sa ibaba hindi naipapakita ang paggamit ng wastong oras?
a. Si Nicole ay laging maagap sa pagpasok sa kanyang trabaho.
b. Si Kat ay may listahan ng mga gawain na kanyang gagawin sa bawat araw
c. Si Karlo ay laging pinapaalalahanan ng kanyang mga guro para magpasa ng kanyang mga proyekto
d. Si Cristina ay naglalaba at naglilinis ng kanilang bahay tuwing Sabado at Linggo.

_____24. Ayon kay Karl Marx, “ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot ng mga kagamitan”. Ano ang ibig
sabihin nito?
a. ang kagamitan natin sa kasalukuyan ay bunga ng lipunan, iniwan ng naunang henerasyon
b. ang mga kagamitan ay produkto ng kapwa at ginagamit niya upang makalikha ng bagay para sa kapwa
c. ang lahat ng bagay ay yaong nasa ating pananagutan, lahat ng may kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili
d. naiiba ang tao sa hayop sa paggamit ng kagamitan at sa pagkamalay niya sa kanyang ginagawa

_____25. Upang maiwasan ang mga isyu sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan, kailangang magkaroon ang tao ng
a. integridad b. kagalingan c. kayamanan d. maraming kaibigan

_____26. Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
a. pang-aabusong sekswal b. pre-marital sex c. pornograpiya d. prostitusyon

_____27. Ang pang-sekswal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning
a. magkaroon ng anak at magkaisa c. makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak
b. magkaisa at maipahayag ang pagnanasa d. magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan

_____28. Kailan masasabing ang paggamit sa sekswalidad ng tao ay masama?


a. kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan
b. kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
c. kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng sekswalidad
d. kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan

_____29. Ito ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang sekswal na
pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
a. pornograpiya b. pre-marital sex c. pang-aabusong sekswal d. prostitusyon

_____30. Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng
katawan para sa sekswal na gawain at sexual harassment.
a. pornograpiya b. pre-marital sex c. pang-aabusong sekswal d. prostitusyon

_____31. Pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera.


a. pang-aabusong sekswal b. pre-marital sex c. pornograpiya d. prostitusyon

_____32. Taong nagsasamantala lalo na sa mga bata na ang layunin ay maisakatuparan ang pagnanasa.
a. rapist b. pedophile c. good Samaritan d. teleiophilia

_____33. Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay mabuti sapagkat ito ay kaloob sa atin ng Diyos.
Ito ay isang regalo o banal na kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga taong
a. nagmamahalan b. pinagbuklod sa Sakramento ng Kasal c. nasa edad na d. walang pinipiling edad
_____34. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
a. ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan
b. ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay
c. ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito
d. ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatuparan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa

_____35. Bakit masama ang pornograpiya?


a. ang tao ay maaaring mag-iba ng asal c. nagiging makamundo at mapagnasa ang tao
b. nagpapababa sa kalikasan ng tao d. lahat ng nabanggit

_____36. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit nagiging biktima ng pang-aabusong sekswal ang mga
bata? - a. nabibilang sa mayayaman b. malakas ang loob c. dahil sa kahirapan d. may tiwala sa sarili

_____37. Ito ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kanyang katawan at
espiritu tungo sa kanyang kaganapan kaisa ang Diyos.
a. sekswalidad b. integridad c. personalidad d. dignidad

_____38. Ayon kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay ng di nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng
kapalit.” Ano ang kahulugan nito?
a. Ang pagmamahal kapag tunay ay hindi kailanman humihingi ng kapalit.
b. Kung mahal mo ang isang tao kailangang ibigay lahat ng gusto
c. Mahalin ang nagmamahal lang sa iyo.
d. Lahat ay may katumbas na halaga

____ 39. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Itinuturing ding isang lason na
humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito’y natural na masama?
a. sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari c. sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya
b. sapagkat inililihis ang katotohanan d. sapagkat sinasang-ayunan ang mali

_____40. Isang paglabag sa Prinsipyo ng Intellectual Honesty.


a. Mental Reservation b. Prinsipyo ng Confidentiality c. Plagiarism d. Moral obligasyon

_____41. Tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.
a. whistleblower b. plagiarist c. broadcaster d. copyright holder

_____42. Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na manunulat sa
kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag
niya?
a. Prinsipyo ng Confidentiality c. Prinsipyo ng Intellectual Honesty
b. Prinsipyo ng Intellectuality d. Prinsipyo ng Katapatan

