You are on page 1of 17

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Ang Pagmamahal sa Bayan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Ang Pagmamahal sa Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cheril E. Acquiatan
Editor:
Tagasuri: Remedios Loque, Cora A. Amaro, Fhelma O. Camacho at Herbert P. Delgado
Tagaguhit:
Tagalapat: Leonard O. Eleobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

InilimbagsaPilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,

Davao City, Davao del Sur, Philippines

Telefax : (082) 224-3274

E-mail Address : davaocity.division@deped.gov.ph


10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Ang Pagmamahal sa Bayan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunangkaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang hinihingi ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa pagsagot
sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa inyong
guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito.
Inaasahan naming na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo
yan!

ii
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan
ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito, inaasahang mas
maunawaan mong malalim ang pagmamahal sa bayan. Sa nakaraang modyul
na pag-aralan ninyo ang tungkol sa pag-unawa sa paggalang sa buhay.
Inyong natutuhan ang mga gawain kung papaano natin pangalagaan ang
ating buhay bilang paggalang at pag-iingat nito. Bilang isang nilalang na may
buhay, ikaw din ay kabilang sa komunidad at pamayanan bilang
mamamayan. Isang mamamayan na may responsibilidad upang mapaunlad
at mapalago ang iyong komunidad. Subalit kailangan nating ipakita sa ating
mga gawa at kilos ang ating pagiging kasapi. Ito rin ay na angkop sa ating
pagiging mamamayan ng bansang Pilipinas. Bilang Pilipino, tayo ay
inaasahang magpakita ng katapatan at pagmamahal sa ating lupang
sinilangan. Sa yugtong ito subukan mong pansinin ang iyong mga katangian
na nagpapahiwatig ng pagmamahal sa bayan.

Mga kasanayang pampagkatuto:


1.1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo) (EsP10PB-llle-11.1).
1.2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
na umiiral sa lipunan (EsP10PB-llle-11.2)

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat ang napili mong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng salitang patriyotismo?


a. Pagkilalasa bayan c. Pag-unawasa bayan
a. Paggalangsa bayan d. Pagmamahalsa bayan

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa


bayan?
a. Pag-awit ng Pambansang Awit ng may paggalang at dignidad.
b. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin sa bansa.
c. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng
pagkakataon.
d. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya.
3. Paano maisabuhay ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa

1
isang Pilipino?
a. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-
unlad ng sarili at kapuwa Pilipino.
b. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga
pangangailangan ng taong bayan.
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng
sakuna at kalamidad.
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang
turismo ng bansa.

4. Bakit mahalagang maipakita ng bawat Pilipino ang pagmamahal sa


bayan?
a. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay
upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
b. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong
hubugin ang ating pagkatao.
c. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan
at pamayanang matitirhan.
d. Nakilala siya sa mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog
sa kaniyang bayang sinilangan.

5. Bakit nakahahadlang ang korapsiyon at pagkamakasarili sa pag-unlad


ng isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Nakaaapekto ito sa mabuting pakikipagkapuwa.
b. Masamang matutuhan ito ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala nito ang kapayaan sa bayang sinilangan.
d. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.

Aralin Natin

Gawain 1:
Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na
nakatala sa ibaba. Lagyan ng tsek () ang kolum ayon sa mga katangian na
iyong isinasabuhay. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot. Saguta
nito ng buong katapatan at iwasan ang pagsisinungaling.

2
Hindi
MgaKatangian Akoito
akoito
Halimbawa:
Inaawit ko ng maayos ang Lupang Hinirang at
binibigkas na may paggalang ang Panunumpa sa

Watawat at Panatang Makabayan
1. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako
nakikipag-unahan o sumisingit sa pila.
2. Sinisigurado ko nanakukuha ko ang dapat na para sa
akin at ibinibigay ko ang nararapat para sa iba.
3. Inihiwalay ko ang mga basura ayon sa urinito.
4. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa paaralan at sa
komunidad.
5. Tinatapos ko ang aking mga gawain sa tamang oras
upang makagawa pa ng mga makabuluhang gawain.
6. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di ayon sa
katotohanan kahit sa simpleng pagsisinungaling.
7. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang
kapakanan ng lahat, hindi lamang ang aking sarili,
pamilya, kaibigan at kabarangay.
8. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba bilang
tanda ng paggalang at pagkakaroon ng kapayapaan at
kapanatagan ng loob.
9. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga
nangangailangan.
10. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan sa
kabutihan sa kabila ng mga masasamang
impluwensiyang aking kapaligiran.

