You are on page 1of 12

Page |1

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

DIVISION RBI SCRIPT IN FILIPINO GRADE 5

MELC: Naibibigay ang angkop na pamagat ng tekstong napakinggan (F5PN-Ii-j-17)


Quarter: Third Quarter
Episode: Week 8
Schedule: April 11, 2022
Length: 25 minutes
Scriptwriter / Broadcaster: JASMIN C. GALOPE

Time Technical SPIEL


Instructions
10:0 BIZ: INSERT SOA
PROGRAM ID
0
1 Isang mapagpalang araw sa lahat ng nakasubabay sa ating
programa
2 ngayong araw. Lalong-lalo na sa mga ginigiliw kong mag-aaral ng
3 ikalimang baitang pati narin sa mga magulang na laging
4 nakasubaybay at gumagabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
On Camera
5 Nariritong muli ang inyong paaralang panghimpapawid na
6 Maghahatid sa inyo ng kaalaman at gagabay sa inyo tungo sa
7 pagkatuto ng Most Essential Learning Competencies.
SLIDE # 1
8 Ito ang Aral-Tarlakhenyo mula sa RTV-Tarlac Channel 26 at
9 sabayang naririnig sa DZTC 828 Radyo Pilipino Tarlac
10 Ako si Gng. Jasmin C. Galope, ang inyong titser broadcaster para sa
11 asignaturang Filipino.
12 Sumasahimpapawid mula sa bayan ng Victoria, Tarlac.
13 Halina’t samahan akong muli sa isang makabuluhang talakayan
BIZ: MSC UP AND
OUT
Page |2

14 Kumusta na kayo mga bata? Kumain na ba kayo? Natutuwa


15 ako dahil kayo ay nasa mabuting kalagayan at may laman na ang
16 inyong tiyan.
17 Nangangahulugan lang na kayo ay magiging ganado, alerto at
18 aktibo sa ating magiging talakayan ngayon. Bago tayo magsimula
19 sa ating aralin ay nais kong ihanda na ninyo ang inyong Modyul
sa Filipino, papel at panulat.
20 Handa na ba ang mga ito? (PAUSE) Mabuti naman kung ganoon
21 Ngayon naman ay siguruhin na kayo ay nasa isang tahimik at
22 komportableng lugar kung saan malinaw at maayos ninyong
23 naririnig ang ating broadcast. Para makapagbahagi sa ating
On Camera aralin
24 maari kayong magpadala ng inyong katanungan o kasagutan sa
25 numerong 09663989361 o kaya sa aking facebook messenger
SLIDE # 1 26 account na Jasmin Galope sa mga nakatututok naman sa ating
27 livestream sa facebook man o sa youtube maaring makibahagi sa
28 pamamagitan ng pagtype ng inyong kasagutan sa ating
29 comment section.
30 Paalala lamang sa mga magulang ng mga mag-aaral na
31 nakasubaybay sa facebook livestream, mangyari lamang na
32 gabayan ang inyong anak sa paglalagay ng komento dito.
33 Tiyaking ang kanilang ikokomento ay may kinalaman sa
34 kanilang aralin. Maraming Salamat.
35 Mga bata handa na ba kayo?
36 Bilang hudyat na kayo ay handa na sabihin ang mga salitang
37 “Handa na ako!” Naku, talagang handang handa na nga kayong
matuto ng bagong kaalaman!
BIZ: MSC UP AND
OUT
On Camera 38 Bago tayo dumako sa ating bagong aralin ngayon, tayo muna ay
39 magbalik – aral sa inyong natalakay na aralin noong nakaraang
Page |3

