You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Paggalang sa Buhay
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paggalang sa Buhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

BumuosaPagsusulat ng Modyul
Manunulat: Charon C. Manongtong
Editor:
Tagasuri: Remedios A. Loque, Cora Amaro, Phelma O. Camacho at Herbert Delgado
Tagaguhit:
Tagalapat: Leonard O. Eleobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,


Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224-3274
E-mail Address : davaocity.division@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Paggalang sa Buhay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t-ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang hinihingi ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa
pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa
inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing
ito. Inaasahan naming na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na
pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo
yan!

1
Alamin Natin
“Yamang ginawa ang tao ayon sa larawan ng Diyos, kung gayon, ang
pagkitil sa buhay ay pagwasak sa pinakamahalaga at pinakabanal na bagay
sa daigdig.” – William Barclay.

Inaasahang matatamo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto.


1. Napapangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi
mapapahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kay sa buhay; di
makakamit ang higit na mahalaga kay sa buhay. (EsP10PB-IId-10.3)
b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng
Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa kaniyang
kadakilaan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos.
(EsP10PB-IId-10.3)
2. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral nabatayan.
(EsP10PB-IId-10.4)

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?


a. Nilikhasiyang may isip, kilos-loob, puso, kamay at katawan na
magagamit niya upang makamit niya ang kaganapan bilang tao.
b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at iba pang
nilikhang may buhay.
c. May kakayahang hanapin, alamin, unawain at ipaliwanag ang mga
katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at
magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba pang nilikha.

2. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo sa


paningin ng lipunan?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
buhay na biyaya ng Dios.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan
tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapuwa dahil sa
kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at
ispiritwal.

2
3. Saan nagkapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan.
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya.
c. Sa kanilang dignidad bilangtao at ang karapatan na dumadaloy mula
rito.
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig.

4. Kailan maaaring mawala ang paggalang sa buhay ng isang tao?


a. Kapag siya ang naging masamang tao.
b. Sa sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao.
c. Sa oras na niyapakan ng kapuwa ang kaniyang pagkatao
d. Wala sa nabanggit.

5. Paano mapananatili ang mataas na antas ng paggalang sa buhay ng tao?


a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibiduwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapuwa.
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang paggalang.
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon
kundi sa karangalan bilang tao.

Aralin Natin

Gawain 1
Panuto: Balikan mo ang mahahalagang pangyayari sa iyong buhay,
positibo man o negatibo. Magtala ng isang negatibo at isang positibong
pangyayari mula sa iyong mga naging karanasan. Sabihin kung ano ang
naging epekto nito sayo? Paano ito nakatulong sa iyo upang mabago ang
pagtingin mo sa buhay?

Negatibo___________________________________________________________________
Positibo ____________________________________________________________________
Epekto_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Ang buhay ng tao ang pinakadakilang handog ng Diyos sa atin. Nilikha


niya tayong buhay sa Kaniyang sariling larawan at wangis, kung gayon, ang
buhay na ipinagkaloob sa tao ay kakaiba sa kung anong mayroon ang ibang
nilikha.
Ang buhay ng tao ang pinakamataas na uri na nilikha ng Diyos. Ito ang
pinakadakilang handog ng Diyos sa tao kaya ang buhay na ito ay sagrado.

3
Ang buhay ay nararapat na kalingain, pagyamanin, at paunlarin
upang ito ay magamit sa paghanap ng katotohanan at tuparin ang kalooban
ng Diyos.

Panuto: Ano ang iyong naisip at naramdaman kapag narinig mo ang salitang
“buhay”? Ano ang kadalasan mong naiiugnay sa buhay? Subukin mong itala
ang lahat ng iyong kaisipan at damdamin ukol sa buhay sa pamamagitan ng
pagsulat sa bawat kahong nakaugnay rito.

BUHAY

Sagutin Mo
1. Ano ang sinasabi nito kaugnay ng iyong paniniwala ukol sa buhay?
2. Paano nahubog ang ganito mong paniniwala?

