You are on page 1of 3

MODYUL 10: PAGMAMAHAL SA BAYAN

Ano ba ang pagmamahal sa bayan?


Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat
pamayanang bumubuo rito.
Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na
karaniwang iniuugnay sa salitang pinanggalingan o pinagmulan.
Ang literal na kahulugan nito ay ang pagmamahal sa bayang sinilangan (native land)

Ang kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


 Ito ang nagiging daan upang makamit ang layunin.
 Pinagbubuklod nito ang mga tao sa lipunan.
 Naiingatan at napahahalagahan nito ang karapatan at dignidad ng tao.
 Napahahalagahan nito ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan.

Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa pitong dimensiyon ng tao sa
nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
Dimensiyon ng tao Mga pagpapahalaga na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan mula sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay
2. Pangkaisipan Katotohanan
3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
4. Ispiritwal Pananampalataya
5. Panlipunan Paggalang
Katarungan
Kapayapaan
Kaayusan
Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
6. Pang-ekonomiya Kasipagan
Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
7. Pampolitikal Pagkakaisa
Kabayanihan
Kalayaan
Pagsunod sa batas
8. Lahat ng dimensiyon Pagsulong ng kabutihang panlahat
Ang sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan. Nakapaloob ang mga ito sa Panimula (Preamble) ng
1987 Konstitusyon ng Pilipinas

1. Pagpapahalaga sa buhay (Pangkatawan)


Ito ay isang moral na obligasyon sa Diyos ng bawat isa dahil ang buhay ay mula sa Kaniya
at walang sinuman ang may karapatang bumawi o kumuha rito kung hindi Siya.
2. Katotohanan (Pangkaisipan)
Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi mapagkunwari, tumatanggi sa
anumang bagay na di ayon sa katotohanan. Ang integridad ay pinangangalagaan sa lahat ng oras
at pagkakataon.
3. Pagmamahal at pagmamamlasakit sa kapwa (Moral)
Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.
4. Pananampalataya (Ispiritwal)
Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.
5. Paggalang (Panlipunan)
Naipapakita kapag ang karapatan ng sang tao ay hindi natatapakan at naiisabuhay ayon sa
tamang gamit nito at napapangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
6. Katarungan (Panlipunan)
Sinesegurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay, naibibigay sa
isang tao kung ano ang para sa kaniya at para sa iba, hindi nagmamalabis o nandaraya sa
kapuwa.
7. Kapayapaan (Panlipunan)
Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. Ito ang
indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat.
8. Kaayusan (Panlipunan)
Ang pagiging organisado na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapwa. Ang pagiging
disiplinado sa lahat ng pagkakataon.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi (Panlipunan)
Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang pangunahing institusyon ng lipunan na
siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng lahat.
10. Kasipagan (Pang-ekonomiya)
Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay at may
pagmamahal. Ginagamit ang talento at kahusayan sa pamamaraang nakatutulong sa kapwa nang
buong kagalakan.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran (Pang-ekonomiya)
Ang pagsasabuhay sa responsibilidad bilang tagapangalaga ng kalikasan at ng mga bagay na
nilikha ng Diyos laban sa anumang uri ng pang-aabuso at pagkawasak.
12. Pagkakaisa (Pampolitikal)
Ang pakikipagtulungan ng bawat isa na mapag-isa ang naisin at saloobin para sa iisang
layunin.
13. Kabayanihan (Pampolitikal)
Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at as kapwa ko?
14. Kalayaan (Pampolitikal)
Ang pagiging malaya na gumawa ng mabuti, katanggap-tanggap na kilos na ayon sa batas
na ipinatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
15. Pagsunod sa batas (Pampolitikal)
Ang pagkilala at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa
karapatan ng bawat isa. Isa ito sa mga pangunahing susi sa pag-unlad ng bansa bilang
pagsasabuhay ng makataong lipunan.
16. Pagsulong sa kabutihang panlahat (Lahat ng dimensiyon)
Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat ang lahat ng lumahok sa mga pagkakataong
kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang sa sarili, pamilya kundi ng lahat.

Mga simpleng bagay na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa ayon kay Alex Lacson:

1. Mag-aral nang mabuti.


2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga.
3. Pumila nang maayos.
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya.
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan.
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong.
8. Bumili ng produktong sariling atin.
9. Kung pwede nang bumoto, isagawa ito nang tama.
10. Alagaan at igalang ang mga nakatatanda
11. Isama sa panalangin ang bansa at amg mga kapwa mamamayan.

Group 2

You might also like