You are on page 1of 16

Filipino

Ikalawang Markahan - Modyul 6


Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi
ng Hinaing, Ideya sa Isang Isyu, at Pagtanggi
SURIIN
Bakit nga ba mahalaga ang maging magalang sa pakikipag-
usap sa iba’t hinaing o reklamo sa kaniyang guro?
Mahalagang maging magalang sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon dahil nagpapakita ito ng mabuting pag-uugali. Sa
pamamagitan ng pagiging magalang napananatili ang maayos
na pag-uusap, naitataguyod ang magandang samahan at
naiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Ang ilan sa pangunahing ginagamit na magagalang na salita ay
“po” at “opo”, “ho” at “oho”, “paki”. Gayunpaman, mayaman
ang ating wika sa mga pahayag na maaari pang magamit
bilang paggalang sa iba’t ibang sitwasyon gaya ng halimbawa
ng sumusunod:
• Pagbati
Magandang umaga po.
Kumusta po?
• Pagsasabi ng ideya, opinyon, reaksyon
Sa aking pananaw…
Sa tingin ko…
Sa palagay ko…
Kung ako ang tatanungin…
• Pagsang-ayon
Naniniwala po ako…
Totoo na…
• Pagtutol o di-pagsang-ayon
Paumanhin, subalit hindi ko po tinatanggap ang…
Hindi po ako sang-ayon…
Iba po ang pananaw ko…
• Pagmumungkahi
Kung ganito po kaya ang gawin natin…
Maaaring ganito po ang gawin…
Subukin po natin ang ganito…
Karapatan ng bawat tao na magpahayag ng sariling mga
kaisipan, opinyon, at pananaw –kahit na ito ay taliwas o hindi
katulad ng opinyon o pananaw ng iba. Kailangan lamang na
maging magalang sa lahat ng pagkakataon. Ang mga
nabanggit na magagalang na pananalita ay maaaring
magamit sa anumang sitwasyon gaya ng sa iyong binasa na
pagsasabi ng hinaing, reklamo, at pagtanggi.

TAYAHIN
A. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin at isulat
sa patlang ang titik na nagpapahayag ng magalang na
pananalita.
_________1. Nawala ang iyong pera sa klase. Ano ang sasabihin mo
sa iyong guro?
A. Nawala ang aking pera.
B. Hanapin niyo ang aking pera.
C. Ma’am nawala po ang aking pera.
D. Ikaw ba ang kumuha ng aking pera?
_________2. Pinagalitan kayo ng inyong nanay dahil nag-away
kayong magkakapatid.
A. Nanay, paumanhin po, hindi na po mauulit.
B. Sorry na.
C. Siya ang pagalitan mo.
D. Wala akong kasalanan.
_________3. Ginamit mo ang sapatos ng iyong kapatid at nakita
niya itong isinusuot mo?
A. Akin na lang ito.
B. Ipagpaumanhin mo, ginamit ko ang iyong sapatos.
C. Ibabalik ko na lang sa iyo mamaya.
D. Bawal bang gamitin?
_________4. Nahulog ang iyong bolpen at kinuha ito ng klasmeyt
mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Huwag mong kukunin.
B. Pakibalik naman po ng bolpen ko.
C. Ibalik mo sa akin.
D. Sa akin yan.
_________5. Nakita ka ng may-ari ng hardin na pinitas mo ang
kaniyang bulaklak. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Paumanhin po, hindi ko na po uulitin.
B. Isa lang naman ang kinuha ko.
C. Babayaran ko na lang.
D. Huwag ka ng magalit.
_________6. Gusto ni Ben na manood kayo ng sine kasama ng iyong
mga kaibigan, ngunit may gagawin kang importante na
ipinagagawa ng iyong nanay. Paano mo siya tatanggihan?
A. Ayaw ko, hindi naman maganda ang palabas ngayon.
B. Nais ko sanang sumama ngunit may inuutos sa akin si Nanay. Sa
susunod pipilitin kong makasama sa inyo.
C. Hindi maaari, dahil may gagawin pa ako.
_________7. Inanyayahan kang dumalo sa pagdiriwang ng
kaarawan ng iyong kaklase, ngunit kaarawan din ito ng iyong
nakababatang kapatid. Paano mo siya tatanggihan?
A. Gusto ko sanang sumama, pero nagdiriwang din ng kaarawan
ang aking kapatid.
B. Hindi, dahil kaarawan din ng kapatid ko.
C. Sige pumunta tayo doon.
_________8. May takdang-aralin kayo, ngunit nakalimutan mong
gumawa. Binigyan ka ng iyong kaklase ng papel upang kopyahin
mo na lang ang sagot. Tinanggihan mo ang alok nito. Paano mo
ito sasabihin?
A. Hanga ako sa iyong ideya, pero hindi naman tama ang
kopyahin ko ang sagot mo.
B. Hindi ako mangongopya sa iyo.
C. Hindi iyan tama.
_________9. Magkakaroon ng selebrasyon para sa araw ng mga
guro. Nagkaroon kayo ng pulong kung anong magandang regalo
ang dapat ibibigay sa kanila. May nagmungkahi na dapat
mamahalin ang regalong ibibigay sa mga ito. Bilang pagtanggi sa
kanila, ano ang sasabihin mo?
A. Hindi naman kailangan mamahalin ang regalo natin sa kanila.
B. Maganda ang sinabi mo, ngunit hindi naman mahalaga ang
mamahaling regalo, basta maipadama natin na mahal natin sila.
C. Hindi maganda ang iyong ideya dahil wala akong pambili.
_________10. Inalok ka ng iyong kaibigan na tumigil na lang sa pag-
aaral para magtrabaho sa Maynila. Paano mo siya tatanggihan?
A. Alam kong pinag-isipan mong mabuti ito pero mas maganda
kung tatapusin muna natin ang ating pag-aaral.
B. Maling ideya iyon, ikaw na lang.
C. Hindi ako titigil sa pag-aaral para lang magtrabaho sa Maynila

