You are on page 1of 19

Mount Carmel College of Escalante, Inc.

Carmelite Street, Escalante City


Basic Education Department

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


ELEMENTARY

ARALING PANLIPUNAN 2
MODULE

WEEK 4 - 6 (3rd Quarter)


April 12 - 24, 2021
S.Y 2020 – 2021
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
NAME OF PUPIL

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
1|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Subject ARALING PANLIPUNAN Quarter 3


No.

Grade Bld. Frances de


2 Section
Level Am’boise

Module Chapter
2 3
No. No.

April 12 - 24,
Lesson No. 2 Date
2021

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang


kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga

Content namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing


Standard hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng
mga kasapi ng sariling komunidad.

Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng


pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting
Performance
paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad
Standard
tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga
kasapi ng sariling komunidad

Specific Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay


Learning inaasahang malaman kung ano-ano ang mga
Outcomes
dapat gawin upang mapangalagaan ang
kapaligiran.

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
2|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

General Instruction
Isulat ang iyong mga sagot sa nakalaang sagutang papel.

LESSON 2
LIKÁS NA YAMAN NG KOMUNIDAD,
ATING ALAGAAN AT PAHALAGAHAN

Introduction
Sa nagdaang aralin ay ating tinalakay ang mga likás na yaman
at produkto sa ating komunidad. Tunay na mayaman sa mga likás
yaman ang maraming komunidad sa ating bansa. Ngunit
mahalagang maunawaan ng mga batang tulad mo na ang mga ito
ay maaring maubos at masira kung hindi pahahalagahan.

Pre-Activity
Panuto: Punan ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang
makabuo ng salita.
1. YA___AN -
2. ___OLU___YON -
3. GL__BAL -
4. SAN___I -
5. BU___GA -

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
3|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Analysis
Gaano kahalaga ang ating mga likás na yaman sa ating
paligiran?
Sagot: Mahalaga ang ating mga likás na yaman sa ating
kapaligiran dahil dito rin tayo kumukuha ng ating
ikinabubuhay sa pang araw-araw.

Discussion

BAWAT ISA AY MAY PANANAGUTANG PANGALAGAAN


ANG MGA LIKÁS NA YAMAN
Tungkulin ng bawat tao na pangalagaan ang mga likás na
yaman sa ating komunidad. Ang mga likás na yaman ay maaaring
maubos kung aabusuhin natin ang mga ito. Ang mga mineral ay
hindi na napapalitan kaya kailangang maging responsible ang mga
tao at kompanyang nagmimina rito.
Ang mga anyong-lupa at tubig ay maari ding masira kung ang
mga tao ay magiging pabaya sa mga ito. Kailangang palitan ang
likás na yamang maaaring palitan.
Dapat tayong maging matalino sa paggamit o pagkuha ng mga
likás na yaman. Alagaan natin ang mga ito. Hindi ito basta
mawawala o mauubos kung tayong lahat ay magiging responsible.
Patuloy na mapagkukunan ng ating mga kailangan ang mga likás
na yaman kung mahusay nating gagamitin ang mga ito.

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
4|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Bilang bahagi ng komunidad, tungkulin din ng bawat isa na


panatilihing malinis ang ating paligid upang maiwasan ang mga
polusyong maaaring maging dahilan ng pagkakasakit ng mga tao.
Isang napakalaking biyaya sa atin ang pagkakaroon ng mayamang
kalikasan at malinis na kapaligiran. Ang mga ito ay kailangan natin
upang tayo ay makapamuhay nang maunlad, maayos, at
matiwasay.

Sanhi at Bunga ng Pagkasira ng mga Likás na Yaman


Sa kasalukuyan, maraming mga problema ang kinahaharap ng
mga komunidad na nakasisira ng mga likás na yaman. Ang
pagkasirang ito ng kalikasan ay bunga ng matinding pang-aabuso
sa paggamit nito. Ang kawalan ng disiplina ng mga tao at ang
sobrang pagbibigay-halaga ng tao sa sariling pangangailangan ang
ilan sa mga dahilan kung bakit nasisira nilan ang sariling kapaligiran.
Ang ganitong pangyayari ay kailangang masolusyonan para ang
mga likás na yaman ng komunidad ay hindi masira o mawala.

