You are on page 1of 12

UNANG MARKAHAN – MODYUL 6

(IKA-ANIM NA LINGGO)
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto

at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

Modyul 6 – Paksa:

Mga Suliraning Pangkapaligiran at Balanseng Ekolohikal sa Asya

Panimula:

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng balanseng ekolohikal sa Asya.

Habang tayo ay patungo sa kaunlaran ay nararapat lamang na pagtuunan natin ng pansin ang
pangangalaga sa kalikasan. Pag-aaralan sa modyul na ito ang mga suliraning pangkapaligiran na
nararasanan sa Asya at ang mga kaakibat na pananagutan at paraan ng pangangalaga sa mga
likas na yaman.
Mga Saklaw na Aralin:

1. Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

2. Pagkawala ng Biodiversisty
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na
kalagayang ekolohiko ng rehiyon.

Subukin Natin
GAWAIN: LOOP-A-WORD
PANUTO: Mula sa krossalita ay hanapin sa anumang direksyon ang salita na tinutukoy sa bawat
bilang. Bilugan ang salita at isulat sa tabi ng bawat aytem. Ang gawaing ito ay susukat
sa iyong nalalaman tungkol sa aralin bago ito talakayin.
___________________ 1. Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo
na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabanagan
___________________ 2. Paglitaw sa ibabaw ng lupa ng asin o kaya naman ay inaanod ng tubig
papunta sa lupa
___________________ 3. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay
___________________ 4. Malayong mula sa mga urbanisadong lugar ngunit apektado ng mga
pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod
___________________ 5. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng
kanilang kapaligiran
___________________ 6. Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat
___________________ 7. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na
tubig sa isang lugar
___________________ 8. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat
___________________ 9. Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng
likas na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao
___________________ 10. Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming
konsentrasyon ng ozone

Balikan Natin
PANUTO: Mula sa mga natutunan sa nakaraang aralin, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ilarawan sa pamamagitan ng tig-isang pangungusap ang likas na yaman ng bawat rehiyon

sa Asya.

______________________________________________________________________________

2. Ano ano ang epekto ng uri ng likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya sa uri ng hanapbuhay
ng mga taong naninirahan dito?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ano ano ang epekto ng gawain ng mga tao sa likas na yaman ng rehiyon na kanilang
kinabibilangan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Tuklasin Natin

GAWAIN: Pagpuno ng Talahanayan

PANUTO: Maglista ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa pamayanang
kinabibilangan. Ibigay ang mga posibleng dahilan at epekto ng mga ito sa pamumuhay
mo at ng iba pang mga kasapi ng komunidad. Gamitin ang tsart sa pagsagot.

Suliraning Pangkapaligiran Mga Posibleng Dahilan Epekto sa mga Taong

sa Pamayanang Naninirahan sa Pamayanan
Kinabibilangan

Suriin Natin

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Suliraning Pangkapaligiran - mga problema o pagsubok na kinakaharap ng tao na may kinalaman

sa kaniyang kalikasan o kapaligiran.

Pagkasira ng Lupa

Desertification

❖ Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang

tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng
pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito.
❖ Ang bansang China ay nakapagtala na nang halos 358,000km2
na desertified na lupain.

Salinization

❖ Lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa.
❖ Malubhang problema ang salinization sa Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat
sa kanilang mga ilog na dumadaloy sa 38% ng bansa.
Overgrazing

❖ Ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan o bilang ng mga hayop.

Urbanisasyon

❖ Ang pisikal na paglaki ng mga pook na urban dahil sa mga pagbabago

sa isang lugar tulad ng ekonomikal.
❖ Tumutukoy din ang urbanisasyon sa daloy ng tao mula sa mga pook
na rural tungo sa mga pook urban.
❖ Iba pang suliraning kaugnay ng urbanisasyon:
o pagkakaroon ng mga depressed areas o mahihirap ng lugar
o problema sa kalusugan
o iba’t ibang uri ng polusyon

Pagkasira ng Katubigan

Oil Spill

❖ Pagtagas ng langis sa dagat o karagatan na kadalasang nagmumula sa mga malalaking

barko.

Siltation

❖ Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.

Pagkasira ng Kagubatan

Deforestation

❖ Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.

Sa pagkawala ng mga puno, maraming species ng mga halaman
at hayop ang nanganganib sapagkat nawawalan sila ng natural
habitat.
❖ Mga Pangunahing Sanhi ng Deforestation:
o Komersiyal ng pagtotroso
o Kaingin
o Pagpuputol ng puno upang gawing panggatong
o Pagkasunog ng gubat
❖ Kaingin - isang paraan sa paglilinis ng lupa sa kagubatan sa paraan ng pagsusunog at
pagpuputol ng mga puno at halaman. Ang mga abo ay ginagawang pataba sa lupa.
❖ Iba pang suliraning dulot ng deforestation: pagbaha, soil erotion, siltation, sedimentation.