Science
Quarter 2 – Module 6:
Estuaries and Intertidal Zones
Interactions Among Living Things
and Non-living Things in Estuaries
Estuaries, like any other ecosystem, consists of biotic and abiotic
factors. The biotic and abiotic factors or components of estuarine
ecosystems interact in such a unique way, thus make some
organisms choose to reproduce in these areas. For such reason,
estuaries are also called “nurseries of the seas.” The biotic factors are
living things which include plants, animals, and microorganisms,
while biotic factors are the non-living things found in the ecosystem.
In this lesson, you will learn about the different biotic and abiotic
components in estuaries, their interactions, and their importance.
What are the biotic and abiotic components in estuaries?
An estuary is a place where the freshwater from the river mixes with
the salt-water from the sea.
Biotic factors are the living components in an ecosystem. These
include all the plants, animals, and microorganisms found in estuaries
such as mangrove trees, migratory birds, and small fishes.
Abiotic factors, on the other hand, are non-living components in the
ecosystem. These are the factors that affect organisms in estuaries.
These include waves, salinity, temperature, amount of sunlight, and
type of soil.

Biotic and Abiotic Factors in an Estuary


Figure 2
(Oronia.nd)
❖ Waves refer to the movement of the surface of the water. These
are strong forces that organisms must learn to live with. An example
of these organisms is the kelp, a kind of algae, which has strong root-
like structures that attach themselves to rocks to keep it from being
carried away by the waves.
❖ Salinity refers to the amount of salt in water. The combination of
seawater and freshwater in estuaries is called brackish water.
Mangroves and blue crabs have adjusted well to the constantly
changing salinity of water due to the nonstop flow of freshwater and
saltwater through the estuary.
❖ Temperature refers to the level of hotness and coldness of the
water. Temperature differs because of the tides and the amount of
sunlight. Some organisms use plants like mangroves to keep
themselves concealed from direct sunlight or away from the
coldness of the water.

❖ Since estuaries are shallow as compared to the seas, they are


conducive for photosynthesis to take place. Algae, seaweeds,
seagrasses, and other marine plants depend on the amount of
sunlight that they receive in the estuaries.
❖ The type of soil varies in the estuaries depending on the strength
of waves and the kinds of rocks present in the area. Some areas are
full of rocks, sand, pebbles, or clay. The topsoil layer found in an
estuary is composed mostly of peat or salt crust. Salt can be found
within the soil which can be acidic, posing problems to the survival
of plant life.