40 linggo. Ating alamin kung natatandaan niyo pa ito sa


41 pamamagitan ng pagsagot ng isang maikling Gawain tungkol
42 dito.
43 Ang panuto: Suriin ang salitang nakahilig sa pangungusap. Ibigay
ang kasingkahulugan/kasalungat upang mabuo ang diwa nito.
SLIDE # 2
Gawing gabay ang mga salitang nasa panaklong pagkatapos ng
pangungusap.
44 Para sa unang bilang
45 Malakas ang tunog ng telebisyon. Maaari bang gawin mong
SLIDE # 3 __________________ upang mapakinggan ang anunsiyo ni kapitan sa
labas?
46 Ano ang kasalungat ng salitang nakapahilig na Malakas?
47 Kung ang sagot niyo ay Mahina. Mahusay! Tama ang inyong
SLIDE # 4
kasagutan.
48 Ikalawa
49 Masaya siya ngayon dahil kapiling niya ang kaniyang pamilya

SLIDE # 5 ngunit
__________________ siya kapag siya ay nasa ibang bansa na.
50 Ano ang kasalungat ng salitang nakapahilig na Masaya?

SLIDE # 6 51 Magaling! Malungkot ang kasalungat nito.


52 Ikatlo
53 Matayog ang lipad ng saranggola ko kaya hayun lampas pa sa
__________________ na puno ng niyog.
SLIDE # 7
54 Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakapahilig sa
pangungusap?

SLIDE # 8 55 Tama! Mataas ang kasingkahulugan ng Matayog.


SLIDE # 9 56 Ikaapat
57 Gastador si Mayet kaya wala siyang naiipon hindi tulad ng
kapatid na si
Page |4

Celine na dumami ang ipon sapagkat __________________ sa pera.


58 Ano ang kasalungat ng gastador?

SLIDE # 10 59 Mahusay! Ang kasalungat ng gastador ay matipid.


60 Ikalima
61 Kabigha-bighani ang mga kalahok sa paligsahan. Wala kang
itulak
SLIDE # 11 kabigin dahil lahat sila ay __________________.
62 Ano ang kasingkahulugan naman ng salitang nakapahilig sa
pangungusap?

SLIDE # 12 63 Magaling! Magaganda ang kasingkahulugan ng kabigha-bigahani.


64 Mga bata nakasagot ba kayo ng tama sa ating balik-aral?
On Camera Mahusay
kung ganoon. Natutuwa ako dahil natatandaan niyo pa ang
inyong

SLIDE # 13 65 nakaraang aralin. Dahil diyan ay maari na tayong dumako sa


ating bagong aralin ngayon.
66 Sa araling ito ay mas lalo mong mapalalawak ang iyong
kaalaman sa
67 PAGBIBIGAY NG ANGKOP NA PAMAGAT SA TEKSTONG
SLIDE # 14
NAPAKINGGAN
68 PAGBIBIGAY NG ANGKOP NA PAMAGAT SA TEKSTONG
NAPAKINGGAN
On Camera 69 Ating simulan ang ating aralin sa pakikinig ninyo ng isang teksto
na aking babasahin. Nais kong making kayong mabuti at
sagutin ang mga tanong tungkol dito pagkatapos itong basahin.
SLIDE # 15
70 Ang pamagat ng teksto ay
SLIDE # 16 71 Ang Gitnang Luzon

SLIDE # 17 72 Ang Gitnang Luzon ay isang malaking kapatagan kung saan


Page |5

inaani ang karamihan sa bigas na kinakain sa araw-araw. Ang


mga lalawigang bahagi ng Gitnang Luzon

73 ay Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at

SLIDE # 18 Zambales. Ang mga naninirahan sa rehiyong ito ay gumagamit ng


apat na etnolinggwistikong pangkat:
74 Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Pangasinense. Taglay ng

SLIDE # 19 rehiyon ang pinakamalaking kapatagan sa bansa at gumagawa


ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa kaya
75 binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" ("Rice Granary
SLIDE # 20 of the Philippines")

76 Nakinig ba kayong mabuti sa aking binasang teksto? Mabuti


SLIDE # 21
naman kung ganoon. Ngayon ating alamin kung
nauunawaan ninny ang kwentong ating binasa. Sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong tungkol dito.

