You are on page 1of 1

MODYUL 12: ESPIRITWALIDAD AT PANANAMPALATAYA

Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng
Diyos. Ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay,
“ang pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya’t ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang
pagkatao.
Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang
katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Sa aklat ng Hebreo sinasabi na, “Ang
pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.”
(Hebreo 11:1

Pananampalatayang Kristiyanismo. Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pagasa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita
ni Hesukristo. Ang ilan sa mga mahalagang aral nito ay ang sumusunod:

a. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay


b. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod
c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagpakumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa
kapuwa.

Pananampalatayang Islam. Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan
sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim.

Limang Haligi ng Islam

1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba). Ayon sa mga Muslim, walang ibang Diyos na karapat-
dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang Sugo. Ito ay nangangahulugan ng
pagsamba sa Iisang Diyos at di pagbibigay o pagsasama sa Kaniyang kaisahan.
2. Ang Salah (Pagdarasal). Sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na pangkatawan at pang-espiritwal. May
limang takdang pagdarasal sila sa arawaraw. Ito ay paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan.
3. Ang Sawm (Pag-aayuno). Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing
buwan ng Ramadhan. Ang pag-aayuno para sa kanila ay isang bagay na pagdisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang
tukso na maaaring dumating sa buhay.
4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa). Ang Zakah ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga
nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah. Ito ay hindi lamang naglalayon ng pagtulong sa kapuwa kundi
paglilinis sa mga kinita o kabuhayan upang ibahagi sa kanilang kapuwa Muslim.
5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca). Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at
kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong
mundo.

Pananampalatayang Buddhismo. Ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa. Ang
pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay. Ito
ang nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama o ang Budha, na isang dakilang mangangaral ang mga Budhismo. Si Gautama
ay kinikilala ng mga Budhista na isang naliwanagan.
May apat na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama, ang Budha (ibig sabihin “The Enlightened One”):
1. Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa).
2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’).
3. Ang pagnanasa ay malulunasan.
4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path) – tamang pananaw, tamang intensiyon, tamang pananalita, tamang
kilos, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atensiyon.

Ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.
1. Panalangin
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
3. Pagsisimba o Pagsamba
4. Pag-aaral ng Salita ng
5. Pagmamahal sa Kapuwa

Mayroon tayong tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.
1. Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga taong
nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
2. Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay
magkakaugnay.
3. Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng kasiyahan sa
kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.
4. Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa
tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang
minamahal dahil ang TAO ay mahalaga sa Kaniya.

You might also like