Activity 1
Directions: Unscramble the letters in Column A to form the word
being described.
1. NIALSIYT amount of salt in water
____________________
2. PUREMEATTER hotness or coldness of water
____________________
3. SEAWV movement of the surface of water
____________________
4. LOSI source of nutrients of living organisms like plants
_____________
5. LUNGTHSI needed by plants for the photosynthesis
_______________
Activity 2
Directions: Write True if the statement conveys correct information
and False if not. Write the answers on the space provided before the
number.
___________1. Biotic factors are the non-living factors in the
environment.
___________2. Plants and animals need abiotic factors in order to
survive.
___________3. Mangroves provide shelter to marine organisms.
___________4. Sharks, dolphins, and other big fishes may also be
found visiting in estuaries.
___________5. Migratory birds would stay in estuaries because of the
availability of food in the area.
Interactions Among Living Things and
Non-living Things in Intertidal Zones
Intertidal zones are areas that are constantly exposed to the
changing tides. They provide homes to many kinds of plants and
animals. The daily changes in the tides play a major role in the life of
living things in this area. The intertidal zone, which is also known as
the foreshore or seashore, is the area that is above water level at low
tide and underwater at high tide.
Intertidal zone is an area in the estuary which is covered with water
during high tide and exposed to air at low tide. There are organisms
that live in different habitats or areas found in intertidal zones.
Biotic factors in an ecosystem such as the intertidal zone and estuary
are composed of all plants, animals, and microorganisms living in it.
These organisms live in different habitats found in intertidal zones and
estuaries. These include coral reefs, salt marshes, mud flats, rocky
shores, and mangrove forests.
Coral reefs provide shelter to thousands of fish. The corals themselves
are animals that feed on plankton. These corals form reefs that
protect the coast from strong waves and currents.
Salt marshes are areas that are filled with seawater during high tides
and drained during low tides. Organisms found in salt marshes are
clams, mussels, oysters, crabs, snails, and shrimps. Plants found in salt
marshes are sea grasses and other plants that are tolerant of
saltwater.
Mud flats or tidal flats are areas where mud from the seas or rivers is
deposited. They are usually the areas for migratory birds, crabs, sand
dollars, mussels, clams, mollusks, shellfish, and some fish. Algae, like
sea lettuce, provide food for the herbivores in this area.
Rocky shores are areas where solid rocks are found. Animals found
in the rocky shores are plankton, brittle stars, sea stars, hermit crab,
barnacles, limpets, mollusks, periwinkle, shore crabs, shrimp, and
prawns. Mangrove forests are areas that are filled with mangrove
trees. These trees have adapted to saltwater.
Mangrove forests are breeding grounds for different kinds of fish and
shellfish. Like estuaries, abiotic factors such as waves, salinity, amount
of sunlight, temperature, and type of soil affect the organisms in
intertidal zones.
Intertidal Zone During High Tide

Intertidal Zone During Low Tide


Activity 1

Directions: Identify and encircle the biotic components only that


are found in intertidal zones.
1. Mollusks 6. shellfish 11. corals
2. starfish 7. amount of sunlight 12. rocks
3. fish 8. mussels 13. clams
4. mudflats 9. salt marshes 14. waves
5. shrimps 10. crabs 15. sea urchins

Activity 2
Directions: Fill in the blank with the correct answer from the box.
Temperature solid rocks
mud seashores
high tide decomposing
1. Salt marshes are filled with seawater during __________________
and drained during low tide.
2. A quick change of water ______________________ may cause
death of fishes.
3. Sea stars and sea urchins can be found in
___________________.
4. Salt marshes are marshy because of the presence of
____________________ plant matter.
5. Rocky shores are areas in intertidal zones where
________________ are found.
LEARNING ACTIVITY SHEET IN
M.A.P.E.H. (P.E.) PHYSICAL EDUCATION
January 4, 2022
LAS-writer: CRISANTO C. PAMINTUAN
Teacher-Broadcaster: CRISANTO C. PAMINTUAN
A. Title of Learning Activity Sheet:
Agawang Panyo
B. Background Information for Learners:

Ang “Agawang Panyo” o laglag panyo ay isang simple at sikat na


larong pambata. Ito ay pangkatang laro, bawat pangkat ay may
lima o higit pang miyembro gamit ang panyo at stick na may
habang dalawang talampakan. Ang game na ito ay masusukat
ang
reaction time, awareness, speed at agility ng isang player. Ang mga
larong relay na may kasamang pagdampot ng bagay ay ilan sa
mga larong nagpapaunlad ng kasanayan sa bilis at liksi.
May iba’t-ibang kagamitan at pamamaraan na dapat sundin sa
paglalaro ng Agawang Panyo. Ito ay ang mga sumusunod:

Mga kagamitan:
➢Panyo
➢Stick na may haba ng dalawang talampakan
Pamamaraan ng Paglalaro:
1. Bumuo ng dalawang grupo na may maaring dalawa o higit pa.
2. Dapat pantay ang pila sa dalawang grupo.
3. Kumuha ng isang referee na maghahawak ng panyo at ito rin
ang magtatawag ng mga manlalaro.
4. Mag-assign ng number ang bawat miyembro. At kailangan
nitong pumila ayon sa pagkasunod sunod ng numero.
5. Tatawag ang referee ng isang numero. Ang numero na tinawag
ay kailangang pumunta sa gitna upang kunin ang panyo.
6. Kapag nakuha ng isang miyembro ang panyo, kailangan nitong
bumalik sa linya o base nang hindi natataya ng kalaban.
7. Kapag nataya ng kalaban nang hindi pa nakakabalik sa linya ay
ang kalaban ang makakakuha ng puntos.
8. Kapag matagal nang nakatayo ang mga manlalaro at walang
kumukuha ng panyo, maaari pang magtawag ng maraming
numero
ang referee para kumuha ng panyo.
9. Ang pinakamaraming puntos ang mananalo
Ang speed o bilis ay ang kakayahang mabilis na paggalaw ng
katawan o ilang bahagi ng katawan. Halimbawa nito ay ang mabilis
na pagtakbo o pag-iwas na mahuli o mataya. Maraming laro ang
nangangailangan ng bilis kung kaya’t mainam na sanayin ito ng
bawat isa.
Ang agility o liksi naman ay isang kasanayan na nagpapakita ng
maliksing kakayahan na magpapalit-palit o mag-iiba-iba ng
direksiyon. Sa larong agawan ng panyo, dapat maging maliksi at
mabilis ang iyong mga paa at kamay. Kailangan ding masanay ang
iyong katawan sa wastong panimbang habang nagbabago-bago
ang direksiyon at bilis ng pagkilos. Masayang maglaro ngunit
kailangan nating mag ingat para maiwasan ang sakuna at sakit ng
katawan. Narito ang mga gawaing pangkaligtasan sa paglalaro ng
agawang panyo.

1. Gumamit ng tamang kasuotan sa paglalaro.


2. Mag (warm-up) at pampalamig (cooling down) bago at
pagkatapos ng laro.
3. Sundin ang mga patakaran o regulasyon ng laro.
4. Pumili ng ligtas na lugar kung saan kayo maglalaro.
5. Iwasang maglaro kung may sakit o karamdaman.
6. Maging isports sa paglalaro upang maiwasan ang pag-aaway
away.

Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang sumusunod kung nagsasaad ang mga
pangungusap sa mga kasanayan sa larong agawang panyo.
Lagyan ito ng tsek (✓) kung nagpapakita ng tama at (X) ekis kung
hindi.
______ 1. Pag-unahan sa pagkuha ng panyo sa may hawak nito.
______ 2. Pumila ng patalikod ang magkabilang panig na
magkatapat ang bawat bilang na iniatas.
______ 3. Pagbuo ng apat na pangkat o grupo.
______ 4. Ang miyembro ng grupo ang hahawak ng panyo at
tatawag sa numero ng manlalaro.
______ 5. Hindi dapat mataya ang kalaban upang makapuntos
ang grupo.
Gawain 2:
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng tamang Gawain at Mali kung hindi tama.
___________1. Ang stick na ginagamit sa larong agawan ng panyo
ay may habang 10 talampakan.
___________2. Ang speed ay isang kasanayan na nalilinang sa
larong agawan ng panyo.
___________3. Bawat pangkat ay may kanya-kanyang bilang.
___________4. Ang isang miyembro sa bawat pangkat na naatasan
kumuha ng panyo ay siya lang ang makikipag-unahan na
makakuha nito.
___________5. Nakatutulong sa paglinang ng physical fitness ang
paglalaro ng agawan ng panyo.
GOD
BLESS
YOU
ALWAYS

You might also like