Ang paggalang sa buhay o paggalang sa sarili ay nangangahulugan na


respeto sa sarili at pagmamahal mo sa iyong sarili. Ang paggalang ay ang
pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.
Kailangan mayroon itong lalim ng integridad, tiwala at mga
komplementaryong pinapahalagahang kaugaliang wagas at kasanayan.
Dinadagdag ng paggalang ang pangkalahatang tiwala sa pakikipag-
ugnayan sa lipunan. Tinutukoy nito ang mga tao na magsama-samang
gumawa sa isang komplementaryong gawi, sa halip na palagiang unawain o
sang-ayunan ng bawat tao ang isa’t isa. Mahalaga ang paggalang sa mga
pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.
Samantala ang pakundangan ay isang salita na nagpapahayag ng
antas ng paggalang. Ang salitang ito ay nahahati sa dalawa at ito ang “paki”
at “dangan” na ang una ay nagpapahayag ng paggalang at ang ikalawa ay
nagsasabing may mabuting dahilan o katuwiran. Kung gagamitin ang
salitang ito, mag-iisip muna ang isangtao kung itutuloy niya ang gawain sa
kaniyang kapuwa dahil may pakundangan siya.
Kabaligtaran ng paggalang ang paglapastangan na may kahulugang
“kawalan ng pagrespeto”.

4
Ang “pagpapahalaga sa sarili” at “paggalang sa sarili” o paggalang sa
buhay ay may malaking pagkakaiba. Ang pagpapahalaga sa sarili ay
medaling tumawid sa linya sa kahanga-hanga dahil kahit ang mga serial
killer ay may napakalaking halaga ng pagpapahalaga sa sarili. Ang respeto sa
sarili sa kabilang banda ay may kinalaman sa paghawak sa iyong sarili sa
isang pamantayan. Nangangahulugan ito ng paggawa ng pinakamainam na
pagpapasya sa kahit anong mapanghamong sitwasyon. Kaya kailangan
nating ihinto ang labis na pagtuon ng pagpapahalaga sa sarili at tulungan
ang bawat isa na igalang ang sarili.

Basahin ito
Iba’t ibang kahulugan ng buhay ayon kay Mother Theresa ng India:
Ang buhay ay oportunidad, makinabang ka dito.
Ang buhay ay maganda, hangaan mo ito.
Ang buhay ay kaligayahan, tikman mo ito.
Ang buhay ay isang pangarap, tanggapin mo ito.
Ang buhay ay isang hamon, harapin mo ito.
Ang buhay ay gawain, tapusin mo ito.
Ang buhay ay laro, laruin mo ito.
Ang buhayay isang pangako, punan mo ito.
Ang buhay ay kalungkutan, lampasan mo ito.
Ang buhay ay isang awit, kantahin mo ito.
Ang buhay ay isang laban, tanggapin mo ito.
Ang buhay ay isang trahedya, harapin mo ito.
Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran, harapin mo ito.
Ang buhay ay suwerte, gawin mo ito.
Ang buhay ay buhay, ipaglabanmoito.

Ang buhay ay pinakamahalagang biyaya ng Diyos. Nakaukit sa buhay


ng bawat tao ang kanyang likas na karapatan at dignidad. Isa itong biyaya na
ibinigay sa atin upang kalingain, pagyamanin at paunlarin.
Ngunit sa kabila nito may mga isyung umuusbong na lumalabag sa
kahalagahan ng buhay, unti-unti ng nanganganib ang kalikasan maging ang
sangkatauhan.

Mga Isyu na Lumalabag sa Paggalang sa Buhay

1. Alkoholismo – ay ang pinakamalalang uri ng pag-aabusosaalak. Ito ay ang


kawalan ng kakayahangilagaysatama ang pag-inom ng mga
nakalalangong inumin.

5
2. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot – ay tumutukoy sa anomang
sangkap, hindi kasama ang tubig at pagkain na nakakapagpapabago sa
takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Kinabibilangan ang mga
bawal na gamot ang mga produktong drogang may kapeina, tabako, mga
nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o cannabis,
heroina, at mga isteroyd.

3. Aborsiyon- ito ay ang sinadyang pag-alis ng isang fetus o sanggol sa


sinapupunan ng babae na naging sanhi ng kamatayan nito. Isa itong
direktang pagtanggal ng karapatang mabuhay sa mundo ng isang
sanggol.

4. Pagpapatiwakal – isang gawain kung saan napapadali ang kamatayan ng


isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman o minsan
tinatawag na assisted suicide.

5. Euthanasia o mercy killing – ay ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal


na nagnanais na wakasan o kitilin ang sariling buhay sa tulong ng
ibang tao.

Gawin Natin

Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Paano naiiba ang buhay na ipinagkaloob sa tao kung ikukumpara sa


buhay ng ibang nilikha ng Diyos?
2. Bakit dapat igalang ng buhay?
3. Bilang kabataan, paano mo mapapanatili ang paggalang sa buhay o sa
sarili?