Soil Erosion

❖ Ang pagguho o pagka- agnas ng lupa na kadalasang nangyayari kapag tag- ulan o kapag
may bagyo.
❖ Mga Sanhi ng Soil Erosion:
o Kakulangan ng puno at halaman, na kung saan walang ugat na kumakapit sa lupa
kapag umuulan.
o Kaingin o pagsusunog ng puno.
o Bagyo
o Maling paraan ng pagtatanim
Pagkawala ng Biodiversity

❖ Mga Sanhi ng Pagkawala ng Biodiversity

o Patuloy ng pagtaas ng populasyon
o Walang-habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
o Pag-aabuso sa lupa
o Deforestation
o Polusyon sa kapaligiran
o Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa partikular na rehiyon

Pagyamanin Natin
GAWAIN: Picture Analysis
PANUTO: Tignan at suriing mabuti ang larawan. Ilahad ang mensaheng iyong nabatid mula dito.
Ipaliwanag ito sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Isaisip Natin

PANUTO: Mula sa naging mga gawain at talakayan, sagutin ang mga katanungan.
1. Ano ang maaaring maging epekto sa likas na yaman kung patuloy na dadami ang
populasyon? Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Sa patuloy na pagtaas ng populasyon ng tao, ano ang maaaring maging epekto nito sa iba’t
ibang species ng hayop?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Sa patuloy na pagtaas ng populasyon ng tao, ano ang maaaring maging epekto nito sa
kapaligiran?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isabuhay Natin

GAWAIN: Campaign Slogan

PANUTO: Gumawa ng campaign slogan na nagpapabatid ng mensahe tungkol sa mga
pamamaraan at panghihikayat na pangalagaan ang kalikasan upang maiwasan ang tuluyang
pagkasira nito. Maaaring gumamit ng iba’t ibang mga kagamitang pangkulay upang mas
maging kaaya-aya ang slogan. Ilagay ito sa susunod na pahina. Ang gawain ay bibigyan ng
puntos gamit ang rubrik sa ibaba.

RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS PARA SA CAMPAIGN SLOGAN

Very Good (5 pts) Good (3 pts) Poor (1 pt)
Nilalaman Naipakita ang Naipakita ang ilang Hindi naipakita ang mga
(Content) kumpletong impormasyon at impormasyon at
impormasyon at lubos kaunting pagkaunawa pagkaunawa tungkol sa
na pagkaunawa tungkol tungkol sa paksa. paksa.
sa paksa.
Pagkamalikhain Gumamit ng maraming Gumamit ng ilang Hindi gumamit ng mga
(Creativity) pamamaraan upang pamamaraan upang pamamaraan upang
mabigyan ng kulay at mabigyan ng kulay at mabigyan ng kulay at
magandang disenyo magandang disenyo magandang disenyo
ang gawain. ang gawain. ang gawain.
Kalinisan Malinis at pulido ang Malinis ang pagkakawa Madumi ang
(Neatness) pagkakagawa at hindi ngunit makikitaan ng pagkakagawa ng
makikitaan ng kahit na iilang dumi ang gawain. gawain.
anong dumi.
Presentasyon Maayos, organisado, at Maayos ngunit hindi Magulo ang kabuuang
(Presentation) kaaya-aya ang gaanong organisado presentasyon ng
kabuuang presentasyon ang kabuuang gawain.
ng gawain. presentasyon ng
gawain.
Tayahin Natin

PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Oil Spill Salinization Ecological Balance

Deforestation Urbanisasyon Habitat
Siltation Red Tide Kaingin
Ozone Layer Soil Erosion Suliraning Pangkapaligiran
Depressed Ares Hinterlands Desertification

________________ 1. Mga problema o pagsubok na kinakaharap ng tao na may kinalaman sa

kaniyang kalikasan o kapaligiran

________________ 2. Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat

________________ 3. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig ng

isang lugar

________________ 4. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng

kanilang kapaligiran

________________ 5. Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na

kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabanagan

________________ 6. Paglitaw sa ibabaw ng lupa ng asin o kaya naman ay inaanod ng tubig

papunta sa lupa

________________ 7. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay

________________ 8. Malayong lugar o malayo sa urbanisadong lugar ngunit apektado ng

pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod

________________ 9. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat

________________ 10. Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon

ng ozone

________________ 11. Pagtagas ng langis sa dagat o karagatan na kadalasang nagmumula sa

mga malalaking barko

________________ 12. Ang pisikal na paglaki ng mga pook na urban dahil sa mga pagbabago sa
isang lugar tulad ng ekonomikal

________________ 13. Isang paraan sa paglilinis ng lupa sa kagubatan sa paraan ng

pagsusunog at pagpuputol ng mga puno at halaman. Ang mga abo ay ginagawang pataba sa lupa

________________ 14. Ang pagguho o pagka- agnas ng lupa na kadalasang nangyayari kapag
tag- ulan o kapag may bagyo

________________ 15. Mga mahihirap na lugar

Karagdagang Gawain

PANUTO: Magsaliksik tungkol sa mga proyektong may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran

na isinasagawa ng Sangguniang Kabataan sa barangay na kinabibilangan. Isulat ang mga
nakalap na impormasyon sa espasyong nakalaan sa ibaba.

____________________________________________________________________________________________

Sanggunian
A. Batayang Aklat

Blando, Rosemarie, et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng Magaaral),

ph.46-54.

B. Mga Video o Larawan

https://pbs.twimg.com/media/EnVNgWgXMAAdOlD.jpg
Development Team of the Module
Writers:
MERLECITA EVANGELISTA
MARGARITA S. OÑES

Editors
Content Evaluator:
MARIETTA F. VALIDA – Head Teacher III
ROWEL GALURA – Head Teacher I

Illustrator
Layout Artist:
ROBERT M. VALERA

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS

DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa…

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan

Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like