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
5|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Narito ang ilang mga sanhi at bunga ng pagkasira ng mga likás-


yaman:

Polusyon sa Lupa
Ang polusyon sa lupa ay kadalasang sanhi ng pagtapon ng mga
tao ng basura sa di tamang lugar. Ang mga basurang hindi
nabubuloktulad ng plastic, Styrofoam, lata at iba pa ay nakasasama
sa mga anyong-lupa lalo na sa mga bukid at iba pang taníman ng
halaman. Ang mga dumi at kemikal mula sa pabrika, minahan, at
pagamutan ay nagdudulot din ng polusyon sa lupa. Ito ay
nakaaapekto sa kakayahan ng lupang magpatubo at magpalago
ng mga halaman at iba pang pananim na pinanggagalingan ng
pagkain at hanapbuhay ng mga tao.

Polusyon sa Tubig
Ang pagtatapon ng mga basura, dumi, nakalalasong kemikal sa
ilog, sapa, batis, dagat, at paggamit ng dinamita sa pangingisda ay
ilan lámang sa mga sanhi ng polusyon sa tubig. Nagbubunga ito ng
pagkasira at pagkamatay ng mga anyong- tubig at mga yamang
makukuha sa mga ito gaya ng isda, halamang-tubig, at iba pa.
Subject: ARALING PANLIPUNan
Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
6|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Polusyon sa Hangin
Nagkakaroon ng polusyon sa hangin dahil sa maruruming usok sa
paligid. Ang problemang ito ay higit na nakikita sa mga lugar na
malapit sa pabrika o pagawaan at sa kalyeng maraming sasakyang
nagbubuga ng maruming sasakyang nagbubuga ng maruming
usok. Nagiging sanhi rin nito ang paggamit ng insecticide o mga
aerosol spray. Nagbubunga ito ng iba’t ibang sakit gaya ng sakit sa
baga, hirap sa paghinga, pag-ubo, at iba pang sakit.

Global Warming
Ang global warming ay ang di normal na pag-init ng atmospera
bunga ng labis na pagkakaroon ng greenhouse gasses sa
kalawakan. Ito ay nangyayari dahil sa mga gawaing nakasisira sa
kapaligiran gaya ng pagsusunog ng mga basura, pagsunog ng
Subject: ARALING PANLIPUNan
Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
7|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

kagubatan, maling paraan ng pagmimina ng langis, at iba pa. Ang


global warming ay maaaring makapagdulot ng matinding
pagbabago sa klima gaya ng sobrang ulan sa panahon ng tag-ulan
at sobrang init sa panahon ng tag-init. Ito ay may malaking epekto
sa buhay ng mga tao sa komunidad dahil ito ay maaaring magdulot
ng matinding pagbaha o kaya naman ay pagkatuyo ng lupa.

Deforestation
Ang deforestation o ang labis na pagputol ng mga punô sa
kagubatan ay isa rin sa mga suliraning kinakaharap ng mga likás na
yaman sa kasalukuyan. Maraming kagubatan ay ang pagmimina at
pagkakaingin para gawing taniman. An problemang ito ay
magbubunga ng pagguho ng lupa o landslide at matinding
pagbaha sa mga komunidad kung umulan nang malakas o
bumagyo.

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
8|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Mga Paraan ng Pangangalaga ng Kapaligiran


at Likás na Yaman
Ang epekto ng wastong paggamit at pangangalaga natin sa
kapaligiran at mga likás na yaman ay mabuti para sa lahat.
Narito ang mga simpleng paraang puwede mong magawa para
mapangalagaan ang ating likás na yaman.