Sanayin Natin

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ibigay ang maaari mong gawin
sa pagharap sa mga ito.Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Kasama si Agnes sa mga pinakamalubhang nasaktan sa isang aksidente


na naganap noong nakaraang taon. Ayon sa mga doctor/manggagamot
nasa comatose stage siya at maaring hindi na magkakaroon ng malay.
Ngunit posibleng madugtungan ang buhay niya sa pamamagitan ng life
support system. Malaking halaga ang kakailanganin ng

6
kanilangpamilyaupangmanatilingbuhaysi Agnes. Hindi mayaman ang
kanilang pamilya. Sa iyong palagay, makatuwiran bang ipagpatuloy ang life
support system kahit maubos ang kanilang kabuhayan? O nararapat
natanggapin na lamang ang kaniyang kapalaran gayong mamamatay rin
naman si Agnes?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. May sakit ang ina ni Nicole. Iniwan na rin sila ng kanyang ama. Siya
nalang ang maaring sumalo sa lahat ng responsibilidad sa pamilya. Minsan
naisip niya nam agpakamatay na lang para matapos na ang kanyang
problema. Tama kaya ang gagawin ni Nicole na tapusin nalang ang
kanyang buhay upang matapos na ang kanyang problema?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Labing limang taon pa lang si Chenne ngunit sa murang edad niya ay


nagdadalang tao na siya. Natatakot siyang sabihin sa kanyang mga
magulang ang nangyari sa kanya kaya humingi siya ng tulong sa kaibigan.
Dinala siya sa isang matandang babae at sinabi na ipapalaglag na lang
niya ang kanyang baby.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. Si Florence ay nagsimulang uminom ng alak noong 13 taong gulang


palamang siya. Sa lugar na kanyang tinitirhan, madali ang pagbili ng
inuming may alcohol kahit sa mga bata. Naniniwala si Florence na normal
lamang ang kanyang ginagawa dahil marami rin ang tulad niya ang lulong
sa ganitong gawain sa kanilang lugar. Ayon pa sa kaniya, ito ang kaniyang
paraan upang sumaya at harapin ang mga paghihirap sa buhay.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Halos buong araw na nagtatrabaho si Pedro. Hindi siya nakadadama ng


pagkapagod dahil sa gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
Panuto: Batay sa ginawang pagsusuri sa bawat situwasyon sa itaas, isulat
ang buod ng iyong sagot gamit ang tsart sa ibaba.

Isyu Paglalarawan Ng Mga Argumento Konklusyon


Isyu
1. Euthanasia
2.
3.
4.
5.

Tanong:
1. Naging madali ba sa iyo ang pagbuo ng iyong posisyon sa bawat
situwasyon?
2. Ano ang iyong naging moral na batayan sa iyong nagawang posisyon?
3. Bilang kabataan, ano ang hamon na ipinararating sa iyo ng mga reyalidad
na ito sa ating lipunan?

Tandaan Natin
Upang mapagtagumpayan ng tao ang anomang hamon ng buhay,
mahalagang linangin niya ang sumusunod:
• Pagtaas ng kamalayan ukol sa sarili at kakayahang matuto mula sa mga
karanasan o tinatawag na panloob na karunungan.
• Pagkakaroon ng malalim at mabuting ugnayan sa kapuwa.
• Pagkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.


1. Ang ____________ ay isang salita na nagpapahayag ng antas ng paggalang.
2. Kabaliktaran ng paggalang ang _________________ na may kahulugang
“kawalan ng pagrespeto”.
3. Ang buhay ng tao ang __________________na uri na nilikha ng Diyos.
4. ____________ ang tawag sa pinakamalalang uri ng pag-aabuso sa alak.
5. Ang paggalang ay ang pagpapalagay ng _____________hangarin at
kakayahan ng ibang tao o sasarili.
6. Nilikha ng Dios ang tao ayon sa Kaniyang sariling ________ at wangis.
7. Nakaukit sa buhay ng bawat tao ang kanyang likas na karapatan at
_________________.
8. Ang buhay ay biyaya na ibinigay sa tao upang kalingain, pagyamanin at
________________.
9. Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran, kailangan __________mo ito.

8
10. Ang buhay ay nararapat na kalingain, pagyamanin, at paunlarin upang
ito ay magamit sa paghanap ng ____________________ at tuparin ang
kalooban ng Diyos.