77 Unang tanong
SLIDE # 22
78 Ano ang pinag-uusapan sa tekstong iyong napakinggan?
79 Mahusay! Ang Gitnang Luzon
SLIDE # 23
80 Pangalawang tanong
SLIDE # 24
81 Ano ang bansag sa gitnang Luzon?
82 Magaling! Ang bansag sa Gitnang Luzon ay Bangan ng Bigas ng
SLIDE # 25
Pilipinas o Rice Granary of the Philippines sa Ingles.
83 Ikatong katanungan
SLIDE # 26
Bakit “Ang Gitnang Luzon” ang angkop na pamagat ng teksto?
84 Magaling! Nagsasalaysay ito tungkol sa katangian ng Gitnang

SLIDE # 27 Luzon kaya ang pamagat ng tekstong iyong napakinggan ay Ang


Gitnang Luzon.
85 Paano ba ang tamang pagbibigay ng angkop na pamagat?
SLIDE # 28
Page |6

86 Tandaan na

SLIDE # 29 87 Ang pamagat ay dapat nakapupukaw ng atensiyon ng


mambabasa.
88 Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin muna ang
paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay
nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang pangunahing
SLIDE # 30
diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento.
Ang paksang pangungusap ang pinagtutuunan ng mga detalye
upang mabuo ang pangunahing diwa ng talata o kuwento.

SLIDE # 31 89 Gawing maikli ang pamagat.


90 Gumamit ng malaking letra sa mga mahahalagang salita sa
SLIDE # 32
pamagat ng talata o kuwento.

SLIDE # 33 91 Halimbawa: Pag-iwas sa Sakit na Dengue


SLIDE #34 92 Malinaw ba ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na
pamagat?
93 Subukan natin sa susunod na halimbawa.

94 Si Lapu-Lapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni


Magellan ang Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo
ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapu-Lapu at naganap ang
SLIDE # 35
digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo
ni Lapu-Lapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa
laban.
95 Ano kaya ang magandang pamagat para sa tekstong ito?
a. Si Lapu-Lapu

SLIDE # 36 b. Ang Digmaan ng Kastila


c. Ang Pagkasawi ni Lapu-Lapu
d. Ang Hari ng Espanya
96 Magaling! Ang angkop na pamagat ng teksto ay LETRANG
SLIDE # 37
97 A. Si Lapu-Lapu.
SLIDE # 38 98 May iba’t ibang paraan kung paano protektahan ang iyong sarili,
Page |7

pamilya, at komunidad sa virus. Ang pinakaepektibong paraan


ay ang madalas na paghugas ng iyong mga kamay gamit ang
sabon at tubig na hindi kukulang sa 20 segundo lalo na
pagkatapos manggaling sa isang pampublikong lugar o
pagkatapos ng pagsinga, pag-ubo, o pagbahing. Mahalaga na
iwasan ang mga taong maaaring makahawa at iwasan ang mga
lugar na maraming tao upang maprotektahan ang iyong sarili at
ang ibang tao. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit at
walang mahalagang pupuntahan.
99 Ano ang pamagat ng teksto?
A. Ang Coronavirus

SLIDE # 39 B. Paghuhugas ng Kamay


C. Paglaganap ng COVID-19
D. Proteksiyon sa Sarili Laban sa COVID -19
100 Ano ang tamang Kasagutan? Mahusay! Letrang
SLIDE # 40
101 D. Proteksiyon sa Sarili Laban sa COVID -19
102 Dahil naibigay niyo ang angkop na pamagat ng tekstong inyong
napakinggan, maaari mo nang ipagpatuloy ang pagsusuri sa
SLIDE # 41
tamang pagbibigay ng pamagat sa susunod na gawain.
103 Ating pagyamanin ang inyong kaalaman at subukin ang inyong
bagong kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot ng isang
Gawain.
104 Ang Panuto para sa gawaing ito ay: Piliin ang tamang letra ng
SLIDE # 42
angkop na pamagat sa sumusunod na babasahing teksto.
SLIDE # 43 105 Para sa unang bilang
106 Tumataas ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19
sa Zambales. Ito ang dahilan upang paigtingin ang kanilang
paraan upang maiwasan ang mas lalong paglobo nito. Patuloy na
ipinagbabawal ang paglabas ng mga bata at matatanda. Maigting
na pinaiiral ang mga curfew sa bawat barangay. Hindi
Page |8