•Pagtatanim ng mga halaman o punó


•Pagpapanatiling malinis ng kapaligiran
•Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan
•Pag-iwas sa paggamit ng mga nakalalasong kemikal o bagay na di
mabuti sa kapaligiran gaya ng styrofoam at insecticide
•Pagsasagawa ng 3 Rs:
•Reuse: muling paggamit ng bagay na luma o pagrerenta na
lámang sa halip na bumili ng bago.
•Reduce: pagbawas sa paggamit ng mga bagay na hindi mabuti
sa kapaligiran.
•Recycle: pagpoproseso ng mga bagay na patapon o itinuturing
na basura gaya ng plastic, metal, bakal, at iba pang bagay na
hindi nabubulok.
Subject: ARALING PANLIPUNan
Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
9|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

•Pagsuporta sa gawain o proyekto ng pamahalaan upang


mapangalagaan ang kapaligiran.
•Sundin ang mga babala sa paligid upang hindi masira at
mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Application
Panuto: Pag-isipan kung anong uri ng polusyon ang makikita sa
mga pahayag sa bawat bilang. Piliin lámang ang titik ng
tamang sagot at isulat sa patlang.

______1. Bundok-bundok na basurang hindi nabubulok.


______2. Usok mula sa pagawaan ng sasakyan.
______3. Pagkamatay ng isda at kanilang mga tirahan.
______4. Walang tigil na pagputol ng punô at paninira halaman.
______5. Matinding pagbabago sa klima na nagdudulot ng baha
o pagkatuyot ng lupa.

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
10 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Summary
Tungkulin ng bawat tao pangalagaan at pahalagahan ang mga
likás na yaman sa ating komunidad. Ang mga tao ay dapat na
maging matalino at responsible paggamit ng mga likás na yaman.
Tungkulin din ng bawat isa na panatilihing malinis ang ating paligid.
Ang mga karaniwang sanhi ng pagkasira ng mga likás na yaman ay

ang sumusunod:
•Polusyon sa Lupa
•Polusyon sa Tubig
•Global warming
•Deforestatrion
•May mga wastong paraan ng pangangalaga ng mga yamang-
lupa at yamang-tubi.
•Ang pagsasagawa 3 Rs (reuse, reduce, recycle) ay isa sa
epektibong paraan upang mapangalagaann ang ating mga likás
na yaman.

Post-Activity
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng dapat
gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran. Kulayan
ang larawan.

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
11 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos

Ang larawan na naiguhit ay naaayon


sa aralin. 5
Ang larawan ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa komunidad. 5
Ang larawan ay naiguhit ng malinaw at
maayos. 5
Kabuoang Puntos 15
1- Sadyang di mahusay 4- Mahusay
2- Di gaanong mahusay 5- Napakahusay
3- Katamtaman

Reference: Lontoc, Nestor, S. (2018) Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2 Phoenix Publishing House, Inc. 927
Quezon Ave., Quezon City (Page 209 – 217).

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
12 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

ANSWER SHEET
ARALING PANLIPUNAN 2
WEEK 4 – 6 (3RD Quarter)

Name: ____________________________________________________________
Pre-Activity
Panuto: Punan ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang
makabuo ng salita.

1. YA___AN -
2. ___OLU___YON -
3. GL__BAL -
4. SAN___I -
5. BU___GA -

Application
Panuto: Pag-isipan kung anong uri ng polusyon ang makikita sa
mga pahayag sa bawat bilang. Piliin lámang ang titk ng
tamang sagot at isulat sa patlang.
______1. Bundok-bundok na basurang hindi nabubulok.
______2. Usok mula sa pagawaan ng sasakyan.
______3. Pagkamatay ng isda at kanilang mga tirahan.
______4. Walang tigil na pagputol ng punô at paninira halaman.
______5. Matinding pagbabago sa klima na nagdudulot ng baha
o pagkatuyot ng lupa.
Subject: ARALING PANLIPUNan
Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
13 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Post-Activity
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng
pagpapahalaga mo sa iyong komunidad. Kulayan ang
larawan.

Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos

Ang larawan na naiguhit ay naaayon


sa aralin. 5
Ang larawan ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa komunidad. 5
Ang larawan ay naiguhit ng malinaw at
maayos. 5
Kabuoang Puntos 15
4- Sadyang di mahusay 4- Mahusay
5- Di gaanong mahusay 5- Napakahusay
6- Katamtaman

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
14 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
15 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
16 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
17 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
18 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Subject: ARALING PANLIPUNan


Teacher: ROSE M. QUIJANO
Contact No.: 09971964917
19 | P a g e

You might also like