Suriin Natin

GAWAIN A
Panuto: Magbalik-tanaw sa mga nagawang kilos o pasyang mali na
nagpapakita ng di paggalang sa buhay. Punan ang tsart sa ibaba.

Nagawang Naging damdamin Hakbang na dapat gawin upang


maling kilos sa resulta ng kilos maitama ang kilos o pasya
o pasya o pasya

Halimbawa: Nagsisi dahil Umiwas sa mga barkadang umiinom


Nakipag- napaaway sa upang makaiwas sa mga di kaaya-
inuman sa kalasingan. ayang pwedeng mangyari.
kabarkada.
1.

2.

3.

4.

5.

Sagutin Mo
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang iyong natuklasan sa naging gawain?
2. Maaari pa bang maiwasto ang maling pananaw sa paggalang sa buhay?

9
GAWAIN B
Panuto: Basahin ang kuwento.

Gaano Kahalaga ang Buhay?


by: Charon

Isang matamlay na babae ang ipinakilala sa akin ng tiyahin ko


sampung taon na ang nakalipas. Naalaala ko pa rin ang kanyang itsura nang
siya ay aking nakita. Dinala ko siya sa tabing dagat at doon ko mas lubos na
nakilala ang kanyang pagkatao. Sa maikling sandali ng aming pagkakilala ay
nagingmalapit kami sa isa’tisa.
Siya ay si Ann. Isa siyang kasambahay ng isang mag-asawang malayo
sa isa’t isa. Naiiwan siyang mag-isa sa bahay at bihira lang umuuwi ang
kanyang amo. Madalas siyang pinupuntahan ng kanyang nobyo sa bahay at
maraming beses na siyang na buntis at nagpalaglag.
Isang araw nakuwento niya sa akin ang balak niyang magpatiwakal
dahil sa hindi na siya pinapatulog ng kanyang konsensiya sa dami ng
kasalanangnagawaniya. Hindi rin daw siya pakakasalan ng kanyang nobyo
dahil sa may iba itong mahal. Awang-awa ako sa kanya. Humingi siya ng
payo sa akin kung ano ang gagawin niya. Wala akong naging tugon sa kanya
ng mga sandaling iyon, ngunit pinag-aralan ko kung ano ang maipapayo ko
sa kanya.
Kinabukasan bumalik ako sa kanila, handa na ako sa gagawin kung
pagtugon sa pangangailangan niya. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong
Bibliya ang salita ng Diyos. Ipinaliwanag ko sa kanya kung gaano tayo
kamahal ng Diyos sa kabila ng ating mga naging kasalanan at pagkukulang.
Namatay si Hesus sa krus upang tayo ay iligtas at bigyan ng buhay na
walang hanggan. Handa Niya tayong patawarin at bigyan ng bagong buhay
kung tayo ay mananalig at sumampalataya sa Kanya at handing magbago.
Inihayag ko sa kanya ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo tatalikuran o
pababayaan man (Hebrews 13:5).
Lumiwanag ang kanyang mukha pagkatapos naming mag-usap at sa
unang pagkakataon na nakita ko siyang tumawa at mula noon ay nagbago
ang kaniyang pananaw sa buhay at nagsimulang itama ang
kanyangmgapagkakamali at nagingmasigla, nagkaroon ng bagong pag-asa at
naging masaya.

Panuto: Talakayin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Gaano nga ba kahalaga ang ating buhay?
2. Paano mo masasabi na pinapahalagahan mo ang iyongbuhay?
3. Ano-anong bagay ang maaaring magpakita na may paninindigan ang
tao sa paggalang sa buhay?

10
Payabungin Natin
Panuto: Sa pagkakataong ito ay napatunayan mo nang sagrado ang
buhay nakaloob ng Diyos sa iyo. Balikan mo ang iba’t ibang isyu tungkol sa
buhay at pag-aralan ang mga argument sa mga isyung ito na inilahad sa
bahagi ng Aralin Natin. Sumulat ng isang position paper na maglalahad ng
iyong sariling pananaw sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at
kasagraduhan ng buhay. Sundin and pormat sa ibaba. Gawin ito sa malinis
na papel.