pinahihintulutan ang mga pagdiriwang at pinagbabawalan ang


lahat na pumunta sa mataong lugar. Ang wastong pagsunod sa
mga panuntunang pangkalusugan ay mahigpit na ipatutupad
tulad ng pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay. Ilan
lamang ang mga ito sa kautusan ng lalawigan upang sugpuin ang
pagtaas ng nagpopositibo sa COVID-19.
107 Ano ang pamagat ng teksto?
A. Pagsusuot ng Facemask

SLIDE # 44 B. Ang Pandemya sa Zambales


C. Ang Paglaganap ng Pandemya
D. Pagtaas ng Nagpositibo sa COVID -19
108 Mahusay ang tamang kasagutan ay letrang
SLIDE # 45
109 C. Ang Paglaganap ng Pandemya
110 Pangalawa
111 Ang Dugong dugon o mas kilala sa karaniwang tawag na dugong
ay hayop na naninirahan sa Karagatang Indian at sa Kanlurang
bahagi ng Karagatang Pasipiko. Sa Pilipinas, makikita ang mga
dugong sa mga baybayin ng Isabela, Quezon, Mindoro, Palawan,

SLIDE # 46 Panay at Mindanao, subalit mayroon ding mga dugong sa ilang


bahagi ng Africa, Australia, at iba pang bansa sa Asya. Umaabot
sa sampung talampakan ang haba ng isang dugong at maaari
namang umabot sa mahigit 300 kilo ang bigat nito. Nabubuhay
sila sa pagkain ng damong-dagat sa mababaw na bahagi ng
karagatan.
112 Ano ang pamagat ng teksto?
A. Ang Dugong

SLIDE # 47 B. Pagkain ng Dugong


C. Mga Karagatan sa Asya
D. Ang Karagatang Pasipiko
SLIDE # 48 113 Magaling! Ang tamang sagot ay letrang
Page |9

114 A. Ang Dugong


115 Ikatlo
116 Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan
mayroong mahigit limang daang uri ng pating. Karamihan sa uri
nito ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa

SLIDE # 49 tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na


pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay
umaabot sa habang labindalawang metro. Kinatatakutan ng mga
tao ang pating dahil sa paniniwalang umaatake ang mga ito sa
tao.
117 Ano ang pamagat ng teksto?
A. Ang Butanding

SLIDE # 50 B. Karniborong Isda


C. Mga Uri ng Pating
D. Limandaang Uri ng Pating
118 Tumpak! Ang sagot ay letrang
SLIDE # 51
119 C. Mga Uri ng Pating
120 Ikaapat
121 Magalang na bata si Joy. Lagi niyang binabati ang kanyang mga
nakasasalubong. Gumagamit siya ng po at opo sa pakikipag-usap
sa mga matatanda. Hindi siya nagtataas ng boses sa pakikipag-

SLIDE # 52 usap sa nakatatanda sa kaniya. Minsan hindi niya sinasadyang


maitulak ang kaklase niya. Agad-agad siyang humingi ng
paumanhin dito. “Paumanhin,
hindi ko sinasadyang maitulak ka. Sana hindi ka nasaktan,” ang
sabi niya sa kaklase.
SLIDE # 53 122 Ano ang pamagat ng teksto?
A. Paggalang
B. Pagbati sa Nakatatanda
C. Ang Magalang na Bata
P a g e | 10