Paglalarawan/ Interpretasyon
Balikan ang gawain at bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek () sa
kolum na “ako ito”.
0-2 –nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa
kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
3-5-may kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na
nangangailangan ng pag-unlad.

6-8 -may kasanayan sa pagsasabuhay ng kahalagahan ng pagmamahal sa


bayan.

9-10 -may sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa


pagmamahal sa bayan na kailangang ipagpatuloy.

3
Paalala:
Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat bigyan ng
negatibong interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tayahin ang
iyong gawi o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. May
magagawa ka pa upang ito ay mapaunlad at tuluyang maisabuhay ang
pagmamahal sa bayan.

Mga tanong:
1. Naging madali ba ang paggawa ng gawain? Ipaliwanag.
2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong isagawa ang gawain?
3. Ano ang pwedeng maging papel ng isang indibiduwal upang
maipamalas ang pagmamahal sa bayan?

Ang Pagmamahal sa Bayan


Isa sa pinakamahalagang magagawa ng isang mamamayan para sa
kaniyang bayang sinilangan ay ang pagmamahal sa bayan. Ang pagmamahal
ay tinatawag din na patriyotismo. Ang literal nakahugan ng patriyotismo ay
pagmamahal sa bayang sinilangan. Bilang Pilipino maisasabuhay natin ito sa
pamamagitan ng paggawa ng maayos sa trabahong pinili o ibinigay, aktibong
pakikilahok sa interes ng nakararami o kabutihang panlahat, pag-iwas sa
mga gawain na di makatarungan at immoral.
Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas
sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na
nagmamahal at nagmamalasakit dito. Ito ay nangangahulugan na tayo bilang
tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapuwa. Ang pagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng pagkamamamayan; isang
indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba, pinahahalagahan ang karangalan
ng pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may malasakit para sa
adhikaing mapabuti ang lahat.
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan
ang pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapuwa. Alam niya kung
kailan siya kikilos dahil sa angking karunungan. Ibibigay ang nararapat para
sa iba, kokontrolin ang sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lamang ang
makikinabang at hindi ang lahat. Ang paggawa ng paghuhusga ay dumaraan
sa isang prosesong magdidikta upang gawin ang mabuti para sa kabutihang
panlahat.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan


Ang Pilipinas bilang bansa at lipunan ay nananawagan sa mga
mamamayan nito na isabuhay ang mga pagpapahalaga na makatutulong
upang gumawa ng makataong pagpapasiya at kilos, tungo sa makabuluhan
at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapuwa, at kapaligiran. Ang mga

4
sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan. Nakapaloob ang mga ito sa
Panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.
1. Pagpapahalaga sa buhay. Ang paggalang sa buhay ay isang moral na
obligasyon sa Diyos ng bawat isa dahil ang buhay ay mula sa Kaniya,
kaya’t walang sinuman ang maaaring bumawi o kumuhanito kundi Siya.
Kasama sa pagpapahalagang ito ang pagpapanatili ng malusog
napangangatawan at isipan. Mahalagang gawin ang makakaya upang
maprotektahan ang buhay bilang pagkilala sa dignidad ng tao.
2. Katotohanan. Hindi kailan man matatawaranang integridad at hindi
mapagkunwari, tumatanggi sa anumang bagay na di ayon sa
katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran at matiyagang
paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman. Ang integridad ay
pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon.
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Ang pagpapakita ng
malasakit sa kapuwa ay sa pamamagitan ng pagtulong nawalang
hinihintay na kapalit. Kung wala ako at mayroon ka, hati tayo o pwedeng
ikaw muna at sa susunod ako naman. Kasama sa responsibilidad ng
isang indibidwal ang tulungan at ipadama sa iba na sila ay bahagi ng ating
pagkatao bilang kapuwa tao.
4. Pananampalataya. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos, na ang lahat
ay makakaya at posible.
5. Paggalang. Ang paggalang bilang elemento na bumubuo ng kabutihang
panlahat ay naipapakita kapag ang karapatan ng isang mamamayan ay
hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at
napapangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
6. Katarungan. Sinisigurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay
naisasabuhay, naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa kaniya at
para sa iba, hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.
7. Kapayapaan. May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at
umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon
ng kabutihang panlahat.
8. Kaayusan. Ang pagiging organisado ng ideya, salita at kilos na may
layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa. Ang pagiging disiplinado sa
lahat ng pagkakataon.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang pangingibabaw ng papel ng
pamilya bilang pangunahing institusyon ng lipunan na siyang tutugon sa
pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng lahat. Binibigyang-halaga rito ang
kasal bilang pundasyon ng pamilya at kumikilos upang mapangalagaan
ang pisikal moral, ispirituwal at panlipunang pag-unlad ng bawat
miyembro nito lalong-lalo na ang mga bata. Kasama narito ang pagtuturo
sa mga bata ng kultura, paniniwalang kinagisnan nakailangang
ipagpatuloy naisabuhay at ang paggalang sa pagkakakilanlan ng bansa.