I. Title Page
II. Panimula
A. Pagpapakilala ng paksa
B. Ang sariling pananaw sa isyu
III. Mga Argumento sa Isyu
A. Buod ng mga argumento
B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento
C. Mga ebidensiya para sa mga argumento
IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu
A. Unang punto ng iyong posisyon
1. Opinyon sa unang punto
2. Mga ebidensiya
B. Ikalawang punto ng iyong posisyon
1. Opinyon sa ikalawang punto
2. Mga ebidensiya
C. Ikalawang punto ng iyong posisyon
1. Opinyon sa ikatlong punto
2. Mga ebidensiya
V. Konklusyon
A. Buod ng iyongposisyon Rubrics
B. Plano ng pagkilos(Pagsulat ng Position Paper)
VI. Sanggunian

Kraytirya 5 4 3 2 1
Pormat Naipakita ang lahat Naipakita ang Ang lahat ng mga Nawawala ang Nawawala ang
• Title Page ng mga elemento; lahat ng mga elemento ay ilang mga mga elemento;
• Panimula lubos na mahusay elemento; naipakita; Di elemento; Di hindi organisado
• Mga ang organisasyon; mahusay ang gaanong gaanong at walang
argument sa maayos at lohikal organisasyon at organisado at organisado at tamang daloy ng
isyu ang daloy ng dumadaloy nang maayos ang daloy maayos ang impormasyon.
• Ang Sariling impormasyon. maayos ang mga ng impormasyon. daloy ng
Position sa impormasyon. impormasyon.
isyu
• Konklusyon
• Sanggunian

11
Tumpak ang May Kapansin-pansin Regular Malimitnapagkak
paraan ng kauntingpagkak ang napagkakamalin amali ng
pagkasulat; mataas amali, ilangmgapagkaka anakaaapektosa nakaaapektosad
Kalidad ng ang kalidad ng ngunithindimak mali, at daloy at aloy at
Pagsusulat gawa. aaapektosakalid sailangpagkakata kahulugan ng kahulugan ng
ad ng gawa. on ay papel; mababa papel; mababa
nakaapekto, ang kalidad ng ang kalidad ng
sadaloy o gawa. gawa.
kahulugan ng
papel.
Nagpapakita ng Mahusay ang Sapat ang Kulang sa Walang
masusing pagsusuri ng pagsusuri ng mga pagsusuri ng pagsusuri ng
pagsusuri ng mga mga argumento; argumento; mga argument mga argumento;
Pagsusuri ng mga argumento; mataas Nagpapakita Katamtaman ang maging ang Kulang ang
Argumento ang antas ng nang mataas na antas ng paghahambing, paghahambing,
paghahambing, antas ng paghahambing, pag-iiba at pag-iiba at
pag-iiba, at paghahambing, pag-iiba at pagsusuri. pagsusuri.
pagsusuri. pag-iiba at pagsusuri.
pasusuri.
Komprehensibo, May katuturan, Bahagyang Mahina at may Hindi mabisa at
may katuturan, at tumpak, mahina o may kakulangan sa kulang ang
Posisyon tumpak ang malinaw at kakulangan sa pagpapaliwanag paliwanag sa
pagkakapaliwanag mahusay na pagpapaliwanag ng sariling sariling
ng sarilingposisyon. ipinaliwanag ang ng sariling posisyon. sposisyon.
sariling posisyon.
posisyon.

Pagnilayan Natin
Panuto: Sumulat sa magulang ng liham pasasalamat at kahilingan sa
pagpapatuloy ng buhay.

__________________

_____________________,

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

________________,
_________________

12
13
TANDAAN NATIN
1. pakundangan
2. paglapastangan
3. pinakamataas
4. Alkoholismo
5. Mabuti
6. Larawan
7. Didnidad
8. Paunlarin
9. Harapin
10.katotohanan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Agapay, Ramon B. Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for Students
and Educators. National Bookstore Inc. 2007. Mandaluyong City,
Philippines

De Torre, Joseph M. et al. Perspective: Current Issues in Values


Education Book 4 (Values Education Series). Sinagtala
Publishers Inc. (1992). Manila, Philippines

Brizuela, Mary Jean B. et. Al.Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para


sa Mag-aaral: FEP Printing Corporation. (2015). Pasig City,
Philippines

Pojman, Louis P. Life and Death: Grappling with the Moral Dilemmas of our
Time (Second Edition): Wadsworth Publishing Company Publishers, Inc.
1990. Canada

Mga Saliksik sa Internet:

Arguments For and Against Abortion: 2013 Retrieved October 27, 2014 from
http://www. soc.ucsb.edu/sexinfo/article/arguments-and-against-
abortion

Irving, Dianne N. (2000) Abortion: Correct Application of Natural Law Theory


Retrieved October 27, 2014 from
http://www.lifeissues.net/writers/irv/irv_08natlaw.html

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


15

You might also like