D. Paggamit ng Po at Opo
123 Mahusay! Ito nga ay letrang
SLIDE # 54
124 C. Ang Magalang na Bata
125 At ang panghuli
126 Ang pagkahilig ng mga bata sa kasalukuyan sa mga gadyet ang
isa sa malaking suliranin ng mga magulang. Nakaliligtaan na ng
mga bata ang pagkain sa tamang oras. Kulang na sila sa tamang
tulog dahilan upang ang
SLIDE # 55
iba ay magkasakit. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang
pag-aaral na siyang dahilan ng pagbaba ng kanilang marka. Ito
ay ilan lamang sa mga nakikitang hindi magandang epekto ng
pagkakaroon ng mga gadyet ng
mga bata sa murang edad lalo na sa kasalukuyan.
127 Ano ang pamagat ng
teksto?
A. Ang Epekto ng Gadget
SLIDE # 56
B. Pagtulog sa Tamang Oras
C. Mga Bata sa Kasalukuyan
D. Pagbaba ng Marka ng mga Bata
128 Kung ang sagot ninyo ay letrang

SLIDE # 57 129 A. Ang Epekto ng Gadget


130 Mahusay! Tama ang inyong kasagutan.
131 Sa lahat ng nakasagot ng tama sa katatapos lamang na Gawain,
On Camera
ay isang pagbati at lubos na paghanga sa inyong ipinakitang
kahusayan sa paksang Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa
Tekstong napakinggan. Lubos akong natutuwa sa aktibo ninyong
SLIDE # 58
pakikibahagi sa ating naging talakayan para sa araw na ito.
SLIDE # 59 132 Ngayon mga bata ano ang inyong dapat tandaan sa ating
natalakay ngayon? Inyong tandaan ang mga sumusunod
133 Ang pamagat ay dapat nakapupukaw ng atensiyon ng
P a g e | 11

mambabasa.
• Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin muna ang
paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay
nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang pangunahing
diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o
kuwento. Ang paksang pangungusap
ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang
pangunahing
diwa ng talata o kuwento.
• Gawing maikli ang pamagat.
• Gumamit ng malaking letra sa mga mahahalagang salita sa
pamagat ng talata o kuwento.
134 Tandaan ang mga detalyeng ito mga bata upang mapagbuti pa
ninyo ang inyong kakayahan sa pagbibigay ng angkop na
pamagat sa tekstong napakinggan.
BIZ: INSERT SOA
PROGRAM ID
135 Ayan mga bata , isang leksiyon na naman ang ating
napagtagumpayang natapos.
On Camera
136 Nawa lahat ng inyong natutuhan sa araw na ito ay maisaulo,
maisapuso at inyong maisabuhay
137 Ako si Gng. Jasmin C. Galope ang inyong guro
SLIDE # 60
sa Filipino. Sumasahimpapawid mula sa bayan ng Victoria,
Tarlac
138 Na nag-iiwan sa inyo ng kasabigang

SLIDE # 61 139 “Ang edukasyon ang pinakamainam na puhunan, upang


masigurong may maganda at mabuting patutunguhan “

SLIDE # 62 140 Hanggang sa muli. Maraming Salamat!


- END -

REFERENCE:
 MELC p. 219
P a g e | 12

 Filipino 5 – Ikatlong Markahan – Modyul 6, Aralin 2 : pp.1-24

Prepared by:

JASMIN C. GALOPE
Script Writer/Broadcaster

Reviewed and Evaluated by:

ALLAN T. MANALO, Ed.D.


Education Program Supervisor I – FILIPINO

Recommending Approval:

PAULINO D. DE PANO, Ph.D.


Chief Curriculum Implementation Division

Approved:

RONALDO A. POZON, Ph.D., CESO V


Schools Division Superintendent

Note: Approval Sheet for Division RBI Scripts in FILIPINO Grade 5 Fourth Quarter – Week 8

You might also like