You are on page 1of 24

ANG MGA PAGLABAG

ESP 10 Q3
SA PAGGALANG SA M3
BUHAY
GOALS
10.1 Natutukoy ang mga paglabag sa
paggalang sa buhay.
(EsP10PB-IIIc-10.1)
10.2 Nasusuri ang mga paglabag sa
paggalang sa buhay.
(EsP10PB-IIIc-10.2)
SUBUKIN NATIN
ARALIN NATIN
1. Suriing mabuti ang mga larawan sa bawat kahon.
2. Tukuyin mo ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
3. Ang mga isyu sa paglabag sa buhay ay: Aborsiyon,
Euthanasia, Paggamit ng Droga, Pagpapatiwakal,
Alkoholismo at Paninigarilyo.
4. Ipaliwanag mo kung bakit ito ay paglabag sa paggalang
sa buhay.
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
1. Ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa
sa mga paglabag sa paggalang sa buhay na
kinakaharap ngayon ng ating lipunan. Ito ay
“isang estadong sikiko (psychic)o pisikal na
pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na
nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-
ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.” (Agapay,
2007)
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
2. Alkoholismo
Ang alkoholismo o labis na pagkonsumo ng
alak ay may masasamang epekto sa iyo. Ito
ay unti-unting nagpapahina sa iyong
enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip,
sumisira sa iyong kapasidad na maging
malikhain, nababawasan ang iyong
kakayahan sa paglinang ng makabuluhang
pakikipagkapuwa kapag nagumon sa alkohol.
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
2. Alkoholismo
Bilang isang kabataang nilikha ng
Diyos, ikaw ay inaasahan na isabuhay
ang pagpapahalaga sa kalusugan ng
iyong katawan – tanda ng
pagmamahal sa buhay na
ipinagkaloob Niya sa iyo.
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
3. Aborsiyon
Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na
paglabag sa paggalang sa buhay?
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang
fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
Sa ilang bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang
lehitimong paraan upang kontrolin o pigilan ang
paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas,
itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007)
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
Bilang isang kabataan sa panahon ngayon,
lagi mong tandaan na ang sanggol ay
itinuturing na isang tao mula sa paglilihi.
Ang pagkitil ng isang kawangis ng Diyos ay
masama. Ang paggalang sa buhay ay
kinakailangan mo para sa iyong pag-unlad.
Samakatuwid, igalang mo ito, ipagtanggol
mo ito at isulong mo ang kahalagahan nito!
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
4. Pagpapatiwakal
Ano ba ang kahulugan ng pagpapatiwakal?
Ang pagpapatiwakal ay ang sadyang pagkitil
ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa
sariling kagustuhan. Ang kawalan ng pag-asa
ay isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit
may ilang taong pinipiling kitlin ang sarili
nilang buhay.
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
5. Euthanasia (Mercy Killing)
Ang euthanasia o mercy killing ay isang
gawain kung saan napadali ang kamatayan
ng isang taong may matindi at wala nang
lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa
paggamit ng mga modernong medisina at
kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng
isang maysakit.
MGA PAGLABAG SA PAGGALANG SA BUHAY
6. Paninigarilyo
Ayon sa slide presentation ni Wilma N. Beralde,
isang Registered Nurse, may 240 Pilipino ang
namamatay araw-araw dahil sa sakit na dulot ng
paninigarilyo.
Ano nga ba ang SIGARILYO?
Ito ay ang natatanging LEGALna produkto, na
kung ginamit base sa manufacturers’ instructions,
ay siguradong papatayin ang kalahati sa mga
gumamit nito.
1 CORINTO 10:23
23 “Malaya akong gumawa
ng anuman,” ngunit hindi
lahat ng ito ay nakakabuti.
“Malaya akong gumawa ng
anuman,” ngunit hindi rin
lahat ng ito'y nakakatulong.
GAWIN NATIN
SURIIN ANG MGA PAGLABAG SA BUHAY SA
IBABA AT TUKUYIN KUNG ANONG PAGLABAG
ITO. PAGKATAPOS, PANGATWIRANAN MO KUNG
BAKIT ISANG PAGLABAG ITO SA PAGGALANG SA
BUHAY
GAWIN NATIN
SURIIN ANG MGA PAGLABAG SA BUHAY SA
IBABA AT TUKUYIN KUNG ANONG PAGLABAG
ITO. PAGKATAPOS, PANGATWIRANAN MO KUNG
BAKIT ISANG PAGLABAG ITO SA PAGGALANG SA
BUHAY
GAWIN NATIN
SURIIN ANG MGA PAGLABAG SA BUHAY SA
IBABA AT TUKUYIN KUNG ANONG PAGLABAG
ITO. PAGKATAPOS, PANGATWIRANAN MO KUNG
BAKIT ISANG PAGLABAG ITO SA PAGGALANG SA
BUHAY
A. Nararapat na ang isang kabataang tulad mo ay magkaroon
nang sapat na _______________ upang makaiwas sa mga taong
makaimpluwensiya na gumamit ng ipinagbabawal na
_______________. B. Bilang ____________ ng _______________, ikaw
ay inaasahan na isabuhay ang pagpapahalaga sa
__________________ ng iyong katawan.
C. Makatutulong nang malaki ang pagkakaroon ng
____________ na ______________________ na kinabibilangan ng
iyong _______________ at tunay na mga __________________ na
makapagbibigay ng saya at pagmamahal tuwing
makararamdam ka na walang halaga ang iyong buhay.
D. Ang ipinagbabawal ay ang mga gawain na tuwirang
naglalayon na mapadali ang buhay tulad ng pagbibigay ng
____________ o labis na dosis ng gamot.
ASSIGNMENT. GAWIN NATIN
ISULAT ANG IYONG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL. MAGING
MALIKHAIN SA PAGSAGOT SA TANONG. MAAARI MO ITONG
SAGUTAN SA PAMAMAGITAN NG: CONCEPT MAP, VENN
DIAGRAM, DRAWING, AWIT, TULA, O RAP.(PUMILI LAMANG
NG ISA.)
ESP PROJECT/PORTFOLIO (DEADLINE MARCH 8)
Panuto: Sumulat ng isang position paper na maglalahad ng
iyong sariling pananaw sa mga gawaing taliwas sa batas ng
Diyos at kasagraduhan ng buhay. Gawin ito sa malinis na
papel.
1. Alkoholismo
2. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
3. Aborsiyon
4. Pagpapatiwakal
5. Euthanasia o mercy killing
6. paninigarilyo

You might also like