_____43. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation?


a. maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang
b. may karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga impormasyon
c. walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong pinoprotektahan
d. nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay upang ilayo ang tunay na katotohanan

_____44. Isang uri ng kasinungalingan, na kung saan ito ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na
pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
a. Pemicious lie b. Jocose lies c. Officious lie d. Telling a lie

_____45. Isang uri ng kasinungalingan na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag
ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.
a. Pemicious lie b. Jocose lies c. Officious lie d. Telling a lie

_____46. Ito ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat.


a. mental reservation b. prinsipyo ng confidentiality c. lihim d. moral obligasyon

_____47. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na
impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito.
a. mental reservation b. prinsipyo ng confidentiality c. plagiarism d. moral obligasyon

_____48. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga
ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang
pinagmulan, bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya.
a. mental reservation b. prinsipyo ng confidentiality c. plagiarism d. moral obligasyon

_____49. Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay
nabunyag na.
a. natural secrets b. promised secrets c. committed or entrusted secrets d. secret files

_____50. Tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga
immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan.
a. whistleblower b. plagiarist c. broadcaster d. copyright holder

Inihanda ni: PINAGTIBAY:

REGINA C. CLEMENTE WILMA B. DOMINGO


ESP 10 – Guro Principal II
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

ANSWER KEY

1 B 26 B
2 C 27 C
3 C 28 C
4 A 29 A
5 A 30 C
6 B 31 D
7 D 32 B
8 A 33 B
9 B 34 D
10 D 35 D
11 A 36 C
12 B 37 A
13 B 38 A
14 C 39 C
15 C 40 C
16 B 41 D
17 A 42 A
18 A 43 D
19 D 44 A
20 B 45 B
21 A 46 C
22 B 47 A
23 C 48 C
24 A 49 B
25 A 50 A
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PADAPADA NATIONAL HIGH SCHOOL
Santa Ignacia, Tarlac

TABLE OF SPECIFICATION
Edukasyon sa Pagpapahalaga 10
Ika-apat na Markahang Pagsusulit
S.Y. 2019-2020
Paksa Bilang Bahag- Bilang Distribusyon
ng dan ng
Oras Aytem
Mas Madali Mahirap
Madali
MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY

-Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa


kasagraduhan ng buhay
-Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa
kasagraduhan ng buhay 4 25 13 1,2,3, 4,10, 5
-Nakagagawa ng posisyon tungkol sa mga isyung 6,7,8, 11,12
may kinalaman sa kasagraduhan ng buhay at 9,13
kahalagahan ng tao
-Nakagagawa ng sariling pahayag tungkol sa mga
gawaing taliwas sa kasagraduhan ng buhay

MGA ISYU TUNGKOL SA PAGGAWA AT


PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN

-Natutukoy ang mga isyu na kaugnay sa


paggamit ng kapangyarihan
-Nasusuri ang mga isyu na kaugnay sa paggamit 14,15,
ng kapangyarihan 4 25 12 16,18, 17,21, 24
-Naipaliliwanag na ang pagkakaroon ng kaayusan, 19,20, 22,23
kaunlaran at maisusulong ang kabutihang panlahat 25
kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa
tamang paggamit ng kapangyarihan
-Nakagagawa ng posisyon tungkol sa isang isyu sa
paggamit ng kapangyarihan

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA


SEKSWALIDAD

-Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan


ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
-Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng 26,29,
paggalang sa dignidad at sekswalidad 4 25 13 30,31, 27,33, 28,34
-Napangangatwiranan na makatutulong sa 32,35, 38
pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan 36,37
ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na
layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa digniidad
at sekswalidad ng tao.
-Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa
isang isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA KAWALAN


NG PAGGALANG SA KATOTOHANAN

-Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan


ng paggalang sa katotohanan
-Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa 40,41,
kawalan ng paggalang sa katotohanan 4 25 12 44,45, 39,42, 43
-Napatutunayang ang pagiging mulat sa mga isyu 46,47, 48,50
tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan 49
ay daan upang isulong at isabuhay ang pagiging
mapanagutan at tapat na nilalan
-Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay
ang paggalang sa katotohanan

Kabuuan 16 100 50 30 15 5

Inihanda nina: PINAGTIBAY:

REGINA C. CLEMENTE WILMA B. DOMINGO


ESP Guro Principal II

You might also like