5
10. Kasipagan. Ang pagiging matiyaga natapusin ang anumang uri ng gawain
nang buong husay at may pagmamahal. Ginagamit ang talento at
kahusayan sa pamamaraang nakatutulong sa kapuwa nang buong
kagalakan.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang pagsasabuhay ng
responsibilidad bilang tagapangalaga ng kalikasan at ng mga bagay na
nilikha ng Diyos laban sa anumang uri ng pang-aabuso o pagkawasak.
12. Pagkakaisa. Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa
ang naisin at saloobin para sa isang layunin. Ang kaisipang “ikaw, ako,
sila, tayo, ay magkasama sa pag-unlad bilang isa” ay tanda ng pagiging
mabuting mamamayan.
13. Kabayanihan. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para
sa bayan at sa kapuwa ko?
14. Kalayaan. Ang pagiging Malaya na gumawa ng mabuti, mga katanggap-
tanggap na kilos na ayon sa batas naipinapatupad bilang pagsasabuhay
ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
15. Pagsunod sa batas. Ang pagkilala, paghihikayat at pakikibahagi sa
pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng
bawat mamamayan. Isa ito sa mga pangunahing susi sa pag-unlad ng
bansa bilang pagsasabuhay ng makataong lipunan.
16. Pagsusulong sa kabutihang panlahat. Ang sama-samang pagkilos upang
mahikayat ang lahat na lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan
para sa ikabubuti hindi lamang ng sarili at pamilya kundi ng lahat.

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan


1. Mag-aral ng mabuti
2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga
3. Pumila ng maayos
4. Awitin ang Pambansang Awitn ang may paggalang at dignidad
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura
kahit saan
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
8. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke, smuggled o pirated
9. Kung pwede nang bumoto, isagawa ito ng tama
10. Alagaan at igalang ang nakatatanda
11. Isama sa panalangin ang bansa at kapuwa mamamayan

Bukod sa mga nabanggit, malaking tulong din ang pagkakaroon ng


tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip. Ang isang taong may tamang pag-
uugali ay gagawa ng paraan upang may maitulong. Gagawin niya kung ano
ang sa palagay niya ang makabubuti at pag-aaralan kung ano ang dahilan o
sanhi kung bakit ang isang problema ay nangyayari. Sa ganitong paraan na

6
gagamit niya ang kaniyang kritikal napag-iisip nakaraniwang nakakalimutan
ng nakararami.

Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan


1. Ang hindi pagpapahalaga sa pamilya at kapuwa. Kung mahalaga sa iyo
ang iyong pamilya at hindi ang iyong kapuwa: Masaya ka ba? Matututo ka
ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba?
2. Ang hindi pag-aaral ng mabuti. Naisagawa mo ba ang trabahong
nakaatang sa iyo bilang mag-aaral? Hindi ka ba nangongopya?
3. Ang hindi pagmalaki sa ating bansa. Ilang beses mo na bang ikinahiya na
ikaw ay Pilipino? Ilang beses mo na bang ikinahiya ang pagkanta ng
Lupang Hinirang at pagbigkas ng Panatang Makabayan?
4. Ang hindi pagpapahalaga sa kapaligiran. Ilang pirasong pinagbalatan ng
candy ang iyong pa simpleng itinapon sa kung saan-saan? Ilang
pampublikong pag-aari na ba ang iyong sinulatan na walang pahintulot
(vandalism)?

Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente, nakaplano


ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidwal na
sumasakatawang-diwa. Maisasakatuparan ito at magiging kasaysayan kung
magkakaisa tayo bilang mamamayang may pagmamahal sa bayan.

Gawin Natin

Panuto: Sagutin ang mgatanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong


sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga kilos na iyong nagawa na hindi nagpapakita ng


pagmamahal sa bayan? Bakit mo nasabing ang mga kilos na ito ay hindi
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
2. Paano mo maitatama ang mga kilos na ito?
3. Paano mo maiimpluwensiyahan ang katulad mong mag-aaral upang
linangin ang pagmamahal sa bayan?

7
Sanayin Natin

Panuto: Batay sa inyong napag-aralan sa modyul na ito ano iyong sariling


pagpapakahulugan sa pagmamahal sa bayan?

Ang pagmamahal sa bayan ay _____________________________________________


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Tandaan Natin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang salitang


TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at Isulat ang salitang
MALI kung ang pahayag ay mali at ibigay ang tamang sagot upang maiwasto
ang pangungusap.
1. Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa dapat gampanan ng isang
mamamayan sa kanyang bansa.
2. Ang kasipagan ay ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng
gawain nang buong husay at may pagmamahal. Ginagamit ang talento at
kahusayan sa pamamaraang nakatutulong sa kapuwa nang buong
kagalakan.
3. Ang tamang paggamit sa likas na yaman ay isang pagpapahiwatig ng
pagmamahal sa bayan.
4. Ang pagtangkilik sa mga ibinibentang pirated CD’s ay nararapat gawin
dahil makamumura ka rito.
5. Ang bawat Pilipino ay may karapatang ibenta ang kaniyang boto.
6. Ang literal na ibig sabihin ng salitang patriyotismo ay pagmamahal sa
bayang sinilangan.
7. Ang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ay naglathala ng mga pagpapahalaga
na dapat linangin upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
8. Kapag ikaw ay nagmamadali nararapat lamang na ikaw ay sumingit sa pila
para makasakay ng bus.
9. Ang pangongopya ng sagot sa kaklase ay ayos lang dahil hindi naman kami
nahuli ng aming guro.
10. Ang mga matatanda ay dapat ilagay sa Home for the Aged dahil hindi na
sila napapakinabangan sa pamayanan.

8
Suriin Natin

Pagsusuri ng Sitwasyon.
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon: Hindi natin maikakaila na marami sa ating mga kababayan


na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ayon saginawang survey ng Philippine
Statistics Authority (PSA) noong 2019, mayroong mahigit 2.2 milyong Pilipino
ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang iba sa kanila ay piniling maging
mamamayan(citizen) ng mga bansang iyon.

1. Ang ginawa ba ng mga kababayan natin ay lihis o di ayon sa


pagmamahalsa bayan? Bakit?
2. Matatawag ba na pagtalikod sa bayan ang pagiging citizen sa ibang
bansa? Ipaliwanag.

Payabungin Natin

Panuto: Gamit ang salitang BAYAN, bumuo ng akrostik na nagpapakita


o naglalahad ng pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

B-

A-

Y-

A-

N-

9
Pamantayan ng Pagwawasto:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Lahat ng letra ay Mayroong 2 letra Mayroong 4 na
Akrostik nabigyang na hindi letra na hindi
kahulugan na naglalarawan sa naglalarawan sa
naglalarawan sa kahalagahan kahalagahan ng
pagmamahal sa pagmamahal sa pagmamahal sa bayan
bayan bayan
Kabuoan

Pagnilayan Natin

Panuto: Sa iyong sagutang papel, isulat ang mahahalagang repleksiyong


iyong nakuha mula sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na
tanong:

1. Bilang isang Pilipino, handa ka na bang isabuhay ang iyong pagmamahal


sa bayan? Sa anong paraan?

2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na


umiiral sa lipunan ngayon? Paano mo ito tinutugunan?

3. Maituturing ba na paglabag sa pagmamahal sa bayan ang paglabas ng


bahay at pamamasyal sa panahon ng pandemya? Bakit?

Pamantayan ng Pagwawasto

Nilalaman/Paglalahad - 15
Pagkamalikhain - 5
Kabuoan 20

10
11
Sagot Sagot
1. TAMA
2. TAMA 1. C
3. TAMA 2. D
4. MALI 3. A
5. MALI 4. C
6. TAMA 5. D
7. TAMA
8. MALI
9. MALI
10. MALI
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Brizuela, Mary Jean B. et. Al., Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10


Modyul para sa Mag-aaral. FEP Printing Corporation, 2015. Pasig City,
Philippines

English C.S.R, Leo James,English-Tagalog Dictionary.Cacho Hermanos


Inc.2008. Mandaluyong City, Philippines.

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

13

You might also like